Share

Chapter 87

last update Dernière mise à jour: 2025-06-09 23:01:58

Zephyr POV

Hindi siya makatulog.

Lahat ng sinabi ng kanyang kaibigang doktor noong nakaraang araw, lahat ng narinig niyang pangalan ni Ariana, lahat ng nabanggit na buntis ito—paulit-ulit sa isip niya.

“Bakit, Ariana? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

Pinikit niya ang mga mata, pilit nilalabanan ang pag-aalala, ang galit, at ang matinding sakit na bumabalot sa puso niya.

“Kay Alex? Bakit kay Alex pa?”

Habang kumukulog sa labas at walang humpay ang pagbuhos ng ulan, nasa silid lang si Zephyr, nakatingin sa kisame.

Hindi niya namalayan, sa pagod at bigat ng damdamin, nakatulog din siya.

---

Kinabukasan

Mag-a-alas siyete ng umaga.

Isang malakas na katok ang gumising kay Zephyr mula sa mababaw na tulog. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon.

"Sir Zephyr! Sir Zephyr!" sigaw ni Yaya Felecidad mula sa labas ng silid, halos naghuhukahog sa kaba.

Agad niyang binuksan ang pinto.

"Ano 'yon, Yaya?" bakas sa boses niya ang iritasyon at pagod.

"Si... si Ariana, Sir! Nasa labas... wala
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (5)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
ang tang m zephyr Wala nmn cnb c Alex un ama.. at cnbi Ng doctor sayu n Hindi nya nobyo c Alex.. gawagawa m lng un kuwento.. kng ako syu aliana bumalik k nlng KY Alex
goodnovel comment avatar
Irish Culminas
more update please.author sana huwag munang masyadong pahirapan si Ariana
goodnovel comment avatar
Dina Langcay
tanga talaga c zephyr,walang hiya ksi ang nanay ganun ba talaga ang mayayaman mapang-api porket mahirap sa buhay?
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 96

    THIRD PERSON POV Tahimik na ang gabi. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng orasan at ang banayad na huni ng kuliglig sa labas ng bintana. Sa loob ng silid, nakahiga na si Emanuel sa gitna ng malaking kama, mahimbing na ang tulog, yakap-yakap ang bagong stuffed toy na binili ni Zephyr. Dahan-dahan namang lumabas ng kwarto sina Zephyr at Ariana, at nagtungo sa balcony ng kanilang silid. Suot ni Ariana ang manipis na cotton robe, habang si Zephyr ay naka-simpleng pajama lang, hawak ang dalawang tasa ng gatas na may kaunting cinnamon—alam niyang paborito ni Ariana ito sa gabi. “Para sa ‘yo,” sabi ni Zephyr sabay abot ng tasa. Ngumiti si Ariana. “Alam mo talaga kung paano ako pakalmahin.” “Syempre,” sagot ni Zephyr, sabay upo sa tabi niya. “Wala akong ginustong ibang kabisaduhin kundi ikaw.” Tahimik silang umupo saglit. Ang hangin ay malamig ngunit hindi nakakakilabot—bagkus ay may hatid na katahimikan. “Naalala mo nung first time tayong nagkita?” tanong ni Zephyr

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 95

    THIRD PERSON POV Lumipas ang mga buwan, at sa wakas, kapayapaan ang bumalot sa buhay nina Zephyr at Ariana. Matapos ang lahat ng kanilang pinagdaanan—mga luha, hindi pagkakaunawaan, at masasakit na salitang binitiwan—narito na sila, tahimik na masaya. Lumalaki na rin ang tiyan ni Ariana. Araw-araw ay mas ramdam niya ang buhay na tumitibok sa kanyang sinapupunan—isang biyayang bunga ng pagmamahalan nila ni Zephyr. Kahit abala sa negosyo at mga pagpupulong si Zephyr, sinisigurado pa rin nitong hindi niya nakakalimutan ang kanyang tungkulin bilang asawa. Umuuwi ito ng maaga, dala ang paboritong prutas ni Ariana, o di kaya'y may dalang bagong unan para sa kanyang likod. Bawat sandali, pinaparamdam ni Zephyr na siya'y iniintindi, minamahal, at pinapahalagahan. --- ARIANA'S POV Masarap sa pakiramdam ang ganitong katahimikan. Ang simoy ng hangin sa hardin, ang bango ng mga bulaklak, at ang ingay ng mga ibong tila masaya rin sa paligid. Dito ko nahanap ang bagong "ako." Hindi na ako

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 94

    THIRD POV Habang nagtatawanan pa sina Zephyr at Emanuel, abala sa paglalambingan, biglang lumapit si Yaya Felecidad, may hawak na tuwalya at cellphone sa isang tray. "Iha, ito nga pala ang cellphone mo. Mabuti na lang at hindi nasira sa ulan kagabi. Baka may importanteng tawag ka." Nagpasalamat si Ariana at agad kinuha ang phone. Bahagyang nabasa pa ito pero gumagana pa rin. Pagbukas niya ng screen, nakita niya ang pangalan ni Beth na tumatawag. Napakunot ang noo ni Ariana, may kaba sa kanyang dibdib. Agad siyang tumingin kina Zephyr at Emanuel, saka mahinang nagsabi ng, "Saglit lang ha… sagutin ko lang 'to." Lumayo siya ng kaunti at tumapat sa isang tahimik na bahagi ng veranda ng mansyon. "Hello, Beth? Anong meron?" tanong ni Ariana, agad na pansin ang kaba sa boses ng kaibigan sa kabilang linya. "Ariana… may nangyari na rito." Halos pabulong si Beth, halatang tensyonado. "Galit na galit si Don Raul. Pinalayas na rin ako sa mansyon... Lahat ng gamit ko, nilabas. H

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 93

    Inangat ni Donya Remedios ang baba ni Ariana, marahan at may halong pag-aalaga. Kita sa mga mata ng matanda ang lalim ng pag-unawa at malasakit habang tinititigan ang mukha ng dalaga. “Tapos na, iha,” marahang sabi ni Donya Remedios, punô ng katiyakan ang boses. Nanginig ang labi ni Ariana, at sa wakas, hindi na niya napigilan ang luha. Pumatak ito sa pisngi niya, ngunit agad ding pinunasan ni Donya Remedios gamit ang hinlalaki. “Ang dami mong tiniis. Ang dami mong kinaya,” bulong ni Donya Remedios. “Ngayon, hayaan mo naman ang sarili mong maging masaya.” Napatitig si Ariana sa matanda. Hindi siya makapagsalita, ngunit sapat na ang titig niyang iyon upang maiparating ang pasasalamat at bigat ng damdaming kanyang kinikimkim. “Deserve mo ang kaligayahan, Ariana,” muling sabi ni Donya Remedios. “Hindi lang bilang ina... kundi bilang ikaw.” Yumakap si Ariana kay Donya Remedios, mahigpit, tila isang batang matagal nang naghanap ng kalinga. Yumakap din ang matanda, mas mahigpit

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 92

    “Mama…” tawag ni Esmeralda, may nanginginig na bahid sa kanyang tinig habang humahakbang palapit sa matanda. “Kahit kayo... kakampihan n’yo si Ariana?” Lumingon si Donya Remedios nang mabagal, tinitigan ang manugang nang diretso sa mata. Ngunit bago pa ito makapagsalita, nagpatuloy si Esmeralda. “Hindi mo siya tunay na kilala. Hindi mo alam kung saan siya nanggaling, kung anong klase siyang babae. Hindi siya karapat-dapat sa apo mo.” Sumiklab ang galit sa mga mata ni Esmeralda. “Ginagamit lang niya si Zephyr! Huwag po kayong magpadala sa maamong mukha n’yan. Hindi kayo dapat malinlang!” Pero nanatiling tahimik si Donya Remedios. Isang uri ng katahimikang mas mabigat pa sa sigaw. Pinakamasakit itong uri ng pagtanggi para kay Esmeralda—ang hindi siya paniwalaan ng babaeng minsang naging ina-inahan niya. “Mama naman…” halos pagmamakaawa na ni Esmeralda, pilit niyang binabago ang tinig, ginagawang paawa, “Ako ito… Esmeralda. Ang minahal n’yong parang tunay na anak. Ang itinuring n’yo

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 91

    “Well, well…” mapanuyang sabi ni Senyora Esmeralda habang pababa rin siya mula sa hagdan. Malamig ang boses, matalim ang titig, at bawat hakbang niya ay tila ba’y sinasadyang pabigatin ang hangin sa paligid. Napalingon si Ariana sa kanya, bahagyang napaurong habang hawak pa rin ang balustre. “Ang ganda naman ng timing mo, Ariana,” dagdag pa nito, habang nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay. “Tamang-tama. Kasi ikaw na ang susunod na aalis.” Napatigil si Ariana. Napakapit siya sa tiyan niya, tila instinct na protektahan ang anak sa sinapupunan mula sa anumang masakit na salita. Hindi siya nakapagsalita agad. Alam niyang hindi siya welcome sa mansyong ito, pero iba na ang lantarang pagpapaalis na ito ni Senyora. “Mama…” mahigpit ang boses ni Zephyr na bumaba mula sa hagdan mula sa kabilang dulo, galit ang bawat hakbang. “Wala kang karapatang paalisin si Ariana. Huwag mo siyang idamay sa galit mo.” “Galit? Hindi ito basta galit, Zephyr,” sagot ni Senyora Esmeralda habang

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status