Share

Chapter Forty: Regret

Two months later...

Wesley's POV

SIMULA nang umalis si Kiera sa mansiyon ay hindi na kami nagkita at nagkausap pa. Dalawang buwan na rin ang nakalipas at batid kong nakapanganak na siya. Maraming beses na sinubukan ko siyang kausapin ngunit sa tuwing pupunta ako sa bahay ni Cindy ay hindi ko man lang nakikita kahit dulo ng buhok ni Kiera.

Malakas ang kutob ko na naroon siya kay Cindy. Dahil maraming beses rin akong nagtanong sa magulang at kapatid niya ngunit pare-pareho lang ang sinasabi nila. Hindi naman daw doon umuwi si Kiera at hindi rin daw ito nagpaparamdam sa kanila.

Simula ng umalis rin siya ay wala na akong matandaan na nakakain at nakatulog pa ako ng maayos.

Pakiwari ko ay gumuho ang mundo ko dahil dalawang tao ang nawala sa buhay ko.

Labis ang aking pagsisisi sa mga nangyari. Wala rin akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko lamang. Naging duwag ako at umasa lang sa lahat ng sinasabi ng aking ina. Kaya naman may mga pagkakataon na nakakaramdam din ako ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status