Share

The Billionaire's Obsession
The Billionaire's Obsession
Author: eZymSeXy_05

Disclaimer & Prologue

DISCLAIMER:

This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidental.

The story has also a few  mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading!

PROLOGUE:

                  TAHIMIK akong sumisimsim ng kape nang may isang batang babae na bigla na lang kumalabit saakin. Kaya't malakas akong napamura dahil muntik ko na sana'ng mabitawan ang tasa na kasalukuyan ko'ng tangan.

"Hala! Sabi po ng mama ko bad raw ang magmura!" Anang bata na sa tantiya ko ay anim na taon'g gulang pa lamang. Kahit madungis ito ay hindi maipagkakailang may taglay itong kagandahan.  Makinis at maputi rin ang balat nito kahit pa mukhang basahan ang kanyang kasuotan.

"What the hell are you doing here poor li'l girl?" Singhal ko sa kanya.

"Bad nga sabi ang magmura eh!" giit pa nito habang nakatingala saakin.

Gustong gusto ko ng tumayo at kausapin ang may-ari ng coffee shop na 'yon dahil pinapayagan nilang may makapasok na batang lansangan sa loob ng kanilang shop.

Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin sa braso ng batang babae.

"Sandali lang po! Matagal na po kasi kitang hinahanap!" Aniya.

Napamaang ako sa kanyang tinuran kaya naman inayos ko ang aking pagkakaupo para lang magpantay kami. At puno ng pagtitimpi na kinausap ko siya.

"Who are you? Bakit mo ako hinahanap?" Mariin kong tanong sa kanya.

"Sabi po kasi ng mama ko, ikaw raw po ang papa ko!"

Mas lalo akong nainis sa muli niyang tinuran.

"Wala akong asawa kaya't imposible na magkaroon ako ng anak!" Gigil kong sambit na siyang naging dahilan upang higpitan ko ang hawak sa kanyang pulsuhan.

"Aray ko po! Masakit po!" Aniya na pilit hinihila ang kanyang kamay.

"Wala akong panahon para makipaglokohan sa'yong bata ka!" Padabog kong iwinaksi ang kanyang kamay kaya't bahagya itong napangiwi.

"Heto po...kayo po ng mama ko ang nasa larawan di'ba?" Anang bata na nangiginig pa ang kamay habang iniaabot saakin ang nasabing  lumang larawan.

Mataman ko iyon na pinagmasdan at halos mapunit na ang larawan dahil sa mariin kong pagkakahawak dito. Kalauna'y unti-unti na itong humulagpos sa aking kamay matapos kong mapagsino ang babae.

"Ang bad mo talaga! Bakit mo 'yon itinapon?"

It was Kiera, ang una at huling babaeng minahal ko.

         

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status