Share

Chapter Two

Her Point of View.

This is the first time na nakaapak ako sa Estebas Beauty Cosmetic Clinic here in Makati. Ito actually ang main branch namin. Ang EBC ay hindi lang gumagawa at nagbebenta ng mga make-ups and other beauty products. We also offer Dermas, Skin care and treatment at marami pang iba basta patungkol sa pagpapaganda. Mayroon itong Salon, Massage and Spa and also Clinic. Ang mga beauty products namin ay available sa mga Mall at may sarili kaming Stores for it. Ganoon kalaki ang EBC. With the help of Lor, malaki ang naabot ng EBC na sinimulan ko sa States matapos kong makapag-ipon sa pagiging Modelo. I am also a Licensed Chemist at masasabi kong ideya ko lahat ng mga beauty products na nirerelease ng EBC. And what makes us standout among other beauty products? We used organic at walang nakakasirang kemikal na hinahalo. We forbid it. As much as possible ayaw kong maging harm ang beauty products ko sa balat ng tao. Kahit ako, gumagamit ako ng sarili naming produkto. Ako rin ang mukha ng EBC.

And now, I am here to meet all of our Employees and investors. Ngayon na rin ako magsisimula sa trabaho ko bilang CEO ng EBC. Kasama ko si Lor dahil siya ang magpapakilala sakin sa kanilang lahat.

Pumasok kami sa isang pinto at malamig na hangin mula sa AC ang bumungad sakin. Kaagad na nagsitayuan ang mga taong nakaupo na nakasuot ng pormal. Nakasunod lamang ako kay Lor at alam kong marami ang nakatingin sakin but I don't mind. I'm used to it anyway.

"Thank you for a warm welcome, everyone. Please have a seat."

Naupo ako sa bakanteng upuan dito sa gilid habang nakatingin lang kay Lor na nakatayo at nagsasalita.

"Today, I would like to introduce to you our CEO and the face of Estebas Beauty Cosmetics, Miss Clariza Estebas!"

Malakas na sabi ni Lor. Ngumiti ako at tumayo. Naglakad ako papunta sa gitna kung nasaan nakatayo si Lor.

"Thank you, Lor."

Ngumiti siya and mouthed you're welcome. Ramdam ko ang kaba pero sanay na ako. They are all watching me with admiration and praises in their eyes.

"Thank you for welcoming me. I'm Clariza Estebas and from now on, I will be your CEO. No worries dahil wala naman akong babaguhin sa patakaran and as much as possible I want everything to run smoothly."

Naging maingay ang palakpakan at nagsimula na ang meeting. Actually nagpakilala lang naman sakin ang mga Investors and some shareholders. Mga Managers and Supervisors ng bawat branch, Clinic and Stores. Pati ang Head Chemist ng RBC dito sa Pilipinas ay nakilala ko rin. Sobrang natuwa nga ako dahil ang dami niyang binigay na bagong products na sigurado kaming papatok. 3pm nang matapos ang meeting at isa-isa nang nagpaalam ang mga tao na nasa loob ng kwartong iyon. Naiwan kami ni Lor.

"Halika. Ipapakita ko sayo ang magiging Opisina mo at ang magiging Secretary mo."

Tumaas ang kilay ko pero hindi na ako nagsalita. Pakiramdam ko ay napagod ako sa meeting na nangyari kanina at wala na akong energy na magsalita pa. Pumasok kami ng Elevator at nipindot niya at 40th floor. Oh well malaki talaga ang EBC Building lalo na ang laboratory na halos limang floor ang inukupa.

"Bakit di ka nagsasalita diyan?"

I sighed at saka humalukipkip.

"Pagod ka na?"

Tumango tango ako at siya naman ay napapailing na lang. Bumukas ang floor sa 40th floor ar agad bumungad samin ang glass door at agad na tumaas ang kilay ko. By the looks of it, mikhang tinted ang glass door.

"Maganda ang view ng office mo at buong floor na'to ay Office mo."

"Office natin, Lor. This is yours too."

Ngumiti siya at umiling iling.

"No. EBC are all yours, darling! Alam mo namang hindi ko gamay ang beauty products unlike you. Fashion Designer ako, gaga!"

Natawa ako sa huli niyang sinabi. Ang bakla talaga! Alam kong mas matanda sakin si Lor ng ilang taon pero ayaw niyang magpatawag ng Kuya o anupaman. We treated each other like we are best friends which is true naman. But, he's not just a best friend to me. Para ko na rin siyang pamilya at talagang mapipilay ang buhay ko kapag nawala siya sakin. Pumasok kami sa Office at napanganga ako nang makita ang kabuoan nito. Agad na nakuha ang atensyon ko ng isang magandang babae na nakasuot ng office attire na itim. Prim and proper ang bawat kaniyang paggalaw.

"Magandang Hapon Mr. Altiche and Miss Estebas. Welcome to EBC."

Ngumiti ako.

"Thank you."

Tumikhim si Lor.

"Clariza, this is Koraine Andres ang magiging Secretary mo. Koraine, guide Ckariza in her daily schedule. Bukas i-tour mo na rin siya sa buong building ng EBC. She's not familiar in this building dahil mas gamay niya ang main building ng EBC sa States."

"Noted Mr. Altiche."

"Alrighty. Pwede ka na bumalik sa Office mo."

Tumango siya at nagpaalam na samin ni Lor. Ang Opisina ni Koraine ay nasa gilid ng glass door entrance at may sariling room unlike sa ibang Secretary office na office table lang ang mayroon. Actually, isa iyan sa mga rules ko sa EBC. We don't have to treat less ang mga empleyado lalo na ang mga nasa back office. Lahat sila ay may sariling kwarto. May privacy. At ang iba naman na working as a team ay mas malaki ang room na binibigay sa kanila at may sari-sariling cubicle. Agad kong napansin ang mahaba at malaking office table ko at nakaharap ito sa malaking glass window at kitang kita ko ang kalangitan pati na rin ang matatayog na Building na malapit sa EBC. Naglakad ako palapit sa glass window at manghang mangha ako sa nakikita ko.

"Did you like your office?"

"I love it, Lor!"

"Mabuti naman. Mahirap kang i-please eh."

I chuckled.

"Haayy.. sana lagi kitang nakikitang ganyan kasaya diba? Gusto mo ba ng Glass house? Pagagawan kita!"

Ngumuso ako at saka siya hinarap. Nakaupo siya sa isang mahabang leather coach.

"Ayoko naman nun. Pakiramdam ko silip na silip ako!"

"Tinted naman ang gagamitin, bruha!"

"Kahit na. Magkaka-anxiety pa ako sa gusto mo eh!"

Tumawa siya.

"Ang laki na nang narating mo, Riza."

Napasinghap ako at muling tumingin sa glass window.

"If Clariza is still here? Sobrang matutuwa siya. Pangarap niya 'to."

The reason why I worked hard at pinatayo ang EBC? Is because of my twin sister. Pangarap niya ang magkaroon ng sariling pangalan sa beauty cosmetics. At dahil maaga siyang nawala,hindi niya na matutupad pa ito kaya ako ang nagtuloy ng pangarap niya.

"Pangarap niya. Eh ikaw ba? Anong pangarap mo?"

Nawala ang ngiti ko.

"Does it matter? I'm good at this. My own dreams doesn't matter, Lor."

"Nah. I'm curious about what you really want, Riza."

Kung ang 18 years old na Rizalyn ang tatanungin mabilis niyang masasagot ang tanong ni Lor. Pero ngayon? Hindi ko na alam ang sagot. Dahil simula nang mawala si Clariza at iwan ako ng mga magulang ko, nakalimutan ko na ang pangarap ko.

"I don't know. Nakalimutan ko na ang pangarap ko, Lor."

"Kaya ba nakikita kong marami kang paintings sa bahay mo sa States? And it's all made by you."

Hindi ko siya nilingon.

"It's just a hobby."

"Oh well.. if you say so."

Huminga ako ng malalim at saka ko siya hinarap.

"May mga gagawin pa ba tayo dito ngayon?"

Pag-iiba ko ng usapan namin. Tumaas ang kilay niya alam niyang sinadya kong ibahin ang usapan.

"Wala naman na. You need to be early tomorrow dahil kailangan mong libutin lahat ng department dito at para makilala ka rin ng lahat ng employees na nandito."

Tumango ako at saka ngumiti.

"Saan mo gustong pumunta? You can all have my time for today."

"Wow ha? Gold ka?"

Tinaasan niya ako ng kilay at tumaas ang gilid ng kaniyang labi.

"I can wear gold if you want."

I rolled my eyes at him pero hindi ko napigilan ang tumawa sa sinabi niya. Amfee!

"Tara na. Treat kita. Tapos shopping na rin tayo!"

Aya niya sakin. Tumango tango naman ako.

"Luh? Nabuhayan sa salitang treat? Mukha kang libre!"

"Duh? Makakatipid kaya ako!"

Inirapan niya lang ako pero agad niyang pinulupot ang kamay niya sa braso ko. We are laughing hanggang sa makapagpaalam kami kay Koraine na mauuna na kaming umalis.

Nasa kotse na kami nang maisipan kong itanong kay Lor ang tungkol kay Koraine.

"Lor, Ganoon ba talaga si Koraine? Napaka prim and proper?"

Tumawa siya.

"Ay naku! Ganoon talaga iyon kapag oras ng trabaho. Ayy! Kahit naman outside of the building ganoon talaga iyon. Wala nga yang kaibigan dito. Sa tinatagal tagal niyang nagtatrabaho dito di ko pa nakitang may kasama yan."

"Really? Buti ni-hire mo? You don't like an employee na di marunong mag-enjoy diba?"

Ganoon si Lor. Dapat marunong kang makisama at makibagay sa lahat nang nagtatrabaho sa EBC.

"She's good and can be trusted. You needed someone like her, Riza."

Tinuro ko ang sarili ko.

"Ako talaga?"

Tumango siya. Sinipat niya ako ng tingin at muling binaling ang tingin sa pagmamaneho.

"Yes. Ikaw ang makakasama niya nang matagal. Ikaw ang pakikisamahan niya. Knowing you? Napaka perfectionist mo kaya!"

"Wow ha? Hiyang hiya ako sayo!"

Oh well. Kung perfectionist ako, kumusta naman siya? Mas malala pa nga siya eh.

"Ah basta! Kailangan mo siya and she's the best fit kahit na undergrad lang siya."

"Undergrad?! You're kidding me!"

"She is, Riza. Sobrang matalino lang at nagawang maka-perfect ng examination at mataas din ang binigay na puntos sa kaniya during initial and final interviews. Tsaka diba? We don't want a hiring discrimination right?"

Nakanganga pa rin ako. Hindi ako makapaniwala. Napaka-sopistikada kayang tignan ni Koraine. Di mo mahahalatang undergrad. Looks can really be deceiving.

"Wow!"

"Wow talaga, darling! Mas mapapa-wow ka kapag nakatrabaho mo na siya. She's really good."

Tumango tango ako.

"Okay. That's better."

Mas gugustuhin ko ang ganoon dahil siguradong hindi ako magkakaroon ng problema. Iyon talaga ang iniiwasan ko eh. Ang ma-stress ako ng sobra dahil sa trabaho. Baka piliin ko na lang ang mag-modelo. Pero no. Hindi pwede. Pinaghirapan ko ang EBC to think na hindi ko naman binalik magkaroon ng sariling beauty cosmetics. Okay. Si Clariza lang naman ang may hilig sa ganoon at pinangarap niya iyo pero iba ang gusto ko.

Gusto ko ang pagpipinta. I really do love arts noon pa man at magpahanggang ngayon. Pero naging hobby ko na lang ang pagpipinta at naging stress reliever ko na lang din sa pagtagal. Siguro kung hindi nangyari iyon, magiging isang sikat na artist kaya ako? Maaabot ko kaya ang pangarap ko? Baka hindi rin. Lalo na kapag ang mismong mga magulang mo ang nagdidiscouraged sayo sa pangarap mo. I remember my Mom yelling at me for buying some stuffs for painting. Pinag-ipunan ko ang mga pinambili ko roon pero tinapon niya lang at sinabing walang kwenta ang gusto ko. It really breaks my heart up until now.

"Bakit biglang tahimik ka diyan?"

Nilingon ko si Lor at ngumiti.

"Nothing. Naalala ko lang sina Mama at Papa."

"Gusto mo bang hanapin ko kung saang probinsiya sila naroon?"

Umiling iling ako.

"Wag na. Baka nga nakalimutan na nilang nag-eexist ako, Lor."

"Alam mo? Parang ang mga magulang mo lang ang nakilala kong ganyan sa anak!"

I chuckled. Sinabi mo pa Lor. Ganoon din ang nasa utak ko.

"Kapag nalaman nila kung sino ka ngayon? Baka lumapit sila sayo at kilalanin ka ng anak."

"Ewan ko lang Lor. Baka kamuhian nila ako dahil ginagamit ko ang pangalan ng pinakamamahal nilang anak."

"Ni minsan ba hindi ka nakaramdam ng inggit sa kakambal mo?"

Ngumiti ako.

"No. I can't. Hindi ko magawang mainggit o tumanim ng sama ng loob sa kakambal ko. Siya lang ang tumuturing sakin na kapamilya sa bahay. Maaaring hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng mga magulang ko pero nagawang punan ni Clariza ang kulang sakin, Lor."

"Kaya buong buhay mo nilaan mo sa kaniya? You neglected your own dreams and you're planning for revenge?"

Tumango ako.

"Yes. This is all for her, Lor. I am trying to live because of her. Hindi dapat siya namatay noon. Ako dapat iyon, Lor. Ako dapat."

Pero si Clariza ang namatay at hindi ako. Yung guilt ko hanggang ngayon kinakain ako na halos pati ang sumaya ay pinagbawal ko sa sarili ko.

"You know what? Up until now, I am really hoping that you'll change your mind and stop your revenge. Riza. Wala ka bang balak mag-boyfriend? Magkapamilya?"

I rolled my eyes. Heto na naman kami. Madalas talagang igiit sakin no Lor ang pag-aasawa o pag-bo-boyfriend. As if.

"Malaking hadlang ang pag-bo-boyfriend sa mga plano ko, Lor. I can't risk it."

Nilingon niya ako para irapan lang ako kaya natawa ako sa kaniya.

"Sus! Kamo wala ka lang nagugustuhan! Sabihin mo nga sakin ang totoo, mahal mo pa rin ang lalaking yun noh?!"

Kumunot ang noo ko.

"Seriously Lorenzo Altiche?!"

Gulat siya sa pagtawag ko sa buong pangalan niya at saktong nag-stop light kaya naharap niya ako ng maayos. Tinuro niya ako at kita ko ang gigil niya.

"Hoy bruha ka! Wag mo sabi akong tatawagin sa buong pangalan ko eh!"

Tumawa ako ng malakas. Gigil yern? Hahahaha! Binelatan ko siya na mas lalong nagpagigil sa kaniya.

"Asal bata ka talagang bitchesa ka!"

"Nye-nye-nye"

Pang-aasar ko sa kaniya. Nagbangayan kami hanggang sa mag-park siya sa isang mall. Mag-sho-shopping muna kami bago kumain at pumunta ng bar. Yeah. Niyaya ko siyang puntahan ang bar na pinuntahan ko nung nakaraang araw. Para mameet niya si Dom.

Panay tingin ako sa mga damit na pampasok sa opisina dahil iyon ang kailangan ko ngayon. Wala naman kasi akong formal clothes sa Closet ko dito.

"Ri-Riza?"

Umangat ang tingin ko at nakilala ko kaagad kung sino ang kaharap ko. Riza, calm down. Hindi ka dapat magpahalata na kilala mo siya. Kumunot ang noo ko at hindi siya pinansin.

"Hey! Ikaw ba talaga yan Riza?"

Hinawakan niya ako sa aking braso kaya napalingon ako sa kaniya. Tinuro ko ang sarili ko.

"Ako ba tinatawag mo?"

Maang-maangan kong tanong sa kaniya. Tumaas ang kilay niya at mataman akong pinagmasdan.

"Right. You can't be her. Matagal na siyang patay. Anyway, you really look like someone I knew."

Matagal na siyang patay. Ha-ha! Buhay na buhay ako!

"Oh.. okay."

Nilampasan ko siya at nakita ko ang isang red coat. Wow! Gusto ko iyon. Agad ko iyong kinuha pero nakita kong may kamay na nakahawak sa kabilang parte ng coat. At tumaas ang kilay ko nang makitang siya na naman.

"Oops! Gusto ko rin kasi 'to. Can I have this instead?"

Binitawan ko ang coat at ngumiti ako sa kaniya kahit na hindi naman talaga totoo ang ngiti na iyon. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. She's the same bitch spoiled brat nine years ago.

"Sure. Sayo na."

Umalis ako sa kaniya pero napatigil ako nang magsalita siya.

"But because it looks like you really want this so bad, you can have this na."

Nilingon ko siya.

"No thanks. I can buy the same color but more expensive one. You can have that. It suits you better din kasi."

Kita ko ang pagnganga niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. It suits you better because it's not that expensive bitch! Mukha ka kasing cheap na mayamang amfee! I smirked at saka ko siya tinalikuran. Nakita kong nakangisi sakin si Lor and I winked at him. He knew who that woman is. She's none other than th spoiled brat bitch, Akiesha Rendez-Sarreignto. Ang babaeng sumira sa buhay ko siyam na taon na ang nakararaan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status