LOGINKanina pa kami naglalakad dalawa pero hindi pa rin kami nag-uusap. Badtrip pa rin ako sa kanya.
"Ayaw mo talaga akong pansinin? Ilang kilomentro na lang makikita na natin ang Lolo mo." Hindi ko siya sinagot.
Ano naman kung makita ako ni Lolo na ganito ang suot? Hindi niya ako sasaktan dahil magsusumbong ako kina Mommy. "Miss, may hindi pa tayo nadaanan. Dadalhin kita sa La Vieda Roses."
"La Vieda Roses?" Napahinto ako at lumingon sa kanya, hindi ko pa narinig na may mga rosas dito. Ang tagal ko na talagang nawala. "Where is it?" I asked rudely. I heard him chuckled but I did not bother to ask why.
Natuwa yata ang dugyot dahil pinansin ko na siya. Kinakausap ko lang siya dahil interesado ako sa mga roses, walang iba! Ang dungis niya!
"Tara." Inalahad niya sa akin ang kamay niya na kinataka ko.
"Anong gagawin ko diyan? Kaya ko namang maglakad na hindi nakahawak sa kamay mo." I immediately turned my back at him.
Anong tingin niya sa akin? Tanga maglakad? Madapa or something - "Eyyy!" sumigaw ako nang may bigla akong natakapakan. "The hell? What was that?" Nanlumo ako nang makitang nakatapak ako ng tae? "Ano 'to?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Tae ng kalabaw," he said firmly. I groaned of what I heard from him. Ang malas naman, tae pa talaga ang natapakan ko. "Gusto mo na bang hawakan ang kamay ko? Baka kung ano pa ang matapakan mo sa paglalakbay." I hate his smile for God sake!
"Huwag kang ngumiti diyan, naiirita ako." I grabbed his hand. Ako na ang kusang humawak sa kanya, "where can I wash my feet?" I asked.
"Umupo ka muna sa kubo at kukuha ako ng tubig."
"I can't walk! Look." Tinuro ko ang paa ko na puno ng dumi. He heaved a sigh at lalo akong nagulat sa ginawa niya. "Put me down!" sigaw ko ngunit hindi siya nakinig. Binuhat niya ako bigla at naglakad patungo sa maliit na kubo.
"You stay here," utos niya. Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Bigla akong kinalibutan at kinabahan sa nangyari. Did he just do that? At bakit ba biglang big deal sa akin 'yon?
Pero ang ikinataka ko ay ang tigas ng English niya, hindi halatang nanirahan dito sa probinsya. Para bang ibang tao ang kasama ko ngayon, tulad ng mga nakakasama ko sa Manila.
"Here." Tumingin ako sa kanya nang makarating ito at binaba ang dalang balde na may lamang tubig. Agad ko siyang pinigilan nang siya na sana ang maghuhugas.
"L-let me do it." Kinuha ko ang tabo at hinugasan ang paa ko. Lintek kasing taeng kalabaw 'yan, pahamak.
"Hindi ganyan." Natigil ako nang bawiin niya ang tabo sa akin, napaigtad ako nang buhusan niya ito nang bahagya at hinawakan ang paa ko.
Kakaibang hawak ang ginawa niya na hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita o makagalaw manlang para pigilan siya. Napalunok ako nang maramdamang nagustuhan ko ang paghaplos niya sa paa ko habang binabasa niya ng tubig. Tiningnan ko lang siya na hindi nandidiri sa ginagawa.
"You're okay?" Napalunok ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Ang mata nitong may kakaibang dulot sa loob ko. I nodded slowly at hinaayan siyang matapos sa ginagawa niya.
"W-what are you doing?" tanong ko nang lumapit ito sa akin. Aatras na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang baywang ko. "H-hey..."
Halos pumikit ako nang sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. I can feel his breathing. "T-tumabi ka kaya." Itutulak ko na sana siya ngunit bigla akong napahiga kaya ang nangyari, nasa ibabaw ko na siya.
Napalunok ako nang tumingin ito sa akin ng kakaiba. Kita ko kung paano gumalaw ang adams apple niya, binaba ang tingin nito sa aking labi na ikinakaba ko lalo. Hahalikan niya ba ako? Hindi pwede!
Teka nga! Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ito. Mababaliw na ako, isang pagkakamali yatang umalis ako ng mansyon. Hinawakan ko ang dibdib niya para sana itulak ngunit napatigil ako nang maramdamang ang tigas nito. I gulped twice, umiwas ng tingin mula sa kanya. Hindi ko talaga alam bakit ako kinakabahan.
"Umalis na tayo," I said and I was about to push him more when he stopped me. Nagulat ako lalo nang sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. "A-ano bang gagawin mo sa akin?" Nauutal kong tanong and I don't like it. I hate him, all of this!
"Pinagmasdan lang ang mukha mo," he said seriously. Na hindi manlang pumikit saglit.
Anong meron sa mukha ko? May marumi ba? Alam ko namang maganda ang mukha ko, sanay akong pinagmasdan ng karamihan, lalo na ang mga lalaki pero bakit ngayon na itong lalaking na ito ay dahilan kung bakit ako kinakabahan at naiilang sa sarili.
Bigla akong tinubuan ng hiya sa ginagawa niya. "Get out of my way, Lazardo. Baka may makakita sa atin at ano pang isipin, kapag nalaman ito ni Lolo at napagalitan ako sa kalokohan mo, humanda ka talaga sa akin." Itinulak ko siya nang malakas hanggang sa nakaalis siya sa harap ko, inalayan ko ang sarili kong bumangon at lumabas sa kubo.
Wala na rin naman ang dumi sa paa ko. Tiningnan ko siya nang masama sabay inirapan. Ganito ba talaga ang mga tao rito sa probinsya? Ang weird.
"Mauna kang maglakad, huwag kang lalapit sa akin."
"Baka makatapak ka pa ng tae-"
"Hindi ako bulag! Tara na at baka masapak pa kita, huwag na huwag kang lalapit sa akin!"
Nauna akong umalis sa kanya kahit hindi ko alam kung tama ba ang dinaraanan ko. Hindi ako komportable na kasama ko siya, pakiramdam ko lagi akong kakabahan. Sa mga tingin niya at sa kahit sa kinikilos nito ay kinakabahan ako. Bakit ba kasi siya lumapit ng sobra sa akin kanina? Nababaliw na ako, gusto ko na talagang umalis!
Nang makarating kami sa sinabi niya kung nasaan ang mga roses, napanganga ako dahil sa nakita. Bakit hindi ko nakita ito noon? Ganito ba talaga kaganda ang lugar na ito na hindi ko manlang naranasan ang mga kagandahan dito?
"You like it?" Palihim akong lumingon sa kanya, hindi ko siya sinagot at binaling na lang ang tingin sa mga mapupulang rosas sa paligid.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko, lumakad ako at hinawakan ang isang rosas na malapit sa akin. Pwede ko bang pitasin iton? Siguro naman pwede, amin naman ito eh. Oo, amin din ito.
Balak ko na sana pumitas ng rosas nang nagulat ako sa lalaking tumabi sa akin, agad ko siyang nilingon at nagtakang tumingin sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang may gustong sabihin sa akin.
"Ano?" pagsusungit ko. Kung may sasabihin siya, sabihin niya na dahil hindi ko gusto ang tingin niya sa akin ngayon. "Anong ginagawa mo, lalaki?" Umatras ako nang bahagya nang gumalaw ang kamay niya at akmang hahawakan ang buhok ko.
I was about to push him nang napatigil ako dahil may nilagay siya sa tainga ko. "Bagay sa'yo," sabi nito.
Naguguluhan ako sa ginawa niya, hinayaan ko ang kaba sa aking dibdib at hindi siya pinansin. Kinuha ko ang cellphone ko para magsalamin at makita ang ginawa niya. Pinigilan ko ang pagkagulat at pagkamangha ko, inilagay niya sa tainga ko ay isang rosas. Siya ang pumitas at binigay sa akin? Pero bakit?
Iniling ko na lang iyon, inalis sa isipan at iniisip na lang na tama siya. Bagay sa akin ang pulang rosas sa buhok ko. Ngumiti ako ng tipid at bumaling sa kanya. "Ilang taon ka na rito?"
Iyon na lamang ang tinanong ko para mawala ang malakas na kaba sa aking dibdib. Hindi ako komportable na katabi ko siya.
"I've been here for three years now," he replied. Matagal na pala.
"Why are you here?" tanong ko ulit pero kumunot ang noo ko nang ngumiti siya. Anong trip niya? "Bakit?"
"Interested ka sa akin, Miss Fianna." Ang yabang ah, nagtanong lang interesado na agad? Bahala na nga siya.
Umalis na ako, tinalikuran siya. Para siyang tanga. "I am just kidding, Fianna. Gusto ko lang manirahan sa bukid dahil nakakagaan sa pakiramdam at nandito na rin ang buhay ko." Pinakinggan ko lang siya, hindi ako lumingon. "May gusto ka pa bang malaman?"
"Wala na, hindi naman ako interesado sa'yo."
"Ako, interesado sa'yo."
Napahinto ako dahil sa narinig mula sa kanya. Bakit? I mean, bakit kakaiba ngayon? Hindi naman malabo na may magka-interest sa akin, maraming beses ko nang narinig iyon sa iba't ibang lalaki pero bakit sa lalaking ito ay hindi ko maintindihan.
"Alam ko, ayan ang purpose ko sa buhay. Ang magka-interest ang mga lalaki sa akin." Pinilit kong umirap sa kanya dahil bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko. "Bumalik na tayo, mukhang uulan." Nauna akong maglakad sa kanya.
At hindi nga ako nagkamali, biglang lumakas ang buhos ng ulan. Nakita kong tumakbo si Lazardo papunta sa akin na may dalang malaking dahon ng saging. "You're wet," he said.
Tiningnan ko ang sarili ko, tunay na basa ako. Iyong damit ko ay hindi na makilala, manipis lang ang damit ko kaya dahil sa tubig ulan ay nababakat ang suot kong bra. Tumingin ako kay Lazardo nang naghubad siya.
"Bakit ka naghuhubad?"
"Kailangan mong takpan ang katawan mo, malalagot tayo sa Lolo mo." Hindi ko siya napigilan nang bigla niyang sinuot sa akin ang damit niya. Nilalamig na rin naman ako kaya hinayaan ko na lang.
N*******d siya habang suot ko ang damit niya, nakasilong kaming dalawa sa malaking dahon ngunit naramdaman ko pa rin na nababasa ako. Malakas ang hangin.
"Pumasok ka na sa loob, sa likod ka dumaan para hindi ka makita ng Lolo mo." Bumaling ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Pagtatakpan niya ba ako? "Bilisan mo na, at saka ito. Suotin mo." May kinuha siyang mahabang palda at ibinigay sa akin.
Wala na akong ibang nagawa kundi suotin iyon. "Bilis---"
"Paano ka?" mahina kong tanong.
"Don't worry about me, uuwi na rin ako pagkapasok mo. Go ahead." Tinulak niya ako nang bahagya, naglakad ako patungo sa likod ng bahay habang nakatingin pa rin sa kanya. Nakatayo siya at inaantay na makapasok ako.
Basa siya, gusto ko sana siyang papasukin muna dahil parang kasalanan ko. Suot ko pa ang damit niya. "Hindi ba magbabantay rin naman kayo mamaya, bakit hindi ka na lang pumasok at magpatuyo?" tanong ko, huminto sa paglalakad.
"I will pero kailangan ko munang maligo at babalik ako rito. Now, please go inside dahil nilalamig na ako." Kinagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim at saka pumasok na sa loob.
Hindi ko alam kung bakit ang tahimik ng mansyon na dapat ay maingay sila, walang tao kahit isa. Hinayaan ko na lang iyon at naglakad na lang ako papunta sa kwarto ko nang napahinto dahil sa narinig na boses.
"Where have you been, apo?"
Umawang lang ang labi ko, hindi makapagsalita at hindi alam ang sasabihin dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon. Anong ginagawa niya rito? Sinundan niya ba kami? Imposible, wala kaming napansin kanina na may sumusunod sa amin."A-anong ginagawa mo rito?" Hindi ko mapigilan mautal dahil sa kaba na aking nararamdaman ngayon.Ang mga tingin niya sa akin kahit kaunti lang ang ilaw sa paligid, nakakabinging katahimik sa pagitan naming dalawa kahit na alam kong malakas pa rin ang tugtog mula sa musika."Ako ang naunang nagtanong sa'yo n'yan, ano ang ginagawa mo rito?" seryoso niyang tanong, bakas sa boses niya na tila hindi siya natutuwa sa nangyayari ngayon.Anong sasabihin ko? Na tumakas ako kasama si Angela eh alam ko
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kama ko, nagising lang ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ko. Kahit tinamad pa akong bumangon at ayaw ko sanang buksan kung sino man ang isturbong ito, wala na akong nagawa kundi pilitin ang sariling buksan ang pintuan."What---what happened to you?" agad kong tanong kay Angela na umiiyak. Bigla naman siyang pumasok sa loob ang niyakap ako.Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko naman ugali ang mag-comfort ng tao."Ano bang nangyayari?" tanong ko na tila ba nabuhay ang diwa ko dahil sa biglaan niyang pagdating dito sa kwarto ko."Samahan mo akong umalis..." Umiiyak niyang sabi.Hindi ko siya maintindihan. "Ano bang pinagsasabi mo? Saan tayo pupunta?" tanong ko, pina
Hindi lang ako ang nagtataka sa nakikita ko ngayon, pati na rin ang mga pinsan ko na nakatingin kay Lolo na masayang kausap si Lazardo."Ang tagal mong hindi bumisita, Lazardo. Kumusta ang kapatid mong si Lorenzo?" Nakangiting tanong ni Lolo sa kanya.Bumaling ako kay Angela na umiwas ng tingin, ngayon ay abala sa pagkain. She missed Lorenzo, for sure."He's doing fine, Senyor. Kinakamusta ka nga niya, hindi lang siya nakasama sa akin pabalik dahil buntis ang asawa niya."Dahil sa sinabi ni Lazardo, napatingin ulit ako kay Angela na umiwas ng tingin. Alam kong nasasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Lorenzo pero wala ng sasakit pa nang malaman na magkaka-anak ng lalaking mahal
Naramdaman kong ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng dress ko. At dahil sa ginawa niyang paghaplos, nakaramdam ako ng kakaibang sensation sa buong katawan ko."Lazardo..." Hindi ko na makilala ang sarili kong boses sa pagbanggit sa pangalan niya na tila ba ibang tao ang nasa loob ko.Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki kahit na paghaplos lang ang ginawa nila ngunit bakit ngayon na siya ang gumawa ay kakaiba. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili na kusa kong ibinigay ito sa lalaking hindi ko naman masyadong kilala."I'm sorry for leaving you..." he whispered between our kisses.Yes, he left. Pero alam kong kasalanan ko rin iyon."Uuwi na ako, baka hi
Umatras ako palayo sa kanya, iyong kaba ng dibdib ko ay mas lalong bumilis. "Anong ginagawa mo rito?" Nauutal kong tanong.Lumunok ako ng dalawang beses at umiwas ng tingin sa kanya, wala siyang suot na dmait pang itaas. Anong karapatan niyang magpakita sa akin na nakahubad? Paano kung hindi ako ang nandito at ibang babae pala? At ano naman ang pakealam ko kung ganoon nga ang nangyari?"Ako dapat ang magtanong n'yan, hindi lang ito ang unang beses na pumunta ka kung nasaan man ako nakatira. What are you doing here?"Nakatira? Bahay niya ito? "Anong ibig mong sabihin? Dito ka na nakatira?" tanong ko, nagtataka sa sinasabi niya.Dito ba sila lumipat? "Pumasok ka muna sa loob, sobrang init at kailangan mo na uminom ng tubig." Tumabi siya sa pintuan para bigyan ako ng daan.Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa loob o bumalik na lang sa mansion ngunit malayo pa ang lalakbayin ko ulit. And this is the perfect timing para makausap ko siya ulit.Pumasok ako sa loob at laking gulat
Kung dati ay maingay dahil sampu kaming magpipinsan ngayon ay hindi. Kaharap ko ang kasamahan kong naiwan na sina Angela. Lahat kami ay tahimik, nag-aantay na may mauunang magsasalita.Ano bang balak ni Lolo sa amin at kami pa talagang mga hindi nagkakasundo minsan ang iniwan niya.Tiningnan ko isa-isa ang mga pinsan ko, lahat sila kagaya ko ay nakasimangot. Sino ba naman ang hindi, 'di ba? Ang akala ko makakalayas na ako rito at makabalik sa Manila pero hindi. Pero ang mas gusto kong malaman kung nasaan si Lazardo."Where are you going?" Napahinto ako sa pagtayo nang magsalita si Angela. I looked at her."I will find him, Angela.""Really?" Kay Jeanna naman ako tumingin ngayon nang tumayo siya at tiningnan ako. "You'll find him? Saan mo siya hahanapin kung hindi mo nga kabisado ang lugar dito, Fianna? At isa pa, hindi ka ba talaga nag-iisip? Okay lang sana kung ikaw ang mapahamak, pero iyong si Lazardo na naman ang mapapahamak dahil sa katangahan mo, huwag mo ng gawin."Ano bang pina
Gusto kong batuhin si Laya dahil kanina pa siya palakad-lakad na parang siya ang kinakabahan. Noong natapos ang hapunan, nagsipasok na kami sa mga kwarto namin. Ngayon ay kasama ko si Ate Angela dahil mag-uusap din kami."Hindi mo ba papakalmahin si Laya?" tanong ni Angela. Umiling ako at itinuon n
Kinagat ko ang ibabang labi ko, napapikit ng mariin dahil hindi ko alam kung haharapin ko ba si Lolo. Pero kung hindi ko naman iyon gagawin ay wala pa rin akong takas, ilang oras na lang ay maghahapunan na kami. Palihim kong tiningnan ang sarili, natitiyak naman akong maayos ang suot ko."Hmmm..."
"How's the tour, cousin?" Lumingon ako kay Lucy nang nagwawalis ito.Actually, lahat kami nagwawalis. I don't even know how to do it. Ginagaya ko lang sila. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kami ang pinapalinis ni Abuela, ang dami nilang katulong. Para yata kaming mga tanga rito, naglilinis
"Ang init naman!" Inis kong sigaw sa kanya, agad din naman siyang nagmadaling lapitan ako at payungan."Huwag kang lumayo sa akin, maiinitan ka talaga." Kanina pa ako nakasimangot dahil wala siyang ibang ginawa kundi inisin ako. Taga sunod lang naman at nakikipag-usap sa mga kasama niya. Hindi nga







