/ Romance / The Billionaire's Obsession / Chapter One: First Encounter

공유

Chapter One: First Encounter

작가: eZymSeXy_05
last update 최신 업데이트: 2022-08-29 16:29:35

Wesley POV

NAPADAING ako sa sobrang sakit dahil sa matinding pagkakabagsak ng aking pang-upo, matapos hilahin ng kaibigan kong si Franco ang silya na naroon sa may counter.

"Ouch! What the hell are you doing buddy?" Singhal ko sa aking kaibigan na ngayon ay humahagikhik ng nakatayo sa aking tabi.

"Naa-alibadbaran na kasi ako sa ginagawa mo Wesley." Reklamo nito na patuloy pa rin sa pag ngisi. "Hindi ko kasi maintindihan kung tatayo o uupo ka eh. Sino ba kasi 'yang tinatanaw mo at hindi ka mapakali sa upuan?" Pangungulit nito dahilan upang mapilitan akong ituro sa kanya ang babaeng kinahuhumalingan ko.

''Nakikita mo ba ang magandang binibini'ng 'yon na sumasayaw?" Kaagad naman'g tiningnan ni Franco ang aking tinutukoy ngunit napangiwi lamang ito.

"Oh, ba't ganyan ang reaksiyon mo? Ang ganda niya di'ba?" pangungulit ko pa sa kanya. "Dalawang gabi na akong naaakit sa kanya, kaya lang ay hindi ako makakuha ng tamang tiyempo."

"Syempre maganda talaga 'yan lalo pa't nasisinagan ng ilaw na may iba't-ibang kulay!" Komento ng aking kaibigan na hindi man lang naakit sa babae.

"Tss... hindi mo man 'lang ako magawang suportahan! Kaibigan ba talaga kita, huh?" Giit ko pa.

"Ewan ko sa'yo buddy! Diyan ka na nga!" Pipigilan ko pa sana ito ngunit nang marinig kong binanggit niya ang pangalan ng kanyang asawa ay mabilis rin akong pumayag.

"Mauuna na akong umuwi. Nag-chat na kasi si Angela eh baka magalit na naman 'yon sa'kin kapag hindi ako nakauwi agad." Dagdag pa nito, kaya napilitang tumango na lamang ako.

Nang tuluyan ng makaalis si Franco ay hindi ko na nga hiniwalayan pa ng tingin ang babae.

Hinintay ko muna'ng matapos ang tugtog bago ko ito nilapitan. Nakipag-tulakan pa nga ako sa ibang kalalakihan na gustong lumapit sa babae. Ngunit bandang huli'y naunahan ko pa rin ang mga ito.

"Hi!" Pinag-igihan ko ang aking pag ngiti upang mas lalong lumabas ang dalawang biloy sa magkabila kong pisngi, nang sa gayo'n ay maakit ko agad ito.

"Hello handsome!" Tila ba napakasarap pakinggan ng boses nito. Wari'y malamyos na musika ito sa aking pandinig kaya't mas lalo akong nahikayat na kausapin ang babae.

Niyaya ko ito sa isang bakanteng mesa na kanina lang ay inu-ukupa namin ni Franco. Kaagad naman itong pumayag at malugod na nakipagkuwentuhan sa akin.

"Baguhan ka lang ba rito?" Panimula ko ng usapan. Ngumiti muna ito bago ako sinagot. Isang ngiti na ubod ng tamis, dahilan upang mas lalo lamang akong mapahanga sa kanya.

"Oo. Sa totoo lang ay kakasimula ko pa lamang kagabi." Anang babae na hindi pa rin nabubura ang ngiti sa labi.

"I see. By the way, I am Wesley Carter Cordova. I am the owner of Cordova Luxury Shopping Mall, here in Queson City." Nakangiting pagpapakilala ko. Kakaibang ningning naman ang nasilayan ko sa mga mata niya matapos kong magpakilala. "How about you?" puno ng kuryusidad sa aking tinig.

"Uhm...Kiera." Inilahad pa nito ang kanyang kanang kamay na agad ko naman'g tinanggap. Bahagya ko pang pinisil iyon. "Kiera Bustamante." Paglilinaw ng dalaga.

"Hmm...nice name huh!" papuri ko rito. "Kiera means dark or black." Dagdag ko pa.

"Salamat. Wow! hindi ka lang pala basta pogi, brainy ka rin. Para ka rin pa 'lang walking dictionary." Natatawang papuri rin sa akin ni Kiera.

"Sus, tsamba ko lang 'yon. Uhm, siya nga pala kanina pa kita pinagmamasdan habang sumasayaw ka. At alam mo ba'ng hindi ko talaga maiwasan'g humanga sa galing mo?" Malambing na papuri kong muli sa kanya na hnaggang ngayon ay tangan ko pa rin ang kanan niyang kamay. Hindi naman niya binabawi iyon kaya't mas higit pa akong nasiyahan sa pakikipag-usap sa kanya.

"Salamat." Nahihiya nitong tugon.

Maya-maya lang ay um-order na ako ng tequila.

At habang umiinom na kami ay hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil nadiskubre kong mas magaling pa pala itong uminom kaysa saakin. Ilang minuto lamang ang lumipas at naubos agad namin ang isang bote ng tequila kaya naman, napipilitang um-order ulit ako.

Mas lalo lang napatagal ang aming usapan, dahilan upang mapansin kong masama na ang tingin na ibinabato sa akin ng ibang kalalakihan na naroon sa loob ng club. Batid kong naiinis na ang mga ito dahil hindi ko pa pinapakawalan si Kiera. Ngunit binalewala ko na lamang ang mga ito.

Maya-maya lang ay napansin ko ang pagkabalisa niya. "Uhm... Wesley, so-sorry...pero kailangan ko ng umalis baka kasi-"

''Sshh...wala kang dapat na ipag-alala. Ako ang bahala sa'yo, okay? Miss Roxy is one of my friend kaya hindi ka niya papagalitan." Pangungumbinsi ko sa kanya.

"Kung ang inaalala mo naman ay ang pera, well, I have a lot of money. So, hindi mo na kailangan pang sumama sa ibang lalaki." Dagdag ko pa.

"Hindi pera ang punto ko rito, Wesley. 'Yong trabaho ko ang iniisip ko at-" Muli, ay hindi ko na naman ito pinatapos sa kanyang gustong sabihin.

"Just stay with me." Namumungay ang mata'ng pakiusap ko sa kanya. Mas lalo ko pang ginalingan ang pangungumbinsi ko sa dalaga. Tumayo ako at nilapitan ko siya. Hinaplos-haplos ko pa ang kanyang buhok para lang mas magkaroon siya ng dahilan upang manatili sa aking tabi at napagtagumpayan ko naman.

Ilang sandali pa ay pareho na kaming lasing. Sobrang daldal pala niya kapag nakainom na. Kaya naman lahat yata ng sikreto ng pamilya nila ay naikuwento niya na saakin ng gabing iyon.

"Hoy, salamat huh! Ang sarap pala ng gan'tong alak." Hinawakan pa niya ang pangatlong bote ng tequila na naroon sa mesa. "Ang mahal nito. Alam mo ba'ng sa'min sa Masbate, mayayaman lang ang nakakabili nito." Dagdag pa nito na ang alak pa rin ang tinutukoy.

"Don't worry, kahit hindi ka mayaman ay palagi kang makakainom niyan dito. Lagi kitang ililibre niyan basta ba sa tuwing pupunta ako rito ay ako lang ang iintindihin mo." Inalis ko ang bote na hawak ni Kiera at pagkatapos ay ginagap kong muli ang kamay nito. Dinala ko iyon sa aking labi at marahan kong h******n.

Kaagad rin niyang binawi ang kanyang kamay at pagkatapos ay nakapangalumbaba na ito habang diretsong nakatingin sa aking mga mata bago muling nagwika. "Alam mo, ang suwerte niyong mga mayayaman. Nabibili at nagagawa niyo ang lahat ng inyong gusto samantalang kaming mahihirap ay kailangan pa'ng magbanat ng buto at makipagsapalaran sa kung saan para lang kumita ng pera." Aniya na biglang naging emosyonal.

"You know, i was only seventeen nang magsimula akong magtrabaho, namasukan ako bilang katulong, tindera at kung anu-ano pa'ng trabaho sa Masbate para lang matustusan ang pang araw-araw namin na gastusin, Pati na rin ang pambili ng gamot at pampa-check up ng tatay ko. Subalit hindi pa rin 'yon sapat. Kaya ng mag bente-uno na ako ay naglakas loob na akong lumuwas ng Maynila kasi sabi ng ibang kababayan ko ay mas malaki raw ang kikitain ko rito." Patuloy na pagkukuwento ni Kiera.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Ngunit hindi ko maipagkakaila'ng humanga talaga ako sa kanya dahil sa tindi ng determinasyon niya sa buhay.

"Nakaka-inspired pala ang kuwento ng buhay mo. Uhm, how about your father, may malubha ba siyang sakit at kailangan mo pang-"

"May sakit siya sa kidney." Biglang naging malungkot ang boses nito. "Eh ikaw, bukod sa pagiging mayaman at pagkakaroon mo ng sariling mall, ano pa ang pinagkakaabalahan mo sa buhay?" Aniya na daig pa ang imbestigador kung makapagtanong.

Bahagya akong napangiwi. Nagdalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ba o hindi ang tanong niya. Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na mataman ko ng sinasagot ang kanyang mga katanungan.

"Wala. Actually, sa edad kong trenta y' dos ay nakadepende pa rin ako sa aking ina. Yeah, i am the owner of that luxury mall... pero, kung tutuusin ay halos wala naman talaga akong nai-ambag do'n dahil si mommy naman ang nag-aasikaso ng lahat." Pagpapaliwanag ko na sinundan ko pa ng isang malalim na pag buntonghininga.

"Oh, hindi ka pala responsableng tao. Sayang naman 'yang kaguwapuhan mo. Hindi mo man lang mapakinabangan." Pabulong niyang sambit ngunit hindi iyon nakaligtas sa aking pandinig.

"What did you say?" untag ko sa kanya. Kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya kanina.

"Wa-wala. Mabuti pa siguro ay umuwi ka na. Lasing ka na oh. Madaling araw na rin at magsasarado na rin 'tong club." Pagtataboy ni Kiera saakin.

"Hindi ako uuwi hangga't hindi kita kasama." Namumungay ang mga mata'ng pagprotesta ko.

"Tss... Wesley, ayoko ng makipag-inuman sa'yo."

Muli akong tumayo. Nilapitan ko siya at niyakap mula sa kanyang likuran. Kapagkuwa'y pabulong akong nagwika sa may puno ng kanyang tainga.

"Kiera, I know it sounds rude. But, please... samahan mo ako ngayon'g gabi. Paligayahan natin ang isa't-isa."

Namilog ang mga mata ko nang bigla na lang itong pumihit paharap sa akin at mag-asawang sampal ang agad kong natanggap mula rito.

Hindi agad ako nakapag-react lalo pa't sa loob ng magigit tatlong dekada'ng existence ko sa mundo ay ngayon lamang ito nangyari sa akin. At isang hamak na dancer lamang pala sa club ang kauna-unahan'g makakagawa no'n saakin.

"What the hell is wrong with you? " asik ko rito, ngunit hindi man lang ito natinag sa kanyang kinatatayuan.

"Manyak! Akala ko pa naman mabait at mapagkakatiwalaan ka. Buwisit ka! Umuwi ka na habang hindi pa ako nawawala sa sarili kong katinuan!" singhal niya saakin.

Pinagtulakan pa nga ako nito palabas ng club. Mabuti na lamang at mangilan-ngilan na lang ang mga tao sa loob kaya't hindi ako masyadong napahiya.

Walang lingon-likod na tinungo ko na lamang ang parking lot. Walang imik na sumakay na lang din ako sa aking kotse at pilit na nagmaneho pauwi.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Billionaire's Obsession   Epilogue

    HINDI ko maiwasan ang mapangiti habang sumisimsim ako ng kape sa may veranda. Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang aking anak na bakas sa mukha ang labis na kasiyahan habang nakikipaglaro sa mga bata.Umaalingawngaw din sa buong paligid ang malutong nitong halakhak na wari'y nagpapaalala saakin kay Kiera. I missed her so much! Pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lamang ang katotohanan na kailanma'y hindi na siya namin maaaring mayakap pa at mahagkan. Tanging ang mga magagandang ala-ala niya na lamang ang magsisilbing lakas at pag-asa namin sa bawat hamon ng buhay na aming haharapin.Akmang sisimsim akong muli ng kape nang may biglang tumapik sa aking balikat. Dahan-dahan akong napalingon ng makita kong si Nay Bebang iyon."Batid kong masayang-masaya na ngayon si Kiera kung saan man siya naroroon." Anang matanda.Napangiti ako sa kanyang tinuran. "Tama ka 'nay at batid ko rin na palagi niya kaming babantayan at gagabayan sa lahat ng oras.""You deserve this kind of happ

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Eight: Revealation

    NANG ma-discharge ang anak ko ay agad kaming nag-usap ni Kiana. Gusto kong makumpirma mula sa kanya ang totoong mga nangyari lalo na kay Kiera."Saan ba talaga tayo pupunta? Palabas na 'to ng Manila eh." reklamo ko habang patuloy na nagmamaneho."Magmaneho ka lang. Mag-uusap tayo kapag nakarating na tayo sa probinsiya." Ani Kiana na abala sa pagtipa sa kanyang cellphone."What? Bakit hindi mo sinabi na sa probinsiya pala tayo pupunta? At saka, kailangan ba talaga na doon tayo mag-usap at-""Huwag ka ng magreklamo. May sariling kotse ka naman kaya mabilis lang tayong makakarating sa'min." Giit pa niya na naroon pa rin ang atensiyon sa kanyang cellphone."Tss, wala naman problema sa'kin kahit saan pa tayo pumunta. Ang inaalala ko ay si Wynona. Baka ma-""Don't mind her. Sanay 'yan sa pagod at hirap."Napabuntonghininga na lamang ako. Kapagkuwa'y nilingon ko siya sa backseat na kanina pang nahihimbing ng tulog habang yakap ang kanyang lumang unan.Halos kalahating araw kami na

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Seven: The Truth

    TATLONG araw na ang nakalipas simula ng masalinan ng dugo ang anak ko. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising. Tatlong araw na rin akong nagbabantay dito sa hospital ngunit hindi man lang pumupunta si Kiera. Gustong-gusto ko ng makausap si Kiana ngunit makikipag-usap lamang daw siya saakin kapag na-discharge na si Wynona."Anak, please lang...gumising ka na. Marami pa tayong kailangan'g gawin at pag-usapan. Gustong-gusto na kitang mayakap ng mahigpit." Malungkot na pagkausap ko sa kanya habang magkasalikop ang aming mga kamay. "Pangako, aayusin ko ang pamilya natin kapag-"Naudlot ang pagsasalita ko nang biglang tumunog ang aking cellphone at pangalan ni Aling Bebang ang rumihestro sa screen.Kaagad ko iyon na sinagot at nagulat ako nang mapansin kong tila natataranta ang tinig nito. "Nay, what's going on?""Kailan ka ba uuwi? Kailangan natin'g mag-usap." Aniya sa kabilang linya."Tss, nay alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi pa

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Six: Accident

    DALAWANG beses sa isang araw kong pinupuntahan ang coffee shop na iyon, baka sakaling bumalik ang batang babae at makausap kong muli. Subalit mag-iisang linggo na akong pabalik-balik doon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Tila nawalan na naman tuloy ako ng pag-asa. Kaya naman ay bagsak ang balikat na nagmaneho ako pabalik ng opisina. Subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng coffee shop ay naipit na agada ko ng matinding trapik. Naiinis na napamura ako at napasandal na lamang sa upuan ng aking kotse. Kaya lang ay biglang nakaagaw ng pansin ko ang mga taong nagtatakbuhan sa labas. Na-curious ako at naisipan kong ibaba ang salamin'g bintana ng aking kotse."Excuse me, Miss...what's going on here?""Uhm, sir may batang babae na nasagasaan kaya nagkakagulo ang mga tao at kaya rin biglang nagkatrapik." Anang ginang na nagmamadali rin'g makiusyuso.Sa narinig ko ay tila may sariling isip ang aking mga paa. Mabilis rin akong lumabas ng kotse at patakbong tinungo ko ang mga nagku

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Five: Who is she?

    six years later...Wesley's POV TAHIMIK akong sumisimsim ng kape nang may isang batang babae na bigla na lang kumalabit saakin. Kaya't malakas akong napamura dahil muntik ko na sana'ng mabitawan ang tasa na kasalukuyan ko'ng tangan."Hala! Sabi po ng mama ko bad raw ang magmura!" Anang bata na sa tantiya ko ay anim na taon'g gulang pa lamang. Kahit madungis ito ay hindi maipagkakailang may taglay itong kagandahan. Makinis at maputi rin ang balat nito kahit pa mukhang basahan ang kanyang kasuotan."What the hell are you doing here poor li'l girl?" Singhal ko sa kanya."Bad nga sabi ang magmura eh!" giit pa nito habang nakatingala saakin.Gustong gusto ko ng tumayo at kausapin ang may-ari ng coffee shop na 'yon dahil pinapayagan nilang may makapasok na batang lansangan sa loob ng kanilang shop.Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin sa braso ng batang babae."Sandali lang po! Matagal na po kasi kitang hinahanap!" Aniya.Napamaang ako sa kanyang tinuran kay

  • The Billionaire's Obsession   Chapter Forty Four: Annoyed

    UMUWI akong masama ang loob. Inumaga na ako sa paghihintay kay Isabel pero hindi man lang ito nagpakita saakin. Ngunit nang buksan ko na ang pintuan ng bahay ay mas lalo pa nga'ng nadagdagan ang sama ng loob ko.Ipinagdasal ko pa naman na sana ay wala sa sala si mommy. Ngunit hindi ko naman inaasahan na si Mara pala ang mabubungaran ko. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit saakin."Hey! Kanina pa kitang hinihintay! Pinag-alala mo 'ko Wesley. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Aniya na binalewala ko lamang.Dumiretso ako sa couch. Umupo ako at tinanggal ko ang aking sapatos ngunit agad 'yon na inagaw ni Mara. "Ako na ang gagawa niyan para sa'yo. Hmm...saan ka ba talaga galing at inumaga ka na ng uwi?""Bakit ba ang dami mong tanong?" naiinis na tanong ko rin sa kanya,"Wow! Ba't ka ba nagkakaganyan? Concern lang naman ako sa'yo ah.""Hindi ko kailangan 'yon, Mara. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya pwede ba, tigilan mo na 'yan dahil walang mabuting kahihinatnan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status