공유

CHAPTER 68

작가: Mireya
last update 게시일: 2026-03-16 23:01:07

Isang buwan na ang nakalipas simula nung nagpunta sila Clyde dito, isang buwan narin ang nakalipas simula nung tumawag si Kuya, araw-araw ko siyang tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang phone niya. Ganun ba siya kagalit sa akin?

Isang buwan na rin simula nung malaman kong buntis ako, tiningnan ko ang tiyan kong ganun parin naman hindi pa ito lumalaki pero parang pinapatay ako sa morning sickness araw-araw.

Nasa opisina ako ngayon nag-aasikaso ng papeles kagaya ng mga ginagawa ko araw-ar
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Billionaire's Mark   CHAPTER 81

    Paglabas ko ng building agad akong sumampa sa agad sa sasakyan, halos ipalipad ko ang sasakyan ko pauwing mansion. Hindi ko na alam kung ilang beses akong nag-overtake, kung ilang traffic light ang muntik ko nang lampasan. Wala akong pakialam. Ang alam ko lang kailangan kong makarating. Kailangan kong harapin siya. Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Ethan. “Because of your father.” “She died because of him.” Napapikit ako saglit, pero agad ko ring idinilat ang mga mata ko nang marinig ang malakas na busina ng isang sasakyan sa likod ko. “Damn it…” bulong ko. Pinilit kong kumalma. Pero paano? Paano ako kakalma kung pakiramdam ko lahat ng alam ko, kasinungalingan pala? Paano kung totoo? Paano kung may kinalaman nga si Dad? Napailing ako. “No… hindi pwedeng…” sabi ko sa sarili ko. Pero kahit anong tanggi ko may parte sa akin ang natatakot. Dahil kilala ko ang ama ko. Alam kong kaya niyang gawin ang kahit ano pa

  • The Billionaire's Mark   CHAPTER 80

    Pagkababa ng tawag namin ni Lianne mas gumaan na ang pakiramdam ko. Dahil alam kong hindi naman pala ako nag-iisa kahit may mga taong galit sa akin ngayon alam ko paring may taong nagmamahal parin sa akin. Naglakad ako papuntang elevator. Pagbukas nito walang tao, mas mabuti na rin kaya naman pumasok agad ako, nakita ko ang numero papuntang floor sa opisina ni Ethan. Is he here? Tanong ko sa utak. Wala sa sarili kong pinindot iyon. Naging madali ang pagdating ng elevator kesa sa inaasahan ko. Nasa 13th floor ako ng building ngayon, ang office ni Ethan. Sarado ang opisina niya pero alam kong may tao sa loob dahil bukas ang ilaw. Naglakad ako papalapit doon. Huminto ako sa tapat ng pinto. Nakatitig lang ako dito ng ilang segundo, parang may kung anong pumipigil sa akin na kumatok. Hindi ko alam kung galit ba ang mas nangingibabaw o takot. Pero isang bagay ang sigurado ako kailangan kong malaman ang totoo. Huminga ako nang malalim saka ako kumatok ng dalawang beses. Tahimik.

  • The Billionaire's Mark   CHAPTER 79

    Pagpasok ko ng opisina yung mga matang dati ay puno ang respeto ngayon ay tinitingnan nalang ako na parang isang nakakadiri at karapatdapat na mahusgahan. Hindi ko nalang sila pinansin pero hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga sinasabi niya na parang sinasadya nilang lakasan para marinig ko. “ Grabe no, akala ko pa naman sobrang bait niya.” “ Oo nga, e. May tinatago palang kulo.” “ Homewrecker, sayang ang ganda at talino. Kung magiging kabit lang naman pala.” May iba pa silang tinawag sa akin na mga kung ano- anong pangalan. Pero pinilit ko nalang na hindi sila pansinin, dahil alam ko naman sa sarili kong may mali talaga ako pero hindi ko naman yata deserve na matawag na mga kung ano-anong pangalan. Huminga ako malamin at dumiritso na sa HR office, sinalubong ako ng mga matang nanghuhusga at mga mahihinang bulungan pero wala akong pakialam. Gusto kong umiyak nalang dahil nagsisisi ako sa mga ginawa kong tangahan pero hindi ko magawa. Hinanap ng mata ko si Lianne sa HR offi

  • The Billionaire's Mark   CHAPTER 78

    Nagising ako sa katok galing sa pintuan ng condo ko kaya naman binuksan ko ito. I thought it was my brother but to my surprise it was.. Sam knocking on my door. Sumipat ako sa wall clock malapit sa may pintoan tiningnan ko ito kung anong oras na it was 10am in the morning. Sa kaiiyak ko kagabi hindi ko namalayang sobrang taas na pala ng naitulog ko. Binuksan ko ng malaki ang pintuan para papasukin siya. Hindi siya nagsalita ganun din ako, kaya may nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi na ako magtataka kong ang nangyari kagabi ang pinunta niya dito dahil alam kong kalat na iyon, kaya nagsalita na ako. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko dahil masyadong awkward yung katahimikan. Kumurap siya at tumikhim. “ Pinapauwi ka ng Kuya mo.” sabi niya at umiwas ng tingin sa akin. Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. “Bakit?” tanong ko Pero hindi niya ako pinansin at naglakad papuntang kitchen para kumuha ng tubig. Uminom siya at tiningnan niya ako na may kung anong sakit n

  • The Billionaire's Mark   CHAPTER 77

    Umuwi ako ng condo sa ayaw at gusto ni Dad, mahaba ang naging pagsaway niya sa akin dahil ginawa ko. “Kung sana hindi ka nalang nagmatigas at binalikan nalang si Sam, hindi sana nangyari ito!” singhal niya sa akin. Parang may sumabog sa loob ng dibdib ko. “Dad…” nanginginig kong sabi, pilit pinipigilan ang sarili ko. “Hindi naman ganun kasimple yun.” “Hindi simple?” ulit niya, tumawa nang walang bahid ng saya. “Ikaw na ang napahiya, ikaw pa ang may ganang magsabi na hindi simple?” Napapikit ako nang mariin. Pagod na ako. Galing ako sa pinakamasakit na gabi ng buhay ko, tapos pag-uwi ko ganito pa. “Hindi ko ginusto ang nangyari,” mahina kong sabi. “Pero pinili mo!” putol niya agad. “Pinili mong pumasok sa buhay ng lalaking may fiancé na!” “Hindi ko alam!” sigaw ko, tuluyan nang nabasag ang natitirang kontrol ko. Natahimik siya sandali. Pero hindi nagtagal. “Yan ang sinasabi mo,” malamig niyang sagot. “Pero ang nakikita ng mga tao? Isang babaeng kumabit sa maya

  • The Billionaire's Mark   CHAPTER 76

    Nagmaneho ako habang patuloy parin sa pag-iyak halos pinalipad ko na ang kotse paalis sa lugar na iyon… pumpreno lang ako ng bigla na namang maulit ang aksidenteng nangyari sa akin dalawang taon na ang lumipas. Muntik na akong mabangga sa isang malaking truck na nakasalubong ko. Napadiin ang apak ko sa preno, kasabay ng malakas na busina ng truck na muntik ko nang makasalubong nang tuluyan. “Shit!” napasigaw ako habang napahawak nang mahigpit sa manibela. Ramdam ko ang pag-slide ng gulong sa kalsada, ang bahagyang pagliko ng sasakyan ko na parang mawawala sa kontrol anumang segundo. Pumikit ako nang mariin, hinihintay ang bangga ang malakas na tunog, ang sakit, ang katapusan. Pero wala. Walang bumangga. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Huminto ang kotse ko sa gilid ng kalsada. Tahimik. Tanging tunog ng malakas kong paghinga at mabilis na tibok ng puso ko ang naririnig ko. Napakapit ako sa dibdib ko. “Oh my God…” mahina kong bulong. Nanginginig ang buong katawan k

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status