Share

3 The Crash

Nabigla si Leiah ng makita ako na nakasuot pa ng bathrobe.

Leiah: "oh my God! mylove please let me explain!"

nakatitig lang ako sa kanya habang umiiling ng marahan.

Akmang lapit din ni Anton sa akin.

Anton: "Bro, it's not what you think"

Walang sabi-sabi ay sinuntok ko ito sa pisngi na ikinatumba nito.

"F**k you bro!" matalim na tingin ko kay Anton.

Tristan: "and f**ck you too! pagtitig ko nang may pagkadismaya kay Leiah."

"both of you can f**ck into hell!"

Dali-dali akong lumabas ng kwarto na nakaduro pa kay Leiah na humahagulgol habang nilalapitan ako pero itinulak ko siya papalayo. Naitulak ko siya sa may gilid ng pintuan. Wala na akong pake kasi mas masakit ang nararamdaman ko, yun ang nasa isip ko.

Napasandal pa ko sa gilid ng elevator at nang maanigan kong sinundan ako ni Leiah ay pinindot ko ang button at sumakay ng elevator na punong puno ng galit at pagkapoot.

Habang nasa loob ako ng elevator ay hindi pa din ako makapaniwala sa nasaksihan ko. "Paano nagawa sa akin to ni Leiah... sa matalik ko pang kaibigan!" sambit ko sa aking sarili habang sinusuntok ang elevator nang paulit ulit.

Handa na talaga akong magpatali sa kanya, ibigay ang lahat para sa kanya at higit sa lahat... iwan ang mundong nakagawian ko pero ito pala ang kaya niyang gawin sa akin.

Sh*t! Ito na ba ang karma ko sa lahat ng kaga*uh*n ko?!

Pagkababa ko nang elevator, bumungad naman sa akin ang receptionist na si Janine na para bang alam niya na kung ano ang madadatnan ko sa loob ng kwartong iyon.

Receptionist: "sir"

nakatitig lamang ako sa kanya at agad na lumabas ng entrance ng hotel.

Bumalik ako ng office at nagpasyang umalis mag-isa. Ang planong vacation sana namin ni Leiah after ko siyang yayain magpakasal ang napagpasyahan kong puntahan. Gamit ang private jet, hindi na ko nakapagsabi sa aking assistant dahil wala na sa isip ko na gawin ito. Gulong gulo ako sa mga nangyayari sa akin.

Dali dali akong pumunta sa hangar at sumakay sa plane.

hindi ko pala nadala ang bag ko. Andun ang lahat ng gamit ko even my wallet and phone.

bahala na, I need this f**king space!

Nagpasya akong pumunta sa resort namin sa Palawan na pagmamay-ari naming dalawa ni Leiah.

Tristan: Setting power

PM: “Power set”

PM: “80 knots”

Tristan: Check

PM: “V1”

Tristan: Check

PM: “Rotate” then very soon, almost immediately, “V2”.

PM: “Positive Climb”

Tristan: Gear up

***

naging maayos ang takeoff at habang nasa himpapawid ako ay biglang tumunog ang alarm. *Hudyat ng engine failure

"MAYDAY-MAYDAY-MAYDAY, Skyhawk 901KS, uh 1 on board..."

"MAYDAY-MAYDAY-MAYDAY, Skyhawk 901KS, 1 on board"

"f**k walang sumasagot"

hanggang tuluyan nang bumagsak ang cessna plane na sinasakyan ko sa kagubatan...

*pagkabagsak ng plane

I thought I was dead...

sh*t my thigh!

nakita ko ang tubong nakatusok dito. hindi ko na alam kung ano gagawin ko... eto na ba ang katapusan ng lahat? Sh*t! ganito pala ako mawawala sa mundo...

Saglit akong napapikit hanggang sa makarinig ako ng isang boses ng babae... Pagmulat ko ng aking mata, nakita ko ang isang babae na halatang alalang alala sa kalagayan ko.

"sir?! sir?!" sambit ng babae sa aking harapan.

*** umungol ako sa sakit

"wait sir! wag ka munang kumilos baka kung mapaano ka pa lalo!"

"sir! don't worry, tumawag na ako ng rescue- you will be fine sir..."

tinulungan niya din akong tanggalin ang tubong nakabaon sa aking binti at nilagyan niya din ito ng first aid.

maya-maya pa ay dumating na ang rescue, doon ako tuluyan na nawalan ng malay...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status