"Who are you?"
Muling umalingawngaw ang malalim na boses ni Zephyr, at sa pagkakataong ito, may halong inis na sa tono nito. Parang biglang bumalik ang ulirat ni Ariana. Napagtanto niyang nakadikit pa rin siya sa katawan ni Zephyr! Ang kanyang mga palad ay nakapatong sa matipuno nitong dibdib, at ramdam niya ang init ng katawan nito kahit na may suot itong mamahaling suit. Diyos ko! Ano bang nangyayari sa buhay ko?! Mabilis niyang inalis ang kamay niya na para bang napaso, saka siya tumayo ng tuwid, pero dahil sa hiya, hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ng lalaki. Bago pa man siya makapagpaliwanag, natawa si Emanuel. Napailing pa ito bago tumuro kay Ariana. "She's my ugly nanny!" malakas at walang pag-aalinlangang sabi ng bata. Parang biglang huminto ang mundo ni Ariana. Ugly nanny?! Nanlaki ang mga mata niya at napaatras siya nang bahagya, hindi makapaniwala sa sinabi ng bata. "Hoy, bata! Ano ka ba? Wala ka bang modo?" galit na tanong ni Ariana habang nakatingin kay Emanuel. Ngunit imbes na sumagot ang bata, mas lalo pa itong tumawa, na para bang natutuwa ito sa reaksyon niya. Diyos ko, anong klaseng demonyito itong ipinaalaga sa kanya?! Nag-aapoy na sa galit ang kanyang mga mata, ngunit bago pa siya makapagsalita ulit, muling nagsalita si Zephyr. "Say sorry." Ang tono ng kanyang boses ay may halong awtoridad, isang boses na hindi nasanay na nasusuway. Matigas. Malamig. At hindi nagbibigay ng espasyo para sa pagtanggi. Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Emanuel. Napakamot ito ng ulo at bahagyang bumuntong-hininga. "Fine," anito na parang napipilitan. "Sorry, ugly nanny." Mas lalong kumulo ang dugo ni Ariana. "Ano?!" "Sorry, nanny," mabilis na bawi ni Emanuel bago pa siya makapagsalita ulit. Huminga nang malalim si Ariana para pakalmahin ang sarili. Isang taon. Sampung milyon. ‘Wag kang bibigay, Ariana. Pinilit niyang ngumiti kahit na gusto niyang hilahin ang tainga ng bata. "Okay, sige. Magkakasundo tayo, bata. Pero tandaan mo, may limit ang pasensya ko." Napangisi si Emanuel, ngunit hindi na ito sumagot. Nang akmang tatalikod na si Ariana, biglang nagsalita ulit si Zephyr. "Ikaw naman." Napakunot ang noo niya. "Ha?" "Ikaw ang hindi naging responsable kanina. Dahil sa kapabayaan mo, napasubsob ka sa akin," matigas na sabi ng lalaki. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. "Ano?!" "Ikaw ang hindi naging maingat. Dapat alam mong kapag kasama mo ang bata, kailangan mong maging alerto at maingat sa paligid. Kung nabangga kita, kasalanan mo ‘yon. Kaya ikaw rin, mag-sorry ka," utos ni Zephyr. Napasinghap si Ariana. Ako pa talaga ang sisisihin?! Gusto niyang magpaliwanag, gusto niyang ipaglaban ang sarili niya, pero nang makita niya ang malamig at seryosong tingin ni Zephyr, alam niyang hindi siya mananalo. Napakasuplado! Ang gwapo na, pero nakakainis! Napakagat-labi siya bago bumuntong-hininga. Para sa sampung milyon, Ariana. Pinikit niya ang mga mata saglit bago muling tumingin kay Zephyr. "Fine. Sorry." Hindi niya alam kung bakit parang may bahagyang ngiti sa sulok ng labi ni Zephyr bago ito tumalikod at naglakad palayo kasama si Emanuel. Huminga nang malalim si Ariana. Isang taon ito. At mukhang isang taon ng impiyerno ang naghihintay sa kanya. “Come on, Emanuel,” Zephyr called out to his son, his voice firm yet calm. Emanuel quickly followed, his little legs trying to keep up with his father’s long strides. Ariana sighed and dragged her feet behind them. She was exhausted from all the running earlier, but she couldn’t help but chuckle when she noticed how Emanuel was imitating his father’s walk—shoulders squared, head high, and strides full of confidence. Cute. She covered her mouth to suppress a giggle, but at that exact moment, Emanuel suddenly turned around and caught her staring. "Bakit mo tinitignan si Daddy?" Emanuel asked, narrowing his eyes suspiciously. "Type mo ba siya?" Ariana’s eyes widened in shock. “W-What?! No!” she gasped, waving her hands in defense. Unfortunately, Zephyr had stopped walking. Dahan-dahan itong lumingon sa kanya, raising an eyebrow as if waiting for an explanation. Ariana felt her face heat up. Napahawak siya sa dibdib niya, tila ba gustong pigilan ang mabilis na tibok ng puso niya. Oh, great. Just great. She was barely an hour into her job, and she was already caught in an awkward situation. Agad na binuksan ng driver ang pinto ng sasakyan nang makita niyang paparating na ang boss niya, kasama si Emanuel at ang bagong yaya nito. Mabilis na lumapit ang driver, handang salubungin sila, ngunit hindi niya napigilan ang pagkunot ng noo nang makita ang batang amo niya na muling may kalokohang iniisip. "Sa driver's seat ako!" biglang sigaw ni Emanuel, sabay takbo palapit sa harapan ng sasakyan. "Emanuel," mahinahong tawag ni Zephyr, ngunit alam niyang wala na siyang magagawa. Walang nagawa si Zephyr kundi hayaan ang anak na makipagsiksikan sa driver at sumunod na lamang sa backseat. Napatingin siya kay Ariana na nag-aalangan pang pumasok sa loob ng sasakyan. Halatang hindi ito sanay sa ganitong set-up. "Are you getting in or not?" malamig na tanong ni Zephyr, dahilan para mapabalikwas si Ariana at agad na sumakay sa tabi nito. Napalunok siya nang maramdaman ang presensya ng lalaking katabi niya. Habang umaandar na ang sasakyan, biglang nagsalita si Emanuel habang nakatingin sa kanya. "Yaya, bakit ganyan ang suot mo? Galing ka bang mall?" Napakagat-labi si Ariana. Alam niyang kilala ni Emanuel ang unipormeng suot niya—isang blue na fitted blazer, white blouse, at black pencil skirt—karaniwang suot ng mga saleslady sa sikat na boutique sa loob ng mall. Ang mall na pagmamay-ari ng ama nito. Napalingon si Zephyr sa kanya, tila ngayon lang napansin ang suot niya. “You work at my mall?” tanong nito, malamig ang boses. Napalunok si Ariana. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon nang hindi naaalala ang masamang pangyayari sa kanya kanina. Ayaw niyang magmukhang kawawa. "Uh... dati, oo," sagot niya, pilit na ngumiti. "Pero ngayon, isa na akong proud na yaya!" Napatawa si Emanuel. "Wow, yaya ka na lang pala!" "Emanuel," babala ni Zephyr, dahilan para agad na matahimik ang bata. Ariana clenched her fists. Kahit pa bata ito, hindi niya gusto ang pangmamaliit sa trabaho niya. Pero dahil sampung milyon ang kapalit ng pasensiya niya, nagpakumbaba na lang siya. Kaya lang, paano niya matiis ang pagiging pilyo ng batang ito kung mukhang nakuha nito ang pagiging presko ng daddy niya? Pagdating nila sa mansyon, agad na bumaba si Zephyr, habang si Emanuel ay patakbong pumasok sa loob, malamang para maghanap na naman ng bagong kalokohan. Samantalang si Ariana, nanginginig pa rin ang mga tuhod matapos ang biyahe, hindi pa rin makapaniwala na nasa ganito siyang lugar—isang napakalaking mansyon na parang eksena lang sa mga pelikula. Pero bago pa siya makapagsimula sa pagkamangha, isang matigas na tinig ang pumukaw sa kanya. "Ariana, sa opisina. Now." Napakurap si Ariana. Lumingon siya at nakita si Zephyr na nakatayo sa may pintuan, nakataas ang isang kilay at tila hinihintay ang kanyang reaksyon. She gulped. Ops. Mukhang may interrogation na magaganap. Dahan-dahan siyang sumunod kay Zephyr papasok sa opisina nito. Pagkapasok niya, halos matulala siya sa laki ng silid. Moderno ang disenyo, puno ng libro ang isang gilid, at isang malaking glass window ang nagbibigay ng tanawin sa buong estate. Pero ang pinakanakakailang sa lahat ay ang presensya ng lalaking nasa harapan niya. Umupo si Zephyr sa swivel chair nito at saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa, parang ini-scan siya. “Tell me, bakit ka natanggal sa trabaho?” diretsong tanong nito. Napakagat-labi si Ariana. Hindi niya inaasahan na ito agad ang unang tanong. "Uh..." Nag-iwas siya ng tingin. Ayaw niyang pag-usapan iyon dahil masakit pa rin sa kanya ang nangyari. Pero alam niyang hindi siya tatantanan ng lalaki hangga’t hindi siya sumasagot. "I was... accused of something I didn’t do," sagot niya sa mahinang boses. "Like what?" Mas lalong tumalim ang tingin ni Zephyr. “Of stealing.” Halos isang minuto ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi niya alam kung bakit, pero parang tumindi ang pressure sa silid. “Did you?” tanong ni Zephyr, malamig ang tono. Napalunok si Ariana. "Of course not!" agad niyang depensa. Nagtagal ang tingin ni Zephyr sa kanya, para bang sinusuri kung nagsisinungaling siya. Napairap si Ariana. "You know, nakakainsulto 'yang tingin mo, ha," naiinis niyang sabi. "If I were really a thief, I wouldn't be here taking care of your kid for just ten million pesos." Zephyr raised an eyebrow. “Just ten million?” Biglang nanlaki ang mata ni Zephyr. “Wait. What?” Napapitlag si Ariana. Ops. "What do you mean ‘just ten million’?" tanong ni Zephyr, unti-unting sumisikip ang panga niya. "What contract are you talking about?" "Uh…" Biglang nag-init ang pakiramdam ni Ariana. Parang gusto niyang tumakbo palabas. "Yung contract na pinirmahan ko bago umalis ang asawa mo," mahina niyang sagot. Zephyr’s jaw clenched. “Anong nakasaad sa kontratang ‘yan?” Napalunok si Ariana bago sumagot. "If I successfully take care of Emanuel for one year, I will receive ten million pesos." Isang mapanganib na katahimikan ang bumalot sa silid. At sa unang pagkakataon mula nang magkita sila, kitang-kita niya ang matinding frustration sa mukha ni Zephyr.THIRD PERSON POV Tahimik na ang gabi. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng orasan at ang banayad na huni ng kuliglig sa labas ng bintana. Sa loob ng silid, nakahiga na si Emanuel sa gitna ng malaking kama, mahimbing na ang tulog, yakap-yakap ang bagong stuffed toy na binili ni Zephyr. Dahan-dahan namang lumabas ng kwarto sina Zephyr at Ariana, at nagtungo sa balcony ng kanilang silid. Suot ni Ariana ang manipis na cotton robe, habang si Zephyr ay naka-simpleng pajama lang, hawak ang dalawang tasa ng gatas na may kaunting cinnamon—alam niyang paborito ni Ariana ito sa gabi. “Para sa ‘yo,” sabi ni Zephyr sabay abot ng tasa. Ngumiti si Ariana. “Alam mo talaga kung paano ako pakalmahin.” “Syempre,” sagot ni Zephyr, sabay upo sa tabi niya. “Wala akong ginustong ibang kabisaduhin kundi ikaw.” Tahimik silang umupo saglit. Ang hangin ay malamig ngunit hindi nakakakilabot—bagkus ay may hatid na katahimikan. “Naalala mo nung first time tayong nagkita?” tanong ni Zephyr
THIRD PERSON POV Lumipas ang mga buwan, at sa wakas, kapayapaan ang bumalot sa buhay nina Zephyr at Ariana. Matapos ang lahat ng kanilang pinagdaanan—mga luha, hindi pagkakaunawaan, at masasakit na salitang binitiwan—narito na sila, tahimik na masaya. Lumalaki na rin ang tiyan ni Ariana. Araw-araw ay mas ramdam niya ang buhay na tumitibok sa kanyang sinapupunan—isang biyayang bunga ng pagmamahalan nila ni Zephyr. Kahit abala sa negosyo at mga pagpupulong si Zephyr, sinisigurado pa rin nitong hindi niya nakakalimutan ang kanyang tungkulin bilang asawa. Umuuwi ito ng maaga, dala ang paboritong prutas ni Ariana, o di kaya'y may dalang bagong unan para sa kanyang likod. Bawat sandali, pinaparamdam ni Zephyr na siya'y iniintindi, minamahal, at pinapahalagahan. --- ARIANA'S POV Masarap sa pakiramdam ang ganitong katahimikan. Ang simoy ng hangin sa hardin, ang bango ng mga bulaklak, at ang ingay ng mga ibong tila masaya rin sa paligid. Dito ko nahanap ang bagong "ako." Hindi na ako
THIRD POV Habang nagtatawanan pa sina Zephyr at Emanuel, abala sa paglalambingan, biglang lumapit si Yaya Felecidad, may hawak na tuwalya at cellphone sa isang tray. "Iha, ito nga pala ang cellphone mo. Mabuti na lang at hindi nasira sa ulan kagabi. Baka may importanteng tawag ka." Nagpasalamat si Ariana at agad kinuha ang phone. Bahagyang nabasa pa ito pero gumagana pa rin. Pagbukas niya ng screen, nakita niya ang pangalan ni Beth na tumatawag. Napakunot ang noo ni Ariana, may kaba sa kanyang dibdib. Agad siyang tumingin kina Zephyr at Emanuel, saka mahinang nagsabi ng, "Saglit lang ha… sagutin ko lang 'to." Lumayo siya ng kaunti at tumapat sa isang tahimik na bahagi ng veranda ng mansyon. "Hello, Beth? Anong meron?" tanong ni Ariana, agad na pansin ang kaba sa boses ng kaibigan sa kabilang linya. "Ariana… may nangyari na rito." Halos pabulong si Beth, halatang tensyonado. "Galit na galit si Don Raul. Pinalayas na rin ako sa mansyon... Lahat ng gamit ko, nilabas. H
Inangat ni Donya Remedios ang baba ni Ariana, marahan at may halong pag-aalaga. Kita sa mga mata ng matanda ang lalim ng pag-unawa at malasakit habang tinititigan ang mukha ng dalaga. “Tapos na, iha,” marahang sabi ni Donya Remedios, punô ng katiyakan ang boses. Nanginig ang labi ni Ariana, at sa wakas, hindi na niya napigilan ang luha. Pumatak ito sa pisngi niya, ngunit agad ding pinunasan ni Donya Remedios gamit ang hinlalaki. “Ang dami mong tiniis. Ang dami mong kinaya,” bulong ni Donya Remedios. “Ngayon, hayaan mo naman ang sarili mong maging masaya.” Napatitig si Ariana sa matanda. Hindi siya makapagsalita, ngunit sapat na ang titig niyang iyon upang maiparating ang pasasalamat at bigat ng damdaming kanyang kinikimkim. “Deserve mo ang kaligayahan, Ariana,” muling sabi ni Donya Remedios. “Hindi lang bilang ina... kundi bilang ikaw.” Yumakap si Ariana kay Donya Remedios, mahigpit, tila isang batang matagal nang naghanap ng kalinga. Yumakap din ang matanda, mas mahigpit
“Mama…” tawag ni Esmeralda, may nanginginig na bahid sa kanyang tinig habang humahakbang palapit sa matanda. “Kahit kayo... kakampihan n’yo si Ariana?” Lumingon si Donya Remedios nang mabagal, tinitigan ang manugang nang diretso sa mata. Ngunit bago pa ito makapagsalita, nagpatuloy si Esmeralda. “Hindi mo siya tunay na kilala. Hindi mo alam kung saan siya nanggaling, kung anong klase siyang babae. Hindi siya karapat-dapat sa apo mo.” Sumiklab ang galit sa mga mata ni Esmeralda. “Ginagamit lang niya si Zephyr! Huwag po kayong magpadala sa maamong mukha n’yan. Hindi kayo dapat malinlang!” Pero nanatiling tahimik si Donya Remedios. Isang uri ng katahimikang mas mabigat pa sa sigaw. Pinakamasakit itong uri ng pagtanggi para kay Esmeralda—ang hindi siya paniwalaan ng babaeng minsang naging ina-inahan niya. “Mama naman…” halos pagmamakaawa na ni Esmeralda, pilit niyang binabago ang tinig, ginagawang paawa, “Ako ito… Esmeralda. Ang minahal n’yong parang tunay na anak. Ang itinuring n’yo
“Well, well…” mapanuyang sabi ni Senyora Esmeralda habang pababa rin siya mula sa hagdan. Malamig ang boses, matalim ang titig, at bawat hakbang niya ay tila ba’y sinasadyang pabigatin ang hangin sa paligid. Napalingon si Ariana sa kanya, bahagyang napaurong habang hawak pa rin ang balustre. “Ang ganda naman ng timing mo, Ariana,” dagdag pa nito, habang nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay. “Tamang-tama. Kasi ikaw na ang susunod na aalis.” Napatigil si Ariana. Napakapit siya sa tiyan niya, tila instinct na protektahan ang anak sa sinapupunan mula sa anumang masakit na salita. Hindi siya nakapagsalita agad. Alam niyang hindi siya welcome sa mansyong ito, pero iba na ang lantarang pagpapaalis na ito ni Senyora. “Mama…” mahigpit ang boses ni Zephyr na bumaba mula sa hagdan mula sa kabilang dulo, galit ang bawat hakbang. “Wala kang karapatang paalisin si Ariana. Huwag mo siyang idamay sa galit mo.” “Galit? Hindi ito basta galit, Zephyr,” sagot ni Senyora Esmeralda habang