Mag-log in"How's the tour, cousin?" Lumingon ako kay Lucy nang nagwawalis ito.
Actually, lahat kami nagwawalis. I don't even know how to do it. Ginagaya ko lang sila. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kami ang pinapalinis ni Abuela, ang dami nilang katulong. Para yata kaming mga tanga rito, naglilinis pero wala namang dumi.
"It was... fun." I smiled secretly when I remembered what happened yesterday.
Pagkatapos ko kasing maligo hindi na ako pinapansin ni Lazardo kahit anong pilit ko. Ang dami kong tinatanong pero maikli lang ang sagot nito at hindi makatingin sa akin.
"Lazardo is fun?" Napatingin naman ako kay Jeanna nang lumapit ito sa amin ni Lucy. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-iling ni Lucy nang makita ang kapatid nito. Kinunotan ko siya ng noo.
"She's the ex of Lazardo." Tumango ako nang bahagya at lumingon kay Jeanna na ngayo'y kakaiba ang tingin sa akin.
"Get a life, Lucy."
"Okay Ate." Ngumisi si Lucy at kinindatan ako. What's with them? Alam kong dati pa silang hindi magkasundo, mga bata pa lang. Hindi ko naman inakala na silang dalawa ang pinatapon dito. Kung pinatapon sila dahil hindi sila magkasundo pero bakit magkasama pa rin sila rito?
Minsan talaga hindi ko na maintindihan ang pamilya ko.
Nang umalis si Lucy, naglakad paikot si Jeanna sa akin habang pinagmasdan ako. "You're having fun with him?" she asked. Nilingon ko naman siya at nginitian. Mukhang gaganda ang araw ko kapag maiinis siya ah.
"Hmmm, yes. Actually, hindi lang fun. Super fun." Ngumisi ako nang napakalapad nang siyang ikinainis ng mukha nito. "Infairness, he's hot and..." Tiningnan ko siya, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "He's a good kisser-"
"What?!"
Gusto kong matawa sa mukha niya, naniwala ba talaga siya? Sino namang hahalik sa ex niyang madungis.
"H-hey-" Umatras ako nang naglakad ito palapit sa akin. Ano bang ginagawa nito? "Leave me alone, ano bang problema mo...aray!" I shouted when she slapped me. What the hell is that?
Hinawakan niya ang braso ko kaya pilit kong inaalis ngunit mas lalo niya pang diniinan, nanlilisik ang mga mata nito sa galit. "Stay away from him or else-"
"Or else what, Jeanna? Gagawin mo na naman ang ginawa mo sa akin anim na taon ang lumipas?" Hinawakan ko ang kamay niya at inalis sa pagkahawak ko. "I'm not your weak cousin anymore, Jean. I am not." Tinulak ko siya nang bahagyan at tinalikuran ngunit napatigil din nang makita ko ang lalaking dahilan ng galit ng isang 'to.
Napangisi naman ako sa isip ko. "Lazardo-" Narinig kong sabi ni Jeanna.
"Hey, samahan mo ulit ako." Hinawakan ko siya sa braso at ramdam kong napatigil siya. I looked at him and he was now looking at my hand holding him. "Tara na?"
"S-saan?" Hindi mapakaling tanong niya. Nilingon ko muna si Jeanna at inirapan. Bumaling muli ako kay Lazardo at hinawakan ang dibdib nito.
Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, pero gusto ko lang inisin ang pinsan ko. Infairness kay Kuya, matigas ang dibdib at saka mabango kahit pawisan. Marumi ang suot nitong damit.
"Tapos mo na ako amuyin? Wala na siya, you can stop it." Mabilis akong umatras sa kanya at lumingon sa kinatayuan ni Jeanna kanina, nakita ko itong naglalakad palayo. Kanina pa ba ako nakapikit habang inaamoy ang madungis na ito? Ew, self!
"Bakit hindi mo sinabi kaagad, ginusto mo naman." Inirapan ko siya at napangiwi ako nang ngumiti ito sa akin saby umiling.
"Ginusto mo akong amuyin, Miss. Mabango, ano?"
"Heh! Ang bantot mo at ang dumi mo, look oh." I pointed his whole body na puno ng maruming lupa. Bakit ba ito nakapasok na marumi, kami na naman ang papalinisin e.
"Pero mabango. Anyway, saan tayo? May tatapusin lang ako at aalis na tayo."
"Huh?" Taka kong tanong sa kanya, sinong nagsabing aalis kami?
"Sabi mo samahan kita..." Mas lalong kumunot ang noo ko.
"I did not tell that-"
"Yes you do. Alright, bilisan ko na ito." Akmang magsasalita pa sana ako pero lumabas na siya kaagad. Sinabi ko ba talaga? Parang hindi naman...oh fuck!
Halos mapasalpak ako sa sahig nang maalala ang ginawa ko kanina, damn that Jeanna. Kasalanan niya kung bakit ko iyon sinabi. Bahala na nga. Asarin ko na lang ang Lazardo na iyon.
"Bagay ba?" tanong ko kay Laya na ngayo'y nakanganga habang nakatingin sa akin.
Nagpasama kasi ako sa kanya sa kwarto para magbibis ng damit. "Ma'am, b-bakit po ganyan ang suot mo? Baka mapagalitan po kayo." Tumingin ako sa salamin para tingnan ang suot kong damit. Anong masama?
I am just wearing shorts and a crop top. Tinali ko rin ang buhok ko. I looked like a city girl in my outfit.
"Anong problema? Hindi ba bagay?" I asked her. Kinagat niya naman ang ibabang labi nito.
"B-bagay naman po pero bawal po kayong magsuot n'yan. Saan po ba kayo pupunta?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi naman siya ang papagalitan e.
"Gagala ako sa buong hacienda ulit kasama si Lazardo-oh, bakit?" Bigla kasi itong nasamid habang iniinom ang tubig na inutos ko sa kanya kanina. Ako dapat ang iinom ng tubig!
"Si Kuya Lazardo po?" Wow Kuya.
"Kapatid mo siya?" Umiling siya at natawa ako. Maka-kuya naman. "Eh bakit Kuya?"
"Kasi po nasa 27 years old na po siya."
"27?" Mas matanda siya sa akin? I am still 23 years old. "Ang tanda niya na..."
"Pero po ang gwapo." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya, umiwas naman siya ng tingin sa akin. "S-sure po ba kayong iyan ang susuotin mo?" dagdag na tanong nito at ngayo'y inaayos ang kama ko.
"He's gwapo? He's not ah..."
"He is Ma'am. Balita ko nga ex daw iyon ni Ma'am Jeanna pero si Ma'am lang daw may alam na magkasintahan silang dalawa."
"Hoy! Masyado kang chismosa simula nang dumating ka rito ah. Masama iyan."
"Mas masama naman po ang sumuway sa Lolo ninyo..."
"Laya!" I shouted at her at mabilis itong lumabas sa kwarto. Hindi manlang sumuporta.
I heaved a sigh and looked at myself again in the mirror. "I'm still sexy...and gorgeous." I smiled. Kinuha ang pabango ay pinaliguan ang sarili. "Perfect!"
Masaya akong naglakad sa loob ng mansyon at hinayaan ang mga katulong at iba kong pinsan na nakatingin sa akin. I know right, maganda ako.
"What are you doing?" Lumapit sa akin si Angela at tiningnan ang kabuoan ko.
"Oh...gagala ako at saka, do I look pretty Ate Angela?" Napasapo siya sa kanyang noo at hinila ako papalayo.
"Magpalit ka, bawal iyan."
"Duh! We're not a nuns here, Ate. Look, alam kong hindi rin ganyan ang nakasanayan mo rati pero sumusunod ka kay Lolo. I won't. Bye!" Agad akong lumabas para hanapin si Lazardo.
Nang mahanap ko ito na nakatalikod at may kausap na lalaki, naglakad ako patungo sa kanya. Natigil din naman ang kausap nito nang makita ako kaya napalingon sa akin si Lazardo na nakakunot ang noo. I waved my hand to say hi.
"Tara na?"
"Ano 'yan?" he asked and looked at me, the whole me.
Bakit ba lagi nilang tinatanong tungkol sa suot ko? Hindi ba bagay? Mga bulag ba sila?"
"What?"
"Magbihis ka," he said. Umiling ako. SIno ba sila para sundin ko? My body, my rules. Hindi ba nila alam ang katagang iyon?
"Okay, kung ayaw mo akong samahan ako na lang ang aalis. Bye!"
"Miss Fianna. Magagalit ang Lolo mo."
"Magagalit siya kung pinabayaaan mo ako. Come on, saan pa ba pwedeng puntahan?" I smiled at him. Halos hindi na mapinta ang mukha nito na nakatingin sa akin. "Hindi ba ako sexy?"
"Ano?" matigas na tanong nito. Mali ba ang tanong ko? Tama naman ah.
"Hindi ba kamo ako sexy-"
"You are!"
Nagulat ako sa sigaw nito at napaatras. "Just change your clothes..."
"No!"
"Huh?"
"Sexy pala ako e, e'di hindi ako magpapalit. Tara na!" Hinawakan ko ang kamay nito at hinila na papalayo ng mansyon. "Ang bigat mo!"
"Fianna, stop. Magagalit nga ang Lolo mo kapag nakita kang ganyan ang suot." Huminto ako at nilingon siya, inirapan muna bago ako magsalita.
"Malalagot lang ako kapag hinayaan mong makita niya ako. I know you are good at this. I just missed my lifestyle, I don't want to be like them. Wearing a manang clothes."
"Those are decent clothes. Mababastos ka ng mga tao rito kung ganyan ang suot mo."
"Hindi sa babae at sa damit ang problema, Lazardo. Sa mga utak at mata ng mga tao..." Natahimik siya sa sinabi ko.
Totoo naman, anong mali kung ganito ang suot? I am a model. I may be a brat but I know what's right for the woman. We are allowed to wear what we want. Mali lang ang utak ng mga tao kaya nababastos kaming mga babae sa tuwing nagsusuot kami ng maiikling damit.
Huminga ako nang malim at hinarap siya ng buong tapang. "If you don't want to be with me just because I wore like this. Then, fine. I don't need someone who judged easily.
"Fianna..."
"Bye!"
"Okay fine, let's go. And I don't judge you...." Hinawakan niya ang kamay ko kaya napahinto ako at tiningnan iyon. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya nang bumuntonghininga ito.
"You are perfectly fine, it's just... Hindi ko lang magustuhan na babastusin ka kung nagkataon. I can't control myself..."
Umawang lang ang labi ko, hindi makapagsalita at hindi alam ang sasabihin dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon. Anong ginagawa niya rito? Sinundan niya ba kami? Imposible, wala kaming napansin kanina na may sumusunod sa amin."A-anong ginagawa mo rito?" Hindi ko mapigilan mautal dahil sa kaba na aking nararamdaman ngayon.Ang mga tingin niya sa akin kahit kaunti lang ang ilaw sa paligid, nakakabinging katahimik sa pagitan naming dalawa kahit na alam kong malakas pa rin ang tugtog mula sa musika."Ako ang naunang nagtanong sa'yo n'yan, ano ang ginagawa mo rito?" seryoso niyang tanong, bakas sa boses niya na tila hindi siya natutuwa sa nangyayari ngayon.Anong sasabihin ko? Na tumakas ako kasama si Angela eh alam ko
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kama ko, nagising lang ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ko. Kahit tinamad pa akong bumangon at ayaw ko sanang buksan kung sino man ang isturbong ito, wala na akong nagawa kundi pilitin ang sariling buksan ang pintuan."What---what happened to you?" agad kong tanong kay Angela na umiiyak. Bigla naman siyang pumasok sa loob ang niyakap ako.Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko naman ugali ang mag-comfort ng tao."Ano bang nangyayari?" tanong ko na tila ba nabuhay ang diwa ko dahil sa biglaan niyang pagdating dito sa kwarto ko."Samahan mo akong umalis..." Umiiyak niyang sabi.Hindi ko siya maintindihan. "Ano bang pinagsasabi mo? Saan tayo pupunta?" tanong ko, pina
Hindi lang ako ang nagtataka sa nakikita ko ngayon, pati na rin ang mga pinsan ko na nakatingin kay Lolo na masayang kausap si Lazardo."Ang tagal mong hindi bumisita, Lazardo. Kumusta ang kapatid mong si Lorenzo?" Nakangiting tanong ni Lolo sa kanya.Bumaling ako kay Angela na umiwas ng tingin, ngayon ay abala sa pagkain. She missed Lorenzo, for sure."He's doing fine, Senyor. Kinakamusta ka nga niya, hindi lang siya nakasama sa akin pabalik dahil buntis ang asawa niya."Dahil sa sinabi ni Lazardo, napatingin ulit ako kay Angela na umiwas ng tingin. Alam kong nasasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Lorenzo pero wala ng sasakit pa nang malaman na magkaka-anak ng lalaking mahal
Naramdaman kong ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng dress ko. At dahil sa ginawa niyang paghaplos, nakaramdam ako ng kakaibang sensation sa buong katawan ko."Lazardo..." Hindi ko na makilala ang sarili kong boses sa pagbanggit sa pangalan niya na tila ba ibang tao ang nasa loob ko.Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki kahit na paghaplos lang ang ginawa nila ngunit bakit ngayon na siya ang gumawa ay kakaiba. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili na kusa kong ibinigay ito sa lalaking hindi ko naman masyadong kilala."I'm sorry for leaving you..." he whispered between our kisses.Yes, he left. Pero alam kong kasalanan ko rin iyon."Uuwi na ako, baka hi
Umatras ako palayo sa kanya, iyong kaba ng dibdib ko ay mas lalong bumilis. "Anong ginagawa mo rito?" Nauutal kong tanong.Lumunok ako ng dalawang beses at umiwas ng tingin sa kanya, wala siyang suot na dmait pang itaas. Anong karapatan niyang magpakita sa akin na nakahubad? Paano kung hindi ako ang nandito at ibang babae pala? At ano naman ang pakealam ko kung ganoon nga ang nangyari?"Ako dapat ang magtanong n'yan, hindi lang ito ang unang beses na pumunta ka kung nasaan man ako nakatira. What are you doing here?"Nakatira? Bahay niya ito? "Anong ibig mong sabihin? Dito ka na nakatira?" tanong ko, nagtataka sa sinasabi niya.Dito ba sila lumipat? "Pumasok ka muna sa loob, sobrang init at kailangan mo na uminom ng tubig." Tumabi siya sa pintuan para bigyan ako ng daan.Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa loob o bumalik na lang sa mansion ngunit malayo pa ang lalakbayin ko ulit. And this is the perfect timing para makausap ko siya ulit.Pumasok ako sa loob at laking gulat
Kung dati ay maingay dahil sampu kaming magpipinsan ngayon ay hindi. Kaharap ko ang kasamahan kong naiwan na sina Angela. Lahat kami ay tahimik, nag-aantay na may mauunang magsasalita.Ano bang balak ni Lolo sa amin at kami pa talagang mga hindi nagkakasundo minsan ang iniwan niya.Tiningnan ko isa-isa ang mga pinsan ko, lahat sila kagaya ko ay nakasimangot. Sino ba naman ang hindi, 'di ba? Ang akala ko makakalayas na ako rito at makabalik sa Manila pero hindi. Pero ang mas gusto kong malaman kung nasaan si Lazardo."Where are you going?" Napahinto ako sa pagtayo nang magsalita si Angela. I looked at her."I will find him, Angela.""Really?" Kay Jeanna naman ako tumingin ngayon nang tumayo siya at tiningnan ako. "You'll find him? Saan mo siya hahanapin kung hindi mo nga kabisado ang lugar dito, Fianna? At isa pa, hindi ka ba talaga nag-iisip? Okay lang sana kung ikaw ang mapahamak, pero iyong si Lazardo na naman ang mapapahamak dahil sa katangahan mo, huwag mo ng gawin."Ano bang pina
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig mula sa labas ng kwarto ko. Pagkatapos naming magkwentuhan kanina ni Abuela, nagpaalam akong magpapahinga muna kaso hindi ko naman alam na makakatulog pala ako ng ganito kahaba.Tumayo ako at pumunta sa terrace. Gabi na nga. Napabaling naman ako nang may mak
I am having my breakfast when Dad shouted again with my mom. Ang laki ng bahay pero ang ingay nilang dalawa."What did you do this time, Fianna?" tanong sa akin ng tatay ko. I didn't answer him, sayang iyong gana ko sa pagkain kung sasagutin ko lang sila. Alam ko naman na wala lang ang sasabihin ni
Gusto kong batuhin si Laya dahil kanina pa siya palakad-lakad na parang siya ang kinakabahan. Noong natapos ang hapunan, nagsipasok na kami sa mga kwarto namin. Ngayon ay kasama ko si Ate Angela dahil mag-uusap din kami."Hindi mo ba papakalmahin si Laya?" tanong ni Angela. Umiling ako at itinuon n
Kinagat ko ang ibabang labi ko, napapikit ng mariin dahil hindi ko alam kung haharapin ko ba si Lolo. Pero kung hindi ko naman iyon gagawin ay wala pa rin akong takas, ilang oras na lang ay maghahapunan na kami. Palihim kong tiningnan ang sarili, natitiyak naman akong maayos ang suot ko."Hmmm..."







