LOGINMABABAIT naman ang mga kasama ni Clea sa trabaho. Wala siyang naging problema. Hindi niya naramdamang newly hired siya at kapapasok lamang. Mas magaan at madali niyang natututunan ang mga inuutos sa kaniya. Isa lamang ang kaniyang problema, kung paano haharapin ang kaniyang boss nang hindi nanlalambot ang mga tuhod. Kahit wala itong ginagawa ay para siyang matutunaw.
Simula kanina ay hindi pa siya nito inuutusan o pinatatawag pumasok sa loob. Tutunog naman ang landline na nasa table niya kung may kailangan ito. Lumapit sa kaniya si Fara. Ang babaeng nag-assist at nagturo sa kaniya nang mga gagawin bilang baguhan. Napakabait nito. "Ms. Buenaventura, maaga ako mag-off today, nagpaalam na ako. May importante ako lakad today, alam mo na mga gagawin before umuwi, okay?" Ngumiti siya at tumango. "Yes po, thank you so much for everything today!" Ngumiti lamang si Fara at nagpaalam na ding umalis. Bumalik siya sa trabaho. Ilang letra pa lamang ang naita-type niya sa computer nang tumunog ang landline sa table niya. Inasahan niya na ang caller nang makita ang numero. "Mr. President..." pabulong niyang sambit. "Come inside." Nalunok niya ang sariling laway at hindi kaagad nakasagot hanggang mamatay ang tawag. Huminga siya nang malalim at tumayo. Inayos niya muna ang sarili at nanlalamig ang mga palad na pumasok sa loob. "May kailangan po kayo?" Tumingin ang lalaki sa kaniya. Ibinaba ang mga papeles na hawak. "Hindi naman siguro kita ipatatawag kung wala?" pilosopong tugon nito sa kaniya. Bumuntong hininga siya. "Pasensiya na po." Pinagsalikop niya ang mga palad sa kaniyang likuran at pinipilit na maging normal ang galaw. Palihim na ngumiti si Elias. "It's nice to see you again, Clea Buenaventura. You look nice to your uniform today." Nahigit ni Clea ang hininga. Tila ba siya ay babawian ng ulirat. Ilang linya pa lamang iyon ng lalaki. "Don't worry, walang makakaalam sa opisina kung anong nangyari between us—" "Please!" Putol niya sa sinasabi nito. "Please! Please! Kalimutan na po natin ang gabing 'yon. Nakainom ako no'n at wala sa sarili. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko nang gabing 'yon." Napalis ang ngiti ni Elias sa labi. Hindi nito nagustuhan ang kaniyang sinabi. Ilang segundo itong nakatitig sa kaniya at maya-maya ay tumayo. Marahang lumapit sa kaniya. "Seriously? You have no idea what we've done that night? I don't believe you." Kaagad nitong tinawid ang maiksing distansya nila at marahan siyang itinulak sa pader. "I'm not stupid to be fooled. You remember what exactly what we did. Every single touch... every single moan..." mapang-akit na boses na wila ng lalaki habang napakaiksi ng distansya ng kanilang mga mukha at ramdam na ramdam niya ang mainit na paghinga nito. Mayroon ding diin ang huling mga salitang binitawan nito. Hindi magawang magsalita ni Clea. Tila ba siya naging bato sa kinatatayuan at titig na titig sa lalaki. Mabilis na inangkin ni Elias ang kaniyang mga labi. Mapusok iyon at mapang-angkin. Ikinagulat iyon ni Clea at mabilis na itinulak ang lalaki palayo. Natumba siya sa sahig dahil sa panlalambot ng kaniyang mga tuhod habang tulala. "M-Mr. Adamson..." Hindi malaman ni Elias ang gagawin. Maging ito ay nabigla sa kapusukan na nagawa. Lumuhod ito kapantay sa lebel niya at mahigpit siyang niyakap. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Wala akong masamang intensyon. I'm not as bad as you think." Hinayaan ni Clea ang lalaki na yakapin siya. Tinulungan siya nitong maupo sa sofa. Lumabas ito saglit at pagbalik ay may dala ng malamig na inumin. Iniabot nito iyon sa kaniya. "I'm sorry," wika nito at naupo sa kaharap niyang single sofa. Marahan siyang tumango. "M-Mr. Adamson, puwede po bang kalimutan na lang natin ang mga nangyari noon? I-ito po ang unang trabaho ko a-at kailangan ko po ang sasahurin ko dito." Napakaraming tumatakbo sa isip niya. Hindi siya ganoong babae katulad ng iniisip niyang tingin sa kaniya ni Elias ngayon. "As you please. I'm really sorry. Shouldn't have done that kind of stupidity. You're a decent woman, I know. It's me. I'm sorry. Puwede ka nang bumalik sa table mo." Bumuntong hininga si Elias. Marahang tumango naman si Clea at nanghihinang bumalik sa kaniyang lamesa. *** NANG SUMUNOD na araw ay pinilit ni Clea magpokus sa kaniyang trabaho. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang hindi makapapasok si Mr. Adamson ngayon dahil nasa isang importanteng business event ito. "I heard bumalik na daw sa Pinas ang fiancee ni Mr. Adamson." "Sabi nga, pero hindi ako sure." Nahagip ng mga tenga niya ang usapan ng dalawang babaeng pumasok sa kitchenette habang nagtitimpla siya ng kape para sa kaniya. Bigla siyang napalunok ng laway at naalala ang nangyari sa pagitan nila ni Elias. So, he's engaged?! Nagulantang ang pagkatao niya at nahinto siya sa paghalo ng kaniyang kape. Hindi dahil sa gusto niya ang lalaki, kundi dahil sa kahihiyang aabutin niya sa oras na malaman ang nangyaring one-night-stand sa pagitan nila. Mabilis siyang lumabas ng kitchenette at bumalik sa kaniyang table. Naramdaman niya na lamang na nanginginig ang kaniyang mga palad. "What have you done, Clea..." bulong niya sa sarili at marahang nakagat ang ibaba niyang labi. "Ang tanga mo! Nakakainis!" dagdag pa niya na siniguradong walang makakarinig na kinakausap niya ang sarili. Nangako siya sa sarili na kakalimutan na ang nangyari noon maging ang huling tagpo nila ni Elias kung sana hinalikan siya nito. Humingi na rin naman ng tawad ang lalaki. Siguro naman ay mananatili nang lihim ang nangyaring pagkakamali noon at hindi na muling mauungkat pa. Lumipas pa ang ilang araw. Nakahinga si Clea nang maluwag dahil naging normal na lamang ang mga tagpo nila ni Mr. Adamson, purong trabaho na lamang ang dahilan ng pag-uusap nila at hindi na nabanggit pang muli ang tungkol sa nangyari noon. Kaya nga lamang ay tila ba napakalamig at ibang tao si Elias Adamson sa lalaking una niyang nakilala noon. Mainit ang ulo nito at ilang beses siyang nasigawan. Datapwat ganoon ang nangyari ay ipinagpasalamat pa niya ito dahil ayaw niya nang umingay pa ang nangyari noon sa pagitan nilang dalawa. Pagkatapos ng kaniyang trabaho ay naisipan niyang tumambay muna sa isang park malapit sa kumpanya. Naupo siya sa swing at tumulala. Malalim ang kaniyang iniisip. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ina kanina lamang at maluha-luha ito nang sabihin sa kaniya ang current lab test result nito. "Clea... I have stage two breast cancer but don't worry, early stage daw ito. Hindi pa naman ako mawawala at magagamot daw ito, marami pang babayarang utang si Mommy bago makauwi sa Pinas at makasama ka kaya hindi pwedeng sumuko." Paulit-ulit 'yan sa isip niya at tuwing maiisip iyon. Labis siyang nalulungkot sa sitwasyon nilang mag-ina ngayon. Paulit-ulit siyang bumuntong hininga. Wala siyang ideya sa halaga ng utang na binabayaran ng mommy niya ngayon, ang alam niya lamang ay kaya ito nasa abroad ay para kumita ng pera at ibayad sa mga pinagkakautangan ng ama noon na pinagbabantaan ang buhay nilang mag-ina. Para nang sasabog ang utak niya. Napakarangya ng buhay na mayroon sila noon at ngayon ay tila ba mas mahirap pa sila sa daga, nagkasakit pa ang kaniyang ina. Mabuti na lamang at nakahanap kaagad siya ng trabaho. Hindi niya matanggap ang nangyari sa buhay nilang mag-ina ngunit wala naman siyang ibang magagawa kundi magpatuloy. "Clea Buenaventura, right?" Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakatulala sa lupa nang may magsalita sa kaniyang harapan.INIHATID si Clea ni Kevin sa kaniyang apartment pagkatapos nilang kumain sa labas at magkwentuhan sa isang park. Mukhang makakatipid siya ng pamasahe gayong may sarili itong sasakyan at iisa lamang ang daan nila pauwi."Thanks, Kevin, see you tomorrow."Ngumit ang lalaki habang nakapamulsa ang mga palad sa suot na trouser. "Yes, see you sa office. Thanks for joining me tonight, Clea. I enjoyed our dinner."Ngumiti lamang siya at hinintay ang lalaki na makasakay sa sasakyan hanggang sa makaalis ito nang tuluyan.Kaagad siyang pumasok sa kaniyang apartment at kinuha ang kaniyang cellphone. Pagbukas niya rito ay nakita ang maraming missed calls mula kay Elias. Kumunot ang noo niya sa pagtataka at malalim na nag-isip ng dahilan ng mga pagtawag nito. Kaagad niyang tinawagan ito pabalik."Mr. Adamson, bakit po kayo napatawag?""Where are you?" malamig ang boses na tanong nito."Kakauwi ko lang, bakit?""I will pick you up. Wait for me at your apartment---*end call*Ibinaba niya ang kaniyang
NAPAKAGANDA ng umaga ni Clea. Nakangiti siya papasok sa opisina nang makasalubong niya si Kevin sa entrance ng gusali. Nang magkatitigan sila ng lalaki ay saka niya lamang naalala ang ipinangakong dinner dito kahapon. Nanlaki ang kaniyang mga mata at kaagad nilapitan ang lalaki. "Kevin, I'm sorry. Something came up yesterday and... nawala sa isip ko yung dinner natin. I'm sorry." Ngumiti lamang ang lalaki at ginulo ang buhok niya. "It's okay. Marami namang next time." Nakahinga siya nang maluwag sa naging tugon nito. "I'm really sorry. Mamaya puwede akong bumawi sa 'yo." "Are you sure?" tanong ng lalaki.Mabilis siyang tumango at ngumiti. "Pasensya ka na talaga. Marami lang din akong pinoproblema ngayon kaya nawawala sa isip ko yung ibang bagay. I hope hindi ka naghintay kahapon." Nagsimula silang maglakad nang sabay papasok sa loob. "Hindi naman, pagkatapos ko sa work umakyat ako para magpunta sa cubicle mo then I found out nakauwi kana. Can I get your number? So, I can call you
HINDI PA MAN tapos ang oras ng trabaho ni Clea ay nakatanggap na siya ng text mula sa isang unknown number ngunit alam naman niyang kay Elias ito galing. Wala naman sigurong ibang makakaalam ng numero niya bukod sa kaniyang boss. Unknown number: I will pick you up at six. Wait for me on the exit of the building. Gaya ng sabi sa text message na natanggap niya ay nagtungo siya sa exit. Sinikap niyang walang makakita sa kaniya na katrabaho hanggang sa dumating si Elias. Palinga-linga ito para hanapin siya kaya naman marahan siyang lumapit at tinapik ang likod nito. "I'm here," wika niya. Humarap ito sa kaniya at kaagad kinuha ang palad niya saka siya nagmamadaling hinatak nito palabas—pinapasok siya sa loob ng sasakyan saka ito nagmaneho paalis. "Saan tayo pupunta?" tanong niya habang nasa byahe sila. Humarap na lamang siya sa labas ng bintana at pinagmasdan ang paligid. "Where do you want to go?" tanong nito sa kaniya. Himbis na sagot ang itugon niya ay tanong din ang ibinalik ni
"BAKIT ANG PUTLA MO NGAYON?" tanong ni Rissi kay Clea nang magsama-sama silang lima sa condo unit ni Loisa. Araw-araw namang libre ang mga kaibigan niya, hindi tulad niya na ngayon ay mas abala na sa trabaho at sa day off lamang makakapagliwaliw kasama sila. "What do you mean? Parang hindi naman?" tanong ni Clea at kinuha ang maliit na salamin sa loob ng bag niya. Pinagmasdan niya ang sarili. "H-hindi naman ah," aniya na indenial pa kahit napansin niya iyon sa sarili. "Medyo maputla kang tignan ngayon kaysa no'ng nakaraan. Ayos ka lang ba sa bago mong work? Cle, kung nahihirapan ka or pinapahirapan ka nila I can tell my dad baka may bakante pa sa company," nag-aalalang sambit ni Angie habang titig na titig sa kaniya. Mararamdaman mo ang pag-aalala ng mga kaibigan. Sobra siyang nagpapasalamat sa mga ito, dahil sa kabila ng pagbaliktad ng mundo niya ay narito pa rin sila; nakasuporta sa kaniya. "Actually, okay naman ang work ko. Nakakapagod syempre, wala namang trabaho ang hindi nak
TINITIGAN NI CLEA nang mabuti ang lalaki g nasa harapan niya. Chinito ito, matangkad at katamtaman ang kulay ng balat. Iniisip niyang mabuti kung sino ito at paanong nalaman ang pangalan niya. "Sorry, do I know you, Sir? Paano mong nalaman ang name ko?" tanong niya.Napakamot ito sa batok. "I'm sure not, pero magkasama tayo sa company. I'm from finance department, senior level. Actually, simula dumating ka sa office tinanong ko na agad pangalan mo sa ibang employees."Tumayo siya sa kinauupan at yumuko. "Naku! Pasensya na, Sir, senior po pala kita. Hindi pa po kasi ako pamilyar sa ibang kasama ko sa trabaho. Pasensya na talaga."Ngumiti ang lalaki. "No, it's okay. Wala naman na tayo sa opisina. No need to be formal. Can I sit with you?"Nagdadalawang isip man dahil gusto niyang mapag-isa ay tumango na lamang siya at ngumiti. Nakipagkwentuhan siya dito at hindi namalayang parang napakatagal na nilang magkakilala kung mag-usap. Ang gaan kaagad ng loob niya sa lalaki. Palabiro kasi ito at
MABABAIT naman ang mga kasama ni Clea sa trabaho. Wala siyang naging problema. Hindi niya naramdamang newly hired siya at kapapasok lamang. Mas magaan at madali niyang natututunan ang mga inuutos sa kaniya. Isa lamang ang kaniyang problema, kung paano haharapin ang kaniyang boss nang hindi nanlalambot ang mga tuhod. Kahit wala itong ginagawa ay para siyang matutunaw. Simula kanina ay hindi pa siya nito inuutusan o pinatatawag pumasok sa loob. Tutunog naman ang landline na nasa table niya kung may kailangan ito. Lumapit sa kaniya si Fara. Ang babaeng nag-assist at nagturo sa kaniya nang mga gagawin bilang baguhan. Napakabait nito. "Ms. Buenaventura, maaga ako mag-off today, nagpaalam na ako. May importante ako lakad today, alam mo na mga gagawin before umuwi, okay?" Ngumiti siya at tumango. "Yes po, thank you so much for everything today!" Ngumiti lamang si Fara at nagpaalam na ding umalis. Bumalik siya sa trabaho. Ilang letra pa lamang ang naita-type niya sa computer nang







