KINABUKASAN ay tinatamad na bumangon ako sa higaan dahil sa malakas na tunog ng alarm clock na naroon sa side table. Napangiwi ako nang makita kong alas sais pa 'lang ng umaga. Para sa'kin ay masyado pa iyon na maaga kumpara sa nakasanayan kong gising. Kaya naman napipilitan'g nagtungo ako sa banyo para maligo.
Nang matapos ako sa pag-aasikaso ay nagmadali na akong lumabas ng mansiyon. Sumakay na ako sa aking mamahaling kotse at mabilis akong nagmaneho papunta sa kompanya.
Ilang sandali pa'y nakarating na nga ako. Medyo kabado lalo pa't 'yon ang unang araw ko na magtatrabaho akong wala sa aking tabi si mommy. Ilang beses rin akong napabuntonghininga bago ko sinimulan'g humakbang patungo sa opisinang itinalaga para saakin.
Subalit hindi pa man ako tuluyan'g nakakapasok sa loob ay nakasalubong ko na kaagad ang matapobreng babae na matagal ng inirereto saakin ng minamahal kong ina.
"Oh, finally you're here!" Anang babae. Maganda naman ito, maputi at matangkad subalit hindi ko alam kung bakit ni-minsan ay hindi ko man 'lang talaga ito nagustuhan.
"Ma-mara, anong ginagawa mo rito?" kunot noo kong usisa.
"Tss...kahit kailan talaga ang pangit ng approach mo sa'kin no'h?" Pinandilatan niya ako ng bilugan nitang mga mata at pagkatapos ay pinagkrus pa ang mga braso habang mariing nakatitig saakin.
"Bakit ka kasi nandito? Kung si mom-"
"Alam kong wala dito si Tita Wilma. Kaya nga nandito ako kasi pinakiusapan niya akong alalayan ka sa pag-" Hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita. Dahil nahulaan ko na kung ano ang ipinupunto nito at batid kong ang aking ina talaga ang dahilan kung bakit ito naririto ngayon sa aking harapan.
"Salamat na lang sa malasakit mo. Pero, kaya ko na 'to Mara. At saka, gusto ko rin patunayan kay mommy na kaya kong asikasuhin ang aming negosyo." Determinadong pahayag ko.
"Okay. Sabi mo eh! Ano pa nga ba ang aasahan ko. As usual, puro ka naman tanggi sa lahat ng offer ko sa'yo." Anang babae na halatang dismayado sa sinabi ko. Padabog niya akong tinalikuran. Kaya naman biglang guminhawa ang aking pakiramdam.
Kapagkuwa'y napailing na lamang ako habang sinusundan ng tingin ang papalayo niyang bulto.
Nang hindi ko na ito maabot ng tanaw ay nagpasya na akong dumiretso na lang sa loob ng opisina. Sinimulan ko na ang pagtatrabaho at buong maghapon ay aligaga ako sa mga gawain. Ngayon ko lang din napagtanto kung gaano kahirap ang trabaho ng aking ina sa araw-araw.
"Sir, male-late na po tayo." Anang sekretarya ng akinh ina na si Maureen. ''Masyado pa naman'g maarte ang investor na 'yon sir. Ayaw no'n na nale-late ang sino man'g kliyente.'' Dagdag pa ng sekretarya.
Ngayon kasi naka-schedule ang pagbisita nila sa bagong branch na naroon sa may Mindanao Avenue.
"Yeah. Sorry, i forgot. "Hinging paumanhin ko sa kanya. Tinulungan niya na rin ako sa pagliligpit ng ilang papeles na nakakalat sa mesa.
Maya-maya pa ay pareho na kaming lulan ng kanyang kotse. Sandali lang din ang naging biyahe kaya't eksakto lang sa oras na napag-usapan ang aming pagdating. Ngunit ang nasabing investor ay nauna nga'ng dumating.
Halos umabot rin ng isang oras ang pakikipag-usap ko sa maarteng investor na 'yon dahil may mga bagay na hindi kami agad masyadong nagkaintindihan. Muli ay sumagi na naman sa isip ko ang aking ina.
" Sana pala, noon pa man ay nakinig na ako sa kanya nang sa gayo'n ay hindi na ako nahihirapan ng gan'to ngayon." Wala sa sariling naibulalas ko iyon.
"Are you okay sir?" Anang sekretarya matapos marinig ang aking tinuran. Kaagad rin niya akong nilapitan nang mapansin niya ang pag-iiba ng mood ko.
"Uhm...yeah. By the way thank you kanina huh. Mabuti na lang talaga at nariyan ka. Hindi ko pa kasi alam kung paano at ano ang dapat kung gawin at sabihin sa kahit na sino'ng investor eh." Emosyonal na pahayag ko.
"Walang anuman 'yon sir. Trabaho ko po 'yon. Mabuti pa po siguro bumalik na tayo sa kompanya."
"Mabuti pa nga. Ay, siya nga pala Mau, if ever na may maghanap sa'kin sa kompanya at magpakilalang Mara Trinidad, sabihin mo wala ako huh! Huwag mong hayaan na makapasok siya sa opisina ko, okay?"
"Naku sir! Malabo yata na mangyari 'yon. Kasi po no'ng ang mommy niyo po ang nando'n ay labas-masok po siya sa kompanya at hindi siya nagpapaalam sa kahit na sino man."
"Yeah I know. Pero sana naman ngayon ay hindi na 'yon mangyari."
"Oh, o-okay sir." Napipilitan'g pag sang-ayon ni Maureen.
GABI na ng mapagpasyahan ko na umuwi sa mansiyon. Pagdating ko pa 'lang ay si Kiera agad ang sumagi sa isip ko. Sinubukan ko siyang tawagan. Balak ko sana itong kumustahin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpaparamdam saakin. Marahil ay tinotoo nga nito ang mga huling salitang binitiwan niya.
Limang beses na nag-ring ang cellphone ni Kiera ngunit, wala ni- isa sa mga 'yon ang sinagot niya. Kaya't nagmamadaling lumabas ulit ako ng mansiyon at tinungo ang parking lot. Naisip kong puntahan na lang ito nang sa gayo'n ay makausap ko ito ng maayos.
Nang marating ko ang bahay na tinutuluyan ni Kiera ay nanlumo lamang ako sa aking nadatnan.
"Hello sir! Anong maipaglilingkod ko sainyo?" anang isang magandang babae na batid kong kaibigan iyon ni Kiera.
"Uhm...hi! I'm Wesley. Kiera's new friend. " pagpapakilala ko.
"Oh, nice to meet you sir. By the way i'm Cindy. Kaibigan rin ako ni Kiera." Nakangiti itong naglahad ng kamay at agad ko rin'g tinanggap iyon.
"Na-nasaan nga pala siya? Maaari ko ba siyang makausap?''
"Sorry, Mr. Wesley pero wala siya rito eh. Kanina pa siyang umalis kasi medyo malayo 'yong bagong work niya." Ani Cindy dahilan upang mapakunot ang aking noo.
"W-what do you mean?"
"May trabaho na ulit si Kiera. Pinabalik na siya ni Miss Roxy."
"What?" gulat kong tanong kay Cindy. "Bakit doon pa? Bakit hindi siya nagsabi sa'kin?" nanggagalaiti'ng asik ko sa kanya.
"Eh, sir...kalma ka lang! Si Miss Roxy pa rin ang boss niya, pero hindi na rito sa Quezon City. Nasa Makati na naka-assign si Kiera."
"Tss, bakit hindi sinabi sa'kin ni Kiera ang tungkol dito?" dismayadong tanong ko pa rito.
" 'Yon na nga sir eh. Naghabilin siya na kapag ikaw ang naghanap sa kanya eh huwag na huwag ko raw sasabihin kung nasaan siya. Kaya lang, mukhang importante naman ang sadya mo sa kanya kaya napilitan na rin akong magsabi." katwiran niya.
Mabuti na lang at kahit papa'no ay hindi na ako nahirapan'g paaminin si Cindy kung nasaan nga ba si Kiera.
Matapos kong hingiin rito ang eksaktong address ng pinagtatrabahuhan ni Kiera ay muli kong pinaharurot ang aking sasakyan. Kaagad ko rin naman'g natunton ang lugar na iyon kung saan naroon ang isa pang club na pagmamay-ari ni Roxy.
Hinanap ko agad sa dancefloor si Kiera. Bawat mukha ay masusi kong inaaninag.
Maya-maya pa'y naubos ko ng tingnan ang mga naroon at wala pa rin'g Kiera na nagpapakita saakin. Mabuti na lang at napadako ang tingin ko sa isang mesa na mayroong matandang lalaki na naka-business suit at sa tabi nito ay naroon nga ang babaeng kanina ko pa'ng hinahanap.
Patakbong nilapitan ko ang mga ito at kaagad kong sinunggaban ang lalaki. Malalakas na tadyak at suntok ang pinakawalan ko kaya't halos mawalan na ito ng malay.
Napuno ng sigawan ang buong club. May mga nagsitakbuhan na palabas dahil sa takot. Ang ilan ay umawat ngunit hindi man lang ako natinag. Labis ang panggigigil ko sa lalaking iyon kaya't balewala saakin ang kanilang pag-awat.
"Wesley, tama na please!" Umiiyak at nagmamakaawang sigaw ni Kiera. Subalit binalewala ko pa rin iyon.
Huminto lang ako sa pagsuntok sa matanda nang biglang sumulpot sa harapan ko si Roxy.
"What the hell is wrong with you Wesley? Pati ba naman dito sa Makati ay manggugulo ka pa rin!" Nanggagalaiting singhal saakin ni Roxy.
"Kalma! Hayan oh, isampal mo sa mukha ng lalaki na 'yon ang pera. Sabihin mo magpagamot siya!" singhal ko rin matapos kong ilapag sa harapan ni Roxy ang libu-libong pera.
Nasapo na lamang ni Roxy ang kanyang mukha dahil sa kawalan ng masabi.
"Please, Rox...huwag mo 'tong ipaparating kay mom. I'm begging you." Bigla ay nagsusumamo kong pakiusap sa kanya.
Sa halip na sagutin ako ng aking kaibigan ay inirapan niya lamang ako at walang imik na tinalikuran.
Binalingan ko na lang si Kiera na ngayon ay nakalupagi pa sa sahig at patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Hey! I'm sorry." Inalalayan ko ito sa pagtayo at iginiya palabas ng club.
Gustong-gusto ko na sana itong kausapin ngunit hindi pa rin ito tumatahan. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak kaya't kahit naiilang ako ay niyakap ko pa rin ito. Subali nagulat ako ng bigla niyang pinagsusuntok ang aking dibdib. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nga ba hanggang ngayon ay galit pa rin ito saakin gayo'ng wala naman akong masamang ginagawa rito.
Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lamang ito. Kalauna'y napagod rin ito sa pag-iyak at nagsawa rin sa pagsuntok sa aking dibdib. Animo'y nanghihina na ito kaya't nagkaroon na ako ng pagkakataon upang pangkuin ito at isakay saaking kotse.
Hindi pa man kami tuluyan'g nakakarating sa tinutuluyan niyang bahay ay nakatulog na agad si Kiera sa biyahe. Kaya naman wala na akong choice kundi ang iuwi na lang ito sa aming mansiyon sa Quezon City. Bahala na kung pag gising nito ay magalit na naman ito saakin. Basta ang mahalaga ngayon ay naiuwi ko na ito at hinding-hindi ko na hahayaan'g magtrabaho pa ulit ito sa kahit saan pa'ng club.
WALA akong maisip na puwedeng pagdalhan kay Kiera kaya't itinuloy ko ang plano kong iuwi na lang siya sa aming mansiyon. Wala naman ang aking ina kaya't wala naman'g kokontra sa'kin.Maya-maya pa ay binuhat ko na siya patungo sa aking silid at marahan ko siyang inihiga sa kama. Pagkatapos ay inilatag ko sa sahig ang comforter at doon ko na lang naisip na matulog ngayon'g gabi nang sa gayo'n ay mabantayan ko si Kiera.Kinabukasan ay naalimpungatan ako nang maramdaman kong may sumisipa sa aking mga binti.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y mabilis akong bumangon nang maaninag kong si Kiera ang naroon at nakatayo sa aking paanan."Kanina pa kita ginigising! Bakit ka ba nahiga diyan sa sahig? Ang yaman-yaman niyo tapos ano, wala kayong ibang bakanteng kuwarto?" tuloy-tuloy na sermon niya saakin.Gulat na napatingin ako sa kanya. Hindi ko akalain na gano'n pala kabilis ang bunganga nito kahit hindi lasing."Tss...meron naman, pero mas gusto k
GABI na ng bumalik ako sa mansiyon. Sinadya ko talaga 'yon, baka sakaling nakatulog na sa paghihintay saakin si Kiera. Ngunit taliwas 'yon sa inaasahan ko. Naabutan ko itong naroon sa sala at prenteng nakaupo sa couch habang nakatingin sa kawalan.Dahan-dahan ko itong nilapitan at maingat akong umupo sa tabi niya.''Malalim na ang gabi, ba't hindi ka pa rin natutulog?'' masuyong pagkausap ko sa kanya."Hindi pa ba obvious na hinihintay kitang dumating?'' balik tanong niya saakin."Tsk...hayan ka na naman sa mga walang kwenta mong salita. Bumalik ka na sa silid ko para makapagpahinga ka na. Siya nga pala namili na ako ng mga gamit mo, pati na rin ng mga damit at-''Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita."Salamat pero alam mo naman di'ba kung ano ang mas higit kong kailangan ngayon?''"Yeah, pero kailangan mo rin naman ang mga ito.'' Pangangatwiran ko pa."Wesley, akala ko ba malinaw na sa'yo na-''"Gusto mo ba talaga'ng gawin natin 'yon ngayon'g gabi?'' paniniyak
IT'S been a week since umalis sa mansiyon si Kiera. I felt so devastated pero pinilit ko pa rin na maging matatag alang-alang sa kompanyang ibinilin saakin ni mommy.Ilang araw ng gusto kong puntahan si Kiera ngunit nagdadalawang isip pa rin ako na baka ipagtabuyan niya lang ako. Kaya naman sa halip na magmukmok ay mas pinili ko na lang na mag-focus sa trabaho. At nababatid kong sa pagbabalik ng aking ina ay matutuwa ito sa magandang kinalabasan ng aking pamamahala. Dahil mas tumaas ang sales namin ngayon'g buwan kumpara no'ng nakaraan.Ngayon ay naisip ko na dumiretso muna sa retaurant ni Iñigo para doon na rin mag-almusal at syempre ay magte-take out na rin ako ng pagkain para sa aking pananghalian."Oh, good to see you here buddy!" Ani Iñigo pagkakita pa 'lang saakin."Yeah...me too." Walang buhay na sagot ko. Dumiretso ako sa isang bakanteng mesa at pasalampak na umupo sa silya."Hey, what's with that freaking face? Ano, may problema ka na naman ba? Babae na n
PAGKATAPOS kong maihatid ang aking ina ay nagmamadali rin akong umalis ng bahay. Sinabi ko sa kanya na dadalawin ko si Angela kaya naman walang pag-aalinlangan na pumayag agad ito. Laking tuwa ko dahil ang balak ko talaga ay puntahan si Kiera.Mabilis kong pinaharurot ang aking kotse patungo sa bahay na tinutuluyan ni Kiera. Pagdating ko do'n ay sunud-sunod na pagkatok sa pinto ang ginawa ko dahilan upang agad akong pagbuksan ni Kiera.Natulos si Kiera sa kinatatayuan matapos niya akong mapagbuksan ng pinto. Maging ako man ay hindi agad nakapagsalita matapos kong mapagmasdan ang mukha niya. Nanggingitim ang ilalim ng talukap ng mga mata nito na tila ba ilang araw ng hindi natutulog ng maayos. Namumugto rin ang mga mata niya na halatang kagagaling lamang sa pag-iyak. Ilang minuto rin na namayani ang katahimikan sa pagitan namin'g dal'wa. Kalauna'y si Kiera rin ang unang bumasag no'n. ''Ano'ng ginagawa mo rito Wesley?""Uhm...dinadalaw ka.'' Maikling tugon ko."Hindi b
UMAGA na ng umuwi ako sa aming mansiyon. Kaya naman gaya ng dati, ang aking ina ang unang bumungad sa'kin matapos kong mag-doorbell."Where have you been?" gigil na tanong ni mommy."Good morning mom!" nakangiting pagbati ko matapos kong humalik sa kanyang pisngi. ''Galing ako kina Franco." Sagot ko bago ko pa man siya nilampasan."Huwag mo akong gaguhin Wesley!" Magkakrus ang mga braso na wika ng aking ina."Mom, I am telling you the truth! Hindi ba't ang paalam ko sa'yo kagabi ay dadalawin ko si Angela?""Really? Kakauwi ko lang dito sa mansiyon tapos ganyan na kaagad ang ginagawa mo! Nagsisimula ka na naman ng kabastarduhan mo!" sermon pa nito saakin."Mom, kumalma ka nga! Ang aga-aga eh high blood ka na naman!" Napakamot pa ako saaking ulo. "Galing nga ako kina Franco! Kita mo naman oh, hindi ako lasing at hindi rin ako amoy babae." Pangangatwiran ko pa at bahagya ko pa nga'ng inamoy ang suot kong damit."Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawa'ng kalokohan dahi
DALAWA'NG buwan ang matulin'g lumipas. At kagaya ng napag-usapan namin ni Kiera ay wala muna'ng dapat na makakaalam sa relasyon namin maliban kay Cindy. Kaya naman palihim pa rin kami kung magkita at mag-date."Oh, ba't nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na dinalaw kita?'' tanong ko isang umaga'ng dumalaw ako kay Kiera.Nakapangalumbaba kasi ito sa mesa habang nakaharap saakin at tila wala sa sariling nakatitig lang sa mga pagkain'g dala ko.''Masaya." Walang buhay niyang tugon."Baby, ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" usisa ko pa. Nilapitan ko ito at sinalat ang noo ngunit hindi naman pala ito mainit."Wala akong sakit. Medyo nahihilo lang ako kaya matamlay ako ngayon." Ani Kiera."Huh? Bakit ka nahihilo? Hindi ka ba nakatulog kagabi? Nalipasan ka ba ng gutom or-""Okay lang ako Wesley. Huwag mo akong alalahanin. Paniguradong mamaya ay mawawala rin ito.""Sigurado ka ba? Magpa-check up na lang kaya tayo para masiguro natin na okay ka lang." Nag-aalalang suhestiyo
TAHIMIK lang sa buong biyahe si Kiera. Maging ako man ay tila umurong din ang dila matapos ang nangyari kanina sa restaurant. Ngunit nang tuluyan na kaming makarating sa bahay nila ay napilitan din akong kausapin siya." Baby, i'm sorry. Pangako , kakausapin ko si mommy tungkol sa relasyon natin.'' sambit ko matapos alalayan sa pagbaba ang aking kasintahan.''Dapat kasi hindi na lang tayo lumabas eh!'' puno ng iritasyon at pagsisisi sa tinig ni Kiera.''Yeah, i know it's all my fault. That's why I am apologizing to you, baby.'' Puno ng pagsusumamo sa aking tinig."Sige na, umuwi ka na. Baka sugurin pa ako ng mommy mo rito sa oras na malaman niyang dito ka dumiretso.''Pagtataboy niya saakin."Tss, Kiera I know it's hard for you na unawain ang nangyari kanina. Please, bigyan mo 'ko ng kaunting panahon para ayusin 'to.'' Dagdag ko pa."Hindi 'yan ang gusto kong marinig Wesley.''''Huh? W-what do you mean?'' naguguluhang usisa ko.''Gusto kong marinig mula sa bibig mo na kahit an
TULUYAN na nga kami'ng nagsama ni Kiera. Sa katunayan ay isang linggo na kami'ng naninirahan sa bahay na inuukopa nila ni Cindy. Mas pinili ko na lang ang lumayo sa aking ina kahit pa nga naghihikahos kami ngayon. Ang importante ay makasama ko lang ang babaeng pinakamamahal ko."Baby." Ani Kiera isang umaga habang nag-aalmusal kami."Hmm?""Hindi ka ba nagsisisi na pinili mo ako?" bigla ay tanong niya saakin."Huh? Syempre hindi. Bakit naman ako magsisisi? Mahal kita kaya kahit anong mangyari ikaw pa rin ang laging pipiliin ko.""Hindi mo ba nami-miss ang mommy mo?"patuloy na usisa pa niya."Syempre nami-miss ko rin."Aniya na sinundan pa ng pagbuntonghininga. "Pero wala akong magagawa kung mas gusto niyang kasama ang pera namin kaysa sa'kin na anak niya."Tumayo si Kiera at nilapitan ako. Pagkatapos ay mahigpit niya akong niyakap mula sa likuran. "Salamat dahil ako pa rin ang pinili mo kahit alam mong mahirap para sa'yo ang gan'tong buhay.""Baby, walang mahirap