로그인I woke up earlier than usual, lalo na kapag may trabaho ako. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ‘yung naging sagutan namin ni Daddy kagabi. How can he do this to his own daughter?
Mom can’t do anything about it either. Speaking of Mom, I missed her so much. Nasa States kasi siya ngayon, handling her own business. My mom is a well-known fashion designer there. Simula nung ikasal sila ni Dad, she managed to continue her fashion career while still taking care of us. Buti na lang uuwi siya ngayong katapusan.
I prepared my breakfast, then ate slowly. Habang kumakain ako, my phone rang it was Mom. Luckily, she called. Gustong gusto ko siyang tawagan kagabi, pero baka busy siya kaya hindi ko na tinuloy.
“Hi baby, how are you there? I missed you already,” she said. Rinig ko sa boses niya ang pagod pero pilit niyang tinatago.
“Mom, I missed you so much. I’m okay. How about you? We barely talk these days. Sobrang busy ko, for sure busy ka rin diyan.”
“Yes, kaya nga kita na-miss kasi hindi na tayo ganun nag-uusap e. Pero don’t worry, uuwi na ako after nitong designs na ginagawa ko dito. By the end of this month.”
“You should be resting now. Alam kong pagod ka.”
“Yeah, are you going to work?”
“Yup. You should rest now, Mom. Don’t catch a cold there, okay?”
“Yes, baby. You too. Malayo ang mommy mo, baka pag nagkasakit ka lilipad ako pauwi diyan.”
Napangiti ako. “Mom, I’m not a baby anymore.”
“You’re still my baby kayong dalawa ng kuya mo. By the way, you should get going na, baka ma-late ka. I’ll take my rest na rin. Tumawag lang ako kasi na-miss kita.”
“I love you, bye.”
“I love you too, darling.”
Then the call ended. What a nice way to start my day.
Pagkatapos kong magligpit ng kinainan, nagbihis na ako at nag-ayos. Black slacks, cream blouse, at ‘yung usual na minimalist gold accessories. I fixed my hair into a low bun, dabbed a little perfume, then grabbed my bag and car keys.
The drive to work was smooth, halos walang traffic. Pagdating ko sa hotel, bumati agad ang mga staff.
“Good morning, Ma’am Ave!”
“Good morning,” I greeted back with a small smile.
Being a managing staff wasn’t easy. Every manager reports to me housekeeping, F&B, events, maintenance, even the front desk. I had to make sure everything runs perfectly before the general manager even steps in. Pero sanay na ako. This job keeps me sane.
Everything was calm and steady. I went straight to my office, checked the schedules, signed reports, and coordinated with the department heads. The morning went by smoothly until someone knocked on my office door.
“Come in,” sabi ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa laptop.
Pag-angat ko ng ulo, natigilan ako.
It was Sam.
Nakasuot siya ng white polo na naka tupi hanggang siko, halatang galing pa sa trabaho, may dalang paper bag at coffee cup and my favorite white roses. Halatang pinag-isipan niya ‘yung pagpunta dito.
“Hi,” he said softly.
“Sam…” I tried to compose myself. “What are you doing here?”
“I just wanted to see you,” sagot niya, lumapit ng dahan-dahan. “I wanted to make things right, Ave. Please.”
Umiling ako. “Sam, not here. I’m working.”
“I know, but I can’t keep pretending na okay lang tayo na ganito. Hindi ko kayang mawala ka.”
“I don’t think this is the right time to talk—”
“I was stupid, Ave. I let pride ruin everything. I’m sorry for cheating, hindi ko na uulitin. Please, let’s start again”
He placed the paper bag on my desk breakfast sandwich and coffee. “I remembered you always skip breakfast when you’re mad.”
“Sam, you don’t have to—”
“I want to,” he said quickly. “I want to make it up to you.”
Tahimik ako. Pagod na akong makinig sa mga paulit-ulit niyang sorry, hindi naman genuine. After one apology he will do the same mistake again, I’m sick of that. I used to remember that there was a time when gestures like this would’ve melted me, pero ngayon, parang wala nang epekto. Maybe because I was already exhausted. Or maybe because I knew deep down… I wasn’t the same person anymore.
He reached out and took my hand, his touch familiar but no longer comforting. “Ave, look at me. Please.”
I did. But instead of the love I used to see, all I felt was guilt and confusion.
Because no matter how much I tried to remember the man I used to love, my mind kept going back to that stranger’s scent, that mark he left, that night I couldn’t forget.
“Sam, please,” I whispered, pulling my hand away. “Let’s not do this here.”
He looked at me, eyes soft but desperate. “Can we just talk after work? One dinner, Ave. Please.”
Huminga ako nang malalim, then nodded slowly. “Fine. Just dinner.”
A faint smile tugged at his lips. “Thank you.”
He left the office quietly, leaving the faint smell of his perfume behind familiar, safe, but painfully empty.
Pagkaalis niya, napasandal ako sa upuan. My eyes landed on the flowers, coffee cup he brought, then to the small rose-shaped cookie inside the paper bag. I sighed, closing my eyes for a moment.
I wanted to feel something again that spark, that fire, that rush of warmth. Pero wala.
All I could think of was that stranger’s kiss.
And the way it burned everything I thought I knew about love.
The rest of the day passed by in a blur. Meetings, calls, and short greetings from the staff all routine. Then before I knew it, it was already six in the evening.
I packed up my things, fixed myself, and went down to the lobby. Sam was there, leaning against his car, waiting. He looked neat, calm like the Sam I used to fall for.
He smiled when he saw me. “You’re still beautiful,” he said softly.
I just forced a smile. “Let’s just eat.”
We drove silently to a small restaurant near the hotel, one of our old go-to places. While waiting for our food, he started talking about us, about how he wanted to start again. I tried to listen, but my mind was somewhere else.
When he reached out and touched my hand, I froze. The gesture was gentle, sincere, but there was no pull. No warmth. No heartbeat racing.
I tried to meet his eyes then he leaned closer, his lips brushing mine softly. Pamilyar pero parang may mali. I kissed him back for a moment, trying to feel something. But I couldn’t.
Because the moment his lips touched mine, all I could remember was that stranger’s kiss the one that ruined everything and woke something inside me.
I gently pulled away. “I can’t, Sam.”
He stared at me, confused. “Why?”
“I just can’t.”
He tried to reach for my hand again, but I stood up, grabbing my purse. “I’m sorry, Sam. This… isn’t working anymore.”
His face fell. “Ave, please—”
“I’m tired,” I said quietly. “Tired of forcing myself to feel something I already lost.”
And before he could say another word, I left.
The cold air hit me as I stepped outside the restaurant. I took a deep breath, trying to steady myself. My phone buzzed a message from my friends saying they’d drop by my condo but Im not there kaya sa susunod nalang daw.
Maybe that’s what I needed not love, not reconciliation. Just people who make me feel human again.
What I need to do now is to forget that man.
Kinabukasan nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa pisngi ko, nakalimutan ko palang isarado ang bintana kagabi kaya dumiritso ang sikat sa akin. Hindi naman masyadong masakit pero tama lang para magising ka. Hindi ko nakita si Sam, usually kapag ganitong oras na ginigising niya ako kaya nakakapagtaka na hindi niya ako ginising ngayon. Napakunot ang noo ko habang dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. Inunat ko ang katawan ko, pilit inaalis ang natitirang antok, habang napapatingin ulit sa bakanteng pwesto sa tabi ko. “Ang aga niya naman…” bulong ko sa sarili ko. Karaniwan kasi, siya pa ang nanggigising sa’kin mahina lang, minsan may kasamang biro o simpleng pagtawag ng pangalan ko. Pero ngayon… wala. Tahimik. Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Paglabas ko sa sala, wala rin siya doon. Mas lalo tuloy akong nagtaka. Lumabas ako ng bahay, agad akong sinalubong ng hangin mula sa dagat. Napapikit ako saglit, hinayaan ang sarili kong namnamin ang umaga. Hanggang sa map
Time flies so fast. Dalawang linggo na kaming nandito sa isla, malayo sa mga nangyayari sa labas. Minsan, pakiramdam ko kahapon lang nang makarating kami rito, dala ang bigat ng mundo sa likod namin, at ngayon… para bang ibang buhay na ang nararamdaman ko. Araw-araw, nagigising ako sa tunog ng alon, sa amoy ng dagat, at sa malambot na hangin na humahaplos sa balat ko. Ang simple ng lahat dito walang ingay, walang kasinungalingan, walang panghuhusga parang isang pahinga mula sa lahat ng sakit at pagkabigo na naramdaman ko. Si Sam, tulad ng dati, tahimik lang sa mga ginagawa niya. Paminsan-minsan, nahuhuli ko siyang tumititig siya sa akin, may ngiti na hindi basta-basta naiintindihan, parang may mga bagay siyang alam pero hindi sinasabi. At kahit papaano, ramdam ko na para sa kanya, that there's no lies in this place. “It’s been two weeks, Sam.” bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa buhangin, hinahaplos ng paa ko ang tubig na humahampas sa baybayin. “ I almost couldn't remember ho
Nagising ako sa mahinang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Saglit akong napapikit ulit, parang ayaw ko pang gumalaw. Tahimik ang paligid walang ingay ng sasakyan, walang boses ng tao. Hangin lang, at yung mahina nitong paggalaw sa labas. Dahan-dahan akong bumangon. Napatingin ako sa paligid. Nandun pa rin kami sa rest house. At saka ko lang naalala ang lahat. Biglang bumigat ulit ang dibdib ko. Pero hindi na kasing tindi kagabi. Parang… may konting pagitan na. Napatingin ako sa couch. Wala na si Sam. Bahagya akong napakunot-noo. Tumayo ako, inayos ang sarili ko, saka lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto nakita ko siya sa may veranda. Nakatayo, nakasandal sa railings, may hawak na kape habang nakatingin sa malayo. Tahimik. Kalmado. Parang walang dinadalang bigat. Naglakad ako papalapit. “Good morning,” mahina kong bati. Napalingon siya. Ngumiti nang bahagya. “Morning,” sagot niya. “Did you sleep well?” Napaisip ako. “Better,” sabi ko. Tumango siya. “Good.”
Paglabas ko ng mansion, hindi ko na alam kung saan ako pupunta, hindi ko na pinansin ang sasakyan kong hanggang ngayon hindi parin nakasara at hindi patay ang makina. Basta naglakad lang ako. Palayo. Palayo sa bahay na akala ko noon ay tahanan ko. Palayo sa pamilyang akala ko may kakampi ako kahit papaano. At higit sa lahat palayo sa sarili kong hindi ko na makilala. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naglalakad. Hindi ko na rin napansin kung saan na ako napadpad. Hanggang sa— “Ave!” Napahinto ako. Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino yun. “Please… wait.” Napapikit ako sandali. Hindi ko alam kung may natitira pa ba akong lakas para harapin pa ang isa pang tao. Pero narinig ko ang mabilis niyang mga hakbang papalapit. “At least let me talk to you,” sabi ni Sam, hingal. Dahan-dahan akong lumingon. Nakatayo siya ilang hakbang ang layo. Mukha siyang nagmamadali. Kita sa mukha niya na… nag-aalala. “Bakit ka sumunod?” tanong ko, pagod na ang boses ko. Hind
Pagkababa ng tawag namin ni Lianne mas gumaan na ang pakiramdam ko. Dahil alam kong hindi naman pala ako nag-iisa kahit may mga taong galit sa akin ngayon alam ko paring may taong nagmamahal parin sa akin. Naglakad ako papuntang elevator. Pagbukas nito walang tao, mas mabuti na rin kaya naman pumasok agad ako, nakita ko ang numero papuntang floor sa opisina ni Ethan. Is he here? Tanong ko sa utak. Wala sa sarili kong pinindot iyon. Naging madali ang pagdating ng elevator kesa sa inaasahan ko. Nasa 13th floor ako ng building ngayon, ang office ni Ethan. Sarado ang opisina niya pero alam kong may tao sa loob dahil bukas ang ilaw. Naglakad ako papalapit doon. Huminto ako sa tapat ng pinto. Nakatitig lang ako dito ng ilang segundo, parang may kung anong pumipigil sa akin na kumatok. Hindi ko alam kung galit ba ang mas nangingibabaw o takot. Pero isang bagay ang sigurado ako kailangan kong malaman ang totoo. Huminga ako nang malalim saka ako kumatok ng dalawang beses.
Pagpasok ko ng opisina yung mga matang dati ay puno ang respeto ngayon ay tinitingnan nalang ako na parang isang nakakadiri at karapatdapat na mahusgahan. Hindi ko nalang sila pinansin pero hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga sinasabi niya na parang sinasadya nilang lakasan para marinig ko. “ Grabe no, akala ko pa naman sobrang bait niya.” “ Oo nga, e. May tinatago palang kulo.” “ Homewrecker, sayang ang ganda at talino. Kung magiging kabit lang naman pala.” May iba pa silang tinawag sa akin na mga kung ano- anong pangalan. Pero pinilit ko nalang na hindi sila pansinin, dahil alam ko naman sa sarili kong may mali talaga ako pero hindi ko naman yata deserve na matawag na mga kung ano-anong pangalan. Huminga ako malamin at dumiritso na sa HR office, sinalubong ako ng mga matang nanghuhusga at mga mahihinang bulungan pero wala akong pakialam. Gusto kong umiyak nalang dahil nagsisisi ako sa mga ginawa kong tangahan pero hindi ko magawa. Hinanap ng mata ko si Lianne sa HR offi







