Share

Chapter Six: Mansion

WALA akong maisip na puwedeng pagdalhan kay Kiera kaya't itinuloy ko ang plano kong iuwi na lang siya sa aming mansiyon. Wala naman ang aking ina kaya't wala naman'g kokontra sa'kin.

Maya-maya pa ay binuhat ko na siya patungo sa aking silid at marahan ko siyang inihiga sa kama. Pagkatapos ay inilatag ko sa sahig ang comforter at doon ko na lang naisip na matulog ngayon'g gabi nang sa gayo'n ay mabantayan ko si Kiera.

Kinabukasan ay naalimpungatan ako nang maramdaman kong may sumisipa sa aking mga binti.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y mabilis akong bumangon nang maaninag kong si Kiera ang naroon at nakatayo sa aking paanan.

"Kanina pa kita ginigising! Bakit ka ba nahiga diyan sa sahig? Ang yaman-yaman niyo tapos ano, wala kayong ibang bakanteng kuwarto?" tuloy-tuloy na sermon niya saakin.

Gulat na napatingin ako sa kanya. Hindi ko akalain na gano'n pala kabilis ang bunganga nito kahit hindi lasing.

"Tss...meron naman, pero mas gusto k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status