Inangat ni Donya Remedios ang baba ni Ariana, marahan at may halong pag-aalaga. Kita sa mga mata ng matanda ang lalim ng pag-unawa at malasakit habang tinititigan ang mukha ng dalaga. “Tapos na, iha,” marahang sabi ni Donya Remedios, punô ng katiyakan ang boses. Nanginig ang labi ni Ariana, at sa wakas, hindi na niya napigilan ang luha. Pumatak ito sa pisngi niya, ngunit agad ding pinunasan ni Donya Remedios gamit ang hinlalaki. “Ang dami mong tiniis. Ang dami mong kinaya,” bulong ni Donya Remedios. “Ngayon, hayaan mo naman ang sarili mong maging masaya.” Napatitig si Ariana sa matanda. Hindi siya makapagsalita, ngunit sapat na ang titig niyang iyon upang maiparating ang pasasalamat at bigat ng damdaming kanyang kinikimkim. “Deserve mo ang kaligayahan, Ariana,” muling sabi ni Donya Remedios. “Hindi lang bilang ina... kundi bilang ikaw.” Yumakap si Ariana kay Donya Remedios, mahigpit, tila isang batang matagal nang naghanap ng kalinga. Yumakap din ang matanda, mas mahigpit
“Mama…” tawag ni Esmeralda, may nanginginig na bahid sa kanyang tinig habang humahakbang palapit sa matanda. “Kahit kayo... kakampihan n’yo si Ariana?” Lumingon si Donya Remedios nang mabagal, tinitigan ang manugang nang diretso sa mata. Ngunit bago pa ito makapagsalita, nagpatuloy si Esmeralda. “Hindi mo siya tunay na kilala. Hindi mo alam kung saan siya nanggaling, kung anong klase siyang babae. Hindi siya karapat-dapat sa apo mo.” Sumiklab ang galit sa mga mata ni Esmeralda. “Ginagamit lang niya si Zephyr! Huwag po kayong magpadala sa maamong mukha n’yan. Hindi kayo dapat malinlang!” Pero nanatiling tahimik si Donya Remedios. Isang uri ng katahimikang mas mabigat pa sa sigaw. Pinakamasakit itong uri ng pagtanggi para kay Esmeralda—ang hindi siya paniwalaan ng babaeng minsang naging ina-inahan niya. “Mama naman…” halos pagmamakaawa na ni Esmeralda, pilit niyang binabago ang tinig, ginagawang paawa, “Ako ito… Esmeralda. Ang minahal n’yong parang tunay na anak. Ang itinuring n’yo
“Well, well…” mapanuyang sabi ni Senyora Esmeralda habang pababa rin siya mula sa hagdan. Malamig ang boses, matalim ang titig, at bawat hakbang niya ay tila ba’y sinasadyang pabigatin ang hangin sa paligid. Napalingon si Ariana sa kanya, bahagyang napaurong habang hawak pa rin ang balustre. “Ang ganda naman ng timing mo, Ariana,” dagdag pa nito, habang nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay. “Tamang-tama. Kasi ikaw na ang susunod na aalis.” Napatigil si Ariana. Napakapit siya sa tiyan niya, tila instinct na protektahan ang anak sa sinapupunan mula sa anumang masakit na salita. Hindi siya nakapagsalita agad. Alam niyang hindi siya welcome sa mansyong ito, pero iba na ang lantarang pagpapaalis na ito ni Senyora. “Mama…” mahigpit ang boses ni Zephyr na bumaba mula sa hagdan mula sa kabilang dulo, galit ang bawat hakbang. “Wala kang karapatang paalisin si Ariana. Huwag mo siyang idamay sa galit mo.” “Galit? Hindi ito basta galit, Zephyr,” sagot ni Senyora Esmeralda hab
THIRD POV Maagang pumasok si Zephyr sa opisina ng kanyang kompanya kinabukasan. Sa kabila ng kakulangan sa tulog, pinilit niyang ituon ang pansin sa mga papeles at problema sa negosyo. Ngunit sa totoo lang, wala roon ang isip niya—nasa mansyon, kasama ni Ariana at ng hindi pa isinisilang niyang anak. Tahimik ang paligid, tanging tikatik ng keyboard at tunog ng AC ang maririnig sa silid. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto nang walang paalam. Napalingon si Zephyr, agad na tumayo ang kilay niya. Si Noime. Nakatayo ito sa harap ng pinto na parang may sariling pagmamay-ari sa espasyo. “What are you doing here?” malamig at matigas ang tanong ni Zephyr, hindi man lang nagtago ng inis sa boses. Ngumisi si Noime, may bahid ng mapanghamong kumpiyansa. “Baka nakakalimutan mong may karapatan pa rin ako,” sagot niya. “Asawa mo pa rin ako, Zephyr.” Pilyong natawa si Zephyr. Umiling ito at mariing nagsalita, “Asawa kita—sa kasunduan lang, Noime. At kung may natitirang respeto k
ZEPHYR’S POV Bumaba ako ng hagdanan, mabigat ang bawat hakbang. Ang lamig ng silid kanina ay kabaligtaran ng init na nararamdaman ko ngayon sa dibdib. Pagliko ko sa sala, agad kong nakita si Mommy—si Senyora Esmeralda. Nakaupo ito sa paborito niyang upuan, ang isang kilay ay mataas, bakas ang galit sa buong mukha. Hindi niya na kailangang magsalita pa — kita ko na agad kung ano ang ibig sabihin ng anyo niya. "Ano’ng ginagawa mo, Zephyr?" malamig na tanong niya. "Bakit mo pa tinutulungan ang babaeng 'yon?" Pinigil ko ang sarili kong mapikon. Gusto ko mang sumagot nang pabalang, pilit kong kinontrol ang tono ko. Alam ko ang ugali ni Mommy — isang maling salita lang, lalo lang itong sasabog. "Siya ang ina ng magiging anak ko, Mommy," mariin kong sagot. "Hindi ko siya pwedeng pabayaan." Nakita kong mas lalong tumalim ang mga mata ni Mommy. "Kulang pa ba ang ginawa kong pagpapahirap sa kanya? Bakit mo siya pinapapasok dito sa mansyon, gayong sinabi ko nang bawal siya rito?" Napakuyo
Third Person POV Pagkaalis ni Zephyr sa silid, biglang bumagsak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Ariana. Pinahid niya ito sa magkabilang pisngi, pilit na pinapakalma ang sarili, ngunit ramdam niya ang hapdi sa puso. Masakit. Masakit na hindi siya pinaniwalaan ni Zephyr—hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Tahimik ang buong silid. Tanging ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang naririnig niya. Napayuko siya, mahigpit na niyakap ang sarili. Parang nag-iisa siya sa mundo. Parang wala siyang kakampi. Maya-maya’y marahang bumukas ang pinto. Dahan-dahang pumasok si Yaya Felecidad, dala ang isang tray ng pagkain—mainit-init na sabaw, kanin, at kaunting prutas. “Iha… kumain ka muna,” malumanay na wika ni Yaya Felecidad, inilapag ang tray sa gilid ng kama. Wala pa ring imik si Ariana. Mahina ang katawan, mahina rin ang loob. Hindi siya makatingin kay Yaya Felecidad. Pinahid na lang muli ang mga luha sa kanyang pisngi. Lumapit si Yaya Felecidad, naupo