Eilish is happy when she find out that she is pregnant. She texts her husband to tell the good news at nagmadaling umuwi. Having a baby is their dream, tatlong taon na silang kasal ng asawa niyang si Blaze and they tried so many times to have a baby pero nahihirapan sila. Ngayong natupad na ang pangarap nilang dalawa nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya.
Matagal niya na ring gustong bigyan ang asawa niya ng anak dahil alam niyang matagal na rin nitong gustong magkaanak. Nagmadali siyang umuwi, sunod sunod ang pagbusina niya ng maipit siya sa traffic.
“Bakit ngayon pa?” naiinip niya ng saad. Gusto niya ng masabi ang magandang balita sa kaniyang asawa. Paniguradong matutuwa rin ito. Hindi na tuloy siya makapaghintay na makauwi. Kung kailan naman siya nagmamadali ay dun pa siya naipit sa gitna ng traffic.
Nang makaalis na siya sa traffic ay mabilis ang patakbo niya, dala dala niya rin ang pregnancy test niya na nakabalot pa sa gift wrap.
“I know, he’s gonna be happy with my good news.” Nang makarating siya sa harap ng bahay nila ay mabilis siyang bumaba at pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Ang kaninang maganda niyang ngiti ay unti-unting nawawala dahil sa ingay na naririnig niya. Ang mabilis niyang paghakbang ay bumagal na. Napatingin siya sa nagkalat na mga damit sa sahig, sinundan niya ang mga ito hanggang sa makarating siya sa harap ng pintuan ng kwarto nila.
Ramdam niya na ang malakas na kabog sa dibdib niya.
“Ahhh! fuck me baby. Faster, more. Aaahhh!” sunod sunod ang paglunok niya ng marinig niya ang ingay ng isang babae.
“Moan my name babe.” Napahigpit ang hawak niya sa pregnancy test ng makilala niya ang boses ng lalaki. She’s really sure na boses iyun ng asawa niya, boses iyun ni Blaze. Ang kirot na nararamdaman niya ay mabilis na gumapang sa dibdib niya. Maraming katanungan ang pumapasok sa isipan niya. How can her husband do this to her? Matagal na silang magkasama, matagal na silang mag-asawa pero bakit? Sumuko na ba siya dahil hindi niya kaagad nabigyan ng anak ang asawa niya? naghanap na ba siya ng iba kung sino ang makakapagbigay ng anak sa kaniya?
Patuloy ang mga boses na naririnig niya sa loob ng kwarto niya. Nagpapakasarap sila sa loob habang siya ay nasasaktan sa naririnig. Bakit ang bilis niyang sumuko? Sinubukan niya naman na bigyan kaagad ng anak si Blaze, sinunod niya naman lahat ng payo ng Doctor pero bakit hindi man lang nakapaghintay sa kaniya si Blaze? Bakit ngayon pa kung kailan magkakaroon na sila ng anak?
Mabilis niyang pinalis ang mga lumandas na luha sa kaniyang pisngi at mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Hindi niya na kayang marinig ang lahat at lalong hindi niya kayang makita ang kababuyan ng asawa niya kasama ng kung sino mang babae niya.
Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa pag-iyak niya. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya, gusto niya ng makalayo, gusto niya ng umalis. Ayaw niya, hindi niya na kayang marinig ang ungulan nila sa loob ng pamamahay nila.
Nagpatuloy ang pagmamaneho niya, dahil sa nanlalabo ang mga mata niya ay pinunasan niya iyun. Nanlaki na lamang ang mga mata niya ng makita niya ang isang malaking truck sa harapan niya at alam niyang babangga siya dun. Kahit kabigin pa niya patungong ibang direksyon ang sasakyan niya ay babangga pa rin siya sa sasakyan.
Tila yumanig ang ulo niya dahil sa lakas ng impact nito sa kaniya, ramdam niya ang bahagyang pagkirot ng ilang bahagi ng katawan niya dahil sa pagtama nito sa sasakyan. Patuloy ang paglandas ng luha niya.
Ito na ba ang katapusan ko? hanggang dito na nga lang ba ako kasama ng baby ko?
Hindi niya alintana ang mga sugat na natamo niya sa katawan niya dahil mas nangingibabaw ang sakit sa puso niya dahil sa panloloko sa kaniya ng asawa niya at ang maaaring mangyari sa kanila ng baby niya.
Unti-unti niya ng ipinikit ang mga mata niya dahil sa panghihina.
Bumaba ang driver ng malaking truck at tiningnan ang sakay ng kotse, nanginginig ang buo niyang kalamnan dahil parang napatay niya ito. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid at ng wala naman siyang makitang tao na maaaring nakakita sa nagawa niya ay lumapit siya sa driver seat ng kotse. Nakita niya ron ang isang babaeng wala ng malay, pinulsuan niya rin ito pero mas lalo niyang naramdaman ang kaba sa dibdib ng halos wala na siyang makapang pulso.
Mabilis siyang bumalik sa sasakyan niya at dahil malapit lang naman sila sa sapa ay itinulak niya ang kotse ni Eilish patungong tubig. Natatakot siyang makulong sa nagawa niya. Minsan pa niyang inilibot ang paningin niya ng matagumpay niya ng nailubog sa tubig ang sasakyan ni Eilish kasama na rin siya. Umalis na ang lalaki at tila ba walang nangyari sa ginawa niya.
Sa kabilang banda naman ay mabilis na pumasok sa loob ng bahay si Blaze.
“Babe? Babe I’m home!” bakas ang saya at excited sa boses niya. Hinanap niya si Eilish sa lahat ng sulok ng kanilang bahay. Nang matanggap niya ang mensahe nito ay mabilis siyang nag-off sa opisina niya para makauwi kaagad. Pumasok siya sa loob ng kwarto nila, nagbabakasakaling nandun ang asawa niya. Nawala na lang ang ngiti sa labi niya ng ang nakita at naabutan niya ay si Camilla.
“Camilla, what are you doing here? Where’s Eilish?” kunot noo niyang tanong.
“Oh, ang aga mo namang umuwi. Nagpaalam siya sa akin kanina na may pupuntahan daw siya. Hindi pa naman siya bumabalik hanggang ngayon eh. Pagtimpla na lang muna kitang kape at hintayin mo na lang siya.” matamis niyang ngiting saad, bahagya lang namang tumango sa kaniya si Blaze. Nang makalabas na si Camilla, kapatid ni Eilish ay nagbihis na muna siya. Muli nanaman siyang napangiti ng maalala niya ang magandang balita ng kaniyang asawa.
Dumiretso naman na si Camilla sa kusina at nagtimpla ng kape, napairap na lang siya dahil si Eilish pa rin ang bukambibig ni Blaze. She’s in love with Blaze for how many years and she can do everything maangkin lang si Blaze.
“Wala pa rin ba siya?” muling tanong ni Blaze, hindi na siya makapaghintay na makita ang mahal niyang asawa at mahaplos ang munting anghel nila na nasa sinapupunan pa lamang.
“Wala pa eh, baka mamaya pa yun o baka naman may dinaanan lang. Wait mo na lang siya. Ito na pala kape mo, dun na muna ako sa garden.” Malumanay niyang wika, ang akala nilang anghel ay may itinatago pa lang kademonyohan.
She faked the recording and set her up. May ngiti sa kaniyang labi habang nagdidilig ng mga halaman. Hindi na siya makapaghintay na maangkin ang asawa ng kaniyang kapatid. Alam niyang hindi na ito uuwi dahil kitang kita niya ang sakit sa mga mata ng kaniyang kapatid kanina habang nakatago siya sa likod ng pader.
“La la la la la la.” Ang pag-awit niya kasabay ng pag-indayog ng kaniyang katawan. She can’t wait to be the next Mrs. Del Valle.
Hindi naman na mapakali si Blaze sa kinauupuan niya. Kanina pa nagtext ang asawa niya na uuwi na ito, naubos niya na rin ang kapeng tinimpla ni Camilla. Pabalik balik na siya sa paglalakad habang kunot na kunot ang kaniyang noo. Kinakabahan na dahil baka kung ano ng nangyari kay Eilish.
One hour later, hindi na siya mapakali kaya tinawagan niya na ang asawa niya subalit nakailang tawag na siya ay hindi niya pa rin makontak ang asawa niya. Malakas na ang kabog ng dibdib niya dahil hindi naman nagtatagal ang asawa niya sa labas ng bahay unless kasama siya.
“Wala pa rin ba? tawagan mo na kaya. Yung batang talagang yun, baka naman dumaan pa sa mga kaibigan niya?” singit ni Camilla na bagong pasok.
“No, you know her. Mas gusto niyang nasa loob siya ng bahay kesa manatili sa bahay ng kaibigan niya and besides, her friend is in the America. She texted me earlier na pauwi na siya. Where is she now?” muling napairap si Camilla, sa ngayon si Eilish ang magiging bukambibig niya pero darating ang panahon at makakalimutan niya na si Eilish.
Nilapitan niya si Blaze at tinapik ito sa likod.
“Uuwi rin yun, huwag kang mag-alala.” Wika niya saka naupo sa sofa, tila ba siya pa ang nagmamay-ari ng bahay. Nagtataka man si Blaze kung anong ginagawa nito sa pamamahay nila ay ipinagsawalang bahala niya na yun. Baka gusto lang niyang makita ang kapatid niya.
Naghintay pa si Blaze sa pag-uwi ng kaniyang asawa pero hindi pa rin siya mapakali kahit na minsan ay sinasabi ni Camilla na uuwi rin ito. He knows his wife very well, kapag sinabi nitong uuwi na siya ay pinakamatagal na ang 30 mins pero ngayon, tatlong oras na ay hindi pa rin umuuwi si Eilish.
Ilang araw simula nang lumipad ako patungong Italy at palihim silang pinapanuod sa tuwing lumalabas sila. Habang naglalakad ako mag-isa ay kunot noo kong tiningnan ang lalaking nasa harapan ko. Alam kong kilala niya ako, what he is doing here? Lumingon ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya dun pero wala naman ng ibang tao sa likuran ko kaya nilingon ko siya uli at alam kong ako nga ang tinitingnan niya dahil diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, napansin niya ba ako nitong mga nakaraang araw? Pinanuod ko siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sinuntok sa mukha. Sa sobrang lakas ramdam ko ang panandaliang pagkahilo ko. Nalalasahan ko na rin ang lasang kalawang sa labi ko. Tipid akong ngumiti saka pinunasan ang dugong nasa labi ko. “Is it that easy to leave and forget your family?! They are like a gem that I can’t afford to lose and it’s so easy for you to hurt them?! Anong klase kang lalaki? If she did something
Maraming beses akong nagduda sa tunay na pagkatao ni Beatrice pero hindi ko pinansin ang mga yun dahil iniisip kong baka masyado lang akong nangungulila kay Eilish. Ni hindi ko maiwasang hindi siya hanapin sa tuwing nawawala siya sa paningin ko, ni hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa.Napabuntong hininga na lang ako, pinakiramdaman ko ang puso ko kung ano bang special ang nararamdaman ko para kay Beatrice. Masaya akong sa loob ng maraming taon dumating na ang babaeng muling magpapagulo sa isip ko, sa buhay ko. Ang akala ko ay wala na akong pag-asang maghilom pa mula sa nakaraan, sa tuwing nawawala ako, sa tuwing kailangan ko ng makakasama she’s always there, siya yung palaging nakakahanap sa akin kung nasan ako.Nagtataka man minsan ay hindi ko binigyan ng pansin dahil mas binibigyan ko ng pansin kung ano bang nararamdaman ko sa kaniya. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, hindi ko na pinapansin yun dahil mas nakatuon ang atensyon ko kay Beatri
“We have a surprise for you, matagal mo na itong hinihiling diba? Ngayon, matutupad na namin ang hiling mo.” wika ni Jayson, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak ni Blaze sa kamay ko, ramdam ko na rin ang pamamawis nun, he’s really nervous.Nagbilang pa hanggang tatlo si Jayson saka niya inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mga mata ni Ethan. Napakurap-kurap na muna si Ethan hanggang sa mapatingin siya sa amin at mas lalo siyang napatitig kay Blaze.Maya-maya ay biglang humaba ang nguso niya at umiyak.“Hey, baby, why?” nagtatakang tanong ni Jayson, nagkatinginan kaming dalawa ni Blaze. Mas lalong lumakas ang iyak ni Ethan saka siya mabilis na tumakbo papunta kay Jayson. Nakatago siya ngayon kay Jayson habang umiiyak, hindi ba siya masaya o masyado namin siyang ginulat sa lahat?“Come here baby, come to Daddy. Don’t be afraid, don’t worry Daddy will not eat you.” pambibiro ni Blaze, kahit na kinakabahan siya ay kinausap pa rin niya si Ethan. Sinilip ni Ethan si Blaze at pahikb
“Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan ng ganito Eilish? What have I done to you para gawin mo sa akin ito?” halos mawasak ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. His voice crack at malayong malayo sa Blaze na madalas kong marinig na boses niya.“I, I don’t understand.” Naguguluhan kong saad, naghintay ako sa kaniya sa hospital, naghintay ako sa bahay pero hindi siya dumating. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita.“I was waiting for you, I hoped you would look for me but you didn’t come. Why is it so easy for you to leave and hurt me? Hinanap ko lang yung sarili ko Eilish, gusto ko lang mag-isip pero bakit ganun kabilis sayo para iwan ako at bumalik ka rito?”“Naghintay ako sayo sa hospital, sa bahay, sinubukan kitang hanapin Blaze pero hindi kita makita. Alam kong kalabisan na ang gusto kang makita at makausap pero sinubukan ko, hinanap kita sa mga posibleng lugar na pwede mong puntahan pero hindi kita makita.”“Is that enough? Sapat ba yung
Naaalala ko pa rin si Blaze, may balita man lang ba siya sa amin o talagang kinalimutan niya na kami? Umasa akong kahit papaano ay masaya siyang makilala ang anak naming dalawa pero mukhang nagkamali ako dahil kung talagang tanggap at gusto niya ang anak naming dalawa baka kahit nasa hospital pa lang kami ay pinuntahan niya na kami pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong pupuntahan niya kami.Nakarating kami ng airport at si Jayson ang may hawak kay Ethan. Ilang beses akong nalingon sa entrance dahil kahit imposible nagbabakasakali akong pupuntahan niya kami dahil kapag nagkataon baka siya ang maging kahinaan ko para hindi na bumalik ng Italy. Isang salita niya lang, marinig ko lang ang salitang gusto kong marinig baka sumunod at sumama na ako sa kaniya pero ang mga iniisip ko ay imposibleng mangyari.Paglingon ko sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Jayson, tipid niya akong nginitian. Alam kong kanina pa niya ako napapansin na parang may hinihintay dahil nasa entrance ang
Lumipas pa ang mga ilang araw, naghintay ako sa kaniya, hinintay ko siya pero hindi siya dumating. Umaasa akong pupuntahan niya ang anak namin kapag nagising na ito pero hanggang ngayon kahit nakalabas na si Ethan ay hindi ko man lang siya nakita. Mapait akong napangiti, maiintindihan ko kung hindi niya kayang tanggapin ang anak niya sa babaeng katulad ko, he deserve more at sana mahanap niya na ang kapayapaan at katahimikan sa buhay niya. Tahimik akong nakaupo at naghihintay dito, napatingin ako kay Ate Camilla nang makalabas na siya sa kulungan. Nakayuko siya at ibang iba na siya sa dati kong kapatid, gulo-gulo ang buhok niya at wala man lang kakulay-kulay ang mukha niya. Tahimik siyang naupo sa harapan ko, napatingin na lang ako sa metal na nakakabit sa kamay niya. Hindi ito ang pinangarap ko sa aming magkapatid, bakit kailangang masira ang samahan naming dalawa ng dahil lang sa inggit? Kung alam ko lang siguro na matagal niya ng minamahal si Blaze, noong mga panahon na hindi pa