Share

5 Who are you? Part 2

Pagkaalis ng doctor at mga nurse, dahan dahan akong pumasok sa room.

Mikaela: "Ha-hi..."

-"Hi" nakangiti niyang sagot sa akin.

Mikaela: "Kamusta pakiramdam mo?"

Tristan: "better than ever."

"Ooh! By the way, I'm Mikaela"

*sabay abot ng aking kamay

Tristan: "Tristan"

magkahawak pa din ang aming mga kamay.

Bahagya niyang pinisil ang aking kamay bago ako bumitaw sa pagkakahawak sa kanya.

Tristan: "Hindi pa pala ako nakakapag-thank you sa iyo. Kung wala ka siguro doon, malamang wala..."

Mikaela: "Don't mention it! Magpagaling ka, Tristan..."

Tristan: "Yeah! Sabi ng doctor, kailangan ko pa mag-stay sa hospital ng 5 days para makarecover ako."

Mikaela: "I see. Have you called your family? wife? alam na ba nila ang nangyari sa iyo?"

***Wala akong nakitang singsing sa daliri niya pero itinanong ko pa din para makatiyak.

Tristan: "Family? hindi pa. Wife?... wala pa." nakangiti nitong sagot sa akin.

"aah" - pagtugon ko habang nakangiti. Ramdam ko ang init sa pamumula ng aking pisngi dahil sa lagkit ng pagkakatitig sa akin ni Tristan.

Mikaela: "Here's my phone. tawagan mo ang family mo, I'm sure alalang alala na sila sa iyo ngayon."

"I leave you for a while. Bibili lang ako sa vendo."

Tristan: "thanks, Mikaela..."

hudyat ng aking paglabas.

iniwan ko muna si Tristan. I'm sure na kelangan niya ng privacy incase na may mga tao siyang tatawagan para ipaalam ang kalagayan niya.

Hindi ko talaga maiwasan na maimagine yung mukha niya... Ang gwapo niya kahit may benda ang ulo niya...

Pagkabalik ko ay napatingin sa pintuan si Tristan. Hindi ko na naman maiwasan na mag-blush dahil sa lagkit na pagkakatitig nito sa akin.

Mikaela: "Uhm... Nagugutom ka ba? Gusto mo... nito?"

agad kong tinaas ang pagkain na binili ko.

Tristan: "susubuan mo ba ako?" (sagot niya habang nakatitig at nakangiti sa akin.)

napa-smile din ako sa napaka-charming ng pagkakasabi niya.

Tahimik ako habang sinusubuan siya ng pagkain. Hindi din ako halos makatingin sa kanya kasi natutunaw ako pag tinititigan niya ako.

Pagkatapos niya maubos ang dala kong pagkain ay inalok ko siya ng mint candy.

Mikaela: "Gusto mo?"

tumango siya ng maamo kaya binuksan ko ang candy at sinubo sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at isinubo niya pati ang aking daliri na nagpakawala ng libong boltahe sa aking katawan...

Nilaro-laro niya ito gamit ang kanyang dila...

Nang tumigil siya at inalis ang aking daliri sa kanyang bibig ay agad akong nagpunta ng bathroom.

Sh*t! Gustung gusto ko ang pakiramdam na yun. Gusto kong gawin niya din ito sa aking buong katawan...

Pagkalabas ko ng bathroom ay nakita kong nakapikit na si Tristan kaya hinayaan ko na din ito magpahinga. Bumulong ako sa kanya at nagpaalam na.

"babalik ako bukas... Goodnight, Tristan..."

Sa aking tinutuluyan, hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina sa hospital. Ano kayang gagawin ko bukas pag muli kaming magkaharap... bahala na! basta gusto ko ulit siya makasama.

***

kinaumagahan ay nagising ako sa tawag sa aking cellphone.

ang HR sa office.

HR: "Hoy girl! ano nangyari sa iyo bakit ka nag LOA?"

Mikaela: "mahabang story Ms. Anne... pero emergency lang po talaga. Tutal hindi ko pa naman po nagagamit yung leave ko diba?"

HR: "Alam mo mabuti na lang at malakas ka sa akin! anyways, magsend ka pa din daw ng report kay Sir Apollo. Hindi din ata pupunta ng office eh kaya kailangan makita niya yung report by today, okay?"

Mikaela: Noted Ms. Anne. Thanks ah?

HR: "okay, take care!"

***

Maghapon akong naging busy sa paggawa ng sales report na isesend ko sa aking boss. Ibang klase talaga tong si Sir Apollo. Hindi ko alam kung bakit ang sungit niya sa akin.

Di' bale na, kelangan ko 'tong tapusin na para makita ko na si Tristan. Kamusta kaya siya ngayon? Nami-miss ko siya... hindi parin mawaglit sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa kagabi...

napakagat labi ako habang iniisip ulit ang ginawa nito sa akin...

Napailing ako. "Whoo! Focus muna sa work Mikaela! para makasama mo na ulit mamaya si Mr. Handsome!"

Pagkabalik ko sa hospital ay agad akong binati ni Tristan.

Tristan: "There you are... Akala ko hindi ka na babalik eh..."

"Hi! Kamusta ka?" tugon ko dito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status