Share

Chapter 6

last update Huling Na-update: 2025-04-06 18:11:24

Nang matapos na ni Ariana ang pag-aayos ng kanyang mga gamit, marahan niyang inilapag ang backpack sa tabi ng pintuan. Lumapit siya sa kanyang ina na abala pa rin sa pag-aasikaso sa lutong merienda—nilupak at turon na inihanda nito para sa kanila.

"Ma, aalis na po kami. Salamat po ulit sa merienda," malungkot ngunit magalang na paalam ni Ariana habang niyayakap ang ina.

"Ingat kayo anak. Alagaan mong mabuti 'yung bata ha. At sana... magaan ang loob mo sa trabahong pinasok mo," sagot ng ina habang pinipisil ang kamay ni Ariana.

Ngunit bago pa siya makalakad palabas, biglang sumigaw si Emanuel mula sa likod ng bahay.

"Yaya! May baby goat dito! Ang cute! Can we stay a little longer?"

Nilingon siya ni Ariana, habang ang bata ay lumalakad pa ikot-ikot sa bakuran, aliw na aliw sa mga tanawin. May tangkay pa ito ng saging na parang espada habang sinusundan ang isang sisiw.

"Emanuel, tara na. Gabi na. Baka hanapin ka na ng daddy mo," malumanay na tawag ni Ariana.

Ngunit umiling si Emanuel at umupo sa silong ng bahay.

"Ayoko pa umuwi. This place is fun. There’s food, chickens, goats… at si lola mabait!" sabay kindat pa sa ina ni Ariana na napatawa na lang.

Napabuntong-hininga si Ariana. Lumapit siya kay Emanuel at naupo sa tabi nito. "Alam ko masaya rito, pero hindi ka ba nami-miss ng daddy mo?"

Saglit na natahimik si Emanuel. Yumuko, pero maya-maya ay sumagot, "Pwede bang tumira na lang ako dito?"

Nagulat si Ariana sa tanong na iyon. Nakita niya ang tila lungkot sa mga mata ng bata, kaya dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok nito.

"Hindi tayo pwedeng tumira dito, baby boy. Pero pwede tayong bumalik. Bibisitahin natin si lola minsan, ha?"

"Promise?"

"Promise," ngumiti si Ariana.

Tumayo na si Emanuel, pero bago pa makalayo, sinunggaban pa nito ang isang piraso ng turon at sabay kagat. "Okay fine, let’s go. Pero next time, gusto ko ng kalabaw ride."

Napailing si Ariana, habang ang ina niya ay hindi maalis ang ngiti sa labi. Tinapik ni Ariana si Emanuel sa balikat at sabay silang naglakad pabalik sa sasakyan.

Sa isip ni Ariana, “Ang hirap pala mag-alaga ng isang batang madaling mahalin… pero may ama siyang may sariling mundo. Kakayanin ko ba 'to?”

Nakasakay na sila sa sasakyan, at sa unang mga minuto ng biyahe ay tahimik lang si Ariana habang pinagmamasdan ang labas ng bintana. Hindi niya maikakaila na napagod siya sa pag-aayos ng gamit at sa paghabol sa bata buong araw. Pero higit sa lahat, nagsisimula nang kumulo ang kanyang tiyan.

Napakagat-labi siya, pilit nilulunok ang gutom. Wala pa siyang tanghalian at merienda lang ang kinain nila kanina. Tiningnan niya si Emanuel na masayang nakatitig sa hawak nitong laruan.

Biglang napansin ni Emanuel ang pagkilos ni Ariana at ang tahimik nitong paghawak sa tiyan. Kumunot ang noo ng bata.

“Yaya, are you hungry?” tanong nito na may pag-aalalang tono.

Napahiya si Ariana at ngumiti na lang ng pilit. "Kaunti lang. Okay lang ako."

Pero hindi nagpaawat si Emanuel. Tumagilid siya at sumigaw sa driver, “Kuya Ramil! Get the cookies in the compartment, please! Yung chocolate, ha!"

Napalingon si Ariana. “Hala, hindi na kailangan, Emanuel—”

“Nope. You’re hungry. And when we travel, there’s always cookies. That’s the rule when I’m with Mommy and Daddy.” Tumango pa ito nang may kaangasang tono, parang batang boss.

Napangiti si Kuya Ramil sa rearview mirror at agad binuksan ang compartment. Inabot niya ang isang maliit na box na may eleganteng packaging ng imported chocolate cookies.

“Ma’am, ito po,” sabay abot sa kanya.

Nag-aalangan pa si Ariana pero ngumiti si Emanuel, “Yaya, you need energy. You look like you’re going to faint.”

Hindi na nakatanggi si Ariana. Binuksan niya ang box at kumuha ng isa, sabay kagat. Agad niyang naramdaman ang tamis at lambot ng cookies, parang natutunaw sa bibig.

“Sobrang sarap,” bulong niya sa sarili.

“See? Told you,” sabat ni Emanuel na kumagat na rin ng sarili niyang piraso. “Next time, I’ll ask Daddy to bring more.”

Habang patuloy ang biyahe at pinupuno ng tahimik na musika sa sasakyan, napatingin si Ariana sa bata. Sa dami ng stress at kaba na dinanas niya simula umaga, hindi niya inaasahang si Emanuel pa ang magpapagaan ng pakiramdam niya.

“Maybe this job won’t be so bad after all,” isip niya habang muling kumagat sa masarap na cookie.

Pagdating nila sa mansyon, napansin ni Ariana na hindi man lang gumalaw si Emanuel. Payapa itong natutulog sa kandungan niya, tila isang anghel na walang bahid ng kakulitan. Napangiti siya habang hinahaplos ang buhok ng bata—hindi siya makapaniwala na ang batang halos ikabaliw niya kanina ay ganito pala kapag tulog: tahimik, kalmado, at... mabait.

Pagkabukas ng pinto ng sasakyan, agad lumapit si Zephyr. Tahimik itong sumilip at nakita ang anak na mahimbing pa rin sa pagkakatulog.

“He’s still asleep,” mahinang sabi ni Ariana.

Tumango si Zephyr at walang imik na yumuko para buhatin ang bata. Hindi agad nakagalaw si Ariana. Nang maramdaman niya ang kamay ni Zephyr na marahang humawak sa tagiliran ni Emanuel—kasabay nito ang pagdampi ng likod ng palad ng lalaki sa kanyang hita—napalunok siya ng bahagya. Muntik na siyang mapaigtad pero pinigilan niya ang sarili.

Malapitan na ngayon ang mukha ni Zephyr sa kanya. Ramdam ni Ariana ang init ng hininga nito, at ang bahagyang pagkakabangga ng balikat nila habang inaangat nito si Emanuel.

Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang may kung anong pwersa na humahatak sa kanya palapit dito. Napakabango ng lalaki—amoy mamahaling pabango na may halong natural na presensya. Hindi siya makatingin nang direkta sa mga mata ni Zephyr, kaya naman pinili na lang niyang pagmasdan ang natutulog na si Emanuel.

“Salamat,” mahina pero seryosong sabi ni Zephyr matapos buhatin ang anak.

Napatingin si Ariana, nagulat sa pasasalamat nito. Ilang segundo silang nagkatitigan. Walang nagsalita. Hanggang sa lumayo na si Zephyr, buhat si Emanuel, papasok sa loob ng mansyon.

Habang nakaupo pa rin sa loob ng sasakyan, napalunok ulit si Ariana. "Bakit parang biglang ang init ng paligid?" bulong niya sa sarili. "At bakit parang may kakaiba sa boss kong ‘to?"

Tinapik siya ni Kuya Ramil mula sa labas. “Ma’am? Pasok na po tayo.”

Napahimas siya sa dibdib. "Kalma lang, Ariana. Sampung milyon. Sampung milyon," paalala niya sa sarili habang mabilis na pinawi ang tensyong bumalot sa kanya, sabay baba ng sasakyan.

Pagpasok ni Ariana sa silid, halos mapahiga agad siya sa kama. Pagod na pagod ang katawan niya pero mas pagod ang isip niya sa lahat ng nangyari sa maghapon. Hindi pa man siya nakakahinga ng maayos, ay may kumatok na sa pintuan.

“Ariana,” tawag ng boses mula sa labas. Kilalang-kilala niya iyon.

Agad siyang tumayo at binuksan ang pinto. Nakatayo si Zephyr sa labas, nakasuot ng simpleng polo shirt at pantalon, pero kahit ganoon, hindi pa rin nito matatakpan ang natural nitong tindig at karisma.

“Yes, Sir?” tanong niya, medyo kinakabahan.

“Can I talk to you for a moment?” seryoso ang mukha nito, at walang alinlangang pumasok sa silid nang imbitahan niya.

Umupo si Zephyr sa upuang malapit sa bintana habang si Ariana naman ay nanatiling nakatayo. Tahimik muna ang paligid bago muling nagsalita ang lalaki.

“I noticed something…” panimula ni Zephyr, tinapunan siya ng tingin. “Emanuel slept earlier than usual. He usually doesn’t fall asleep until past midnight.”

Napakunot ang noo ni Ariana, medyo nahiya. “Ah, baka po napagod talaga siya sa biyahe at… sa dami ng ginawa namin kanina.”

“Ano bang ginawa n’yo?” tanong ni Zephyr habang pinagmamasdan siya.

Medyo nailang si Ariana. “Naglalaro po kami. Tumakbo siya, nagtago, tapos nakita niya po ‘yung mama ko na kumakayod ng niyog. Ayun, ginusto rin niyang subukan. Marami siyang ginawa, kaya siguro napagod.”

Sandaling natahimik si Zephyr, pero parang pinipigilan ang ngiti.

“So... you let my son climb trees and play with coconut husks?”

“Hindi naman po ako nagpabaya,” depensang sagot ni Ariana. “Nandun po ako sa tabi niya palagi. Ayoko rin naman pong masaktan siya.”

Tahimik ulit si Zephyr. Pero sa mga mata nito, parang may kakaibang sigla. Hindi siya sanay na marinig na ang anak niya ay masayang nakihalubilo sa iba, sa simpleng buhay, sa isang araw na puno ng kakulitan at tawa.

“That’s interesting,” sambit ni Zephyr. “He never acts like that when he's here. He’s always glued to his iPad or throwing tantrums just to get attention. But today… he smiled. He played. He even hugged someone voluntarily.”

Nag-init ang pisngi ni Ariana. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mahihiya. “Baka po... kasi bago pa lang ako sa paningin niya. Baka sa susunod, magsawa rin.”

Pero umiling si Zephyr. “Don’t sell yourself short.”

Napatingin si Ariana. Hindi niya inasahan ang ganitong mga salita mula sa isang tulad ni Zephyr.

“I’m starting to think… maybe you’re exactly what he needs,” dagdag pa nito.

Para bang may kakaibang kiliti sa dibdib ni Ariana. Pero agad niya itong pinigilan. Focus, Ariana. Sampung milyon, bulong niya sa sarili.

“Salamat po,” nahihiyang sagot niya.

Tumayo na si Zephyr, pero bago ito lumabas, saglit siyang lumingon. “Just... continue what you’re doing. And make sure he sleeps early again tomorrow.”

At bago pa siya tuluyang makaalis, binigyan siya nito ng isang sulyap—hindi galit, hindi malamig. Kundi parang... interesado.

Pagkasarado ng pinto, napaupo si Ariana sa kama. “Anong meron kay boss ngayon? At... bakit parang hindi na lang bata ang pinapapagod ko, pati puso ko rin ata?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 75

    Mainit ang sikat ng araw habang papalapit si Ariana sa gate ng Madrigal Mansyon. Kumikislot ang kanyang dibdib sa kaba at pananabik. Nang bumukas ang gate, bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ni Yaya Felicidad. "Ay, Ariana! Buti naman at napadalaw ka," masayang bati ng yaya. "Kamusta po, Yaya? Nandiyan po ba si Emanuel? Miss na miss ko na po siya," ani Ariana habang naglalakad papasok. "Oo, hija. Nasa kwarto lang siya. May sakit kasi si bunso. Hindi na rin tumuloy si Teacher Cherry na magturo ngayong araw." Nanlaki ang mga mata ni Ariana. “Ha? May sakit siya? Anong sabi ng doktor?” “Lagnat lang naman daw. Napagod yata sa kakalaro kahapon. Pero iyak nang iyak kanina. Tuwang-tuwa nga nang marinig na paparating ka." Agad na bumilis ang lakad ni Ariana papasok sa mansyon. Pagkapasok sa loob, tinungo niya ang kwarto ng bata. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang maputlang si Emanuel na nakahiga at nakabalot sa kumot. “Ate Ariana?” mahinang tawag ng bata. Napangiti

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 74

    Nakahiga na ako sa kama, yakap-yakap ang unan at hawak-hawak pa rin ang cellphone. Ilang beses ko na siyang tinawagan, pero hanggang ngayon, nakapatay pa rin ang linya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napatingin sa orasan, umaasang may magbabago—na biglang magri-ring ang phone ko, na biglang sasagot siya, na maririnig ko ang boses niya kahit saglit lang. Pero wala. Ang hirap pala… Hindi pa nga kami mag-asawa, pero ganito na ako mag-alala. Ganito na ako kaapektado sa pagkawala niya. Ganito na siya kabigat sa puso ko. Napabuntong-hininga ako. LDR. Long Distance Relationship. Hindi ko akalaing mararanasan ko ito, at hindi ko rin inakalang ganito pala kahirap. Yung hindi mo alam kung okay pa ba siya, kung may sakit ba siya, kung pagod na pagod na ba siya sa byahe, o kung naiisip ka pa ba niya. Gusto kong matulog. Gusto kong ipikit ang mga mata ko at sana paggising ko, may mensahe na siya. Pero imbes na antok ang dumating, mas lalong naging alerto ang isipan ko. Inala

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 73

    ARIANA'S POV Kasabay ng mga yabag namin ni Beth ang malumanay na ihip ng hangin sa hapon. Galing kami sa canteen, kakakain lang, at ngayon ay naglalakad pabalik ng opisina. Tahimik lang kaming dalawa, parehas yata maraming iniisip. Hanggang sa— "Arianaaaaa!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa likod. Napalingon kami ni Beth, at doon nakita namin si Alex—hingal, pawisan, at parang may hinahabol… o baka kami ‘yung hinahabol niya? “Ano’ng problema?” tanong ni Beth, agad ding lumapit. Halatang aligaga si Alex. Hindi ko alam kung matatawa ako o mag-aalala. “Ariana,” hingal niya, “Pwede ba kita makausap? Kahit pagkatapos ng trabaho mo lang… please?” “Ha? Bakit? Anong meron?” tanong ko, medyo kinabahan na rin ako. Hindi niya ako tiningnan sa mata, para bang may itinatago. “Wala… basta. Importanteng bagay lang. Promise, hindi kita ipapahamak.” Napatingin ako kay Beth, parang humihingi ng tulong. Pero si Beth, tinaasan lang ako ng kila

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 72

    ARIANA'S POV "Hoy, gumising ka na nga d’yan. Hindi ka ba papasok sa trabaho ngayon?" Malumanay pero may halong inis ang boses ni Beth habang marahang tinatapik ang balikat ko. Napapikit ako lalo. Ang sakit ng ulo ko, parang may dumagundong sa loob ng utak ko. Lahat ng naririnig ko ay parang double, parang delayed. At ang sikat ng araw mula sa bintana ay parang flashlight na binubuga sa mukha ko. "Masakit ulo ko," reklamo ko habang pilit tinatakpan ng kumot ang buong mukha. "Beth, pahinga muna ako ngayon… please." Tahimik siya saglit bago ko narinig ang marahang pag-upo niya sa gilid ng kama. “Kailan mo balak harapin ‘yung issue mo?” Napakurap ako. Kahit masakit pa ulo ko, hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. Nakaupo siya ro’n, nakatitig sa akin, parang alam na niya ang lahat. "Ano bang ibig mong sabihin?" pa-inosente kong tanong. "Zephyr," diretso niyang sagot. "Ano bang meron sa inyo?" Napalunok ako. Hindi agad ako nakasagot. Pero sa totoo lang, pagod na rin ako

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 71

    ARIANA’S POV Habang nakaupo ako sa kahoy na upuan ng restaurant na ito na parang bahay sa probinsya, ramdam kong unti-unti nang humuhupa ang epekto ng alak sa sistema ko. Nakakapanibago. Tahimik ang paligid, may halimuyak ng mainit na sabaw at tinolang manok. Tila ba pinilit ni Zephyr na ilayo ako sa gulo at ingay ng lungsod, pati na rin sa mga matang kanina’y nakatingin sa amin ni Noime… at sa kaniya. Noime. Bumalik sa isipan ko ang eksena kanina sa party. Ang kamay ni Noime sa braso ni Zephyr. Ang pagpakilala niya rito bilang "asawa." At ang mga mata ng mga bisitang halos sumambulat ang excitement habang kinukunan ng litrato ang dalawa. Parang eksena sa isang teleserye—at ako ‘yung third party na hindi invited sa script. Ngunit heto ako ngayon, kasama si Zephyr, at pinapasabawan. "Sabaw ka muna, baka magsuka ka mamaya," seryoso niyang sabi habang marahan akong tinutulungan hawakan ang mangkok. Hindi ako agad nakasagot. Tumango lang ako. Tahimik. Tahimik akong sumubo ng

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 70

    Ariana’s POV Para akong nakapako sa kinatatayuan ko. Nakatayo lang, walang kibô, habang pinapanood ko kung paanong ngumiti si Zephyr sa mga tao... habang nakapulupot sa braso niya si Noime. Tila ba ako ang bisita sa party na ito. At silang dalawa ang bida. Hindi ako umiiyak. Hindi rin ako nagsasalita. Pero ramdam ko—ramdam kong may kung anong mabigat ang bumagsak sa dibdib ko. Parang may gumuhit na matalim sa puso ko. Pero... pilit kong pinapakalma ang sarili ko. May tiwala ako kay Zephyr. Ulit-ulitin ko man iyon sa isip ko, hindi ko mapigilang masaktan. Dahil kahit ilang beses kong paniwalaan ang dahilan ng puso ko, iba pa rin ang ipinapakita ng mga mata ko. “Girlie…” bulong ni Beth, halatang naaalala ang lahat ng sinabi ko tungkol sa ‘amin’ ni Zephyr. Umiling ako. “Okay lang ako,” tipid kong sagot. Hindi ko kayang gumawa ng eksena. Hindi ako ganung klase ng babae. Hindi rin ako tanga para kaagad mag-isip ng masama. Alam kong may dahilan si Zephyr. May rason kung baki

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status