Share

Chapter 54

last update Last Updated: 2025-04-24 12:47:36

Ariana POV

“Sigurado ka na talaga?” tanong ni Beth habang tinutupi ang ilang damit ko at inilalagay sa lumang backpack. “Aalis ka na kahit hindi mo pa alam kung anong naghihintay sa 'yo roon?”

Tumango ako, kahit may bahid ng kaba sa dibdib ko. “Oo. Kailangan kong subukan, Beth. Mas okay na ‘to kaysa manatili rito at puro sakit ng ulo lang ang hatid.”

Tahimik kaming dalawa habang patuloy sa pagsisinop ng mga gamit. Hanggang sa bigla siyang nagsalita.

“Sayang 'yung sampung milyon no?” diretsong tanong niya, pero may halong biro. “Kung ako ‘yan, baka tinanggap ko na. Pambayad ng utang, puhunan, future. Pero ikaw... ni hindi mo tinanong kung paano mo makukuha ‘yon.”

Napahinto ako sa pagtupi ng blouse at napatitig sa sahig. Mabilis na sumagi sa isip ko ang eksenang hawak ko ‘yung sobre. Yung sandaling kaya kong baguhin ang kapalaran ko, ang pamilya ko… pero hindi ko ginawa.

“May dahilan ba kung bakit hindi mo kinuha ‘yung pera?” tanong ulit ni Beth, ngayon ay mas seryoso na ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Vanessa Seriales
next napo please
goodnovel comment avatar
Decan Riño
ganda ng story nya next please ......️
goodnovel comment avatar
Juan Mana-ay
update please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 75

    Mainit ang sikat ng araw habang papalapit si Ariana sa gate ng Madrigal Mansyon. Kumikislot ang kanyang dibdib sa kaba at pananabik. Nang bumukas ang gate, bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ni Yaya Felicidad. "Ay, Ariana! Buti naman at napadalaw ka," masayang bati ng yaya. "Kamusta po, Yaya? Nandiyan po ba si Emanuel? Miss na miss ko na po siya," ani Ariana habang naglalakad papasok. "Oo, hija. Nasa kwarto lang siya. May sakit kasi si bunso. Hindi na rin tumuloy si Teacher Cherry na magturo ngayong araw." Nanlaki ang mga mata ni Ariana. “Ha? May sakit siya? Anong sabi ng doktor?” “Lagnat lang naman daw. Napagod yata sa kakalaro kahapon. Pero iyak nang iyak kanina. Tuwang-tuwa nga nang marinig na paparating ka." Agad na bumilis ang lakad ni Ariana papasok sa mansyon. Pagkapasok sa loob, tinungo niya ang kwarto ng bata. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang maputlang si Emanuel na nakahiga at nakabalot sa kumot. “Ate Ariana?” mahinang tawag ng bata. Napangiti

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 74

    Nakahiga na ako sa kama, yakap-yakap ang unan at hawak-hawak pa rin ang cellphone. Ilang beses ko na siyang tinawagan, pero hanggang ngayon, nakapatay pa rin ang linya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napatingin sa orasan, umaasang may magbabago—na biglang magri-ring ang phone ko, na biglang sasagot siya, na maririnig ko ang boses niya kahit saglit lang. Pero wala. Ang hirap pala… Hindi pa nga kami mag-asawa, pero ganito na ako mag-alala. Ganito na ako kaapektado sa pagkawala niya. Ganito na siya kabigat sa puso ko. Napabuntong-hininga ako. LDR. Long Distance Relationship. Hindi ko akalaing mararanasan ko ito, at hindi ko rin inakalang ganito pala kahirap. Yung hindi mo alam kung okay pa ba siya, kung may sakit ba siya, kung pagod na pagod na ba siya sa byahe, o kung naiisip ka pa ba niya. Gusto kong matulog. Gusto kong ipikit ang mga mata ko at sana paggising ko, may mensahe na siya. Pero imbes na antok ang dumating, mas lalong naging alerto ang isipan ko. Inala

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 73

    ARIANA'S POV Kasabay ng mga yabag namin ni Beth ang malumanay na ihip ng hangin sa hapon. Galing kami sa canteen, kakakain lang, at ngayon ay naglalakad pabalik ng opisina. Tahimik lang kaming dalawa, parehas yata maraming iniisip. Hanggang sa— "Arianaaaaa!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa likod. Napalingon kami ni Beth, at doon nakita namin si Alex—hingal, pawisan, at parang may hinahabol… o baka kami ‘yung hinahabol niya? “Ano’ng problema?” tanong ni Beth, agad ding lumapit. Halatang aligaga si Alex. Hindi ko alam kung matatawa ako o mag-aalala. “Ariana,” hingal niya, “Pwede ba kita makausap? Kahit pagkatapos ng trabaho mo lang… please?” “Ha? Bakit? Anong meron?” tanong ko, medyo kinabahan na rin ako. Hindi niya ako tiningnan sa mata, para bang may itinatago. “Wala… basta. Importanteng bagay lang. Promise, hindi kita ipapahamak.” Napatingin ako kay Beth, parang humihingi ng tulong. Pero si Beth, tinaasan lang ako ng kila

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 72

    ARIANA'S POV "Hoy, gumising ka na nga d’yan. Hindi ka ba papasok sa trabaho ngayon?" Malumanay pero may halong inis ang boses ni Beth habang marahang tinatapik ang balikat ko. Napapikit ako lalo. Ang sakit ng ulo ko, parang may dumagundong sa loob ng utak ko. Lahat ng naririnig ko ay parang double, parang delayed. At ang sikat ng araw mula sa bintana ay parang flashlight na binubuga sa mukha ko. "Masakit ulo ko," reklamo ko habang pilit tinatakpan ng kumot ang buong mukha. "Beth, pahinga muna ako ngayon… please." Tahimik siya saglit bago ko narinig ang marahang pag-upo niya sa gilid ng kama. “Kailan mo balak harapin ‘yung issue mo?” Napakurap ako. Kahit masakit pa ulo ko, hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. Nakaupo siya ro’n, nakatitig sa akin, parang alam na niya ang lahat. "Ano bang ibig mong sabihin?" pa-inosente kong tanong. "Zephyr," diretso niyang sagot. "Ano bang meron sa inyo?" Napalunok ako. Hindi agad ako nakasagot. Pero sa totoo lang, pagod na rin ako

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 71

    ARIANA’S POV Habang nakaupo ako sa kahoy na upuan ng restaurant na ito na parang bahay sa probinsya, ramdam kong unti-unti nang humuhupa ang epekto ng alak sa sistema ko. Nakakapanibago. Tahimik ang paligid, may halimuyak ng mainit na sabaw at tinolang manok. Tila ba pinilit ni Zephyr na ilayo ako sa gulo at ingay ng lungsod, pati na rin sa mga matang kanina’y nakatingin sa amin ni Noime… at sa kaniya. Noime. Bumalik sa isipan ko ang eksena kanina sa party. Ang kamay ni Noime sa braso ni Zephyr. Ang pagpakilala niya rito bilang "asawa." At ang mga mata ng mga bisitang halos sumambulat ang excitement habang kinukunan ng litrato ang dalawa. Parang eksena sa isang teleserye—at ako ‘yung third party na hindi invited sa script. Ngunit heto ako ngayon, kasama si Zephyr, at pinapasabawan. "Sabaw ka muna, baka magsuka ka mamaya," seryoso niyang sabi habang marahan akong tinutulungan hawakan ang mangkok. Hindi ako agad nakasagot. Tumango lang ako. Tahimik. Tahimik akong sumubo ng

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 70

    Ariana’s POV Para akong nakapako sa kinatatayuan ko. Nakatayo lang, walang kibô, habang pinapanood ko kung paanong ngumiti si Zephyr sa mga tao... habang nakapulupot sa braso niya si Noime. Tila ba ako ang bisita sa party na ito. At silang dalawa ang bida. Hindi ako umiiyak. Hindi rin ako nagsasalita. Pero ramdam ko—ramdam kong may kung anong mabigat ang bumagsak sa dibdib ko. Parang may gumuhit na matalim sa puso ko. Pero... pilit kong pinapakalma ang sarili ko. May tiwala ako kay Zephyr. Ulit-ulitin ko man iyon sa isip ko, hindi ko mapigilang masaktan. Dahil kahit ilang beses kong paniwalaan ang dahilan ng puso ko, iba pa rin ang ipinapakita ng mga mata ko. “Girlie…” bulong ni Beth, halatang naaalala ang lahat ng sinabi ko tungkol sa ‘amin’ ni Zephyr. Umiling ako. “Okay lang ako,” tipid kong sagot. Hindi ko kayang gumawa ng eksena. Hindi ako ganung klase ng babae. Hindi rin ako tanga para kaagad mag-isip ng masama. Alam kong may dahilan si Zephyr. May rason kung baki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status