Share

Kabanata 17.1

Napainat na lang ako nang matapos ko ang ipinapagawa ni Blaze. Hayup din kung magpagawa rin yun eh no? Inayos ko na ang mga papeles saka inilagay sa isang folder saka ko ipinasok sa envelope. Sinipat ko ang relo ko at 7:26pm pa lang naman. Nandito pa kaya ang lalaking yun? Para naman dito ko na lang ibigay sa kaniya.

Matapos kong ayusin ang opisina ko ay lumabas na ako saka ako nagtungo sa office ni Blaze. Nakailang katok na ako dun pero walang sumasagot baka nakauwi na o may pinuntahan pa. Hindi na lang kasi hinintay eh.

Napapatingin na lang ako sa paligid pero parang ako na lang ang natitira rito sa kompanya. Mabuti na lamang at may ilaw pa ang bawat daraanan ko dahil kung wala papatayin ko talaga ang Blaze na yun sa takot!

Napapahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga, hindi ako takot sa kung anong sinasabi nilang ligaw na kaluluwa o mga nakatira sa isang kompanya, wala akong pakialam sa kanila pero magkakamatayan kapag may pumatay ng ilaw.

Nakarating ako ng parking lot
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status