Share

Kabanata 1.2

Bago sumapit ang gabi ay hinanap niya na si Eilish.

“Sasama ako sayo.” wika ni Camilla.

“Just stay here para malaman ko kung nakabalik na ba siya. Tawagan mo ako kaagad kapag nandito na siya.” malamig niyang aniya saka umalis. Malakas man ang ulan ngayon ay hindi niya na alintana, the most important for him is to find his wife. Halos libutin niya ang buong bayan nila makita niya lang si Eilish.

Hindi rin siya dinadalaw ng antok dahil sa pag-aalala niya. 24 hours later, 24 hours ng nawawala si Eilish. Bakas na rin ang puyat at pagod sa mukha ni Blaze. Alam niyang may nangyari sa kaniyang asawa, hindi naman ito mawawala ng ganun katagal kung may pinuntahan lang. Nagpapanggap na ring nag-aalala si Camilla pero may bahid ng ngiti sa likod ng plastic niyang mukha.

“Son, please rest for a while. Wala ka pang tulog Blaze, mahahanap natin si Eilish, mahahanap natin ang asawa mo.”

“I can’t wait Dad! Until now she’s missing. Makakapagpahinga lang ako kapag kasama ko na at nasa harapan ko na ang asawa ko.”

“At sa tingin mo matutuwa si Eilish kapag nadatnan ka niyang ganiyan? Come on son! Let’s calm our self first, maybe she want a space from us.” Mariing naipikit ni Blaze ang mga mata niya at pilit na kinakalma ang sarili.

“She don’t need a space and if that what she wants, I can give it her but the situation now is different Dad. She’s missing, my wife is missing.” May diin niyang aniya, hindi naman na nagsalita ang Daddy niya. Inintindi na lang nila ito dahil nawawala ang asawa niya. Lahat sila ay sinusubukan nilang maging kalmado. Lahat ng mga tauhan ni Blaze ay pinakilos niya na para halughugin ang buong Manila. Nagreport na rin sa pulis ang mga magulang ni Eilish kasama si Camilla.

Tumagal ng tatlong araw ang paghahanap sa kaniya. Halos dalawang oras lang din ang tulog ni Blaze dahil ayaw niyang huminto sa paghahanap kay Eilish. Pilitin man niyang matulog ay inaalala pa rin niya ang asawa niya.

Nang magring ang cellphone niya ay sinagot niya ito.

“Son, I got a call!” halos kumabog ang didbib niya sa sinabi ng kaniyang ama. “We need you here, I think they already found Eilish.” Hindi pa man natatapos ang sasabihin ng kaniyang ama ay mabilis niyang kinabig ang sasakyan niya pabalik ng kanilang bahay.

Pinuntahan na nila ang address na ibinigay ng mga pulis sa kanila at hindi na makapaghintay si Blaze na mayakap ang kaniyang asawa. Nang makarating sila sa isang lugar ay salubong na salubong ang kilay ni Blaze. Nagtataka kung anong ginagawa nila rito.

“Kayo po ba ang pamilya ni Miss Eilish?” rinig niyang tanong ng isang Pulis sa mga magulang niya.

“Kami nga po. Where is she? Bakit nandito po tayo officer?” lumapit si Blaze sa kanila.

“Sumunod na lang po kayo sa amin. Gusto lang po naming makita niyo kung anong nahanap namin.” nagtataka man sila ay sumunod na rin. Tahimik lang si Blaze at tila ba may kutob na sa sinasabi ng mga Pulis pero ayaw niyang paniwalaan lang ang iniisip niya.

Ipinakita ng isang officer ang isang damit, naikuyom ni Blaze ang kamao niya dahil alam niya sa sarili niyang damit iyun ng asawa niya.

“Anong gusto niyong gawin namin sa damit na yan? Asawa ko ang hinahanap ko hindi isang damit.” May diin niyang saad, niyakap ni Mrs. Bautista ang anak dahil ramdam niya na ang galit nito.

“Anak, pakiusap kumalma ka.” umiiyak ng saad ng kaniyang ina.

“Gusto lang po naming malaman kung nakikilala niyo ba ang damit na ito, natagpuan kasi itong palutang lutang dito sa ilog. Ang sabi niyo ay ilang araw ng nawawala ang asawa niyo.”

“Then what do you want to say?! that she’s gone? That my wife is dead?! You idiot! Do your job, ang ipinapahanap ko ay ang asawa ko at hindi ang kapirasong damit na yan!” galit na galit niya ng saad, bahagya namang napaatras ang pulis. Kilala nila ang isang Blaze Del Valle kung magalit, wala itong  sinasanto.

“Anak, please calm down.”

“How can I calm myself Mom if my wife is still missing?! Oh damn!  Find my wife!”

“Son,” humahagulgol ng saad ng kaniyang ina maging ang mga magulang ni Eilish ay umiiyak na rin. Kilala nila ang damit na yun ni Eilish. Paulit ulit na umiling si Blaze, maniniwala lamang siya kapag nakita niya na ang bangkay ng asawa niya.

“No, this can’t be. She’s alive, they are alive.” Nanghihina niyang saad, paanong ang masayang balitang nalaman niya sa asawa niya ay magiging ganito?

Nagpatuloy sila sa paghahanap, nanatili naman si Blaze sa loob ng kotse niya at halos wala na siyang lakas para sumama pa sa mga pulis na maghanap sa ilog. Mas gugustuhin niyang maghanap sa ibang lugar kesa sa ilog dahil alam niya kung ano ang kahihinatnan ng paghahanap nila.

“Babe, please stay alive. You know, I love you.” tahimik siyang umiiyak sa loob ng kotse niya. Ayaw niyang ipakita sa ibang tao ang kahinaan niya. Makalipas ang ilang oras ng paghahanap nila ay muli silang nakatanggap ng tawag. Mabilis nilang pinuntahan ang sinabi ng mga pulis, kung saan nila natagpuan ang kotse ni Eilish.

Halos paliparin na ni Blaze ang sasakyan niya. Umaasa siyang makikita niya ang kotse ng asawa niya sa lupa subalit malayo pa lang ay nakikita niya na ang isang sasakyan na iniaangat sa tubig. Halos nanghina ang kamay niyang may hawak sa manubela dahil kilala niya ang kotse ng asawa niya. Dahan dahan siyang naglakad palapit, ramdam niya na ang pagkirot ng kaniyang dibdib dahil ang natitirang pag-asa sa kaniya ay unti-unti ng nawawala.

“Anak, Blaze.” pagpipigil sa kaniya ng kaniyang ama. Lumapit sa kanila ang dalawang pulis at lahat ng mga nakuha nilang gamit ay ibinigay sa pamilya. Nag-umpisa ng muling mag-iyakan ang pamilya ni Eilish. Pilit na pinipigilan ni Blaze ang luha niya, ang sakit na nararamdaman niya.

“Sa tingin namin ay hit and run ang nangyari. Pagkatapos niyang mabangga sa ibang sasakyan ay itinulak siya sa ilog.”

“Where’s her body?” blangko niyang tanong.

“Wala kaming natagpuan na katawan sa sasakyan niya. Dahil sa nakita naming damit niya ay imposibleng buhay pa siya. Susubukan naming hanapin ang katawan niya pero hindi namin maipapangako. Ilang kilometro na ang layo ng makita namin ang damit niya sa sasakyan niya. I’m sorry Sir.” napakuyom niya ang kamao niya, gusto niya ng suntukin ang officer, walang sinoman ang pwedeng magsabi ng patay na ang asawa niya. She’s alive, iyan ang laman ng isip niya kahit na alam niyang imposible na.

Nang makauwi siya ng bahay nila ay ikinulong niya ang sarili niya sa kwarto at dun niya ibinuhos lahat ng pinipigilan niyang luha kanina pa. Halos basagin niya lahat ng nasa kwarto nilang dalawa. Hindi niya matanggap, ayaw niyang tanggapin. Paanong ang masayang sandali nila ay mapupunta sa ganito. Hindi niya maisip na siya mismo ang maglilibing sa asawa niya.

“Babe, please tell me that you’re alive.” Paulit-ulit niyang wika.

“Blaze lumabas ka diyan!! Magpapakamatay ka ba?!” rinig niyang tawag ni Camilla. Wala siyang kailangan, all he need is his wife. Yun lang.

Ilang araw na nagkulong ng kwarto si Blaze, lalabas lang siya kapag nagugutom na. Nang may matagpuan silang katawan sa ilog ay halos ayaw na nila itong tingnan dahil hindi mo na makikilala pa. Ipinacremate na lamang nila ito dahil mas gusto nilang alalahanin ang magandang mukha ni Eilish.

Tahimik na nakaupo sa pool si Blaze, ang mundo niya ay tila biglang naging madilim. Wala na siyang ibang makita kundi kadiliman simula ng mawala ang asawa niya.

“Alam kong masakit pero kailangan na nating tanggapin Blaze. Masakit din para sa akin pero wala naman tayong magagawa para ibalik satin ang kapatid ko eh.” Kunwaring malungkot na wika ni Camilla habang hinahaplos ang likod ni Blaze. Muli sanang tutunggain ni Blaze ang alak nang pigilan siya ni Camilla.

“What do you think you’re doing? What are you doing here anyway? Umuwi ka na Camilla.” Malamig niyang aniya.

“Sa tingin mo ba matutuwa si Eilish kapag nakikita ka niyang miserable ang buhay? Blaze wake up! Hindi na babalik si Eilish at kung sakali mang nandito siya ngayon, paniguradong magagalit din yun sayo! Come on, alam ko naman na masakit para sayo pero paniguradong nalulungkot din si Eilish na nakikita ka niyang ganito.” Hinawakan ni Camilla ang magkabilang pisngi ni Blaze at tinitigan ito.

“Pwede ko namang palitan si Eilish sa puso mo eh, maghihintay ako Blaze. Handa akong gamitin mo ako kapag namimiss mo na ang kapatid ko. Gagawin ko ang lahat para sa kaniya, hanggang sa makita ka niya ng masaya. Alam kong iyun din ang gustong mangyari ni Eilish.” May bahid ng landi niyang saad. Dahil sa lulong na sa alak si Blaze ay hindi niya na napigilang halikan si Camilla. Ang mga halik niyang unti-unting lumalalim.

“Eilish, babe.” Mahinang wika ni Blaze. Napatigil sa paghahalik si Camilla kay Blaze dahil pati ba naman sa pagsesex nila ay si Eilish pa rin ang iniisip niya pero hinayaan niya iyun dahil kaunti na lang ay makukuha niya na si Blaze. Nagpatuloy kung anong ginagawa nila, matagal niya itong hinintay. Matagal niyang pinapangarap sa gabi na si Blaze na ang makakatabi niya.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
柳 マリナ
Grabe ka Camille napakalandi mo sarili mong kapatid magawa mong agawin ang Asawa nya
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
anong klaseng kapatid ka Camilla sarili mong kapatid nagawa mong agawin ang asawa nya
goodnovel comment avatar
Tria 0911
ang landi mo Camilla
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status