Share

Chapter 2

Penulis: Anne_belle
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-10 21:11:14

Sa sobrang inis ko sa paghila sa akin ni Sherwin ay naisipan ko na lang na umuwi. Agad akong tumawag ng taxi na dumadaan. Nang pasakay na ako at nabuksan ang sasakyan saka ko lang naalala na hindi ko pa pala nabibili ang kailangan ko.

"Bwisit talaga!!"

Nang makarating ako sa mansyon. Iniisip ko kung sino ang pwedeng utusan. Kailangan ko talagang makabili agad para maiwasan ang hindi magandang kalalabasan. Hindi sa hindi ako handang maging ina, sadyang ayoko lang na mabuntis ng lalaki iyon. Mahirap na kung siya ang magiging ama ng dinadala ko.

Hindi maipinta ang mukha ko habang papasok. Pero hindi pa ako tuluyang nakakatungtong sa sala nang marinig ko ang nakakairitang boses mula sa seond floor ng aming mansyon.

"Sa tingin ko napagalitan ka na naman. Ang tanda mo na kasi wala ka pa ding kinatandaan.

Well, deserve mo naman ang araw-araw na sermunan dahil sa pagiging pasaway mo." Siya si Cheska. Ang paboritong anak sa labas ni Dad at ang babaeng umaahas sa fiance ko. Walang oras na hindi niya ako tinantanan. Palagi siyang ganyan, si-sulsol at si gatong.

Kung noon nanahimik ako at hinahayaan lang siya pero hindi na ngayon. Tiningnan ko siya ng malamig at inirapan bago naglakad sa sala habang nagsasalita.

"Look who's talking! Sino kaya sa atin umaahas? Hindi ba pumunta ka sa reception room namin ni Sherwin bago pa man maganap ang engagement party naming dalawa? Hindj ba mas pasaway kang higit kaysa sa akin?" Taas ang noo kung tanong sa kaniya. Namutla siya, hindi niya siguro akalain na may alam ako sa pang-aahas niya sa magiging asawa ko.

Ngumisi siya. Kaya naman nagtaka ako. Halatang hindi siya nagsisisi sa ginawa niya at mukhang nagmamalaki pa siya. "And so? Sino naman ang maniniwala sa iyo? Kahit sabihin mo iyan kay Dad, hinding hindi ka niya paniniwalaan. Kahit lumuhod ka pa. Ano man ang relasyon namin ni Sherwin. Labas ka na doon." Nanggigil akong nakatingin sa kaniya. Ang kapal ng mukha niya. Sobrang kapal katulad ng kaniyang ina.

Tama naman siya e, kahit kailan hindi na nagkaroon ng kahit kaunting awa sa amin ang aking ama. Palagi niya na lang akong pinapangakuan pero hindi siya tumutupad. Wala akong ibang magagawa kundi ang magpakasal kay Sherwin para mailigtas ko ang aking kapatid.

Bago pa ako makasagot ay tumunog ang doorbell. Kasunod nito ang kasambahay na nagmamadaling pumunta sa study room ni Dad. Tumingin kami sa main door at nakita ko doon sj Benedict.

Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito.

Tatanggapin na kaya niya ang alok kong kasal?

Bago pa masagot ang tanong ko ay dumating na si Dad. Lumabas siya sa kaniyang study room.

Nakaitim na suit si Benedict, matikas, malamig at seryoso itong tumingin.

Ngumiti naman si Dad sa kaniya ag nakipagkamay. "Nandito po ako para tanungin kung matutuloy po ba ang engagement party bukas o kung may kailangan po kayo." Seryosong sabi ni Benedict kay Daddy.

"Naku iho! Mas magandang pag-usapan natin iyan habang kumakain. Malapit na din ang hapunan, maghintay ka lang sandali at magpapahanda ako sa mesa ng makakain natin." Masayang alok ni Dad pero mukhang wala ng oras tumanggi si Benedict dahil pinaupo na niya ito sa sala. Kinausap ang maid namin at inutusan.

Nakatingin lang ako nang mag pagtataka. Si Sherwin ang mapapangasawa ko, siya ang dapat nandito para alamin ang tungkol sa kasal namin. Pero mukhang wala talaga siyang oras para asikasuhin ito kaya si Benedict ang dumating sa ngalan ng mga Sanmigeo.

"Kayong dalawa, pumunta na kayo sa kusina, tingnan niyo kung handa na. Kakausapin ko lang muna si Mr. Sanmiego. Hindi siya pwedeng mainip dito." Sita ni Dad sa amin. Kahit hindi pa ako nakakapagpalit at nakakarating s kwarto ko ay dumiritso ako sa kusina.

Nakita ko namang maayos na ang lahat kaya tinawag ko sila. Hindi ko akalain na sobra ang respeto ni Dad kay Benedict na parabg mas nakakatanda ito sa kaniya. Sobrang giliw na akala mo masisira na ang labi sa sobrang pagngiti.

Naupo ang lahat. Si Dad sa gitna, sa gilid niya si Benedict at sa hindi malamang dahilan ay naupo si Cheska sa tabi ni Benedict. Napairap na lang ako ng palihim dahil dito. Nasa tapat naman ako ni Benedict at napataas siya ng kilay dahil ss pag-irap ko. Nahuli niya ang lihim kong ginagawa.

"Hindi ba naayos na ang mga kailangan sa engagement. Ano pa bang kulang? May iba pa bang ibilin ang iyong mga magulang at si Mr. Sanmiego?" Tanong ni Dad.

Hindi naman sumagot si Benedict. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nagbrowse doon gamit ang kaniyang hintuturo.

Sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng pagkainit. Biglang pumasok sa isip ko ang mga sandaling ang mga daliring iyan ang naglalakbay sa buong katawan ko. I felt horny seeing his elegant way. Ang saraaaap...

Alam ko na. Inalis ko ang suot kong sandal ng palihim at palihim na ipinatong sa mga hita ni Benedict sa ilalim ng lamesa. Wala na akong pakialam kung may fiance ako at iyon ang pinag-uusapan namin ngayon. Ang nasa isip ko lang ay si Benedict ang maaiinit naming pinagsaluhan.

Ilang sandali pa at walang pagbabago sa mukha ni Benedict habang nandoon ang paa ko. Kaya naman gamit ang paa ko, hinagot ko ang hita niya. Pinilit kong abutin ang pagkalalaki niya hanggang makakaya. Pero kahit anong pang-aakit ang gawin ko, walang ekspresyon mula kay Benedict. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa marinig ko ang malanding boses ni Cheska.

"Mabuti naman at napadaan ka. Kahit ang dami mong ginagawa, nagkaroon tayo ng oras para kumain ng magkakasabay."

Respetado sa industriya si Benedict. May sarili itong pangalan kaya lahat ng babae ay pinapangarap siyang mapakasalanan at isa na doon si Cheska.

Hindi siya kagandahan para mabinggit ang dalawang magkapatid. Sadyang malandi lamang siya. Letse!

Ilang sandali pa ang lumipas pero wala kaming narinig na sagot kay Benedict. Kahit ako naman ang tanungin, wala akong magiging sagot sa walang kwenta niyang sinabi. Natawa naang ako paano ko naging nonchalant si Benedict.

"Benedict?!" Muling tanong ni Cheska kay Benedict. Pero hindi pa din pinansin ni Benedict si Cheska. Sa halip ay tumingin kay Daddy. "Ito ang pag-usapan natin!"

"Oo naman! May iba ka pa bang nais baguhin. Wag kang mag-atubili kung may nais kang ayusin pa. Pakikinggan kita." Magalang at halatang excited si Daddy habang sinasabi ito. Napairap na lang ako dahil alam kong pera lang dahilan kung bakit siya ganyan.

Pero lang ang mahalaga sa kaniya....

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Game: His Brother, My Lover   72

    Pagkatapos kong mahiga, akala ko makakabawi rin ako ng tulog. Pero biglang tumunog ang phone ko. May text.【Come find me tomorrow night.】Binasa ko, pero hindi ko sinagot. Dalawang minuto, limang minuto, sampu. Wala akong balak mag-reply. Nasa sobrang pagod na ako.Pero maya-maya, nag-ring ulit. Diretso tawag. At imbes na pakiusap, utos agad ang tono:“Pumunta ka sa kumpanya ko within an hour. Dalhin mo ‘yung lunch box na niluto mo.”Napasinghap ako, napaigtad pa nga sa kama. 12:24 na ng madaling araw. Sino bang normal na tao ang ipapapunta sa opisina nang ganitong oras para lang magdala ng lunch box?Pero ito ang totoo: may kontrata ako. Nakapirma, malinaw na nakalagay — “on call 24/7.” Kahit anong oras siya mag-utos, kailangan kong sumunod.Kaya kahit mabigat pa ang katawan ko sa pagod — ilang araw na akong puyat, walang pahinga sa kaka-revise ng design draft at kakahanap ng materyales — bumangon pa rin ako. Nagbukas ng ilaw, naghilamos, tapos dumiretso sa kusina para magluto ng kah

  • The Billionaire's Game: His Brother, My Lover   Chapter 71

    Pagkatapos ng gulo kina Sherwin at Cheska, wala na akong pakialam kung ano pang drama ang ginawa nila. Hindi ko na problema ‘yon. Ang malinaw lang sa akin, hindi niya ako nasamahan sa exhibit—at doon pa lang, sapat na. Tumawag pa siya, naghahanap sa’kin, parang gusto pang magpaliwanag. Pero malamig lang ang sagot ko:“Rushing ka buong araw? Tapos na ang exhibit.”Narinig ko ang pagkadismaya sa boses niya. Ramdam ko rin ang pagkahabol niya, yung desperasyon na hindi niya maitago kahit pa pilit niyang gawing normal ang tono. Gusto pa nga niyang mag-imbita ng dinner, na para bang sapat na ang isang meal para bawiin lahat ng napalampas. Pero bago pa siya makapagsalita ng buo, tinawagan na siya ni Daddy. Doon pa lang, tapos na ang usapan.“Kung sobrang busy ka, mas mabuti sigurong tigilan mo na ang pagbabadya dito sa trabaho ko. Nakakaperwisyo ka lang.”Diretso kong binaba ang tawag. Walang pasintabi, walang pag-aalinlangan. Hindi ko kailanman ugali ang magpaikot-ikot kapag malinaw naman a

  • The Billionaire's Game: His Brother, My Lover   Chapter 70

    Nang marinig ko ‘yon, agad na nanlaki ang mga mata ko at hindi ko maitago ang sobrang excitement sa dibdib ko.Hindi lang dahil sa pera ‘to—mas mahalaga kasi na ang kompetisyong ‘to, sobrang bigatin sa industriya.Kapag nakalampas ako sa lahat ng kalaban, mas lalaki ang pangalan ko at tuloy-tuloy ang pag-angat ng career ko.Kaya wala na akong inaksayang oras. Diretso akong nag-sign up.Nang malaman ‘yon ni sir Charles, ngumiti siya at binigyan ako ng thumbs up.“Magaling ka, bata. Gusto ko ang ambisyon mo. Simula ngayon, gagawin kong deputy team leader si Christian para tulungan ka sa daily work mo.”Pagkasabi niya n’on, agad kong naramdaman ang tingin ni Christian—puro sama ng loob.Ngumiti lang ako at dinala siya sa dinner para kahit papano, matigil ang reklamo niya.——Kinabukasan, bago pa sumikat ang araw at tulog pa karamihan, gising na ako. Lumuwas ako ng siyudad para mangalap ng inspirasyon.Maghapon akong bitbit ang simpleng gamit, paikot-ikot sa mga kanto at eskinita.Pagdati

  • The Billionaire's Game: His Brother, My Lover   Chapter 69

    Parang malakas na kampana ang tunog, dumagundong sa tenga ng lahat. Napatingin agad si Daddy kina Tita at Cheska, matalim ang mga mata habang mariing sinabi,“Kayong dalawa, bumalik na lang sa kwarto n’yo. Huwag na kayong gumawa ng gulo, o baka hindi ko na kayo palampasin.”Kita ko kung paanong gusto pa sanang sumagot ni Tita, pero nang magtama ang mga mata nila ni Daddy—sobrang lamig, sobrang bigat ng titig—nanginig siya at kinagat na lang ang labi niya. Wala siyang nagawa kundi alalayan si Cheska na umiiyak pa rin, kahit halatang ayaw na ayaw niyang umalis.Sa totoo lang, natatawa na lang ako. Ano ba ‘yong parang pinag-iinitan pa nila? Kung tutuusin, hindi ba’t lagi lang namang “pataas-baba” ang diskarte ni Daddy? Lakas ng dating, pero sa dulo, parang hinahagod lang. Hindi ba sila satisfied doon?Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pagkatapos, umusad ako paabante at iniangat ang USB sa harap ng lahat.“Dad, hindi puwedeng ganito lang ito matapos. Kailangan kong i

  • The Billionaire's Game: His Brother, My Lover   Chapter 68

    Medyo nanginginig pa yung boses ko, namumula na rin ang mga mata ko, at ramdam ko yung luha na pilit kong pinipigilan.“Shine…” Tumitig si Sherwin sa’min dalawa na halos pareho ang itsura ng mukha—parehong sugatan at kawawa ang peg—pero ang tanong niya, “Ano nangyari sa mukha ni Cheska?”Halos matawa ako. Sa dami ng puwede niyang itanong, si Cheska pa rin ang una niyang kinamusta. Hindi ba’t para na rin niyang kinumpirma na ako ang nakasampal kay Cheska?“Kuya Sherwin, huwag ka na magalit sa’kin. Ako na lang ang may kasalanan. Kung makakagaan ng loob mo na masampal ako, handa akong tanggapin ‘yon.”“Shine, kahit gaano ka man magalit, hindi mo puwedeng basta saktan si Cheska. Pag-usapan na lang natin.”“Ah, alam ko na gagawin mo ‘to.” ngumiti ako nang malamig.Kinuha ko ang phone ko sa pagitan ng sofa at unan, kitang-kita pa ang naka-open na recording app. Nang makita iyon ni Cheska, halos manginig siya sa takot.“Ate, paano kung i-play na lang natin ang video para malinaw kung sino ta

  • The Billionaire's Game: His Brother, My Lover   Chapter 67

    Noong naglabas ng apology statement ang media, natawa lang ako nang makita kong may kasunod na announcement mula mismo sa legal department ng Sanmiego Group. Ang tanong ko agad sa sarili ko: bakit kailangan pang makisali ng Sanmiego Group dito? …Si Benedict ba ang kumilos?Habang panay paliwanag at paghingi ng tawad sa telepono ’yung editor-in-chief, hindi ko na siya pinapansin. Hindi naman siya talaga ang target ko. Ang gusto kong singilin—si Tita. At to be honest, hindi na ako nagulat nang siya nga ang lumabas na may pakana.Pagkababa ko ng tawag, paikot-ikot ako sa kwarto, kinakagat pa ’yung kuko ko habang nag-iisip ng susunod na galaw. Hanggang sa napatingin ako sa phone ko, nakita ko ’yung number ni Sherwin. Huminga ako nang malalim bago ko siya tinawagan, at sa oras na sumagot siya, agad kong binitiwan ’yung boses na parang wasak na wasak:“Sherwin, nakita mo ba ’yung balita? Tumawag sa’kin ’yung editor-in-chief, si Tita raw ang nag-utos! Puntahan mo ’ko ngayon, kailangan nating

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status