"Emanuel Luca!" sigaw ni Ariana habang natataranta siyang tumakbo.
Nagsimula siyang maglakad nang mabilis, pero hindi niya naisip na suot pa rin niya ang sapatos na pang-saleslady—matataas na takong na hindi panghabol ng bata. "Emanuel! Huwag kang tumakbo!" Pero parang wala siyang narinig, dahil mas lalo pang binilisan ng bata ang pagtakbo. Napansin ni Ariana ang ilang empleyado ng factory na natigil sa kanilang ginagawa at napatingin sa kanya. May ilan pang napangisi, may iba namang napailing na lang, para bang sanay na sila sa eksenang ito. "Ayan na naman si Bossing!" may narinig siyang bulong ng isa sa mga trabahador. "Ilang segundo kaya bago sumuko ang bagong yaya?" natatawang sabi pa ng isa. "Hindi ako susuko!" bulong ni Ariana sa sarili, kahit na halos mawalan na siya ng hininga sa kakahabol. Pero Diyos ko! Ang batang ito ay parang isang maliit na demonyo sa liksi! Nagpalinga-linga si Ariana, hinahanap kung saan sumuot si Emanuel. Nakita niya ito sa di kalayuan, tumatalon-talon sa tabi ng isang malaking kahon. "Emanuel Luca, bumalik ka rito!" Hindi siya pinansin ni Emanuel. Sa halip, mas lalo pa itong nang-asar at tinuro siya sabay sigaw ng: "Huliin mo ako, Yaya! Kung kaya mo!" May ilang trabahador na napahagalpak ng tawa. Ang iba naman ay nagpipigil ng halakhak habang pinapanood ang eksena. Para silang nasa isang action movie, pero ang bida ay isang stressed na yaya at isang batang takas! "Huwag kang lumayo, baka madapa ka!" Sa gulat ni Ariana, biglang tumakbo si Emanuel palapit sa isang malaking tumpok ng kahon—at sa sobrang liksi nito, nakaiwas siya sa kamay ni Ariana! "Hala ka, batang ito!" Muli siyang bumwelo para habulin ito, ngunit sa pagmamadali, nadulas ang takong ng sapatos niya sa makinis na sahig! "Kyaaahhh!" At sa hindi inaasahang pangyayari, napasubsob si Ariana sa sahig, diretsong dapa! Napasinghap ang mga empleyado, pero hindi dahil sa awa—napipigil nila ang pagtawa! Napapikit si Ariana at napangiwi sa sakit, ramdam na ramdam niya ang pagtama ng tuhod niya sa sahig. "Aba, Yaya! Ang hina mo naman! Kahit takbo, talo ka sa akin!" mayabang na sabi ni Emanuel habang tumatawa. Nagpanting ang tenga ni Ariana. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili. Para sa sampung milyon… para sa sampung milyon… Habang dahan-dahan siyang tumayo, tumingala siya kay Emanuel na ngayo'y nakapamewang at parang nanalo sa isang laban. "Ah, gano'n ha?" bulong ni Ariana. "Tingnan natin kung sino ang mananalo sa huli, bata ka." At sa isang iglap, muli siyang tumakbo, mas determinado na ngayon! Napaupo si Ariana sa malamig na sahig, hingal na hingal, habang ang puso niya ay parang may sariling marathon. "Diyos ko, anong klaseng workout ‘to?" bulong niya sa sarili habang pinapahid ang pawis sa noo. Samantalang si Emanuel, na buong oras niyang hinahabol, ay napaupo rin sa tapat niya, nagpapahinga. Napatingin si Ariana sa bata. Hindi niya alam kung matatawa o mababanas. Napapagod din pala siya! "Hah! Akala mo ba hindi ka mauubusan ng energy, ha?" Napailing siya habang nakangisi. Pinagmasdan niya ang bata—pawisan din ito, pero mayabang pa rin ang ekspresyon sa mukha. "Pagod ka na ba?" tanong ni Ariana, habang pilit na inaayos ang hininga niya. Inangat ni Emanuel ang mukha niya at tumingin kay Ariana. Umiling ito. "Magpapahinga lang ako." Tumingin siya sa malayo na parang bida sa isang action movie, saka seryosong sinabi: "Pero hindi ako susuko! Superhero kaya ako!" Napapikit si Ariana, pilit nilulunok ang inis. Superhero daw? Baka super kulit! "O, sige… kung superhero ka pala, bakit ka nagpapahinga?" asar na tanong ni Ariana, pero may halo nang lambing. Muling umupo nang mas maayos si Emanuel at mayabang na tumuro sa sarili. "Dahil kahit ang mga superhero, kailangan din ng break! Pero pagkatapos nito, tatakbo ulit ako at hahabulin mo ako!" ngumisi pa ito, parang nananadya. Napakurap si Ariana. Ano raw?! "Emanuel Luca, makinig ka sa akin ha? Kung gusto mong tumakbo-takbo sa labas, sige, pero magkasundo tayo sa isang rule." Nagtaas ng kilay ang bata. "Ano 'yun?" "Kapag sinabi kong stop, titigil ka na agad, okay?" Ginamit niya ang pinaka-kalmado pero matigas na tono ng boses niya. "Kasi kung madapa ka, paano na ang superhero career mo?" Napaisip ang bata. Mukhang tinamaan sa sinabi niya. Maya-maya, tumango ito. "Sige na nga. Pero isa lang ang ibig sabihin noon, Yaya." "Ano?" "Ako ang boss mo!" At sabay nito, tumalakbo ulit siya! "Emanueeel!" sigaw ni Ariana, na napapikit sa frustration. Ilang segundo pa lang akong nagpapahinga, ah?! Napailing siya at huminga nang malalim. Para sa sampung milyon… para sa sampung milyon… At muli siyang tumayo, handa na namang habulin ang pinakakulit na batang nakita niya sa buong buhay niya. “Emanuel Luca! Nasaan ka?” Napalingon si Ariana sa paligid, sinusubukang hanapin ang makulit na bata. Saan na naman ito sumuot? Kanina lang ay nasa harap niya, pero ngayon, parang bula itong naglaho! Napansin niya ang ilang mga trabahador na patagong tumatawa habang nakatingin sa kanya. Para bang nasanay na sila sa mga ganitong eksena. Napabuntong-hininga siya at tinuloy ang paghahanap. “Emanuel? Huwag ka ngang magtago, bata ka. Makikita rin kita!” Patuloy siyang naglakad nang marinig niya ang mahinang tunog ng mga yapak ng sapatos sa di kalayuan. Tumigil siya saglit at pinakinggan ito. Kasabay ng bawat hakbang, may narinig din siyang isang malalim at matigas na boses na tumatawag sa pangalan ng bata. “Emanuel Luca!” Kinabahan si Ariana. Sino ‘yon? May kasama ba si Emanuel? Biglang dumaan sa isip niya na baka kung sino na ito—baka may masamang balak sa bata! Mabilis niyang inikot ang paningin sa paligid, naghahanap ng kahit anong bagay na puwedeng gawing self-defense. Nakakita siya ng isang mop na nakasandal sa dingding at agad niya itong hinawakan. Kahit paano, may pang-depensa siya kung sakaling may mangyaring masama. Mas lumalapit na ang tunog ng mga yapak, at habang papalapit ito, mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa mop. At sa wakas, sa kanto ng pasilyo, lumitaw ang isang lalaki. Agad na napaawang ang labi ni Ariana. Diyos ko… sino ‘to? Sa harap niya ay isang matangkad, matipuno, at ubod ng guwapong lalaki. Naka-itim itong suit na perpektong bumagay sa matikas nitong pangangatawan. May matalim na mga mata na parang kayang tumagos sa kaluluwa mo, matangos na ilong, at mapupulang labi. Para siyang artista sa isang pelikula—hindi, para siyang isang diyos ng kagwapuhan na bumaba sa lupa! Pero bago pa man makapagsalita si Ariana, biglang sumulpot si Emanuel mula sa likuran at tumakbo papunta sa lalaki. "Daddy!" sigaw ng bata. Napadilat nang husto si Ariana. Daddy?! Dahil sa sobrang bilis ng pangyayari, walang kaabog-abog na tinulak ni Emanuel si Ariana para lang makatakbo sa ama nito. "Ayyyy!" At sa hindi inaasahang pangyayari, napasubsob siya sa dibdib ng lalaki! Malakas, matigas… mainit. Parang isang pader na buhay! Nabigla si Ariana. Ang mop na hawak niya ay nabitawan at ang dalawang kamay niya ay napakapit sa matigas na dibdib ng lalaki. Damn. Ang bango nito. Nanatili siyang nakadikit sa lalaki ng ilang segundo bago niya napagtanto ang awkward nilang posisyon. Biglang lumamig ang paligid nang marinig niya ang baritonong boses ng lalaki. "Who are you?" Agad siyang napatingala, at sa mismong sandaling iyon, nakipagtama ang kanyang mga mata sa madilim at matalim na titig ni Zephyr Madrigal. Nakakatunaw. Nakakatakot. At Diyos ko, bakit ang gwapo nito kahit galit? Napalunok si Ariana. Lagot.THIRD PERSON POV Tahimik na ang gabi. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng orasan at ang banayad na huni ng kuliglig sa labas ng bintana. Sa loob ng silid, nakahiga na si Emanuel sa gitna ng malaking kama, mahimbing na ang tulog, yakap-yakap ang bagong stuffed toy na binili ni Zephyr. Dahan-dahan namang lumabas ng kwarto sina Zephyr at Ariana, at nagtungo sa balcony ng kanilang silid. Suot ni Ariana ang manipis na cotton robe, habang si Zephyr ay naka-simpleng pajama lang, hawak ang dalawang tasa ng gatas na may kaunting cinnamon—alam niyang paborito ni Ariana ito sa gabi. “Para sa ‘yo,” sabi ni Zephyr sabay abot ng tasa. Ngumiti si Ariana. “Alam mo talaga kung paano ako pakalmahin.” “Syempre,” sagot ni Zephyr, sabay upo sa tabi niya. “Wala akong ginustong ibang kabisaduhin kundi ikaw.” Tahimik silang umupo saglit. Ang hangin ay malamig ngunit hindi nakakakilabot—bagkus ay may hatid na katahimikan. “Naalala mo nung first time tayong nagkita?” tanong ni Zephyr
THIRD PERSON POV Lumipas ang mga buwan, at sa wakas, kapayapaan ang bumalot sa buhay nina Zephyr at Ariana. Matapos ang lahat ng kanilang pinagdaanan—mga luha, hindi pagkakaunawaan, at masasakit na salitang binitiwan—narito na sila, tahimik na masaya. Lumalaki na rin ang tiyan ni Ariana. Araw-araw ay mas ramdam niya ang buhay na tumitibok sa kanyang sinapupunan—isang biyayang bunga ng pagmamahalan nila ni Zephyr. Kahit abala sa negosyo at mga pagpupulong si Zephyr, sinisigurado pa rin nitong hindi niya nakakalimutan ang kanyang tungkulin bilang asawa. Umuuwi ito ng maaga, dala ang paboritong prutas ni Ariana, o di kaya'y may dalang bagong unan para sa kanyang likod. Bawat sandali, pinaparamdam ni Zephyr na siya'y iniintindi, minamahal, at pinapahalagahan. --- ARIANA'S POV Masarap sa pakiramdam ang ganitong katahimikan. Ang simoy ng hangin sa hardin, ang bango ng mga bulaklak, at ang ingay ng mga ibong tila masaya rin sa paligid. Dito ko nahanap ang bagong "ako." Hindi na ako
THIRD POV Habang nagtatawanan pa sina Zephyr at Emanuel, abala sa paglalambingan, biglang lumapit si Yaya Felecidad, may hawak na tuwalya at cellphone sa isang tray. "Iha, ito nga pala ang cellphone mo. Mabuti na lang at hindi nasira sa ulan kagabi. Baka may importanteng tawag ka." Nagpasalamat si Ariana at agad kinuha ang phone. Bahagyang nabasa pa ito pero gumagana pa rin. Pagbukas niya ng screen, nakita niya ang pangalan ni Beth na tumatawag. Napakunot ang noo ni Ariana, may kaba sa kanyang dibdib. Agad siyang tumingin kina Zephyr at Emanuel, saka mahinang nagsabi ng, "Saglit lang ha… sagutin ko lang 'to." Lumayo siya ng kaunti at tumapat sa isang tahimik na bahagi ng veranda ng mansyon. "Hello, Beth? Anong meron?" tanong ni Ariana, agad na pansin ang kaba sa boses ng kaibigan sa kabilang linya. "Ariana… may nangyari na rito." Halos pabulong si Beth, halatang tensyonado. "Galit na galit si Don Raul. Pinalayas na rin ako sa mansyon... Lahat ng gamit ko, nilabas. H
Inangat ni Donya Remedios ang baba ni Ariana, marahan at may halong pag-aalaga. Kita sa mga mata ng matanda ang lalim ng pag-unawa at malasakit habang tinititigan ang mukha ng dalaga. “Tapos na, iha,” marahang sabi ni Donya Remedios, punô ng katiyakan ang boses. Nanginig ang labi ni Ariana, at sa wakas, hindi na niya napigilan ang luha. Pumatak ito sa pisngi niya, ngunit agad ding pinunasan ni Donya Remedios gamit ang hinlalaki. “Ang dami mong tiniis. Ang dami mong kinaya,” bulong ni Donya Remedios. “Ngayon, hayaan mo naman ang sarili mong maging masaya.” Napatitig si Ariana sa matanda. Hindi siya makapagsalita, ngunit sapat na ang titig niyang iyon upang maiparating ang pasasalamat at bigat ng damdaming kanyang kinikimkim. “Deserve mo ang kaligayahan, Ariana,” muling sabi ni Donya Remedios. “Hindi lang bilang ina... kundi bilang ikaw.” Yumakap si Ariana kay Donya Remedios, mahigpit, tila isang batang matagal nang naghanap ng kalinga. Yumakap din ang matanda, mas mahigpit
“Mama…” tawag ni Esmeralda, may nanginginig na bahid sa kanyang tinig habang humahakbang palapit sa matanda. “Kahit kayo... kakampihan n’yo si Ariana?” Lumingon si Donya Remedios nang mabagal, tinitigan ang manugang nang diretso sa mata. Ngunit bago pa ito makapagsalita, nagpatuloy si Esmeralda. “Hindi mo siya tunay na kilala. Hindi mo alam kung saan siya nanggaling, kung anong klase siyang babae. Hindi siya karapat-dapat sa apo mo.” Sumiklab ang galit sa mga mata ni Esmeralda. “Ginagamit lang niya si Zephyr! Huwag po kayong magpadala sa maamong mukha n’yan. Hindi kayo dapat malinlang!” Pero nanatiling tahimik si Donya Remedios. Isang uri ng katahimikang mas mabigat pa sa sigaw. Pinakamasakit itong uri ng pagtanggi para kay Esmeralda—ang hindi siya paniwalaan ng babaeng minsang naging ina-inahan niya. “Mama naman…” halos pagmamakaawa na ni Esmeralda, pilit niyang binabago ang tinig, ginagawang paawa, “Ako ito… Esmeralda. Ang minahal n’yong parang tunay na anak. Ang itinuring n’yo
“Well, well…” mapanuyang sabi ni Senyora Esmeralda habang pababa rin siya mula sa hagdan. Malamig ang boses, matalim ang titig, at bawat hakbang niya ay tila ba’y sinasadyang pabigatin ang hangin sa paligid. Napalingon si Ariana sa kanya, bahagyang napaurong habang hawak pa rin ang balustre. “Ang ganda naman ng timing mo, Ariana,” dagdag pa nito, habang nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay. “Tamang-tama. Kasi ikaw na ang susunod na aalis.” Napatigil si Ariana. Napakapit siya sa tiyan niya, tila instinct na protektahan ang anak sa sinapupunan mula sa anumang masakit na salita. Hindi siya nakapagsalita agad. Alam niyang hindi siya welcome sa mansyong ito, pero iba na ang lantarang pagpapaalis na ito ni Senyora. “Mama…” mahigpit ang boses ni Zephyr na bumaba mula sa hagdan mula sa kabilang dulo, galit ang bawat hakbang. “Wala kang karapatang paalisin si Ariana. Huwag mo siyang idamay sa galit mo.” “Galit? Hindi ito basta galit, Zephyr,” sagot ni Senyora Esmeralda habang