Share

Chapter 7: Daddy

Penulis: Reidpurplelh
last update Terakhir Diperbarui: 2023-09-07 12:50:19

Pakiramdam ko ay nadagdagan ang stress na nararamdaman ko dahil sa mga lalaking ito. Una ay si Anthony na pilit na nangungulit sa akin pagkatapos ay pumapangalawa naman si blue eyes man. 

"Your new suitor?" tanong sa akin ni Eunice.

Kanina pa siya nagtatanong sa akin about sa lalaking kinausap ko sa kabilang table at wala naman akong magandang maisagot na ikasa-satisfy niya dahil pangalawang beses pa lang naman kaming nagka-interact ng lalaking 'yon.

"No, of course not! Pangalawang beses pa lang namin 'tong nagka-interact," sagot ko naman.

"Wow! Iba talaga ang gandang meron ka," sabi ni Eunice pagkatapos ay ngumisi sa akin.

Napailing naman ako at napairap dahil hindi talaga ako interesado roon.

Napatingin ako muli sa kabilang table at nakita kong nakatingin pa rin si blue eyes. Napairap ako dahil kumindat ito sa akin. My gosh! Why is he acting like that?

"Bagay kayong dalawa! Bakit hindi mo bigyan ng chance? Mukhang mabait naman e," suhestiyon na sabi ni Eunice sa akin.

"Oh come on, Eunice! 'Wag ka na makisali sa mga nags-ship sa akin sa lalaking 'yon. Wala akong panahon," sagot ko pagkatapos ay muling napairap.

Napatingin na lang ako kay Agatha na tahimik na kumakain habang nanonood sa iPad niya. Talagang sinadya ko na panoorin siya sa iPad niya para naman hindi niya marinig ang mga usapan namin ni Eunice. 

Nang matapos kaming kumain ay sinundo si Eunice ng fiancee niya. Gusto pa nga nila na ihatid kami ni Agatha sa apartment pero tumanggi ako dahil may mga dala rin akong bagahe. Magta-taxi na lang ako lalo na at marami namang dumadaan doon.

"Pupunta na lang kami ulit dito bukas, Tita Cindy. Tutulong ako rito," sabi ko kay Tita Cindy.

Bago kasi kami umuwi ni Agatha ay nagpaalam muna ako kay Tita Cindy.

"Oh no, Kali. It's okay kahit hindi ka tumulong dito. Magpahinga ka muna dahil alam kong pagod ka sa mga flight mo," sabi nito sa akin.

Napailing naman ako dahil hindi rin ako mapipirmi sa bahay. Gusto ko kasi na lagi ay may ginagawa ako. Wala rin naman masyadong trabaho roon dahil pinapa-laundry ko lagi ang mga damit namin ni Agatha.

"Pagtatrabaho ang pahinga ko, Tita. Hayaan mo na lang ako," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay napangiti ako.

Hindi naman na nakipagtalo pa sa akin si Tita Cindy dahil hindi rin siya mananalo sa akin. Lagi ko kasing pinipilit ang gusto kong tumulong sa restaurant lalo na at nage-enjoy naman ako sa ginagawa ko.

Hawak ng isa kong kamay si Agatha habang ang isa ay hila-hila ko ang maletang dala ko. Nasa labas na kami ng restaurant at doon kami naghintay ng taxi. Maliwanag naman doon at may ilang mga tao rin sa labas.

"Mommy, I'm tired. Carry me," reklamo sa akin ni Agatha.

Napailing naman ako dahil aaminin kong habang lumalaki siya ay nadadagdagan na rin ang timbang niya. Kaya ko naman siyang buhatin pero nahihirapan na ako.

"Just wait for a minute baby. Maraming hawak si Mommy," sagot ko sa kaniya.

Napasimangot naman ito sa akin kaya hindi ko naiwasang ma-guilty. Napahugot na lang ako nang malalim na hininga at yumuko sa kaniya.

"Fine. Come here," sabi ko at umambang bubuhatin ko siya.

Humawak naman siya kaagad sa balikat ko at binuhat ko siya. Halatang ubos na rin ang energy niya dahil maghapon siyang hyper at busog na rin siya kaya ang gusto na niya ang magpahinga.

Napaangat naman ang tingin ko sa harapan nang may humintong sasakyan doon. Pamilyar ang sasakyan na 'yon kaya naman halos kumalabog ang puso ko. Mabuti na lang ay nakatalikod si Agatha at hindi niya 'yon makikita.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan at nakita kong si Anthony nga 'yon. Halos mapamura ako sa isip. What the hell is he doing here? Paano niya nalaman na nandito ako? Don't tell me sinundan niya ako?!

"Kali!" tawag niya sa akin hindi kalayuan.

"My gosh," bulong ko at halos mataranta roon.

Aalis na sana ako roon pero may isa pang sasakyan ang huminto at bumusina. Kunot noo akong napatingin doon at nakita kong si blue eyes 'yon. Bumaba siya at naglakad palapit sa akin. Sabay pa nga silang dalawa ni Anthony na nakalapit sa akin.

"Do you mind if I give you a ride?" tanong sa akin ni blue eyes.

"Waiting for a taxi again?" tanong naman ni Anthony sa akin.

Halos nagsabay pa nga sila sa pagsasalita at nagkatinginan silang dalawa. Hindi naman maalis ang tingin ko kay Anthony lalo na nang makita niyang may buhat akong bata. Sa sobrang taranta ko ay agad akong napatingin kay blue eyes at napatango sa kaniya.

"L-Let's go," sabi ko sa kaniya.

Para bang isang himala sa kaniya ang pagpayag ko na sumama sa kaniya. Nasilayan ko naman ang kaonting ngiti sa mga labi niya bago tumango at kinuha ang maletang dala ko. Naglakad siya papunta sa sasakyan niya at inilagay iyon sa trunk.

"Kali. Who's he?" tanong naman sa akin ni Anthony.

Inis ko naman siyang tinignan at muntikan ko pa siyang irapan pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Boyfriend mo? Are you married now?" sunod-sunod niyang tanong.

"Shall we?" narinig kong tanong ni blue eyes.

Sandali naman akong napatingin sa kaniya at napatango bago muling bumaling kay Anthony para sagutin ang tanong niya.

"None of your business." 

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay dali-dali akong naglakad papunta kay blue eyes. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat at kaagad naman akong pumasok doon habang buhat ko si Agatha.

It's a good thing na nakatulog na si Agatha para hindi niya masilayan ang mga nagaganap ngayon. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala na nasundan ako roon ni Anthony! Tinanaw ko siya sa labas ng sasakyan at nanatili naman siyang nakatayo roon habang nakatingin sa sasakyan namin na paalis doon.

"C-Can you make sure na hindi niya tayo masusundan?" paki-usap ko kay blue eyes at hindi ko napigilan ang pagkautal ko roon.

Hindi rin ako makapaniwala na sumama ako sa kaniya. Hindi ako basta-basta nagtitiwala lalo sa mga lalaki pero mukhang mabait naman siya at hindi kami gagawan ng masama. Nataranta na lang din kasi ako kanina sa takot na malaman ni Anthony na ang buhat kong bata ay ang anak niya.

"Sure, of course. Who's that guy anyway?" tanong niya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko dahil naisip kung sasabihin ko ba sa kaniya kung sino talaga ang lalaking 'yon.

"Oh, i-it's just a guy na nangungulit sa akin. By the way, what's your name again?" sagot at tanong ko naman sa kaniya.

Hindi ko naman pwedeng basta-basta sabihin sa kaniya ang totoo dahil hindi naman kami lubos na magkakilala. Sapat na ang sagot ko na 'yon kapalit nang pagpapasakay niya sa amin sa kotse niya. Isa pa ay kailangan ko rin malaman ang pangalan niya dahil pagod na ako sa kakasabi sa isip na siya ay si blue eyes.

"Oh, he likes you," sabi niya habang tumatango.

"Anyway, my name is Roswell," dagdag niya.

Napailing ako kaagad at napairap dahil sa una niyang sinabi. His name is pretty attractive huh. Magsasalita na sana ako kaya lang ay biglang nagising si Agatha sa pagkakatulog niya. Napadilat siya at agad na naupo nang maayos sa lap ko. Napatingin din naman si blue eyes doon at agad niyang nginitian si Agatha.

"Hi, pretty girl!" bati niya rito.

Sandali namang napatingin sa akin si Roswell kaya agad akong umiling sa kaniya na para bang nagbabanta na 'wag niyang kausapin ang anak ko.

"Are you my Daddy?" tanong ni Agatha na ikinagulat ko naman.

"Hey! Agatha, no." Suway ko naman sa kaniya.

"Do you want me to be your Dad?" tanong naman ni Roswell.

"Hey!" suway ko rin sa kaniya dahil sinakyan pa niya ang pagtatanong ng bata. 

"Yeah," sagot naman ni Agatha.

Halos mapasapo na lang ako sa noo ko roon at napabuntong hininga dahil mukhang mas trouble pa ang pagpili kong sumama kay Roswell.

Natawa si Roswell at pinagpatuloy ang pagda-drive kaya muli akong napailing doon. Naramdaman ko naman ang pagsandal ng ulo ni Agatha sa dibdib ko kaya sinilip ko siya at nakita kong napipikit itong muli.

"Thank God, she's just dreaming," sabi ko.

Natahimik naman kami sandali roon pero muling nagsalita si Roswell.

"If you don't mind. Where's her Dad?" tanong niya sa akin.

Muli akong napabuntong hininga dahil naalala ko na naman si Anthony. Ngayon na nakita niya ako ulit at sigurado akong hindi niya ako titigilan sa pangungulit sa akin.

"He abandoned us no'ng pinagbubuntis ko pa lang siya," sagot ko naman pagkatapos ay napatingin na lang sa bintana.

Hindi ako papayag na basta na lang makakabalik sa buhay namin si Anthony at mas lalo akong hindi makakapayag na makilala siya ng anak ko. He doesn't deserve that.

"I'm so sorry to hear that-"

"It's alright. Hindi naman na ako affected kapag sinasagot ko ang gan'yang mga tanong," sagot ko kaagad sa kaniya.

"By the way, nakalimutan kong sabihin kung saan ang address namin," dagdag na sabi ko pa.

Sinabi ko sa kaniya ang address kung saan ang apartment na tinutuluyan namin. Mabilis lang din kaming nakarating doon dahil hindi naman kalayuan.

"Hindi naman sa pag-aassume pero uunahan na kita. Ngayon na alam mo na ang address ko ay baka puntahan mo ako rito palagi. I just want you to remind that I'm not always here," sunod-sunod kong paalala sa kaniya.

Natawa naman siya at napailing bago magsalita.

"Of course, I know that. You're a flight attendant and I don't expect that you're always here," sagot niya pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

Pinanliitan ko naman siya ng mga mata at kunot noong tumingin sa kaniya. Paano niya nalaman ang trabaho ko?

"I'm sorry. Nalaman ko lang sa isang waitress sa restaurant when I asked about you," paliwanag niya kaagad sa akin pagkatapos ay bahagyang natawa.

Napailing na lang ako dahil alam kong si Annie 'yon.

"Thanks. Thank you for bringing us home," pasasalmat na sabi ko sa kaniya.

Napangisi siya at napailing.

"Sorry pero hindi ako tumatanggap ng thank you lang," pabirong sabi niya.

Napataas naman ang kilay ko at napahugot nang malalim na hininga dahil ayaw ko rin na tumanaw ng utang na loob sa kaniya kaya napatango ako.

"I don't have anything in my house and ayaw ko rin na magkaroon ng utang na loob sa'yo. So, I owe you one," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat.

Napatango siya at napayuko sandali bago magsalita. He licked his lower lip and looked at me.

"You owe me a coffee date," sabi niya.

Halos manlaki naman ang mga mata ko sa gulat. Imbis na makipagtalo naman ako sa kaniya ay pumayag na lang ako.

"Fine, but ako ang magsasabi kung kailan. I'm still busy," sagot ko sa kaniya.

Napangiti naman siya na para bang nakakamit siya ng isang achievement kaya naman napairap ako.

"I'm willing to wait," sabi niya habang nakangiti pa rin.

Tinulungan niya ako magdala ng maleta ko dahil buhat ko pa rin ang tulog na tulog na si Agatha. Nang nasa pintuan na kami ng apartment ay huminto ako roon.

"Hindi na kasali 'to sa utang ko sa'yo huh," paalala ko sa kaniya.

Natawa siyang muli at tumango sa akin bago inilipat ang tingin sa buhat kong bata.

"Yeah, of course. You should go inside para makapagpahinga nang maayos ang anak mo," sabi niya.

Tumango naman ako tipid na ngumiti sa kaniya bago ko buksan ang pintuan pero bago ako tuluyang makapasok doon ay nagsalita siyang muli kaya napahinto ako.

"Paano ko nga pala malalaman kung kailan ka available? How can we communicare?" tanong niya.

Napaisip naman ako sandali bago sumagot sa kaniya.

"Give me your contact number and I'll be the one who contact you pero madalas ako sa restaurant kapag wala akong flight," sagot ko sa kaniya.

Napatango naman siya at may kinuha sa bulsa niya. Inilabas niya ang wallet niya pagkatapos ay inabot niya sa akin ang calling card niya. Napataas naman ang kilay ko bago ko kinuha 'yon mula sa kaniya. As if naman natatawagan ko siya. Kung gusto niya ay puntahan niya ako lagi sa restaurant!

 Pagkatapos ay itinuro niya ang pintuan na para ban sinasabi niyang pumasok na ako roon kaya napatango akong muli sa kaniya bago tuluyang pumasok sa loob. Inihiga ko naman kaagad si Agatha sa kama dahil mahimbing naman ang tulog niya.

Halos mabuntong hininga naman ako roon at naramdaman ang sobrang pagod dahil sa trabaho. Hindi pa rin maalis sa isip ko si Anthony at sa maaaring gawin niya sa susunod. Hindi ako makatulog sa gabing 'yon sa kakaisip kaya naman naglinis pa ako sa buong bahay para hindi ako mabaliw sa kakaisip kung paano ko ba maitatago si Agatha mula kay Anthony.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Ladylyn Campo
nu ba yan lahat ng bbsahin my unlock
goodnovel comment avatar
Ligaya Lising Carillo
pa unlock po please thanks
goodnovel comment avatar
Maricar Cruz
unlock please chapter 28
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Love: Tagalog   Chapter 63: The End

    "I don't want you to cry, Kali. I'll be okay. I promise," sabi niya habang patuloy na pinapalis ang mga luha sa pisngi ko."I-I'm just worried," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay napahikbi ako.Napatango naman niya sa akin."I know. Kaya nga nahirapan akong sabihin sa'yo dahil ayaw kong mag-alala ka," sabi niya sa akin."Are you crazy? You're important to me, Damian! Kaya mag-aalala talaga ako para sa'yo," inis na sabi ko sa kaniya.Bahagya naman siyang natawa at napatangong muli bago ako muling niyakap. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap doon at aaminin ko na mami-miss ko siya kapag umalis siya.Naupo kami sa dalampasigan habang tinatanaw ang nagbabadyang paglabas ng araw. Tahimik lang kami roon at walang nagsasalita kaya naman humugot ako nang malalim na hininga at tumingin sa kaniya."Can't you extend your days here? Kahit two days pa para naman makapag-prepare ako sa pag-alis mo," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay napanguso ako.Bahagya naman siyang natawa at napailing

  • The Billionaire's Love: Tagalog   Chapter 62: Sick

    Kabado ako nang bumalik ako sa labas na para bang walang nangyari. Hindi sumunod sa akin kaagad si Roswell dahil mas nauna akong lumabas kaysa sa kaniya. Magkakasama ang mga boys at girls sa isang table at mukhang nakakarami na ng inom ang mga boys. Napansin ko rin na nakisali si Vera sa inuman nila kaya."Are you drinking with them, Vera?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ay bahagya akong natawa."Yup! Perks of not being pregnant," sagot niya pagkatapos ay natawa para mang-asar.Napanguso naman ako dahil matagal kaming hindi makaka-inom ng alak ni Eunice, pero wala namang problema 'yon sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig uminom ng alak."Dapat ay magbuntis ka na rin, Vera. Kailan niyo ba balak ni Felix?" tanong naman ni Eunice.Napangisi naman ako at naupo sa isang upuan habang sinisimulan ko na ang pagkain ng nilutong salmon ni Roswell. Tinignan ko naman si Vera at hinintay ang magiging sagot niya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung ano nga ba ang plano niya.

  • The Billionaire's Love: Tagalog   Chapter 61: Kiss

    Isang linggo muli ang lumipas at gano'n pa rin kami sa dati. Mailap pa rin sa amin si Roswell at napapansin kong iniiwasan niya ako.Sobrang saya ko naman nang bisitahin kami ni Vera, Felix, Eunice, at Phil. Marami silang dala na gamit at mga pagkain at aaminin ko na na-miss ko sila. Tatlong araw lang sila roon at bukas ay uuwi na sila kaya naman nagba-barbecue kami sa labas."Kumusta ka naman dito? Hindi ka ba nabo-bored?" tanong sa akin ni Eunice.Nag-iinuman ang mga boys at mukhang nagkakasiyahan sila hindi kalayuan sa amin. Naka-upo lang kaming mga girls sa lounger habang nagkukwentuhan."Not really. I'm having fun with Roswell and Damian naman. Hindi nila hinahayaan na ma-bored ako rito," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat."Do you think they're okay now? Hindi ba at may gusto sa'yo si Damian?" tanong naman ni Vera.Napangisi naman ako at nagkibit ng balikat."Gosh! Mag-bestfriend nga talaga silang dalawa. Lagi na lang silang nagkakagusto sa iisang babae. Gan'yan din ang

  • The Billionaire's Love: Tagalog   Chapter 60: Island

    Dinama ko ang hangin na humahampas sa buong katawan ko at hinayaan kong sumabog ang mahaba kong buhok. Napayuko ako at tinignan ang paa ko na hinahampas ng alon ng dagat. It was peaceful here and I want to stay here for long, pero alam kong hindi 'yon pwede.Sobrang daming nangyari sa buhay ko at hindi ko na 'yon maisa-isa pa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay alam kong safe na kami ng anak ko. Wala ng tao ang gagawa nang hindi maganda sa amin dahil nakulong na si Anthony."Kali."Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Roswell mula sa likuran ko kaya napabaling ako sa kaniya. He was wearing a black t-shirt and gray sweat short. Naka-suot din siya ng shades at inalis niya 'yon nang humarap ako sa kaniya."Nag-utos ako kay Manang at Kuya Lito na mag-grocery sa supermarket. May gusto ka bang ipabili?" tanong niya sa akin.Simula nang nalaman niyang buntis ako ay hindi siya pumayag na hindi ako sumama sa kaniya para sa safety ko. Nasa isang isla kami ngayon at iyon ang napili k

  • The Billionaire's Love: Tagalog   Chapter 59: Shot

    Nagtatakbo lang kami ni Damian palayo roon at sinundan ko lang siya dahil hindi ko naman alam ang labas papunta sa labas. Siya ang nakapasok dito kaya sigurado akong alam niya rin kung paano makalabas. Hinihingal ako habang nakahawak sa tiyan ko at halos paimpit akong mapatili nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. "Oh my gosh!" nag-aalalang sabi ko. "I think they're here," sabi ni Damian sa akin. Napakunot naman ang noo ko at pinagpatuloy ang pagsunod sa kaniya habang siya ay abala sa pagtingin sa paligid. Labis ang takot na nararamdaman ko lalo na nang hindi tumigil ang mga pagputok ng baril. "What do you mean? Sinong sila?" curious na tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at agad akong hinila para magtago dahilan nang pagkagulat ko. "Stop asking and keep your mouth close," sabi niya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang mapairap dahil sa pagsusuplado niya sa akin kaya nanahimik na lang ako. Sumenyas siya sa akin na 'wag akong maingay at naglakad kami nang d

  • The Billionaire's Love: Tagalog   Chapter 58: Escaped

    "Alam mo? Kung tumawag ka na lang sana nang tuloy ay sana kanina pa tayo wala rito!" reklamo ko kay Damian.Imbis na matutulungan niya akong makaalis dito ay pati siya nadamay na kuhanin ni Anthony. Nawalan lang tuloy ako nang pag-asa na makakalabas pa rito!"Wow, Kali! Ngayon pa talaga tayo magsisisihan?" sarkastikong tanong niya kaya naman napairap ako.Hindi na ako nagsalita dahil nakakaramdam na ako ng pagod. Hindi kami nakatali, pero nakakulong kami roon kaya naman lumapit ako sa pintuan para tignan kung makakagawa ba kami ng paraan para makalabas doon habang si Damian ay nanatiling tahimik na naka-upo sa sahig.Napabuntong hininga ako at bumagsak ang dalawa kong palad nang ma-realize ko na wala talaga kaming magagawang ibang paraan para makalabas doon. Naka-lock ang pintuan mula sa labas at may rehas naman ang bintana kaya hindi kami makakalabas doon."Buntis ka pala. Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Damian mula sa likuran ko.Napairap akong muli at humarap sa kaniya ba

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status