เข้าสู่ระบบKABANATA 2:
Bandang hapon na nang payagan kaming umuwi ni Tiyo Ben. Dahil hindi na gaanong kadagsa ang mga customer sa bakery, napagpasyahan naming mag-bespren na lisanin na ang pwesto para makapagpahinga. "Feeling ko, bespren, gusto ka ni Vince," panimula ni Betty habang binabaybay namin ang daan pauwi. Hindi naman kalayuan ang bahay nina Betty kaya’t sanay na kaming maglakad habang nagkukuwentuhan. "Naku, Betty, malabo pa sa sabaw ng pusit na magkagusto ang gwapong lalaking ’yun sa akin," tugon ko sabay irap. "Hoy, Suzette Lopez! Paanong malabo, eh kitang-kita ko ang pagkindat niya sa’yo kanina?" nakapamewang na wika nito, tila hindi kumbinsido sa mga sinabi ko. "Baka naman may napuwing lang o sadyang ganoon lang siya sa lahat." "Eh, ’di sana kumindat din siya sa akin kahapon noong ako ang nagbantay?" salubong ang kilay na katuwiran nito. "Ewan ko sa’yo, bespren. Kahit ano pang sabihin mo, pag-aaral lang muna ang priority ko." Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at mabilis akong pumasok sa loob ng bakuran. "Tiya Bebe, nandito na po kami!" bati ko nang makapasok sa bahay. Si Tiya Bebe ang ina ni Betty—isang babaeng punong-puno ng pagmamahal na itinuring na akong parang tunay na anak mula nang maulila ako. "Kamusta ang araw niyo?" nakangiting bati niya mula sa kusina. "Ma, tanungin mo si Suzette kung gaano 'ka-bright' ang araw niya," nanunuksong hirit ni Betty. Alam ko na ang kasunod nito—hindi titigil si Tiya Bebe hangga’t hindi nailalabas ni Betty ang lahat ng tsismis. "Bakit, may lalaki ka na naman bang ipinakilala rito kay Suzette, Bettina?" taas-kilay na tanong ni Tiya. "Yung pamangkin nila Aling Magda at Mang Lito, Ma!" nakangising saad ni Betty. "Ay! May itsura nga ang batang iyon," pagsang-ayon ni Tiya Bebe. "Hindi naman malulugi ang lalaking ’yon kay Suzette. Maganda na, matalino, flawless, at sexy pa. Saan pa siya?" Minsan talaga, parang nilalako na ako ng dalawang ito, pero alam kong mula ito sa pagmamahal. "Naku, Tiya Bebe, mukhang mayaman po ang isang 'yun. Hindi kami bagay, simpleng estudyante lang ako at probinsyana." "Hindi naman nasusukat sa yaman ang pagmamahal, anak," seryosong saad ni Tiya Bebe habang nakatingin sa akin. "Malay mo, siya na pala ang nakatadhana para sa iyo." "Makapagtapos muna ang goal ko, Tiya. Gusto ko pong makatulong sa inyo at mabigyan ng mas malaking pwesto ng bakery si Tiyo Ben," madamdamin kong saad. "Hindi mo kami obligasyon, anak. Pero salamat dahil kasama kami sa mga pangarap mo," naluluhang sagot ni Tiya Bebe. Agad ko silang niyakap ni Betty. Nawala man ang mga magulang ko, sa pamilya nila, kailanman ay hindi ko naramdaman na ako'y nag-iisa. "Oh siya, tama na ang drama. Maligo na kayo at magpahinga. Tatawagin ko na lang kayo para sa hapunan," wika ni Tiya sabay punas ng luha at balik sa pagluluto. Kinagabihan, habang payapa kaming nakahiga ni Betty, isang malakas na katok sa pinto ang bumasag sa katahimikan. "Suzette, may bisita ka," tawag ni Tiya Bebe mula sa labas. Napaunot ang noo ko. Sino naman ang bibisita sa akin ng ganitong oras? Alas-otso na ng gabi. "Lalabas na ho, Tiya," sagot ko habang inaayos ang buhok bago lumabas ng silid. Pagbaba ko sa sala, tila tumigil ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko. Nanigas ako sa kinatatayuan nang makita ang lalaking prenteng nakaupo sa aming sofa. "V-Vince?" Lumingon siya sa akin at ginawaran ako ng isang matamis na ngiti—ang uri ng ngiti na nagpapakita ng kanyang mapuputi at pantay na ngipin. "Hi, Suzette," bati niya. Nanatili akong nakatayo sa huling baitang ng hagdan, parang nawalan ng lakas ang aking mga binti para humakbang papalapit. "Suzette, ano pang ginagawa mo riyan?" tanong ni Tiyo Ben na kalalabas lang ng kusina. Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto ni Vince, ang puso ko’y tila tambol sa lakas ng tibok. "A-Anong ginagawa mo rito?" nauutal kong tanong. "Umaakyat ng ligaw," kaswal niyang wika habang bahagyang kinakamot ang batok, bakas ang kaunting hiya sa kanyang mga mata. "S-Sorry... ano ’yun?" tanong ko ulit, umaasang mali lang ang narinig ko. "Gusto kitang ligawan, Suzette," pag-uulit niya, mas malinaw at mas panatag sa pagkakataong ito. "ANO?!" Halos mapatalon ako sa gulat. Sa bilis ng pangyayari, parang hindi agad naproseso ng utak ko ang binitawan niyang mga salita.KABANATA 21:Hindi nagkaroon ng barilan. Hindi rin nagkaroon ng habulan. Ang itim na sasakyang humarang sa amin ay isa lamang pagkakamali ng isang lasing na driver na mabilis ding umalis matapos naming businahan. Ngunit sa loob ng kotse, ang katahimikan ay mas mabigat pa sa anumang putok ng baril.Nang makarating kami sa tapat ng apartment ko, hindi agad bumaba si Ezekiel. Nakatitig lang siya sa manibela, ang kaniyang mga kamay ay nananatiling mahigpit ang kapit."Bakit mo ginawa 'yun?" tanong niya nang hindi man lang lumingon. "Bakit mo ako pinoprotektahan gayong ang tingin mo sa akin ay isang estranghero na kinalimutan ka?""Dahil kahit anong pader ang itayo mo, ikaw pa rin ang lalaking pinili kong makasama habambuhay," sagot ko, pilit na pinapatag ang aking boses.Lumingon siya sa akin. Ang kaniyang mga mata ay hindi na galit, hindi na malamig. Puno na ito ng pagod. Isang uri ng pagod na tanging ang mga taong nawawala sa sariling alaala lang ang nakakaramdam."Suzette," aniya, ang
KABANATA 20: SUZETTE’S POV Nanginginig ang aking mga daliri habang binabasa ko nang paulit-ulit ang mensahe sa aking cellphone. “Ang asawa mo ang susunod. Huwag kang lalapit sa kanila kung ayaw mong madamay.” Sino ang nagpadala nito? Ang mga tauhan ba ni Donya Magda? O may iba pang taong gustong magpabagsak sa mga Morgan? Sa gitna ng kaguluhan sa loob ng ballroom, pakiramdam ko ay nakatutok sa akin ang lahat ng mata. Mabilis kong ibinulsa ang aking cellphone bago pa man ito mapansin ng sinuman. Kailangan kong makita si Ezekiel. Sa kabila ng pagiging malamig niya, sa kabila ng sakit na ibinibigay niya sa akin araw-araw, siya ang asawa ko. Siya si Vince. At hindi ko hahayaang may mangyari sa kaniya. Dali-dali akong tumakbo patungo sa parking lot. Ang mga security ay nagkakagulo, may mga pulis na nagsisimula nang mag-inspeksyon sa paligid. Nakita ko ang sasakyan ni Sir Andres na puno ng mga tama ng bala. Walang tao sa loob, kaya nabunutan ako ng konting tinik—buhay siya. "Suzette!
KABANATA 19: Ang Morgan Group of Companies ay kilala sa pagho-host ng mga pinakamahuhusay na charity gala sa bansa. Ang gabing ito ay walang pinagkaiba ang kristal na chandelier, mga bilyonaryong nakasuot ng tuxedo, at mga babaeng balot ng mamahaling alahas. Para sa akin, ito ang pinakamahabang gabi ng aking buhay. Bilang executive secretary ni Sir Andres, ang trabaho ko ay siguraduhing walang magiging aberya sa flow ng event. Pero sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang matatalim na tingin ni Ezekiel. Nakatayo siya sa gilid ng VIP lounge, umiinom ng scotch habang kausap ang ilang mga investors. Kahit malayo, alam kong nakamasid siya sa bawat kilos ko. "You look breathtaking, Suzette," isang pamilyar na boses ang nagpabalik sa akin sa realidad. Humarap ako at nakita si Alexis. Suot niya ang isang midnight blue tuxedo na lalong nagpalutang sa kaniyang asul na mga mata. Inabot niya ang kamay ko at bahagyang hinalikan ang likod niyon. "Alexis? Hindi ko akalaing darating ka," sagot
KABANATA 18: SUZETTE’S POV Lumipas ang mga araw matapos ang gabi ng dinner namin ni Alexis, at tila mas lalong bumigat ang hangin sa loob ng Morgan Group. Inaasahan ko na pagkatapos ng pagsugod ni Ezekiel sa restaurant at ang pag-amin ko sa kaniya tungkol sa aming nakaraan, may magbabago. Kahit katiting na paglambot man lang. Pero nagkamali ako. "Ms. Lopez, I believe I asked for the Palawan liquidation reports an hour ago. Bakit wala pa ito sa desk ko?" malamig na boses ni Ezekiel ang bumasag sa katahimikan ng opisina ko. Naka-de-kwatro siya sa swivel chair, ang kaniyang mamahaling suit ay walang gusot, at ang kaniyang mga mata ay tila dalawang pirasong yelo na nakatitig sa akin. Wala roon ang bakas ng kalasingan o ang "Vince" na panandalian kong nakita noong gabi sa apartment. "Sir, pinapirmahan ko pa po kay Sir Andres. Kagagaling lang po niya sa London at marami siyang kailangang i-clear," mahinahon kong sagot habang inilalapag ang folder sa harap niya. Kinuha niya ang folder
KABANATA 17: SUZETTE’S POV Hindi ko na hinayaan pang humaba ang gulo sa restaurant. Sa tulong ni Alexis, naisampa namin si Ezekiel sa backseat ng sasakyan ko. Bakas sa mukha ni Alexis ang pag-aalala, pero naging gentleman pa rin siya hanggang huli. "Sigurado ka bang kaya mo siya, Suzette? I can drop both of you off," alok ni Alexis habang nakatingin sa lasing at halos bagsak na si Ezekiel. "Kaya ko na siya, Alexis. Maraming salamat sa gabing ito... at sa pakikinig sa akin," tapat kong sagot. Tumango siya at hinawakan ang balikat ko. "Take care. And remember, Suzette... don't let him break you again." Nang makaalis si Alexis, dinala ko si Ezekiel sa maliit kong apartment. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa mansyon ng mga Morgan sa ganitong kalagayan—tiyak na pagpipiyestahan siya ng mga katulong at baka magalit pa si Sir Andres. Hirap na hirap ko siyang inakay paakyat sa unit ko. Pagpasok namin, agad ko siyang inihiga sa aking kama. Ang kaniyang polo ay gulo-gulo, at ang kaniy
KABANATA 16:SUZETTE’S POVNasa isang napakagandang rooftop restaurant kami sa Bonifacio Global City. Mula rito ay tanaw ang kumukutitap na mga ilaw ng Maynila, pero ang isip ko ay naiwan pa rin sa opisina—sa mahigpit na hawak ni Ezekiel at sa kaniyang biglaang pagsigaw na "She's mine!""You're drifting away again, Suzette," malambing na pukaw ni Alexis sa akin. Bahagya niyang ginalaw ang wine glass niya at tipid na ngumiti. "Hindi mo pa nagagalaw ang steak mo.""Pasensya na, Alexis. Marami lang talagang iniisip," hingi ko ng paumanhin.Ibinaba ni Alexis ang kaniyang kubyertos at seryosong tumitig sa akin. Ang kaniyang asul na mga mata ay tila naghahanap ng katotohanan. "It’s about him, right? About Ezekiel. Or should I say... Vince?"Napatigil ako sa paghiwa ng pagkain. Kinabahan ako. Paano niya nalaman ang pangalang iyon?"Don't be surprised, Suzette. I told you, I’m a businessman. I don't go into partnerships without knowing the people I’m dealing with. I did some background







