Share

CHAPTER 1- Being Hunted

Penulis: MissChocolatey
last update Terakhir Diperbarui: 2024-06-21 18:35:55

Flashback

“Mama! Please bitawan niyo po ang mama ko!” napatingin sa ‘kin si mama at kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata kasabay nito ang pagtulo ng kanyang luha.

“Malandi ka! Dapat sayo pinapatay! Walang puwang ang kerida na katulad mo sa mundong ‘to! Salot! Salot ka sa lipunan!” Sinampal sampal ng babae ang nanay ko at kitang-kita ko ang pagdaan ng galit sa mata ng nanay ko.

“Kasalanan ko bang mas masarap at magaling ako kaysa sayo? Mas maligaya sa ‘kin ang asawa mo! Sa kabit na ‘to nahanap niya ang kalinga na hindi niya nahanap sa kagaya mong boring at losyang na asawa!” buong lakas na sinampal ng babae ang nanay ko at sa aking pagkagulat ay tinulak ni mama ang babae. Kitang-kita ko ang pagkahulog ng babae sa aming hagdan.

“Lucille!” malakas na sigaw ng lalaki at bumagsak ang babaeng nagngangalang Lucille. Duguan ang ulo nito at wala nang buhay. Nakita ko pa ang luhang tumulo sa mga mata nito.

End of Flashback

Hingal na hingal akong napabalikwas ng bangon. Inilibot ko ang tingin sa madilim na apat na sulok ng kwarto ko. Nanginginig kong inabot ang orasan sa side table ko. Alas dos ng madaling araw. Napasabunot ako sa buhok ko at napakagat-labi. Siguradong hirap nanaman ako nitong makakatulog. Inabot ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto ko.

“Nightmare?” Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

“Tita Remi naman ‘wag kang manggugulat r’yan!” Natatawang itinaas niya ang dalawang kamay at hinila niya ako paupo sa sofa.

“Binangungot ka ulit?” tumango ako sa tanong niya.

“Hayss, ilang taon na bang nakalipas simula ng mangyari ‘yan pero heto’t dala-dala mo pa rin ang masamang memoryang ‘yan,” nabanaag ko ang paghihirap sa boses niya. Niyakap ko siya at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

“Mahirap kalimutan tita, hanggang ngayon hindi pa rin po ako nilulubayan ng konsensya.” I heard her sighed. Pinaharap niya ako sa kanya at sinapo niya ang pisngi ko.

“Wala kang kasalanan Zaf,” napapikit ako at pumasok sa isip ko ang pagtulo ng luha ng babae bago ‘to binawian ng buhay. Nanginginig ang kamay ko at pinagpawisan ako. Niyugyog ni Tita Remi ang katawan ko at gulat na gulat akong tumingin sa kanya.

“T-tita, ang kasalanan ni mama ay kasalanan ko na rin po,” ani ko sa pagitan ng pag-iyak. Tita Remi never left my side after that incident. Kinupkop niya ako at pinag-aral. Itinuring niya ako na parang tunay na anak at ipinagtatanggol sa mga taong humuhusga sa buo kong pagkatao. Dahil sa nagawa ni mama, ako ang naghihirap at sumalo sa kahihiyang iniwan niya sa ‘kin.

“Hindi Zaf, hindi mo kasalanan ang kasalanan ng nanay mo. Magkaiba kayo Zaf, di ba sabi ko sayo lagi mong iisipin na magkaiba kayo ng nanay mo. ‘Wag na ‘wag kang gagaya sa kinahinatnan ng nanay mo.” Napapikit ako at muling tumulo ang masaganang luha ko.

Iba ka Zaf, hinding-hindi ka gagaya sa nanay mo. Huminga ako ng malalim at tumayo.

“Tita, labas po muna ako,” paalam ko sa kanya. Napatayo ‘to at hinawakan ang palad ko.

“Gabi na ah! Baka mapano ka sa labas hija,” wika niya na punong-puno ng pag-aalala.

“Shh okay lang po ako tita, malapit lang naman po ang 7/11. Magpapahangin lang po ako.” Bagama’t nag-aalangan ay tumango pa rin siya at masuyong ngumiti. Ang swerte ko sa tita Remi ko.

Kahit ganon kasaklap ang nangyari sa kabataan ko hindi pa rin ako pinabayaan ng panginoon.

Pagkalabas ko ng elevator, dire-diretso akong lumabas ng building. Napangiti ako nang makalabas ako, ang presko ng hangin sa madaling-araw.

“100 pesos po ma’am,” iniabot ko ang bayad ko at umupo muna ako sa bench sa labas ng 7/11. Napatingala ako sa langit na punong-puno ng bituin. Ang gandang pagmasdan.

“Eating ice cream in this hour is not good for your health miss,” napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko ang matangkad na lalaking nakatingin sa ‘kin. Napakagwapo nito at mas tumingkad ang kagandahang lalaki sa suot nitong business suit.

“Are you talking to me?” itinuro ko ang sarili ko at tumawa ‘to.

“May iba pa bang tao sa harap ko miss?” napairap ako sa inasta niya at napatayo.

“Wala akong panahon makipag-usap sa pilosopong kagaya mo.” Tumalikod ako ngunit hinila niya ako. Inis na hinila ko ang kamay kong hawak niya.

“Huwag kang lalapit sa ‘kin kung ayaw mong kasuhan kita ng sexual harrassment!” pananakot ko rito. Imbes na matakot ay tumawa ‘to ng malakas habang sapo-sapo ang tiyan.

“Grabe ka miss! Do I look like a maniac to you?” pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Not bad.

“No you’re not but you look like a fuckboy, I know that kind of man at alam kong babaero ka!” singhal ko sa kanya. Muli ‘tong tumawa at kapagkuwan ay umupo ‘to sa bench.

“Tabi ka miss, don’t worry hindi ako maniac. I just want to be friends with you grabe ka naman maka fuckboy,” after he said that he pouted. Napatitig ako sa mukha niyang nagpapaawa sa ‘kin ngunit umirap ako sa kanya.

“Taray mo naman miss, hilig mo pa umirap. Pero mas gumaganda ka kapag umiirap, sige ka kapag ako na inlove sa ‘yo papatirikin ko ang mata mo sa sarap,” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kapagkuwan ay pinagpapalo ko siya ng cellphone ko. Di bale na masira phone ko masaktan ko lang ang gagong ‘to.

“Ahh! Ang sarap baby! Ay este ang sakit miss! Maaawa ka naman sa ‘kin! Kapag nasira ang gwapo kong mukha kawawa ka, magkakaasawa ka ng pangit!” Mas lumakas ang pagpalo ko sa kanya ngunit hindi ko napaghandaan ang ginawa niya.

Hinila niya ako paupo sa kandungan niya at kitang-kita ko ang mukha niya sa malapitan. He has a gray eyes, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, makakapal na kilay at mapupulang labi. Napatitig ako sa kanya at natauhan lang ako nang haplusin niya ang labi ko.

Napatayo ako at napatalikod. Gosh what the hell am I doing?

“You’re so pretty Miss, by the way I am Wallace Villamor and you are?” napatikhim ako at hindi makatingin sa mga mata niya. Tumingin ako sa noo niya sabay pakilala, “Zafara Eloise Perez,” tila nahulog sa ako nang gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Oh God! Did I saw an angel?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Mistress' Plea   CHAPTER 101-Ending Everything

    Brian Wallace's POVI woke up feeling dizzy dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at nakahinga ako ng maluwag nang makilala ko ang lugar na kinaroroonan ko. Bakit ba marami pa ring umiinom kahit in the end hangover lamang ang makukuha? Mahina kong pinukpok ang ulo ko sa sobrang inis. Damn! Why did I drink too much? You're a pathetic creature Brian Wallace!Habang abala ako pagalitan ang sarili ko ay siya namang biglaang pagbukas ng pinto. There, I saw my fvcking best friend. “Here's the medicine for your fvcking hangover dude, you're welcome.”Pagkatapos niyang ilapag ang gamot ay tumalikod na 'to na hindi man lang kinukumusta ang pakiramdam ko. Napailing na lamang ako sa ugali ni Kier, it's a good thing I can handle his nonchalant behavior.After I took a bath and changed my clothes, I picked up my phone and I was shock seeing a hundred messages and missed calls all from her. Napamura ako sa pag-aalala dahil baka galit na sa akin si Zafara. “Shoul

  • The Billionaire's Mistress' Plea   CHAPTER 100-Knockout

    Brian Wallace Villamor's Point of ViewNilagok ko ang bote ng vodka at napatitig sa kawalan. An image of something I saw couldn't get off my mind. I saw how perfect they are. I realized kung gaano ako kalaking panira sa buhay ng babaeng mahal ko. Who am I? Ako lang naman ang lalaking pilit nang pilit at umaasang masuklian ang nararamdaman ko. Nalasahan ko ang pait ng alak na iniinom ko, ngunit wala nang mas papait pa sa sitwasyon ko ngayon.Hindi ko na maintindihan kung saan patungo ang lahat ng 'to. May patutunguhan pa nga ba ang lahat ng efforts at paghihintay na ginagawa ko?“Oh you're here?” hindi ako sumagot. I continued drinking without minding anyone.“Broken? Did she dumped you?” nasipa ko ang high chair na inuupuan niya dahil sa inis na nararamdaman. I glared at him as my knuckles hardened in so much frustration.“What do you care about my personal life Javier?” I know my twin brother doesn't have anything to do with my situation right now but he's just making everything wor

  • The Billionaire's Mistress' Plea   CHAPTER 99-The Cost of Loving

    “What do you mean by that?” tumayo si Kier mula sa pagkakaupo at nagsuot ng plastic gloves at hinawakan ang test tube at sabay kaming napatingin nang bumukas ang pinto.“Don't you know how to knock?” Lace just rolled his eyes at his friend at lumapit sa 'kin. I opened my arms at niyakap niya naman ako sabay buhat sa 'kin at umupo siya sa sofa na kaharap ni Kier at ako naman ay nakakandong sa kanya.“It's my house Bautista, why would I knock?” mayabang na ani ni Lace. Mahina ko siyang tinapik sa pisngi at niyakap.“Inaaway mo na naman si Kier,” mahinang bulong ko. He just smiled at me at nagkibit-balikat na lamang ako.“But this part is off limits, you're not even a doctor.” Kier smirked at napansin ko ang pagtiim ng bagang ni Lace.'Yan na nga ba sinasabi ko, ang hilig mang-asar pero siya naman mabilis mapikon.“And who said that I want to be a doctor huh?” Kier shrugged his shoulders at tumayo na ako.“Baby!” sinamaan ko ng tingin si Lace.“Shut up babe! May seryoso kaming pinag-uusa

  • The Billionaire's Mistress' Plea   CHAPTER 98-Silent War

    “Wow! who cooked these?” ani ng kararating lang na si tita Remi kasunod ang asawa nitong si tito Cesar.“Good morning po tita, tito. Let's dig in na po, I cooked these for y'all.” My tita Remi excitedly sat on the chair na ipinaghila pa ng asawa nito. I just watched how tito Cesar held tita Remi's hand and kissed it. “Mukhang hiyang na hiyang ka tita sa asawa mo ah?” komento ni Trixie na tila kinikilig pa.Napatawa si tita Remi at nahihiyang inipit sa tenga ang buhok na nalaglag.“Ano ka ba naman hija, sinong hindi mahihiyang kay Cesar? Sarap mag alaga nito,” buong pagmamalaking saad ni tita. “How was it?” bulong ko sa katabi kong maganang kumakain. He held my hand and kissed it.“I can't get enough with your foods baby,” I smiled at him and kissed his cheeks.“Aba naman tita marunong ka na ngayon mang-inggit!” Tito Cesar just laughed at Trixie. Si tita Remi naman ay tumitig lang sa asawa.I feel a bit sad for her, natatakot din akong malaman kung ang asawa niya ba talaga si Miguel

  • The Billionaire's Mistress' Plea   CHAPTER 97-New Husband? (SPG)

    Pagkatapos magkagulatan kanina ay napagdesisyon ko nang hayaan sila Lucifer at Brianna na mag-usap at ayusin ang problema nila habang kami naman ni Lace at Casey ay tumuloy na rin paalis.“Mommy, who's the woman po kanina?” Casey suddenly asked habang sinusubuan ko siya ng pagkain. Nasa byahe pa rin kami at ano mang oras ay makararating na kami sa bahay ni kuya Nathan.“She's your kuya Levin's real mom,” tipid na sagot ko. Napatigil 'to sa pagnguya at biglang hinawakan ang braso ko.“Why baby? Is something's wrong?” she took a deep breath as she look at me, pleading.“M-mommy, babalik na po si daddy sa real family niya? What about us po?” napatigil ako sa narinig ko. Kusa akong napatingin kay Lace na nagmamaneho, hindi siya tumingin sa amin ni Casey pero ramdam ko ang pagbabago ng atmosphere sa paligid.Humarap ako kay Casey at pinilit kong ngumiti.“Anak, we have your daddy Wallace. We have our own family kaya meron din ang daddy mo.” She forced herself to smile at alam kong hindi ni

  • The Billionaire's Mistress' Plea   CHAPTER 96-Brianna's Sudden Appearance

    “What's with that long face?”Hindi ko mapigilang mapanguso at magmuni-muni habang nakatitig sa harap ng phone ko. It's been a week passed at wala pa rin akong update na nakukuha from Kier Andrew. Nag-aalala na nga ako dahil baka kung ano nang nangyari dun. Kung sakali ay responsibilidad ko pa rin ang kaligtasan niya kahit ba bayad siya.“Still no response from him,” ani ko sa pagitan ng pagsimangot. Lucifer chuckled while shooking his head.“Let's just wait for his update Ara, i'm sure he's working on it.” I heaved a deep sigh.“What's wrong?” “I just don't feel right, ang sama ng pakiramdam ko.” Mabilis niya akong inalalayan nang tumayo ako at hinayaan ko na lamang siya.He helped me hanggang sa kama na pansamantala kong tinutuluyan dahil pagkatapos naming makapag-usap ng maayos ay napagdesisyonan ko nang humiwalay ng kwarto. Wala na rin naman akong tinatago pa, I really need to separate a room dahil hindi na ako tinantanan ng calls and messages ni Lace. “Thank you Luci,” he smile

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status