I couldn't quite imagine that Anthony was on the same plane with me for the entire flight. Kaya naman nagpapasalamat ako na nakarating din kami sa Pilipinas at muli akong makakapagpahinga kasama ang daughter ko.
"Thank you!" nakangiting sabi ko sa mga pasaherong bumababa.
Napahinto nga lang ako at nawala ang ngiti sa labi ko nang huminto si Anthony sa harapan ko. Manghang-mangha pa rin niya akong tinignan kaya naman pilit akong ngumiti sa kaniya.
"Thank you for flying with us, Sir!" nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Thank you, Miss Kali." Sabi niya bago tuluyang umalis doon.
Nang makababa lahat ng pasahero ay halos mapabuntong hininga na lang ako habang hila-hila ang luggage ko.
"Did he asked your number?"
As usual ay gano'n na naman ang tanong sa akin ng mga kasama kong cabin crew lalo na si Claire.
"Of course not!" pagtatanggi ko naman sa kanila.
Hindi sila natigil na pag-usapan si Anthony at talagang hangang-hanga sila rito. Gusto ko na lang mairap doon. Kung alam niyo lang kung gaano ka-manipulative at manloloko ang lalaking 'yon ay baka magsisi kayo na hangaan siya.
Naghiwa-hiwalay na kami nang makarating kami sa airport dahil may kaniya-kaniya na naman silang lakad. Antok na antok ako at gusto ko na kaagad magpahinga. Gusto kong mahikab doon kaya lang ay pinigilan ko dahil nakakapanget 'yon.
Napatingin ako sa wrist watch ko at tinignan ang oras doon. Nag-uber lang ako at hinihintay kong dumating 'yon doon. Halos tumulo tuloy ang pawis ko roon dahil sa init. Ginamit ko na lang ang palad ko para paypayan ang sarili ko at napapasimangot na ako roon dahil antagal ng uber.
Napatingin naman ako sa isang sports car na huminto sa harapan ko dahil pangarap kong magkaroon ng gano'n someday, pero alam kong malabo pang mangyari 'yon dahil marami pa akong dapat unahin kaya hanggang tingin lang muna ako.
Hindi ko alam kung mapapaiwas ako ng tingin nang biglang bumukas ang bintana nito hanggang sa nakita ko kung sino ang nakasakay roon.
"Kali! What are you doing there? Do you want me to give you a ride?" tanong sa akin ni Anthony.
Halos pagtinginan na kami ng mga tao roon kaya naman mabilis akong napailing sa kaniya.
"Come on! The weather is hot. Ako na lang ang maghahatid sa'yo sa bahay mo," pilit niya sa akin.
"No, thank. Mas gusto ko pang maramdaman ang hot temperature rito kaysa sumakay sa sasakyan mo," supladang sagot ko naman sa kaniya.
Napairap pa ako dahil mukhang wala siyang balak na tigilan ako sa panggugulo. Mabuti na lang din ay dumating na ang uber na pina-book ko kaya agad akong nag-direstyo roon at sumakay.
Sa grandma's kitchen ako nagpahatid dahil naroon sina Agatha at Eunice. Kakain na rin muna ako roon at tutulong sa ibang gawain bago kami umuwi ni Agatha sa apartment para makapagpahinga.
"Kali!" tawag sa akin ni Annie nang makarating ako roon.
As usual ay dala-dala ko pa rin ang suitcase ko. Sinalubong naman ako ni Annie at napansin kong kakaonti pa lang ang customers na kumakain doon. Kunot noo naman akong napatingin kay Annie dahil bihira lang siyang sumalubong sa akin ng ganito.
"Why?" nagtatakhang tanong ko sa kaniya.
"May lalaki na naghahanap sa'yo kanina pang umaga. Naalala mo yung dalawang lalaki na kumain dito noong nakaraan?" sabi niya.
Napataas ng bahagya ang isa kong kilay at napatango dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang dalawang lalaki na 'yon. Naalala ko tuloy ang ginawa kong revenge sa kanila noong nakaraang araw.
"What about those guys?" tanong ko kay Annie.
"The one guy is looking for you. I think he has crush on you!" kinikilig na sabi sa akin ni Annie.
Natawa naman ako at napairap bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan naman ako ni Annie. Bakit naman ako hahanapin? Sa pagkakaalam ko ay wala akong atraso sa kanila bukod sa paglalagay ko ng spicy flavor sa pagkain nila.
"Bakit naman niya ako hinahanap? Sino ba sa dalawang 'yon?" tanong ko.
"The one guy with blue eyes?" sagot ni Annie na para bang hindi siya sigurado roon.
Oh, I remembered that guy. Mabuti naman at hindi ang mayabang na lalaki ang naghahanap sa akin.
"Kanina pa siya rito umaga hanggang tanghali pero umalis na rin e," sabi ni Annie.
"Good to hear that," sagot ko naman.
Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin dahil hinahanap niya ako pero wala akong pakialam doon. Masyado akong busy para makipag-entertain pa sa kahit na sino.
"But he left something for you. Ipinatago ko muna sa loob."
"What?!" gulat na tanong ko naman.
"Why did you accept it?" tanong ko habang napapailing.
Hindi na bago sa akin ang may nagbibigay ng regalo para sa akin pero never akong tumanggap kahit isa kaya naman ganito na lang ang reaksyon ko nang malaman kong tanggapin 'yon ni Annie para sa akin.
"Walang may gustong tanggapin 'yon dahil alam naman namin na hindi ka tumatanggap ng regalo mula kahit na kanino. Kaya lang mapilit kasi siya at iniwan sa counter bago tuluyang umalis kanina," pagkukwento ni Annie.
Napailing na lang tuloy ako at napabuntong hininga dahil isa ko pang iisipin 'yon. Pumasok ako sa loob at inabot nila ang isang malaking paper bag pero hindi ko 'yon tinanggap.
"Ibalik niyo na lang 'yan sa kaniya kapag bumalik siya rito," sabi ko.
Hindi ko tatanggapin 'yon at ibabalik ko sa kaniya hangga't maaari. Ayaw kong nagbibigay sila ng effort na bigyan ako ng mga material na bagay dahil hindi ko naman 'yon kayang isukli 'yon pabalik sa kanila.
Nagdiretsyo ako sa bahay nila Tita Cindy at kaagad kong naabutan ang anak kong naglalaro roon. Nang makita niya ako ay agad itong sumalubong sa akin at niyakap ako. Napapikit naman ako at dinama ang yakap niya para makatulong sa pagkawala ng pagod ko.
"How's your flight? Mukhang pagod na pagod ka girl!" pangungumusta sa akin ni Eunice.
Natawa naman ako at napatango sa kaniya.
"Yeah, I'm really exhausted, Eunice. Kung alam mo lang sobrang daming nangyari sa buong travel na 'yon," sagot ko sa kaniya.
"Siguro naman magpapahinga ka na ngayon? Now I know kung saan nakuha ni Agatha ang pagiging energetic niya," sabi ni Eunice pagkatapos ay napairap bago tumingin kay Agatha.
"Of course! Kanino pa nga ba niya makukuha lahat ng personality niya? Kundi sa akin lang," sagot ko naman.
Lahat ng personality na mayroon si Agatha ngayon at habang lumalaki siya ay sa akin niya nakuha. Never ko siyang nakitaan ng personality na katulad ni Anthony and I'm so grateful for that. Napatingin tuloy ako kay Agatha nang maalala ko ang muling pagkikita namin ni Anthony.
"We met again, Eunice. We see each other again," sabi ko.
"Who? Your ex?" tanong niya.
Napatango naman ako at nagkibit ng balikat bilang sagot sa kaniya.
"Oh my gosh! What happened? Did he talk to you?" sunod-sunod na tanong ni Eunice sa akin.
"Yeah and he was so amazed when he saw me. He saw what he lost," natatawang pagkukwento ko naman sa kaniya.
"Sinabi mo ba sa kaniya?" tanong muli ni Eunice pagkatapos ay napatingin kay Agatha.
Alam ko na ang tinutukoy niya kaya mabilis akong napailing.
"I already told you. Wala akong balak na ipaalam at ipakita sa kaniya ang anak ko," sabi ko.
"Are you sure about that? Sigurado ako na mas liliit ang mundo niyong dalawa lalo na at nagkita kayo ulit," sabi ni Eunice pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
"If I have to hide Agatha from him, I will. Hindi naman niya deserve makilala ng anak ko dahil una pa lang ay hindi naman na niya 'to tinaggap," paliwanag ko.
"It's not that I meddling your decision pero hanggang kailan ka magsisinungaling sa bata? Hanggang kailan mo sa kaniya itatago ang katotohanan? She's growing up, Kali. No matter what we do, she'll still search for her father," sunod-sunod na sabi sa akin ni Eunice.
Napatango ako dahil alam kong dadating naman kami sa point na 'yon pero hindi ko muna masyadong iniisip. Mahaba pa ang panahon at makakapag-isip pa ako. Marami pang mangyayari sa buhay namin.
"I know. Don't worry, just leave that matter to me. Kailangan ko pa rin makapag-isip," sagot ko.
Pagkatapos kong magpahinga at makipagkwentuhan kay Eunice ay nag-decide kaming kumain muna dahil nagugutom na ako. Pahapon na rin at ayaw kong abutin kami ng dilim bago kami makauwi sa bahay.
Doon na lang din kami kumain sa restaurant at medyo dumadami, at nadadagdagan ang mga customers doon.
"Kali. The blue eyes man is there. He's eating alone. He was asking me about you again," sabi sa akin ni Annie.
"Blue eyes man?" nagtatakhang tanong naman ni Eunice.
Napailing naman ako at kaagad kong hinanap si blue eyes man at agad ko naman siyang natanaw sa isang table. Mag-isa nga lang siya roon at napaiwas ako ng tingin dahil nakita kong nakatingin siya sa akin.
"Can you take care of Agatha for a while? I'm just going somewhere for a while. I'll be back," paalam ko.
Hindi ko na hinintay pang magsalita si Eunice at kaagad na akong tumayo para pumunta sa counter. Kinuha ko ang paper bag doon at nilapitan ko kaagad si blue eyes man. Nakalimutan ko na ang pangalan niya at hindi ko na 'yon matandaan pa.
Mukhang nagulat naman siya nang huminto ako sa table niya kaya naman bahagya kong inangat ang paper bag na hawak ko.
"Is this from you?" tanong ko sa kaniya.
Umayos siya sa pagkakaupo niya bago tumango sa akin. Inilapag ko naman kaagad 'yon sa table niya bago ako muling magsalita.
"Thanks for the effort but I can't accept this," sabi ko sa kaniya.
"Why? You don't like it?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Yes, I don't like when someone's giving me a gift," sagot ko.
Bahagya siyang napatango pagkatapos ay napahugot nang malalim na hininga.
"Look. I want to be straight forward to you, Miss." sabi niya.
Ako naman ngayon ang napataas ang kilay sa kaniya at hinintay ang kasunod niyang sasabihin.
"I like you. Unang kita ko pa lang sa'yo nagustuhan na kita dahil sa strong personality mo. I like a girl like you," diretsyong sabi niya sa akin.
Napanganga naman ako roon at halos malaglag ang panga dahil hindi ko inaasahan na marinig 'yon mula sa kaniya. Alam kong mayaman siya dahil sa pananalita at pagsusuot niya ng damit. Idagdag mo pa ang maganda niyang sasakyan kaya sino naman ang maniniwala na ang isang tulad niyang lalaki ay magkakagusto sa akin sa unang kita pa lang.
"If you give me a chance. Can I date you?" tanong niya.
Hindi ko naman napigilang matawa roon dahil sa sinabi niya. Date kaagad? My gosh! Ganito na pala talaga ang mga lalaki ngayon.
Huminto ako sa pagtawa ko pagkatapos ay napalingon ako sa table namin. Nakita ko si Eunice na nakatingin sa amin habang pinapakain si Agatha. Napakagat ako sa labi ko at muling bumaling sa lalaking kausap ko.
"Nakikita mo ba ang batang 'yon sa kabilang table?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah?"
"She's my daughter and I'm a single mother. Maybe you don't want to date me anymore, right?" sabi ko sa kaniya.
Napatingin siya sa table namin nila Eunice pagkatapos ay nagkibit lang siya ng balikat.
"Well, maybe that's pretty amazing? I can date your daughter too," sabi niya.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa kaniya dahil hindi ko na naman 'yon expected. Usually ay nat-turn off kaagad ang mga lalaking gusto akong i-date kapag nalalaman nilang single mom ako, pero sa lalaking ito ay hindi ko siya nakitaan ng dismaya sa mukha.
"I'd love to get along with your daughter," dagdag na sabi pa niya.
"Really huh?" sabi ko at ipinakita sa kaniya na para bang kumbinsido ako sa sinabi niya.
"Yeah, I can give her everything. Well, I don't know what happened to you and her father but I can assure you that I can give everything that her father couldn't give if you let me to court you," sunod-sunod niyang sabi sa akin.
Sarkastiko akong natawa roon. Ano'ng tingin niya sa akin? Hindi ko kayang ibigay ang lahat sa anak ko?
"Your offer is pretty good but no thanks. I don't rely on other people just to provide the things my daughter needs. I can provide everything for her by myself. So, my answer is no."
Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos ay tuluyan siyang tinalikuran doon.
"Mommy! Who's that pretty boy?" tanong sa akin ni Agatha.
Nagkatinginan naman kami ni Eunice at sabay kaming nagkibit ng balikat doon.
"Yeah, who's that guy anyway? He's not familiar with me," sabi ni Eunice.
"He looks rich though," dagdag pa niya.
"Oh, don't mind him. He's just new customer here," sagot ko naman at hindi na sinabi pa ang pinag-usapan namin.
"I don't want you to cry, Kali. I'll be okay. I promise," sabi niya habang patuloy na pinapalis ang mga luha sa pisngi ko."I-I'm just worried," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay napahikbi ako.Napatango naman niya sa akin."I know. Kaya nga nahirapan akong sabihin sa'yo dahil ayaw kong mag-alala ka," sabi niya sa akin."Are you crazy? You're important to me, Damian! Kaya mag-aalala talaga ako para sa'yo," inis na sabi ko sa kaniya.Bahagya naman siyang natawa at napatangong muli bago ako muling niyakap. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap doon at aaminin ko na mami-miss ko siya kapag umalis siya.Naupo kami sa dalampasigan habang tinatanaw ang nagbabadyang paglabas ng araw. Tahimik lang kami roon at walang nagsasalita kaya naman humugot ako nang malalim na hininga at tumingin sa kaniya."Can't you extend your days here? Kahit two days pa para naman makapag-prepare ako sa pag-alis mo," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay napanguso ako.Bahagya naman siyang natawa at napailing
Kabado ako nang bumalik ako sa labas na para bang walang nangyari. Hindi sumunod sa akin kaagad si Roswell dahil mas nauna akong lumabas kaysa sa kaniya. Magkakasama ang mga boys at girls sa isang table at mukhang nakakarami na ng inom ang mga boys. Napansin ko rin na nakisali si Vera sa inuman nila kaya."Are you drinking with them, Vera?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ay bahagya akong natawa."Yup! Perks of not being pregnant," sagot niya pagkatapos ay natawa para mang-asar.Napanguso naman ako dahil matagal kaming hindi makaka-inom ng alak ni Eunice, pero wala namang problema 'yon sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig uminom ng alak."Dapat ay magbuntis ka na rin, Vera. Kailan niyo ba balak ni Felix?" tanong naman ni Eunice.Napangisi naman ako at naupo sa isang upuan habang sinisimulan ko na ang pagkain ng nilutong salmon ni Roswell. Tinignan ko naman si Vera at hinintay ang magiging sagot niya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung ano nga ba ang plano niya.
Isang linggo muli ang lumipas at gano'n pa rin kami sa dati. Mailap pa rin sa amin si Roswell at napapansin kong iniiwasan niya ako.Sobrang saya ko naman nang bisitahin kami ni Vera, Felix, Eunice, at Phil. Marami silang dala na gamit at mga pagkain at aaminin ko na na-miss ko sila. Tatlong araw lang sila roon at bukas ay uuwi na sila kaya naman nagba-barbecue kami sa labas."Kumusta ka naman dito? Hindi ka ba nabo-bored?" tanong sa akin ni Eunice.Nag-iinuman ang mga boys at mukhang nagkakasiyahan sila hindi kalayuan sa amin. Naka-upo lang kaming mga girls sa lounger habang nagkukwentuhan."Not really. I'm having fun with Roswell and Damian naman. Hindi nila hinahayaan na ma-bored ako rito," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat."Do you think they're okay now? Hindi ba at may gusto sa'yo si Damian?" tanong naman ni Vera.Napangisi naman ako at nagkibit ng balikat."Gosh! Mag-bestfriend nga talaga silang dalawa. Lagi na lang silang nagkakagusto sa iisang babae. Gan'yan din ang
Dinama ko ang hangin na humahampas sa buong katawan ko at hinayaan kong sumabog ang mahaba kong buhok. Napayuko ako at tinignan ang paa ko na hinahampas ng alon ng dagat. It was peaceful here and I want to stay here for long, pero alam kong hindi 'yon pwede.Sobrang daming nangyari sa buhay ko at hindi ko na 'yon maisa-isa pa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay alam kong safe na kami ng anak ko. Wala ng tao ang gagawa nang hindi maganda sa amin dahil nakulong na si Anthony."Kali."Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Roswell mula sa likuran ko kaya napabaling ako sa kaniya. He was wearing a black t-shirt and gray sweat short. Naka-suot din siya ng shades at inalis niya 'yon nang humarap ako sa kaniya."Nag-utos ako kay Manang at Kuya Lito na mag-grocery sa supermarket. May gusto ka bang ipabili?" tanong niya sa akin.Simula nang nalaman niyang buntis ako ay hindi siya pumayag na hindi ako sumama sa kaniya para sa safety ko. Nasa isang isla kami ngayon at iyon ang napili k
Nagtatakbo lang kami ni Damian palayo roon at sinundan ko lang siya dahil hindi ko naman alam ang labas papunta sa labas. Siya ang nakapasok dito kaya sigurado akong alam niya rin kung paano makalabas. Hinihingal ako habang nakahawak sa tiyan ko at halos paimpit akong mapatili nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. "Oh my gosh!" nag-aalalang sabi ko. "I think they're here," sabi ni Damian sa akin. Napakunot naman ang noo ko at pinagpatuloy ang pagsunod sa kaniya habang siya ay abala sa pagtingin sa paligid. Labis ang takot na nararamdaman ko lalo na nang hindi tumigil ang mga pagputok ng baril. "What do you mean? Sinong sila?" curious na tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at agad akong hinila para magtago dahilan nang pagkagulat ko. "Stop asking and keep your mouth close," sabi niya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang mapairap dahil sa pagsusuplado niya sa akin kaya nanahimik na lang ako. Sumenyas siya sa akin na 'wag akong maingay at naglakad kami nang d
"Alam mo? Kung tumawag ka na lang sana nang tuloy ay sana kanina pa tayo wala rito!" reklamo ko kay Damian.Imbis na matutulungan niya akong makaalis dito ay pati siya nadamay na kuhanin ni Anthony. Nawalan lang tuloy ako nang pag-asa na makakalabas pa rito!"Wow, Kali! Ngayon pa talaga tayo magsisisihan?" sarkastikong tanong niya kaya naman napairap ako.Hindi na ako nagsalita dahil nakakaramdam na ako ng pagod. Hindi kami nakatali, pero nakakulong kami roon kaya naman lumapit ako sa pintuan para tignan kung makakagawa ba kami ng paraan para makalabas doon habang si Damian ay nanatiling tahimik na naka-upo sa sahig.Napabuntong hininga ako at bumagsak ang dalawa kong palad nang ma-realize ko na wala talaga kaming magagawang ibang paraan para makalabas doon. Naka-lock ang pintuan mula sa labas at may rehas naman ang bintana kaya hindi kami makakalabas doon."Buntis ka pala. Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Damian mula sa likuran ko.Napairap akong muli at humarap sa kaniya ba