Ginawa ko lang ang dapat gawin sa mga araw na 'yon at nang matapos ay sumama akong mag-shopping kina Diane. As usual ay para kay Agatha lahat ang nabili ko at wala akong nabili para sa akin. Nang matapos kaming mag-shopping ay kumain naman kami at nagpahinga sa hapon para sa muling mahabang pag-flight namin.
May hang-over pa halos si Claire dahil sa pag-inom nila kagabi kaya natulog siya sa hapon. Nag-ayos na lang ako sa kwarto at ako na rin ang nag-ayos ng iba niyang mga gamit dahil masakit daw ang ulo niya. Mas mainam na matulog na lang siya ngayon dahil baka hindi pa siya makapag-duty nang maayos mamaya.
"Thanks, Kali. Ililibre na lang kita ng food mo mamaya sa Singapore," sabi niya nang magising siya.
"No worries. Kumusta na ba ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ang ulo mo?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"I feel much better now. Mawawala na ng tuluyan 'to mamaya kapag naligo ako ulit," sagot niya.
Tumango naman ako at hindi nakapagsalita dahil may nag-door bell sa room namin. Nagkatinginan naman kami sandali ni Claire bago ako tuluyang tumayo mula sa kama at dumiretsyo sa pintuan para tignan kung sino ang nasa labas.
Pagbukas ko ng pintuan ay nakita kong si Angelo 'yon. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin pagkatapos ay bahagyang itinaas ang hawak niyang paper bag na para bang inaabot niya 'yon sa akin. Sandali lang naman akong napatingin doon pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya.
"Captain! What's up?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ay bahagayang natawa.
He smiled at me and licked his lips before he speak.
"I just came here to give you this," sabi niya pagkatapos ay inabot sa akin ang hawak niyang paper bag.
Napakunot naman ang noo ko bago ko kinuha 'yon para tignan kung ano ang nasa loob no'n.
"What's this?" tanong ko.
Nang tuluyan kong mabuksan ang paper bag at nakita kung ano ang laman no'n ay hindi ko naiwasang magulat pagkatapos ay napatingin sa kaniya.
"I hope you like it," sabi niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
"Oh my gosh! Capt! I can't accept this," sabi ko pagkatapos ay ibinalik ko ang paper bag sa kaniya.
Umiling-iling ako sa kaniya at pilit na kinukuha ang kamay niya para mahawakan niya ang paper bag na ibinabalik ko sa kaniya.
"B-But why? Hindi ba at gusto mo 'yan?" tanong niya.
Napatango ako pero napailing din at the same time dahil sa hiya na naramdaman. Dress 'yon kanina na tinitignan ko sa mall. Maganda siya at gusto kong bilhin pero hindi na pasok sa budget ko dahil naibili ko na ang ibang pera ko para kay Agatha. Hindi ko naman alam na nakita niya pa lang tinitignan ko 'yon kanina.
"Yeah, but you don't have to buy this for me. Ang mahal kaya nito," sagot ko sa kaniya.
"Don't mind the price. It's my gift for you. Hindi ako nakapagbigay ng regalo sa'yo no'ng birthday mo," sunod-sunod niyang paliwanag sa akin.
Napailing ako dahil hindi naman niya obligasyon na bilhan ako ng regalo.
"Take it. It will be a waste if you don't accept it especially since I have nothing else to give it to," dagdag na sabi pa niya.
"Thank you, Angelo but you don't really have to. Alright, I'll take and accept that but I'll pay you," sabi ko sa kaniya.
"No, no. You don't have to pay me. Please, Kali. Ilang beses mo na akong tinaggihan sa mga treat ko sa'yo kaya sana kahit ito lang pagbigyan mo ako," pagpupumilit niya.
Yeah, he's right. Madalas akong tumanggi sa mga treat niya at hindi lang naman siya ang natanggihan ko na. There's nothing wrong if you accept a gift and treat from others but for me, I just don't want it. Ayaw kong ma-misinterpret nila ang mga pagtanggap ko sa mga binibigay nilang regalo sa akin lalo na kung galing ito sa lalaki.
"Fine. I'll take it but last na 'to ha? Promise me na hindi na mauulit," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay tuluyan kong kinuha ang ibinibigay niya sa akin.
"I can't promise," sabi niya pagkatapos ay bahagyang natawa.
Sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan nang mas lalo niyang pagtawa.
"Just kidding, Kali. So, I'll go now. See you later," sabi niya para magpaalam.
Tumango naman ako sa kaniya at muling nagpasalamat sa binili niyang dress para sa akin. Nang makaalis naman siya at nakapasok na akong muli loob ay hindi naman ako nakatakas sa mga mapaghinalang tingin sa akin ni Claire.
"What?" tanong ko sa kaniya.
Nakahiga pa rin siya hanggang ngayon sa kama pero bumangon din siya kaagad nang makitang may hawak akong paper bag.
"Ano'ng nasa loob niyan? May I see?" tanong niya.
Ilalagay ko na sana sa loob ng maleta ko 'yon pero itong si Claire ay nagpupumilit na naman na makita kung ano 'yon.
"Is he courting you already?" dagdag na tanong niya.
Tumayo siya at lumipat sa kama ko para kuhanin ang paper bag na hawak ko.
"It's just a dress and of course not! He's not courting me so stop making issue again, Claire," sunod-sunod kong paliwanag sa kaniya.
Hiyaan ko na lang na kuhanin niya ang paper bag at tignan ang laman no'n.
"Oh my gosh! Ito ba yung dress na tinitignan mo kanina!?" gulat na tanong niya.
Napatingin pa siya sa akin para i-confirm ang tanong niya kaya naman nagkibit na lang ako ng balikat sa kaniya.
"I knew it! Kaya pala nagpaiwan pa siya kanina sa mall para lang mabili 'to! My gosh, Kali! You're so special to him!" sunod-sunod na sabi ni Claire gamit ang kinikilig na boses.
Napairap naman ako sa kaniya at napailing dahil gumagawa na naman siya ng issue.
"Angelo and I are just friends. Maybe he saw me earlier na gustong-gustong bilhin ang dress na 'yan pero hindi ko mabili dahil wala na akong pera," paliwanag ko sa kaniya.
"We are all friends here! Duh? Pero kahit isa sa aming mga cabin crew na girls ay never pa niyang binilhan ng mga kahit ano'ng bagay," patuloy ni Claire.
"He always treat us sa mga mamahaling restaurant," sabi ko naman.
"Yeah, he does! But yung mga katulad na ganitong present? Never!" sagot niya.
"I have a strong hunch. He really likes you," dagdag na sabi pa niya.
Napailing na lang ako at hinayaan na lang si Claire na paniwalaan ang gusto niyang paniwalaan. Ayaw ko nang makipagtalo pa at isa pa, hindi ko naman obligasyon na isipin kung may gusto nga talaga sa akin si Angelo kahit na alam kong meron naman talaga.
Nang gumabi na ay nag-dinner muna kami nang mabilisan at sinundo na kami ng service namin papunta sa airport. Excited na akong umuwi dahil makakasama ko na ulit ang daughter ko. Sigurado rin ako na matutuwa siya ulit sa mga pasalubong kong binili para sa kaniya.
"My gosh, Kali! Nakakita na naman ako ng gwapong pasahero!" kinikilig na sabi sa akin ni Claire.
Napangiwi naman ako sa kaniya dahil 'yon ang madalas na gawin nilang dalawa ni Rein kapag nagd-duty. Aminado naman ako na may mga gwapo naman talagang pasahero lagi lalo na at kadalasan ay mga celebrity mula sa iba't-ibang bansa ang pasahero namin.
"At sino na namang artista 'yon?" tanong ko naman sa kaniya.
"No. He's not an artist, I guess? Sobrang gwapo! He also smells so good no'ng makasalubong ko siya. Do you want to see him? Samahan mo ako mamaya mag-serve ng food!" sunod-sunod niyang sabi para lang mapilit akong sumama sa kaniya.
"No, thanks. I'm not interested," tamad na sagot ko naman sa kaniya.
"You're so kill joy! Come on. Ikaw muna ang sumama sa akin habang wala si Rein," pagkukumbinsi niya sa akin.
"Fine! Sasamahan na kita," sabi ko sa kaniya nang tuluyan niya akong mapapayag.
Buong byahe ay 'yon ang bukang bibig ni Claire at nag-describe pa talaga ng mukha. Nang dumating ang time na mags-serve na kami ng food ay tuwang-tuwa naman si Claire.
"Bawasan mo 'yang ngiti mo at napaghahalataan ka," bilin ko naman sa kaniya.
Natawa naman siya at tumango kaya napailing na lang akong muli. Ginawa ko ang dapat kong gawin doon at nang makarating ako sa isang seat ay halos malaglag ang panga ko nang makita kong muli na naroon si Anthony. Kita ko rin ang gulat sa mga mata niya at napaayos pa siya sa pagkakaupo niya nang makita ako.
Katulad lang nang pagkikita namin kagabi ay kita ko kung gaano siya namamangha habang tinitignan ako.
"Kali? Wow! You're here!" sabi niya gamit ang hindi makapaniwalang boses niya.
"Do you know her?" tanong ng isang lalaki na katabi ni Anthony.
"Y-Yeah," sagot ni Anthony habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Here's your order, Sir. Enjoy your meal," sabi ko pagkatapos kong inilapag ang mga pagkain na order nila.
I politely nodded at them while smiling before I finally leave there pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Anthony.
"Kali, wait!" sabi niya dahilan nang paghinto ko.
Lumingon ako sa gawi niya at naglakad pabalik dahil baka may idadagdag silang order at para na rin may masabi ako sa kaniyang isang bagay.
"Kali, can I have a coffee too?" tanong niya.
Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.
"Sure, Sir! As long as you put Miss whenever you call me. We're not close to each other para tawagin ako sa unang pangalan ko," diretsyong sagot ko sa kaniya pagkatapos ay tuluyan nang umalis doon.
"Oh my gosh! I thought you're not interested?" tanong sa akin ni Claire nang makabalik ako sa galley.
Kunot noo ko naman siyang tinignan dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya lalo na at hindi ko pa naman nakikita ang itinuturo niyang gwapong lalaki sa akin.
"Saan?" tanong ko sa kaniya.
"Kay handsome boy! Parang nagkausap pa kayong dalawa ah? Ano'ng sabi niya? Hiningi niya rin ba ang number mo tulad ng ibang boys na pasahero natin?" sunod-sunod niyang tanong sa akin habang natatawa.
"'Yong handsome boy ba na tinutukoy mo ay yung lalaki na huling pinag-serve-an ko ng food?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah! Exactly! Ang gwapo niya right? Para siyang holly wood star!" natutuwang sagot sa akin ni Claire.
Halos mapairap at matawa naman ako. Akala ko pa naman kung sino'ng lalaki ang tinutukoy niya. Si Anthony lang pala na walang kwentang ex boyfriend ko! Kita ko naman ang pagkunot ng noo ni Claire habang tinitignan ang reaksyon ko.
"Why are you laughing? Don't tell me you have a crush on him na rin?!" mapaghinalang tanong niya.
"Of course not! Duh? He's not my type! Isa pa, hindi naman gwapo! I think malabo na 'yang mata mo," sabi ko naman sa kaniya.
"Don't tell me hindi pa rin siya pasok sa standards mo? Gwapo, mabango, mukhang mabait naman at higit sa lahat mayaman!" patuloy na pangungulit sa akin ni Claire.
"Never talagang papasok ang isang tulad niya sa standards ko lalo na ngayon. Kaya ipagtimpla mo na lang siya ng kape at ikaw na rin ang mag-serve. Mauupo muna ako dahil masakit na paa ko," tuloy-tuloy kong sabi sa kaniya.
Ginawa naman ni Claire 'yon kaya naupo muna ako at inalis ang sapatos ko para mahilot ko 'yon kahit sandali lang. Pamaya maya ay nakapasok na muli si Claire roon kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.
"He's looking for you! Sabi ko na nga ba at ikaw na naman ang matitipuhan no'n. Ano ba kasing ganda ang mayroon ka at pahingi naman!" sunod-sunod na sabi ni Claire na para bang nagrereklamo.
Natawa naman ako at napailing sa kaniya.
"At bakit naman niya ako hinahanap? Ano'ng kailangan niya sa akin?" tanong ko.
"I don't know. Hindi ko na tinanong pa 'no. Puntahan mo na lang para malaman mo," sagot niya habang umiiling.
"No way. Hindi naman ako interesado sa kaniya," sabi ko.
Wala talaga akong balak na makipag-usap muli sa lalaking 'yon lalo na at wala naman kaming dapat na pag-usapan pa. Ipinagtabuyan na niya ako noon at itinakwil. Hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin noon at hindi naging maganda ang hiwalayan namin dahil bago kami tuluyang maghiwalay ay nakatikim pa ako ng pananakit mula sa kaniya. Hindi lang ako makapaniwala ngayon na uma-acting siya na para bang wala siyang nagawang hindi maganda sa akin noong magkasama pa kaming dalawa.
He's acting like na para bang walang nangyari, like he didn't hit me, like he didn't hurt me physically, mentally, and emotionally.
Like he didn't accept our daughter.
Like he didn't cheated on me.
Like he didn't ruined my life completely.
"I don't want you to cry, Kali. I'll be okay. I promise," sabi niya habang patuloy na pinapalis ang mga luha sa pisngi ko."I-I'm just worried," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay napahikbi ako.Napatango naman niya sa akin."I know. Kaya nga nahirapan akong sabihin sa'yo dahil ayaw kong mag-alala ka," sabi niya sa akin."Are you crazy? You're important to me, Damian! Kaya mag-aalala talaga ako para sa'yo," inis na sabi ko sa kaniya.Bahagya naman siyang natawa at napatangong muli bago ako muling niyakap. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap doon at aaminin ko na mami-miss ko siya kapag umalis siya.Naupo kami sa dalampasigan habang tinatanaw ang nagbabadyang paglabas ng araw. Tahimik lang kami roon at walang nagsasalita kaya naman humugot ako nang malalim na hininga at tumingin sa kaniya."Can't you extend your days here? Kahit two days pa para naman makapag-prepare ako sa pag-alis mo," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay napanguso ako.Bahagya naman siyang natawa at napailing
Kabado ako nang bumalik ako sa labas na para bang walang nangyari. Hindi sumunod sa akin kaagad si Roswell dahil mas nauna akong lumabas kaysa sa kaniya. Magkakasama ang mga boys at girls sa isang table at mukhang nakakarami na ng inom ang mga boys. Napansin ko rin na nakisali si Vera sa inuman nila kaya."Are you drinking with them, Vera?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ay bahagya akong natawa."Yup! Perks of not being pregnant," sagot niya pagkatapos ay natawa para mang-asar.Napanguso naman ako dahil matagal kaming hindi makaka-inom ng alak ni Eunice, pero wala namang problema 'yon sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig uminom ng alak."Dapat ay magbuntis ka na rin, Vera. Kailan niyo ba balak ni Felix?" tanong naman ni Eunice.Napangisi naman ako at naupo sa isang upuan habang sinisimulan ko na ang pagkain ng nilutong salmon ni Roswell. Tinignan ko naman si Vera at hinintay ang magiging sagot niya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung ano nga ba ang plano niya.
Isang linggo muli ang lumipas at gano'n pa rin kami sa dati. Mailap pa rin sa amin si Roswell at napapansin kong iniiwasan niya ako.Sobrang saya ko naman nang bisitahin kami ni Vera, Felix, Eunice, at Phil. Marami silang dala na gamit at mga pagkain at aaminin ko na na-miss ko sila. Tatlong araw lang sila roon at bukas ay uuwi na sila kaya naman nagba-barbecue kami sa labas."Kumusta ka naman dito? Hindi ka ba nabo-bored?" tanong sa akin ni Eunice.Nag-iinuman ang mga boys at mukhang nagkakasiyahan sila hindi kalayuan sa amin. Naka-upo lang kaming mga girls sa lounger habang nagkukwentuhan."Not really. I'm having fun with Roswell and Damian naman. Hindi nila hinahayaan na ma-bored ako rito," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat."Do you think they're okay now? Hindi ba at may gusto sa'yo si Damian?" tanong naman ni Vera.Napangisi naman ako at nagkibit ng balikat."Gosh! Mag-bestfriend nga talaga silang dalawa. Lagi na lang silang nagkakagusto sa iisang babae. Gan'yan din ang
Dinama ko ang hangin na humahampas sa buong katawan ko at hinayaan kong sumabog ang mahaba kong buhok. Napayuko ako at tinignan ang paa ko na hinahampas ng alon ng dagat. It was peaceful here and I want to stay here for long, pero alam kong hindi 'yon pwede.Sobrang daming nangyari sa buhay ko at hindi ko na 'yon maisa-isa pa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay alam kong safe na kami ng anak ko. Wala ng tao ang gagawa nang hindi maganda sa amin dahil nakulong na si Anthony."Kali."Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Roswell mula sa likuran ko kaya napabaling ako sa kaniya. He was wearing a black t-shirt and gray sweat short. Naka-suot din siya ng shades at inalis niya 'yon nang humarap ako sa kaniya."Nag-utos ako kay Manang at Kuya Lito na mag-grocery sa supermarket. May gusto ka bang ipabili?" tanong niya sa akin.Simula nang nalaman niyang buntis ako ay hindi siya pumayag na hindi ako sumama sa kaniya para sa safety ko. Nasa isang isla kami ngayon at iyon ang napili k
Nagtatakbo lang kami ni Damian palayo roon at sinundan ko lang siya dahil hindi ko naman alam ang labas papunta sa labas. Siya ang nakapasok dito kaya sigurado akong alam niya rin kung paano makalabas. Hinihingal ako habang nakahawak sa tiyan ko at halos paimpit akong mapatili nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. "Oh my gosh!" nag-aalalang sabi ko. "I think they're here," sabi ni Damian sa akin. Napakunot naman ang noo ko at pinagpatuloy ang pagsunod sa kaniya habang siya ay abala sa pagtingin sa paligid. Labis ang takot na nararamdaman ko lalo na nang hindi tumigil ang mga pagputok ng baril. "What do you mean? Sinong sila?" curious na tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at agad akong hinila para magtago dahilan nang pagkagulat ko. "Stop asking and keep your mouth close," sabi niya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang mapairap dahil sa pagsusuplado niya sa akin kaya nanahimik na lang ako. Sumenyas siya sa akin na 'wag akong maingay at naglakad kami nang d
"Alam mo? Kung tumawag ka na lang sana nang tuloy ay sana kanina pa tayo wala rito!" reklamo ko kay Damian.Imbis na matutulungan niya akong makaalis dito ay pati siya nadamay na kuhanin ni Anthony. Nawalan lang tuloy ako nang pag-asa na makakalabas pa rito!"Wow, Kali! Ngayon pa talaga tayo magsisisihan?" sarkastikong tanong niya kaya naman napairap ako.Hindi na ako nagsalita dahil nakakaramdam na ako ng pagod. Hindi kami nakatali, pero nakakulong kami roon kaya naman lumapit ako sa pintuan para tignan kung makakagawa ba kami ng paraan para makalabas doon habang si Damian ay nanatiling tahimik na naka-upo sa sahig.Napabuntong hininga ako at bumagsak ang dalawa kong palad nang ma-realize ko na wala talaga kaming magagawang ibang paraan para makalabas doon. Naka-lock ang pintuan mula sa labas at may rehas naman ang bintana kaya hindi kami makakalabas doon."Buntis ka pala. Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Damian mula sa likuran ko.Napairap akong muli at humarap sa kaniya ba