مشاركة

6

مؤلف: Anoushka
last update تاريخ النشر: 2026-06-11 17:22:15

Kinagat ko ang ibabang labi ko, napapikit ng mariin dahil hindi ko alam kung haharapin ko ba si Lolo. Pero kung hindi ko naman iyon gagawin ay wala pa rin akong takas, ilang oras na lang ay maghahapunan na kami. Palihim kong tiningnan ang sarili, natitiyak naman akong maayos ang suot ko.

"Hmmm..." Iyon lang ang tanging nasabi ko, kinakabahan ako. Paano kung malaman niyang umalis ako at nalaman niyang pinayagan ako ni Lazardo sa kapilyahan ko? Papagalitan niya ba si Lazardo?

Naisip ko pa lang ay parang nakokonsensya na ako.

"I heard from Jeanna na umalis ka raw, namasyal ka ba ulit? Saan ka nagpunta?"

Jeanna? That bitch!

Huminga ako nang malalim, umayos ng upo at saka dahan-dahang lumingon sa kanya.

"Hi, Lo! Ah, opo. Namasyal po ako kanina, umuwi lang agad dahil umulan. Kasama ko po si Lazardo, dinala niya po ako sa mga rosas, ang ganda nga po e!" Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya, tinanggal ko ang kaba sa aking dibdib para hindi niya mahalata na may nagawa akong hindi maganda.

"Nakakagutom po pala mamasyal, ang layo po nang nilakad namin," sabi ko habang nakasimangot.

Great, Fianna! Kailangan mong dramahan pa lalo.

"Is that so, apo?" he asked and looked at me. Actually, tiningnan niya ang buong ako. "Siguro nagkamali lang ang mga taong nakakita na may isang dalaga raw na gumagala at kasama si Lazardo habang hindi kaaya-aya ang suot." Natahimik ako sa sinabi niya.

Sana pala hindi ko sinabi na si Lazardo ang kasama ko! Typo bibig ko!

"Po? Hindi naman po siguro ako iyon dahil ito po ang suot ko habang kasama si Lazardo, siguro po ay kaibigan niya?" Kibitb-balikat kong sabi.

Ayan, tama iyan Fianna. Magaling ka naman magpalusot. "Siguro nga, apo. Hala sige, magbihis ka na roon dahil mukhang hindi maganda ang panahon at naulanan ka pa. Bawal ka magkasakit, may lakad tayo bukas."

Tumango na lamang ako sa kanya at nagpaalam na umalis na para makapag-bihis. Nagpapasalamat akong mukhang hindi naman siya nagduda sa akin.

"Ma'am!" Nagulat ako dahil sa sigaw ni Laya pagkapasok ko ng kwarto. Sinamaan ko siya ng tingin, anong problema ng isang 'to?

Tinaasan ko siya ng kilay, "problema mo?" tanong ko. Lumapit ako sa closet ko para kumuha ng damit, obviously katulad na ng mga pinsan ko ang mga damit sa closet ko, habang ang nakasanayan kong damit ay nasa maleta ko lang.

"Malaki, Ma'am. Sobrang laki ng problema, Diyos ko! Saan ka ba kasi nanggaling? Kanina pa ako nag-aalala sa'yo dahil ang tagal mong bumalik, anong nangyari? At basang-basa ka?" Napangiwi ako dahil sa sunod-sunod niyang katanungan.

Hindi pa naman ako patay pero kung maka-react naman 'tong si Laya. "Chill, Laya. Namasyal lang ako kasama si Lazardo-"

"Ayon na nga! Kasama si Kuya Lazardo, hindi mo ba alam na nagkagulo rito kanina?" Humina ang boses niya nang sabihin niya iyon kaya naman hindi ko natuloy ang paghuhubad ko sana para maligo dahil sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot noo kong tanong. Mas lalong tumaas ang isa kong kilay dahil sa inaasta niya, lumapit siya sa akin.

"Sinumbong ka ng pinsan mong si Jeanna na lumabas ka at nagsuot ng damit na hindi katulad sa kanila, sinabi niya rin na kasama mo si Lazardo."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlumo, nanghihina ako dahil sa nalaman mula kay Laya. "Anong sabi ni Lolo?" tanong ko at hindi maiwasan ang pagka-utal.

"Tahimik lang siya, at nalaman ko na kapag tahimik siya ay galit siya kaya nagtaka ako kanina kung bakit lahat ng mga pinsan mo ay walang lumabas sa kwarto nila, si Ma'am Angela at ang yaya niya ay pabalik-balik sa kwarto mo para magtanong kung nakabalik ka na ba."

Shit! Anong nangyayari? Kaya ba tahimik nang pumasok ako kanina? Pero hindi naman mukhang galit si Lolo ah?

"Nagalit ba siya kay Lazardo?" tanong ko. Wala naman akong pakialam kung magalit sa akin si Lolo pero kahit ganito ako, ayaw ko pa rin namang may mapahamak na inosente.

"Pinatawag niya po si Lazardo pagkatapos ng hapunan mamaya. Ma'am, maligo ka muna at magbihis dahil baka magkasakit ka. Balita ko ay may lakad kayo bukas magpipinsan kasama ang Lolo at Lola ninyo, baka hindi ka makakasama kung magkasakit ka."

Hinayaan ko siyang bigyan ako ng tuwalya, tulala akong pumasok sa banyo hanggang sa naligo ako. Hindi ko talaga alam pero parang may mali sa nararamdaman ko. Bakit niya pinapatawag si Lazardo? Tatanggalin niya ba si Lazardo bilang scholar at trabahante rito sa bahay at sa buong Hacienda?

Nang makabihis na ako at naayos ko na rin ang hair style ko, sabay na kaming lumabas ni Laya. Nagtaka naman ako at tumingin kay Laya dahil sa narinig naming tawanan mula sa mga pinsan ko. Ang weird talaga rito.

"Fianna! Hali ka, tumabi ka sa akin." Nagulat ako dahil tumayo si Ahara at nilapitan ako, hinila niya ako para paupuin sa tabi niya at sa tabi ni Angela. "Ang lakas ng ulan sa labas, sayang ay hindi ka namin nakasama kanina. Naligo kami sa may batis."

Batis? "Kayong siyam ang naligo kanina? Kaya ba tahimik noong nakauwi na ako?" tanong ko.

"Hindi, lima lang kami. Ako, si Alex, Lucy, Hyra at si Jantine. Sina Ate Angela, ate Jeanna, Jenn at si Mahlyn ay nandito lang sa bahay, baka sa kwarto nila." Mahabang paliwanag ni Ahara.

Tumango na lang ako sa kanya at umayos ng upo. Bumaling ako kay Ate Angela na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin, tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"

"Mag-usap tayo pagkatapos ng hapunan," she said at hindi na ako nilingon ulit.

Bakit pakiramdam ko may nagawa akong mali na hindi ko alam dahil sa tono ng boses niya. Tiningnan ko ang iba kong mga pinsan, masaya silang nag-uusap hanggang sa dumapo ang tingin ko kay Jeanna. Masama siyang nakatingin sa akin na para bang kakainin na ako ng buhay. Inirapan ko rin siya, anong akala niya? Hindi ko siya papatulan? Kahit mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, hindi ako magpapatalo sa kanya. Never again!

"Sina Abuela?" tanong ko dahil wala pa silang dalawa ni Lolo rito sa mesa.

"Papunta na rin sila." Bumaling ako sa nagsalita, ang mayordoma ng mga katulong.

Ngumiwi ako dahil wala manlang siyang reaction simula noong dumating ako rito, para nga siyang robot kung mag-utos sa mga katulong eh, hindi rin nakangiti. Palagi siyang kasama ni Abuela, lahat ng utos ni Abuela para sa mga katulong ay siya ang nag-aasikaso. Nalaman ko iyon kahit ilang araw ko pa lang sa pagmamasid ng mga tao rito.

Sabay kaming tumayo lahat at sabay na yumuko nang dumating sina Lolo at Abuela. Bumaling ako sa likod nila nang makitang nakasunod sa kanila ang mga lalaki, nilibot ko ang mata ko sa linya nila ngunit hindi ko makita ang taong hinahanap ko. Nasaan na iyon?

"Sit down, ladies. Kumain na tayo habang nag-uusap ng magiging plano para bukas." Pagkasabi ni Lolo, umupo na rin kami.

Luminya ang mga lalaki tulad ng mga nadaang gabi. Doon ko lang din na-klaro na wala nga si Lazardo sa hanay nila. Where the hell is he? Kinakabahan ako-

"May hinahanap ka ba, Fianna apo?" Agad akong bumaling kay Abuela nang magtanong siya. Tumingin din ako sa mga pinsan ko na ngayon ay nakatingin sa akin lahat.

"Ah, wala po, Lola." Ngumiti ako sa kanila.

Anong nangyari sa kanya? Ang sabi niya ay uuwi lang siya, magbibihis at saka pupunta rito pero bakit wala siya ngayon? At saka, bakit ko naman siya hinahanap? Agad akong umiling at ngumiwi, wala naman talaga akong pakialam kung nasaan siya o anong ginagawa niya kung bakit wala siya ngayong gabi. Iniisip ko lang si Lolo, baka may ginawa siya kay Lazardo. Pero imposible naman kung meron, hindi niya naman siguro sasaktan si Lazardo?

"Fian, are you with us?" Bumaling ako kay Alex nang tawagin niya ako. Tulad kanina ay nakatingin sila sa akin, pati na rin ang mga nagbabantay sa amin ngayon. Lumunok ako ng isang beses at saka bumaling kay Lolo na seryosong nakatingin sa akin.

"I'm sorry, may sinasabi po ba kayo?" Magalang kong tanong.

"Yes, meron nga apo. Tinatanong namin kung ikaw ang pagde-desisyunin para sa mga trabahante na nawalan ng trabaho dahil sa kapabayaan nila, ano ang maimungkahi mo?" pormal na tanong ni Lolo.

Trabahenteng nawalan ng trabaho? At dahil sa kapabayaan nila? Teka, si Lazardo ba ang ibig niyang sabihin? Kaya ba wala siya ngayong gabi dahil nawalan na siya ng trabaho at inakala ni Lolo na nagpabaya siya? No way!

Huminga ako nang malalim, umayos ng upo at deritsong tumingin kay Lolo. Kailangan kong ayusin ang gulong nagawa ko! "Lolo, kung para sa akin siguro bigyan muna natin sila ng pagkakataon para maayos ang trabaho nila. Baka may valid reason bakit sila pumalpak, we can't just jump into conclusion na dahil lang nagpabaya sila ay mawawalan na agad sila ng trabaho. Paano naman po ang kita nila kung wala iyon, 'di ba po?"

Ngumiti ako kay Lolo, inaantay ang magiging sagot niya sa sinabi ko. Hindi ko nga alam kung papatok iyon e.

"Magaling, Fianna. At dahil majority sa inyong magpipinsan na bigyan ng pagkakataon ang mga inalis ko, sige tumuloy kayo bukas, sumama kayo sa amin para makausap ang mga trabahante at mga pamilya nila. Aalamin ninyo ang buhay nila para naman maisip ninyo kung gaano kahirap ang buhay rito sa probinsya." Ngumiti sa amin si Lolo pagkatapos niyang sabihin iyon.

Mga trabahante? At iyon ang pupuntahan namin bukas? Pero nasaan nga si Lazardo? Ibig din bang sabihin ay pupuntahan namin ang bahay nila bukas?

"Manuel, tapos na ba sina Lazardo sa mga kabayo? Kung tapos na ay papuntahin mo si Lazardo sa aking opisina mamaya."

"Masusunod Don Francisco," sagot no'ng Manuel na kausap ni Lolo.

Naguguluhan ako! Ano ba? Nasa labas lang ba si Lazardo?

Bumaling ulit ako kay Lolo nang tumayo siya, tapos na siyang kumain at sumunod naman sa kanya si Abuela. Nagulat pa ako nang bumaling siya sa akin bigla.

"And you, Fianna. Ipapatawag kita mamaya pagkatapos naming mag-usap ni Lazardo."

"Po? B-bakit po? May kasalanan po ba ako-"

"Hindi ka ba sanay na palagi kang nagkakasala, Fianna?" Bumaling ako kay Jeanna dahil sa tanong niya.

Baka isampal ko sa kanya lahat ng kasalanan ko, sabat siya nang sabat hindi naman siya ang kinakausap ko.

"Sa pagkaka-alam ko, hindi ikaw ang kausap ko, Ate Jeanna," sarcastic kong tanong. Umirap naman siya sa akin at hinayaan ko na siya. Bumaling ulit ako kat Loko. "Ibabalik niyo na po ba ako sa Manila, Lo?" Kunyari ay malungkot kong tanong. Pero ang totoo ay gusto ko na talagang umuwi.

My grandfather smirked as if he knew what I am thinking. "Kaya ba lumabas ka kanina at naging pasaway para pauwiin kita sa Manila? Umasa ka lang, apo. Hangga't hindi kayo natuto sa mga pagkakamali ninyo, hindi kayo babalik sa pamilya ninyo."

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • The Billionaire's Love Of Me   7

    Gusto kong batuhin si Laya dahil kanina pa siya palakad-lakad na parang siya ang kinakabahan. Noong natapos ang hapunan, nagsipasok na kami sa mga kwarto namin. Ngayon ay kasama ko si Ate Angela dahil mag-uusap din kami."Hindi mo ba papakalmahin si Laya?" tanong ni Angela. Umiling ako at itinuon na lang ang attention sa cellphone ko. Naglalaro lang ako dahil wala naman akong kausap."Hayaan mo siya, mahihilo rin iyan mamaya." Walang gana kong sabi. Alam kong kinakabahan at pinoproblema ni Laya kung ano ang pag-uusapan namin ni Lolo mamaya.Sa oras na ito ay kausap na ni Lolo si Lazardo, inaantay ko na lang na ako ang tatawagin kaya naman habang hindi pa ako tinatawag, kakausapin ko muna si Angela. "Ano bang sasabihin mo sa akin, Ate Angeloa?" tanong ko. Umayos naman siya ng upo sa kama ko, humarap sa akin at agad na binawi ang phone ko kaya sumimangot ako sa kanya Nakikita niyang may ginagawa ako e!"Ano ba talagang ginawa mo kanina? Hindi mo ba alam na ang laki ng gulong pinasok mo?

  • The Billionaire's Love Of Me   6

    Kinagat ko ang ibabang labi ko, napapikit ng mariin dahil hindi ko alam kung haharapin ko ba si Lolo. Pero kung hindi ko naman iyon gagawin ay wala pa rin akong takas, ilang oras na lang ay maghahapunan na kami. Palihim kong tiningnan ang sarili, natitiyak naman akong maayos ang suot ko."Hmmm..." Iyon lang ang tanging nasabi ko, kinakabahan ako. Paano kung malaman niyang umalis ako at nalaman niyang pinayagan ako ni Lazardo sa kapilyahan ko? Papagalitan niya ba si Lazardo?Naisip ko pa lang ay parang nakokonsensya na ako."I heard from Jeanna na umalis ka raw, namasyal ka ba ulit? Saan ka nagpunta?"Jeanna? That bitch!Huminga ako nang malalim, umayos ng upo at saka dahan-dahang lumingon sa kanya."Hi, Lo! Ah, opo. Namasyal po ako kanina, umuwi lang agad dahil umulan. Kasama ko po si Lazardo, dinala niya po ako sa mga rosas, ang ganda nga po e!" Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya, tinanggal ko ang kaba sa aking dibdib para hindi niya mahalata na may nagawa akong hindi mag

  • The Billionaire's Love Of Me   5

    Kanina pa kami naglalakad dalawa pero hindi pa rin kami nag-uusap. Badtrip pa rin ako sa kanya."Ayaw mo talaga akong pansinin? Ilang kilomentro na lang makikita na natin ang Lolo mo." Hindi ko siya sinagot.Ano naman kung makita ako ni Lolo na ganito ang suot? Hindi niya ako sasaktan dahil magsusumbong ako kina Mommy. "Miss, may hindi pa tayo nadaanan. Dadalhin kita sa La Vieda Roses.""La Vieda Roses?" Napahinto ako at lumingon sa kanya, hindi ko pa narinig na may mga rosas dito. Ang tagal ko na talagang nawala. "Where is it?" I asked rudely. I heard him chuckled but I did not bother to ask why.Natuwa yata ang dugyot dahil pinansin ko na siya. Kinakausap ko lang siya dahil interesado ako sa mga roses, walang iba! Ang dungis niya!"Tara." Inalahad niya sa akin ang kamay niya na kinataka ko."Anong gagawin ko diyan? Kaya ko namang maglakad na hindi nakahawak sa kamay mo." I immediately turned my back at him.Anong tingin niya sa akin? Tanga maglakad? Madapa or something - "Eyyy!" sum

  • The Billionaire's Love Of Me   4

    "How's the tour, cousin?" Lumingon ako kay Lucy nang nagwawalis ito.Actually, lahat kami nagwawalis. I don't even know how to do it. Ginagaya ko lang sila. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kami ang pinapalinis ni Abuela, ang dami nilang katulong. Para yata kaming mga tanga rito, naglilinis pero wala namang dumi."It was... fun." I smiled secretly when I remembered what happened yesterday.Pagkatapos ko kasing maligo hindi na ako pinapansin ni Lazardo kahit anong pilit ko. Ang dami kong tinatanong pero maikli lang ang sagot nito at hindi makatingin sa akin."Lazardo is fun?" Napatingin naman ako kay Jeanna nang lumapit ito sa amin ni Lucy. Hindi nakaligtas sa akin ang pag-iling ni Lucy nang makita ang kapatid nito. Kinunotan ko siya ng noo."She's the ex of Lazardo." Tumango ako nang bahagya at lumingon kay Jeanna na ngayo'y kakaiba ang tingin sa akin."Get a life, Lucy.""Okay Ate." Ngumisi si Lucy at kinindatan ako. What's with them? Alam kong dati pa silang hindi magkasundo,

  • The Billionaire's Love Of Me   3

    "Ang init naman!" Inis kong sigaw sa kanya, agad din naman siyang nagmadaling lapitan ako at payungan."Huwag kang lumayo sa akin, maiinitan ka talaga." Kanina pa ako nakasimangot dahil wala siyang ibang ginawa kundi inisin ako. Taga sunod lang naman at nakikipag-usap sa mga kasama niya. Hindi nga ako pinakilala."Malayo pa ba?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, naiirita ako kasi ang lapit namin sa isa't isa. Dumidikit sa balat ko ang pawis niya."Malapit na po." Ngumiti ito na halos mapunit ang labi. Para siyang tanga.Ang aga-aga niya akong ginising kanina, alas singko ng umaga ay maraming kumakatok sa kwarto ko, sinabihan ko na si Laya na sa susunod na kakatok sila mapuputolan sila ng ulo. Pagkagising ko kanina lahat ng tao sa mansyon ay may kanya-kanyang ginagawa, hindi ko alam kung bakit naglalaba at naglilinis ang mga pinsan ko kanina. Marami namang katulong."Mang Ben!" Napalingon ako sa lalaking tinawag niya, napangiwi naman ako nang tumatakbo itong paika-ika."Nako Lazardo,

  • The Billionaire's Love Of Me   2

    Nagising ako dahil sa ingay na naririnig mula sa labas ng kwarto ko. Pagkatapos naming magkwentuhan kanina ni Abuela, nagpaalam akong magpapahinga muna kaso hindi ko naman alam na makakatulog pala ako ng ganito kahaba.Tumayo ako at pumunta sa terrace. Gabi na nga. Napabaling naman ako nang may makitang umiilaw sa daan. Ang simoy ng hangin na dumadapo sa katawan ko ay nakakagaan sa pakiramdam at ang mga bituin sa kalangitan ay magandang pagmasdan. Napangiti ako dahil sa naisip, siguro ito lang ang magandang pagmasdan sa lugar na ito. Ito ang paboriting gawain ko simula pa noon; ang nakatingala sa kalangitan at kausapin ang mga bituin na malabong sasagot sa lahat ng reklamo ko sa buhay. But this is what I want, kahit papaano ay may makikinig sa akin. Tao man ito o hindi, magsalita man o hindi. Mas mabuting mailabas ko lahat ng hinanaing ko sa buhay."Insan! Gising ka na ba?" Napabuntonghininga ako nang marinig ulit ang ingay, "lumabas ka na! Marami tayong sharing tonight pretty pinsan!

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status