Share

Chapter 93

last update Last Updated: 2025-06-12 15:44:47

Inangat ni Donya Remedios ang baba ni Ariana, marahan at may halong pag-aalaga. Kita sa mga mata ng matanda ang lalim ng pag-unawa at malasakit habang tinititigan ang mukha ng dalaga.

“Tapos na, iha,” marahang sabi ni Donya Remedios, punô ng katiyakan ang boses.

Nanginig ang labi ni Ariana, at sa wakas, hindi na niya napigilan ang luha. Pumatak ito sa pisngi niya, ngunit agad ding pinunasan ni Donya Remedios gamit ang hinlalaki.

“Ang dami mong tiniis. Ang dami mong kinaya,” bulong ni Donya Remedios. “Ngayon, hayaan mo naman ang sarili mong maging masaya.”

Napatitig si Ariana sa matanda. Hindi siya makapagsalita, ngunit sapat na ang titig niyang iyon upang maiparating ang pasasalamat at bigat ng damdaming kanyang kinikimkim.

“Deserve mo ang kaligayahan, Ariana,” muling sabi ni Donya Remedios. “Hindi lang bilang ina... kundi bilang ikaw.”

Yumakap si Ariana kay Donya Remedios, mahigpit, tila isang batang matagal nang naghanap ng kalinga. Yumakap din ang matanda, mas mahigpit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Irish Culminas
more update please author.maikasal sana si ariana ta zephyr
goodnovel comment avatar
Candy Sucayan
ay naputol Naman update pls salmt
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 94

    THIRD POV Habang nagtatawanan pa sina Zephyr at Emanuel, abala sa paglalambingan, biglang lumapit si Yaya Felecidad, may hawak na tuwalya at cellphone sa isang tray. "Iha, ito nga pala ang cellphone mo. Mabuti na lang at hindi nasira sa ulan kagabi. Baka may importanteng tawag ka." Nagpasalamat si Ariana at agad kinuha ang phone. Bahagyang nabasa pa ito pero gumagana pa rin. Pagbukas niya ng screen, nakita niya ang pangalan ni Beth na tumatawag. Napakunot ang noo ni Ariana, may kaba sa kanyang dibdib. Agad siyang tumingin kina Zephyr at Emanuel, saka mahinang nagsabi ng, "Saglit lang ha… sagutin ko lang 'to." Lumayo siya ng kaunti at tumapat sa isang tahimik na bahagi ng veranda ng mansyon. "Hello, Beth? Anong meron?" tanong ni Ariana, agad na pansin ang kaba sa boses ng kaibigan sa kabilang linya. "Ariana… may nangyari na rito." Halos pabulong si Beth, halatang tensyonado. "Galit na galit si Don Raul. Pinalayas na rin ako sa mansyon... Lahat ng gamit ko, nilabas. H

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 93

    Inangat ni Donya Remedios ang baba ni Ariana, marahan at may halong pag-aalaga. Kita sa mga mata ng matanda ang lalim ng pag-unawa at malasakit habang tinititigan ang mukha ng dalaga. “Tapos na, iha,” marahang sabi ni Donya Remedios, punô ng katiyakan ang boses. Nanginig ang labi ni Ariana, at sa wakas, hindi na niya napigilan ang luha. Pumatak ito sa pisngi niya, ngunit agad ding pinunasan ni Donya Remedios gamit ang hinlalaki. “Ang dami mong tiniis. Ang dami mong kinaya,” bulong ni Donya Remedios. “Ngayon, hayaan mo naman ang sarili mong maging masaya.” Napatitig si Ariana sa matanda. Hindi siya makapagsalita, ngunit sapat na ang titig niyang iyon upang maiparating ang pasasalamat at bigat ng damdaming kanyang kinikimkim. “Deserve mo ang kaligayahan, Ariana,” muling sabi ni Donya Remedios. “Hindi lang bilang ina... kundi bilang ikaw.” Yumakap si Ariana kay Donya Remedios, mahigpit, tila isang batang matagal nang naghanap ng kalinga. Yumakap din ang matanda, mas mahigpit

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 92

    “Mama…” tawag ni Esmeralda, may nanginginig na bahid sa kanyang tinig habang humahakbang palapit sa matanda. “Kahit kayo... kakampihan n’yo si Ariana?” Lumingon si Donya Remedios nang mabagal, tinitigan ang manugang nang diretso sa mata. Ngunit bago pa ito makapagsalita, nagpatuloy si Esmeralda. “Hindi mo siya tunay na kilala. Hindi mo alam kung saan siya nanggaling, kung anong klase siyang babae. Hindi siya karapat-dapat sa apo mo.” Sumiklab ang galit sa mga mata ni Esmeralda. “Ginagamit lang niya si Zephyr! Huwag po kayong magpadala sa maamong mukha n’yan. Hindi kayo dapat malinlang!” Pero nanatiling tahimik si Donya Remedios. Isang uri ng katahimikang mas mabigat pa sa sigaw. Pinakamasakit itong uri ng pagtanggi para kay Esmeralda—ang hindi siya paniwalaan ng babaeng minsang naging ina-inahan niya. “Mama naman…” halos pagmamakaawa na ni Esmeralda, pilit niyang binabago ang tinig, ginagawang paawa, “Ako ito… Esmeralda. Ang minahal n’yong parang tunay na anak. Ang itinuring n’yo

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 91

    “Well, well…” mapanuyang sabi ni Senyora Esmeralda habang pababa rin siya mula sa hagdan. Malamig ang boses, matalim ang titig, at bawat hakbang niya ay tila ba’y sinasadyang pabigatin ang hangin sa paligid. Napalingon si Ariana sa kanya, bahagyang napaurong habang hawak pa rin ang balustre. “Ang ganda naman ng timing mo, Ariana,” dagdag pa nito, habang nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay. “Tamang-tama. Kasi ikaw na ang susunod na aalis.” Napatigil si Ariana. Napakapit siya sa tiyan niya, tila instinct na protektahan ang anak sa sinapupunan mula sa anumang masakit na salita. Hindi siya nakapagsalita agad. Alam niyang hindi siya welcome sa mansyong ito, pero iba na ang lantarang pagpapaalis na ito ni Senyora. “Mama…” mahigpit ang boses ni Zephyr na bumaba mula sa hagdan mula sa kabilang dulo, galit ang bawat hakbang. “Wala kang karapatang paalisin si Ariana. Huwag mo siyang idamay sa galit mo.” “Galit? Hindi ito basta galit, Zephyr,” sagot ni Senyora Esmeralda habang

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 90

    THIRD POV Maagang pumasok si Zephyr sa opisina ng kanyang kompanya kinabukasan. Sa kabila ng kakulangan sa tulog, pinilit niyang ituon ang pansin sa mga papeles at problema sa negosyo. Ngunit sa totoo lang, wala roon ang isip niya—nasa mansyon, kasama ni Ariana at ng hindi pa isinisilang niyang anak. Tahimik ang paligid, tanging tikatik ng keyboard at tunog ng AC ang maririnig sa silid. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto nang walang paalam. Napalingon si Zephyr, agad na tumayo ang kilay niya. Si Noime. Nakatayo ito sa harap ng pinto na parang may sariling pagmamay-ari sa espasyo. “What are you doing here?” malamig at matigas ang tanong ni Zephyr, hindi man lang nagtago ng inis sa boses. Ngumisi si Noime, may bahid ng mapanghamong kumpiyansa. “Baka nakakalimutan mong may karapatan pa rin ako,” sagot niya. “Asawa mo pa rin ako, Zephyr.” Pilyong natawa si Zephyr. Umiling ito at mariing nagsalita, “Asawa kita—sa kasunduan lang, Noime. At kung may natitirang respeto k

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 89

    ZEPHYR’S POV Bumaba ako ng hagdanan, mabigat ang bawat hakbang. Ang lamig ng silid kanina ay kabaligtaran ng init na nararamdaman ko ngayon sa dibdib. Pagliko ko sa sala, agad kong nakita si Mommy—si Senyora Esmeralda. Nakaupo ito sa paborito niyang upuan, ang isang kilay ay mataas, bakas ang galit sa buong mukha. Hindi niya na kailangang magsalita pa — kita ko na agad kung ano ang ibig sabihin ng anyo niya. "Ano’ng ginagawa mo, Zephyr?" malamig na tanong niya. "Bakit mo pa tinutulungan ang babaeng 'yon?" Pinigil ko ang sarili kong mapikon. Gusto ko mang sumagot nang pabalang, pilit kong kinontrol ang tono ko. Alam ko ang ugali ni Mommy — isang maling salita lang, lalo lang itong sasabog. "Siya ang ina ng magiging anak ko, Mommy," mariin kong sagot. "Hindi ko siya pwedeng pabayaan." Nakita kong mas lalong tumalim ang mga mata ni Mommy. "Kulang pa ba ang ginawa kong pagpapahirap sa kanya? Bakit mo siya pinapapasok dito sa mansyon, gayong sinabi ko nang bawal siya rito?" Napakuyo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status