MasukNilahad ko ang puting envelope sa harap ni madam Jing. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Pera ba 'yan?" aniya at kinuha iyon ngunit mas lalong tumaas ang kilay niya nang malaman kung ano ang nasa loob. "Ano 'to?!" inis na tanong niya. Nakita na nga niya ang nilalaman ng envelope na 'yon tatanungin niya pa ako. Hindi ba siya marunong magbasa? "Resignation letter, madam," tipid na sagot ko. "Alam ko. Ang tinatanong ko, bakit ka magre-resign? Akala ko ba kailangan mo ng pera? H'wag mo sabihing nabingwit mo ang mayamang nag-renta sa'yo kahapon, at balak ka nang pakasalan ngayon. Naku Ja, inakit mo siya kahapon, 'no? Ang sabi niya sa'kin kahapon ay kakausapin ka lang pero mukhang may iba pa kayong ginawa. Umamin ka nga, magre-resign ka kasi ikakasal ka na sa mayaman, 'no?" mahabang saad niya. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili. "Hindi, madam. May nahanap lang akong trabaho na mas madali pero mataas ang sahod. Iyong sinasabi mong lalaki ay siyang amo ko. Gusto ko lang ng mas maayos at permenenteng trabaho kaya ayan, resignation letter," pagdadahilan ko. Binabayaran naman talaga niya ako kaya parang trabaho na rin iyon. Balak ko nga sanang sa 7/11 ako mag-resign pero si Radzmir na ang nagsabing mag-resign na ako sa pagiging waitress. Noong una ay tumanggi ako dahil sayang naman ang makukuha kong sahod sa pagiging waitress pero kaagad din akong pumayag noong inalok niya ako ng one-hundred thousand per month. Ibang usapan pa rin kapag sa kama na. Sa laki ng perang makukuha ko, tatanggi pa ba ako? "Tsk! Oh siya sige, pero kung kailangan mo ulit ng trabaho, magsabi ka lang," sabi niya, hindi pa rin nagbabago ang masungit niyang mukha. Ngumiti na lang ako ng malaki at nagpasalamat. Masungit si madam Jing pero mabait pa rin naman siya kaya hindi nawawala ang respeto ko sa kaniya. Pagkatapos kong mag-resign ay kaagad akong umuwi para maglaba. Nagpapa-laundry ako pero dahil wala pa naman akong trabaho napagpasiyahan kong maglaba na lang at maglinis ng apartment. Pinalitan na rin kasi ang schedule ko sa 7/11, at bukas pa ako magsisimulang magtrabaho. Alam kong sapat na ang perang makukuha ko kay Radzmir pero sanay na akong may trabaho kaya hindi ko rin matiis na hindi magtrabaho. Hindi rin naman sure na magtatagal kami ni Radzmir dahil paniguradong makakahanap din siya kaagad ng bago. Iyong mas maganda, mas sexy, at mas bata. Iyon naman ang mga tipo ng mga katulad niyang mayayaman kaya hindi ko rin siya masisi. Ang tanong, papayag ba akong makakahanap siya ng ipapalit sa akin? No! Never! Ngayong nakuha ko na siya, hahayaan ko na lang bang mangyari iyon? Siguro isa o dalawang taon ay sapat na para makapag ipon ako gamit ang pera niya. After that, I'll set him free. Iyon ay kung hindi pa siya mahuhulog sa akin. Kung mahulog man siya sa akin at handa siyang ipaglaban ako, aba siyempre, makikipagbakbakan din ako sa mother at asawa niyang mayayaman. Hindi naman siguro ako makukulong at mamamatay dahil paniguradong poprotektahan ako ni Radzmir. "Haayy..." Ano ba yan! Hindi pa nga kami nag-uumpisa malayo na ang narating ng imagination ko. Pero okay na iyong handa para at least alam ko ang gagawin ko kung sakali man. Planado ko na ang lahat, gagawin ko na lang. Ngumuso ako at sumilip sa cellphone kong nakapatong sa sink. Kaninang umaga ko pa hinihintay ang text o tawag niya dahil nag-exchange numbers kami kahapon pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam. Hindi naman si*uro niya ako i*-ghost, 'no? Baka busy lang siya sa trabaho. Baka mamayang gabi pa siya makikipagkita. Katawan ko lang naman ang habol ng lalaking iyon sa akin. Paglalaba, paglilinis, nakapag-grocery na rin ako, at lahat ng kailangan ko pang gawin ay ginawa ko na pero wala pa rin talagang text o call na galing sa kaniya. "Problema mo?" tanong ni Karina habang nagpupunas ng buhok. Tapos na ang shift niya, at katatapos niya lang maligo pero sa sala agad ang diretso niya, at alam kong may gusto na naman siyang sabihin. "Pera," tipid na sagot ko. Sinamaan tuloy niya ako ng tingin kahit seryoso naman ang sagot ko. Malapit na kasi ang exam ng kapatid ko, at malamang hihingi na naman siya ng pambayad at allowance. Private pa naman ang school niya at dentistry ang kurso niya. Mauubos na naman ang ipon ko ng wala sa oras. "Kailangan mo ng pera pero nag-resign ka sa trabaho mong nagpapasahod sa'yo ng mas malaki. Ano bang nakain mong gaga ka at nag-resign ka?" nakapamewang na tanong niya. "Ayoko na doon eh. May ipon pa naman ako plus 'yong nakuha kong pera kay Radzmir. Maghahanap na lang ako ng bagong trabaho," pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin sa kaniya ang totoo dahil baka suwayin niya ako. Alam kong mali ang ginagawa ko pero kailangan. Nagkasundo naman kami ni Radzmir at okay na 'yon. Ang importante may malaki akong makukuhang pera. "Asus!" umupo siya sa harap ko at kumain ng brownies na ni-bake ko kanina. "Siya nga pala, engagement ng boss ko at pinayagan niya akong isama ka sa party. Sama ka para naman may kasama akong mag-hunting ng mga poging mayayaman," sabi niya at humagikhik pa. "Gaga! Sige," saad ko, pareho kaming natawa. "Akala ko ba may boyfriend ka na?" saad ko nang magsawa na ako kakatawa. Natigilan naman siya at umirap sa ere. "Akala ko nga rin e," aniya kaya kinunutan ko siya ng noo. "Dating pa lang kami noon. Sa sobrang excited ko, sinabi kong boyfriend ko na siya ayun tuloy, naudlot. Bwisit! Gusto lang pala akong maka-sex ng gago! Kaya pala ang gentlemen niya sa'kin. Mga lalaki talaga, hindi marunong pakalmahin ang mga tite nila! Akala mo naman sobrang laki e," dagdag niya. Halata sa mukha at pananalita niya ang sobrang pagkainis sa dati niyang ka-date. Natawa ako. Maski ako ay aware na maraming lalaki ang katawan lang ang habol sa aming mga babae kaya paswertehan na lang kung may makahanap ng lalaking nagmamahal ng totoo. Kaya nga simula noong nag-break kami ng first love ko na sobrang nagpaiyak sa akin ay hindi na muli akong naniwala sa mga love na 'yan."Are you saying something?" Sa sobrang inis ay hindi na niya napigilang tumayo at dinuro ako.Tumayo naman ako at umiling-iling na parang hindi ko alam ang sinasabi niya. "Hala, ma'am, wala po akong sinasabi," pang-aasar ko. Lalo lang siyang umusok sa sobrang galit habang si Radzmir ay prenteng nakaupo habang nanonood sa amin. Nag-eenjoy pa talaga ang gago. Well, sige. Bigyan ko siya ng enjoyable show."I heard you, so don't ever lie to me! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mong masama ang nakikinig sa usapan ng iba? Your parents must be bastards for raising a bitch like you." Biglang nawala ang ngisi ko nang i-mention niya ang magulang ko. Wrong move, bitch. "Hindi mo ba nakitang naglilinis ako sa harapan niyo kaya may posibilidad na marinig ko ang usapan niyo? At saka kung narinig ko man, wala akong pakialam sa relasyon niyo. Okay na ba, ma'am?" sabi ko at kahit naiinis ay nagawa ko pa ring ikalma ang sarili kahit sa huli ay mukhang pinalala ko lang ang nangyayari. Bye work na na
Nakailang dial na ako kay Sheena pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko. Nag-message siya sa akin kagabi na kailangan niya ng pera pero hindi ko siya nareply-an dahil nakatulog agad ako sa sobrang pagod. Ngayong tinatawagan ko na siya ay hindi naman niya ako sinasagot. Nag-aalala na ako sa kaniya. "Looks like someone has a problem here." Kusang tumaas ang kilay ko nang marinig ang pamilyar na pabebeng boses na mukhang gusto ng away kahit umagang-umaga. Gusto ko siyang irapan pero siyempre nginitian ko siya ng peke nang lingunin ko siya."Opo, ma'am eh. Hindi kasi sinasagot ng boyfriend ko ang tawag ko. Mukhang nagch-cheat siya sa akin," sarkastikong saad ko pero pinakita ko pa rin sa kaniya ang malungkot kong mukha. Siyempre gawa-gawa ko lang iyon dahil gusto ko siyang asarin. Alam kong nakita niya ang hickey sa leeg ko kagabi at alam kong alam niya ang ibig sabihin niyon.Agad umasim ang mukha niya at sinamaan niya ako ng tingin. "Using a phone while working is forbidden,
Kumunot ang noo ko nang makitang nakatitig lang siya sa akin. Saka ko lang din na-realize ang tinawag ko sa kaniya. Nang dahil sa pag-iisip na mag-ama ko sila ay natawag ko rin tuloy siya ng 'hon'."T-Tara na! Raneem wants to buy new makeup, right?" sabi ko na lang baka sakaling mawala sa isip niya 'yong tinawag ko sa kaniya. Nakakahiya! Tangina! Sana hindi mag-isip ng kung anu-ano si Raneem. Alam kong bata pa siya at inosente pero kahit bata ay alam ang ibig sabihin ng 'hon'. Pero hindi naman siguro niya malalamang may namagitan sa amin ng kuya niya. Sana lang hindi niya iyon mabanggit sa mommy niga at kay Kellen kung 'di lagot talaga ako at mawawalan na naman ako ng trabaho. "Yes! Let's goo!" yaya sa amin ni Raneem. Ngumiti na lang ako na parang walang nangyari at nagpatianod sa hila ng bata. Wala ring nagawa si Radzmir sa kapatid. Para na tuloy kaming pamilyang nagsh-shopping. Panira lang talaga ang outfit ko. Bwisit! Dumiretso agad kami sa isang sikat na shop. Siyempre mayayam
Laking tuwa ko nang matanggap ako bilang nanny ni Raneem, ang bunso at nag-iisang kapatid ni Radzmir. Saka ko lang din napagtantong may lahi silang Arabo noong makita ko ang picture ng daddy nilang Arabo. Hindi mahirap pakisamahan si Raneem kahit limang taong gulang pa lang siya at spoiled. Sa murang edad ay may hilig na siya sa pag-makeup kaya mabilis kong nakuha ang loob niya dahil expert ako pagdating sa mga ganoong bagay. Gusto niyang sumali sa Miss Universe balang araw kaya ngayon pa lang ay gusto na niyang matuto. Ilang araw na akong nasa mansion ng mga Al-Andas. Dalawang Linggo na ring tahimik ang buhay ko dahil unti-unti ko nang natatanggap na ni-ghost na talaga ako ng buwisit na lalaking 'yon. Pero kung kailan naka-move on na ako saka ko naman siya makikita ulit."Jaja! Let's go to the mall! I want to buy new makeup!" Kumakaripas ng takbong tili ni Raneem pagkapasok ko pa lang sa kwarto niya. Niyakap niya ang bewang ko habang nakangiti ng malawak."No, baby. Your kuya is he
"Si Russ, kamusta na siya?" bigla niyang tanong matapos ang mahabang katahimikan.Bumuntong hininga ako at uminom muna ng juice bago sumagot. "Gano'n pa rin," tipid kong sagot. Alam naman na niya iyon kaya hindi na ako nagkwento pa. "Sorry, hindi na ako mas'yadong nakakabisita pero dadalaw ako next week. Promise ko 'yan, bff!" aniya kaya napailing na lang ako at tumawa ng mahina. "Naiintindihan naman ni Russ 'yon, don't worry," sabi ko para hindi na siya mag-alala pa. Isang Linggo na ang lumipas pero wala pa ring paramdam mula sa kaniya. Naiinis na ako. "Miss, p'wede palagay sa eco bag?""Sana sinabi mo na kanina pa. Kung kailan nailagay ko na sa paper bag saka ka lang magsasabi?" inis na sabi ko sa customer na ikinanlaki ng mga mata niya. Hindi ko namalayang pinagtatarayan ko na pala ang customer ko dahil sa inis kay Radzmir. "Ganiyan ba talaga ang mga staff dito?! Walang respeto! Sino ang manager niyo?!" nag-aapoy sa galit na sigaw ng babaeng customer ko na ngayon ay nakapamewa
Nilahad ko ang puting envelope sa harap ni madam Jing. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Pera ba 'yan?" aniya at kinuha iyon ngunit mas lalong tumaas ang kilay niya nang malaman kung ano ang nasa loob. "Ano 'to?!" inis na tanong niya. Nakita na nga niya ang nilalaman ng envelope na 'yon tatanungin niya pa ako. Hindi ba siya marunong magbasa? "Resignation letter, madam," tipid na sagot ko. "Alam ko. Ang tinatanong ko, bakit ka magre-resign? Akala ko ba kailangan mo ng pera? H'wag mo sabihing nabingwit mo ang mayamang nag-renta sa'yo kahapon, at balak ka nang pakasalan ngayon. Naku Ja, inakit mo siya kahapon, 'no? Ang sabi niya sa'kin kahapon ay kakausapin ka lang pero mukhang may iba pa kayong ginawa. Umamin ka nga, magre-resign ka kasi ikakasal ka na sa mayaman, 'no?" mahabang saad niya. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili. "Hindi, madam. May nahanap lang akong trabaho na mas madali pero mataas ang sahod. Iyong sinasabi mong lalaki ay siyang amo ko. Gusto ko







