Chapter: Chapter 117Nanatili akong nakatayo, hindi pa rin lubos na maiproseso ang presensya niya sa loob ng kwartong ito. Ngunit ang kanyang mga mata—puno ng lungkot at pagsisisi—ay tila nag-iba ang kislap nang dumaong ang mga ito kay Astria. Dahan-dahan siyang naglakad palapit, ang bawat hakbang ay maingat na tila natatakot siyang mabasag ang katahimikang namamayani. Sa bawat segundo ng kanyang paglapit, malinaw na makikita sa kanyang mga mata ang nag-uumapaw na pagmamahal at matinding pangungulila para sa kanyang apo."Astria..." halos pabulong niyang sambit.Hindi ko alam kung dapat ba akong humarang o hayaan siyang lumapit. Sa kabila ng lahat ng galit ko sa pamilya nila, hindi ko maikakaila ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ni Tita Sonya habang nakatitig sa inosenteng mukha ng anak ko."Lola?" nanghihinang tanong ni Astria, ang kanyang maliit na kamay ay pilit na umaabot sa hangin.Sa sandaling iyon, tila gumuho ang pader na pilit kong itinatayo sa pagitan namin. Naintindihan ko na sa
Last Updated: 2026-05-09
Chapter: Chapter 116𝑨𝒔𝒕𝒓𝒊𝒅 𝑹𝒆𝒚𝒆𝒔 𝑷𝒐𝒊𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝑽𝒊𝒆𝒘Dahan-dahan; bawat hakbang ko palayo sa kanya ay kasingbigat ng tungkuling kailangan nang wakasan. Bawat tapak ko sa malamig na sahig ng ospital ay tila pag-iwan sa mga piraso ng sarili ko na pilit kong binuo para sa amin, ngunit ngayon ay durog na durog na.Handa na ako; handa na akong kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin. Hindi na sapat ang nararamdamang pagmamahal para manatili pa kami sa isa't isa, lalo na kung ang pundasyon ng pagsasama naming iyon ay puro na pala lason at kasinungalingan. Ngayon ko lang napagtanto—kahit anong pilit naming ayusin, meron at meron talagang gagawa ng paraan para paghiwalayin kami. Siguro, ang tanging paraan para hindi na kami masaktan pa ay ang tuluyan nang bitawan ang mga kamay na hindi na rin naman marunong humawak nang tapat.Pumasok ako sa kwarto ng anak ko at agad na isinara ang pinto. Ikinandado ko iyon—isang tunog na naging simbolo ng pagtatapos ng ugnayan ko kay Thor. Hinarap ko si Dr. St
Last Updated: 2026-05-09
Chapter: Chapter 115𝑻𝒉𝒐𝒓 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒐𝒔 𝑷𝒐𝒊𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝑽𝒊𝒆𝒘I know myself. Kahit gaano ako kalasing; hindi ko magagawang lokohin ang asawa ko. Ngunit, hindi ko matanggap na wala akong maalala ng araw na iyon ngunit sigurado ako; hindi ko kayang ipagpalit si Astrid sa kahit kanino, lalo na kay Sofia. May kung anong mali sa mga nangyari—isang malaking butas sa memorya ko na tila sadyang ipinunla doon para wasakin ang buhay ko.Kaya naman pinuntahan ko agad siya sa kwarto niya. Doon ay nakita ko ang kanyang pagod at pananakit. Nanatili akong nakatayo sa tabi ng kanyang kama, hindi nagpapakita ng anumang emosyon habang tinititigan ang kanyang kalagayan. Wala akong balak na pagaanin ang loob niya; narito lang ako dahil kailangan kong mabuo ang puzzle na sumisira sa amin ni Astrid."Thor... Mabuti at dinalaw mo ako," mahinang sabi ni Sofia habang pilit na inaayos ang kanyang pagkakahiga. Sa kabila ng pamimilipit sa sakit ay nagawa pa niyang ngumiti nang may halong pait.Hindi agad ako nagsalita. Pinagma
Last Updated: 2026-05-08
Chapter: Chapter 114Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin, bawat hakbang ay tila may kasamang bigat ng libu-libong pagsisisi. Huminto siya nang may dalawang hakbang ang distansya mula sa akin—isang distansyang tila bakod na naghihiwalay sa aming magkaibang mundo. Pinanatili niya ang puwang na iyon, kahit pa sa kanyang mga mata ay malinaw na mababasa ang nag-uumpugang pananabik at matinding kalungkutan.Sa gitna ng malamig at tahimik na hallway, naroon ang dalawang pusong parehong sugatan ngunit magkaiba ang pinanggalingan ng hapdi. Sa kabila ng pisikal naming paglalapit, hindi maikukubli ang milya-milyang distansyang namamagitan sa amin—isang bangin na binuo ng mga pagkakamali at lihim. Doon, walang naglakas-loob na magsalita; tanging ang nagdurusa naming mga puso lamang ang tila nag-uusap sa gitna ng nakabibinging katahimikan."Mahal..." halos pabulong niyang tawag, ang kanyang boses ay nanginginig at tila nagmamakaawa. "P-Pwede ba tayong mag-usap?"Sa isang sandali, naramdaman ko ang dahan-dahang
Last Updated: 2026-05-08
Chapter: Chapter 113Nagising ako sa puting kisame at sa pamilyar na amoy ng ospital. Ngunit bago ko pa man maiproseso ang nangyari, mabilis akong bumalik sa katinuan nang marinig ko ang mahinang bulungan sa loob ng silid ni Astria. Pagtingin ko sa pinto, naroon ang isang matandang lalaki na may awtoridad sa bawat galaw—isang tanyag na neurosurgeon na tanging sa mga balita ko lang nakikita."I am Dr. Sterling," maikli niyang pakilala habang tinitingnan ang chart ni Astria. "I’m here because of Mr. Thor. He made sure I flew in immediately to take over this case."Napahawak ako sa aking dibdib. Kahit itinaboy ko na siya, kahit sinabi ko nang ayaw ko na siyang makita, ang anino pa rin ni Thor—ang arkitekto ng aking pagkawasak—ang pilit na humahatak sa amin pabalik sa kanya. Sa gitna ng aking pagkalito at pait, bigla kong naramdaman ang isang mahinang kurot sa aking palad habang hawak ko ang kamay ng aking anak.Napatingin ako sa kamay ni Astria—bahagyang gumalaw ang kanyang maliit na daliri."Gumalaw siya...
Last Updated: 2026-05-08
Chapter: Chapter 112Nanatiling nakapako ang mga paa ni Thor sa sahig ng ICU, tila hindi nararamdaman ang hapdi ng sampal na namumula pa rin sa kanyang pisngi. Sa halip na gumanti o magalit, nanatili siyang nakayuko, tinatanggap ang bawat titig na puno ng paghuhusga mula sa pamilya ko. Ang dating makapangyarihang billionaire na kayang paikutin ang mundo sa isang kumpas lang, ngayon ay mukhang lupaypay at tinalo ng sarili niyang pagsisisi habang nakatingin sa direksyon ng anak naming si Astria."Hindi ako narito para gumawa ng gulo," basag na wika ni Thor, ang kanyang boses ay halos pabulong na lang sa gitna ng tensyon sa silid. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang paningin, diretso sa mga mata ko na pilit umiiwas sa kanya. "Kahit sa labas lang ng pinto, Astrid... hayaan mo lang akong magbantay. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasisigurong ligtas ang anak natin, kahit itaboy niyo pa ako nang paulit-ulit."Ang sakit isipin; halos mahawakan ko na siya sa lapit ng espasyo sa pagitan naming dalawa, ngunit
Last Updated: 2026-05-08
Chapter: Chapter 57He forced me!Napasulyap ako sa kaniya na malalim ang pagkakatulog pagkatapos ilang beses na may nangyari sa amin.Nanghihina ang katawan ko pero pinilit na bumangon. Mabagal. Takot na bigla siyang magising.Nang sa wakas ay naka alis na ako sa kama. Nanginginig pa ang kamay ko habang pinupulot ang mga damit kong pwersahan niyang tinanggal.I don't really know this man anymore! Lahat ng galaw at lumalabas sa bibig niya ay ibang iba sa William na minahal ko noon.Lumapit ako sa dalawang maleta at maingat itong kinuha. Nagulantang ako ng biglang natumba ang maliit na maleta. Kinakabahan akong napatingin sa may kama.Halos hindi humihinga. Gumalaw siya. Namawis na ako ng malagkit at hinihiling na sana hindi siya nagising.Nakahinga ako ng maluwag ng hindi nagmulat ang mga mata niya. Kinuha ang dalawang maleta at lumapit sa pinto.Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi maingay ang pinto kapag binubuksan at sinasara, pero naroon pa rin iyong kaba. Una akong lumabas bago ang maleta ko. Tin
Last Updated: 2025-10-29
Chapter: Chapter 56Ang ingay ng pagpukpok ng gavel ay naging sanhi ng pagdiriwang ko."Sa wakas wala ng visa ang kasal namin."Dahil sa rami ng evidence ay nawalang visa ang kasal namin ni William. Ganun kabilis. Ganun kadali."Congrats Miss Velasco." Attorney Gomez said."Thank you Attorney Gomez!" Buong galak na sambit ko bago kami nagkamay."Ako na ang bahala na magbigay sa kaniya ng kasulatan na wala ng bisa ang kasal ninyo....""Thank you again Attorney..."Sabay kaming naglakad palabas. Paglabas ng court ay naghiwalay na rin kami, may mga importante pa raw siyang aasikasohin kaya naman tinanggihan na niya ang paanyaya ko na kumain kami para sana makapagpasalamat ako.Isang linggo na ang nakalipas magmula ng makadaupang palad ang landas namin nila William. Isang linggo na rin siyang hindi umuuwi.Pagsakay sa luma kong kotse. Pinaandar ko agad ito sa malapit na coffee shop.Pumwesto ako sa may malapit sa pinto, tabi ng glass wall. Habang sumisimsim ng kape, pinagmamasdan ko ang mga sasakyan na dumad
Last Updated: 2025-10-29
Chapter: Chapter 55"Saan mo dadalhin ang asawa ko?" Galit na tanong ni William.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tang ina naman, ano bang ginagawa niya. Malalaman na tuloy nila na nagpakasal ako.Nahawa na rin ba si William sa kabaliwan ni Jessica?Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pati si Jordan ay humigpit ang pagkakahawak sa bewang ko. Sa isang iglap parang nawala lahat ng buto sa katawan ko dahil hindi ko ito maramdaman.Bumaba ako sa pagkakabuhat kay Jordan. Kahit nag aalala siya ay wala siyang nagawa kung hindi sundin ako.Pumunta sa harap namin si William at matalim na tinignan ang kasama ko. Mariin akong napapikit. Bigla akong natakot sa Kuya ko na ngayon ay nasa likod.Nagulat ako ng lumapit siya sa akin. Hinatak ako palapit sa kaniya. Sa isang iglap nasa tabi na ako ni William.Ngayon ko gustong gumawa ng aksyon ang mama niya at si Jessica. Pero tulala silang hindi makapaniwala na nakatitig kay William.Agad na nagtama ang mata namin ni Kuya, umiigting ang mga panga niya at naging matalim a
Last Updated: 2025-10-27
Chapter: Chapter 54Hindi na ako nagtaka sa kamalditahan ni Jaia na pinakita kanina sa loob ng jewelry store. Ang kinababahala ko lang ay ang sinabi niya na may kaya ako.Paniniwalaan kaya siya? I wish not."Nako, nakakainit sila ng ulo. Sarap balatan ng buhay iyang hilaw mong biyenan. Kaloka!" Huminto siya sa paglalakad ng medyo malayo layo na kami pagkatapos ay hinarap niya ako. "Next time ah Aga. Next time na saktan ka ng kahit na sino sa kanila. Tawagan mo ako, pupuntahan kita kahit nasaan ka pa...." Naiinis pa rin na sabi niya.Pinalobo niya ang bibig niya at minsanan binuga ang hangin bago ngumti sa akin. Ginagawa niya iyon tuwing pinapakalma ang sarili."Hayaan na nga lang natin sila. Let's enjoy this day. Don't let them ruin our date....." Dagdag pa niya."You are right. So, icecream?" Nginuso ko ang ice cream store na napansin ko kanina pa.Lumawak ang ngiti niya at para kaming mga bata na nag unahan patakbo sa loob ng ice cream store."Two orders of cookies and cream ice cream!" "Two orders o
Last Updated: 2025-10-27
Chapter: Chapter 53"Baby ngumiti ka naman. Parang hindi ka naman masaya na magkasama tayo ngayon eh!"Nasa Italian restaurant kami. Nag order ako ng pollo alla cacciatora habang siya ay nag order ng Risotto.Masarap ang nakahain na pagkain, hindi nga lang tamang tao ang katapat ko kaya nakakawala ng gana kumain."I'm just tired..." Banggit ko.Tumango siya. Walang nagsalita sa amin buong lunch. Minsan napapansin ko na gusto niyang basagin ang katahimikan ngunit sa huli ay pinigilan niya ang sarili. Siguro ay walang maisip na topic.Sumimsim ako ng wine. Tinignan ko siya."May problema ba? Hindi ka mapakali ah." Usisa ko.Bumuntong hininga siya. Umiling. Pareho kaming napatingin sa cellphone niyang nakalapag sa lamesa ng bigla itong tumunog. Tumaas ang kilay ko ng makita ang pangalan ni Jessica sa screen.Napatingin sa akin si William at ng makitang nakatitig ako sa cellphone niya ay mabilis niya itong kinuha. Binasa niya ang text ni Jessica. Bigla siyang natakot at nabalisa sa nabasa.Naglabas agad siya
Last Updated: 2025-10-27
Chapter: Chapter 52Nawalan ako ng gana na kumain. Nilapag ko sa may lamesa sa living room ang order ko at pabagsak na inupo ang sarili sa may sofa. Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko naman intention na landiin iyong si kuya. Sa sobrang gutom ko hindi ko lang napansin na hindi ko pala na doble check ang suot ko. Napatingin ako sa balabal na dala kong bumaba papunta dito. Ito sana ang pangtatakip ko sa katawan ko kapag kinuha ko na ang order pero nakalimutan ko. Muli kong naramdaman ang tunog ng tiyan ko. Napanguso, walang balak kumain. "Anong gagawin mo diyan? Dadasalan?" Inis na sabi ni William na galing sa taas. Hindi naman ako nagpahalata na nagulat sa presensya niya. Paano bigla na lang magsasalita eh hindi ko napansin ang pagbaba niya. "Kakainin siyempre." Angal ko naman ng muling maramdaman ang pagtunog ng tiyan ko na kanina pa nagwawala. Nilabas ko lahat ng binili ko. Isang bucket ng chicken joy. Five pieces of rice. Two order of Cook float. Four order of large Fries. Three Sundae. "Mauu
Last Updated: 2025-10-27
Chapter: Chapter 016Binaba ako ni Mike sa harap ng bahay."Dito ka nakatira?"Napasulyap ako sa kanya. Hindi napansin na bumaba rin pala siya ngayon."Alam mo, Mike," mahinang sabi ko. Binalik ang tingin sa malaking bahay sa harap. "Kahit ilang taon na ako dito, namamangha pa rin ako sa talas ng mga linya nito. Tingnan mo 'yong malalaking salamin—diyan ko pinapanood ang paglipas ng mga panahon. Mukha lang siyang malamig na semento at bakal, pero para sa akin, bawat sulok niyan ay may kuwento."Itinuro ko ang bahaging tila lumulutang sa hangin. "Diyan sa taas, pakiramdam ko malaya ako. Simple lang ang itsura niya, walang masyadong palamuti, pero dahil sa sobrang bukas ng disenyo, parang niyayakap tayo ng paligid. Hindi lang ito basta modernong gusali; ito ang naging mundo ko habang sinusubukan kong kalimutan ang nakaraan ko."Hinarap ko ang matalik na kaibigan. May lungkot na pilit kong kinukubli sa maliit na ngiti."Kahit gusto kong maglakad sa sementong pathway palabas ng nakabukas na tarangkahan, hindi
Last Updated: 2026-04-23
Chapter: Chapter 015Mabilis kong inayos ang sarili. Mabuti na lang dahil nagawa akong agawin ni Mikey sa pagkakasabunot niya."Aba, Nicole! Pagkatapos mong suntokin ang anak ko, narito ka nakikipag-lampungan sa iba." Madilim ang mukha niya at namumula sa galit para sa akin.Napatigil ang mundo ko. Ang boses niya—matalim, mapanghusga, at laging handang bumanat. Si Glenda Salazar ang nanakit sa akin, ang ina ng asawa kong nagawa akong lokohin."T-Tita Glenda! Hindi po, mali po ang iniisip ninyo—" pagtatangka ko, pero huli na para magpaliwanag, para na siyang dragon na handa akong tostahin anoman oras niya gustohin."Anong mali?!" bulyaw niya, sapat na para lumingon ang mga tao sa kabilang table. "Kitang-kita ng dalawang mata ko! Ang kati-kati mo rin pala, ’no? Pagkatapos mong landiin si Mike, hindi ka pa nakuntento at naghanap ka pa ng iba. Hindi ka na nahiya sa pamilya namin. Isang hamak na linta na naghahanap ng ibang mapagkakapitan habang wala ang anak ko!"Ramdam ko ang init na umakyat sa aking mga pis
Last Updated: 2026-04-23
Chapter: Chapter 014Pinihit ko ang doorknob at naramdaman ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas. Pero bago pa ako makahakbang palayo, narinig ko ang mabilis at mabigat niyang yabag. Naramdaman ko ang kanyang kamay na humawak sa aking braso—hindi mahigpit, kundi tila nanghihina at nanginginig."Sandali," ang tanging lumabas sa kanyang bibig.Lumingon ako nang bahagya. Ang kanyang kaliwang mata ay bahagya ng nakadilat, nangingilid ang luha sa gitna ng namamagang balat na kulay ube. Bahagyang bumuka ang kanyang mga labi, tila may salitang pilit na kumakawala sa kanyang lalamunan—isang pag-amin, isang pagsisisi, o marahil ay isang huling kasinungalingan.Tinitigan ko ang kanyang mukha, naghihintay sa susunod na sasabihin niya. Ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin, ang kaisa-isang matang maidilat ay puno ng takot na hindi ko alam kung saan nagmumula, habang ang kamao niyang nakakuyom ay dahan-dahang bumubukas."Kasi..." panimula niya, pero muli siyang napatigil, tila kapos sa hininga.Hindi ko na h
Last Updated: 2026-04-19
Chapter: Chapter 013"Mama, gising!"Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni Niko. Naramdaman ko ang pagdagan niya sa akin."Wake up mama." Parang isang musika ang boses ng anak ko na nagpagising sa akin.Napangiti ako ng maramdaman ang pag ulan niya ng halik sa buong mukha ko.Nagmulat ako ng mata. Umupo ako habang hawak-hawak sa likod ang anak ko. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot."Inumin mo ito ate para mawala ang hangover mo."Napatingin ako kay Marie ng iabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at gamot.Nanghihina ako, at parang naduduwal. Matindi rin akong nakaramdam ng uhaw kaya inubos ko ang laman ng baso na binigay niya ng mainom ko ang gamot."Mama, let's shower together. Ang baho mo na po." Reklamo ng anak ko bago ako pilit na pinapatayo."W-Wait lang anak." Sinubukan ko siyang pahintoin dahil naduduwal talaga ako, lalo na nayuyogyog ang katawan ko sa ginagawa niya.Hindi ko rin maalala ang mga nangyari. Ang huli kong naalala ay nasa loob pa rin kami ni Mike ng ktv, sumasayaw
Last Updated: 2026-04-19
Chapter: Chapter 012"Talaga yatang wala nang pag-asa."My heart hurt evermore when I started singing."Upang ako'y iyong piliin pa."I know he never chose me. Wala ako sa choices, kahit sa option pa iyan hindi ako kasali."Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin? Pa'no mo malalaman sa 'yo'y may pagtingin?"Paano nga niya ako mapapansin? Kung ang attention niya nanatili sa likod, sa kanyang nakaraan. Sa babaeng nag-iisa niyang minahal.Kinuha ko ang shoting glass at mininsanang inom ko lang. Nangingilid ang mga luha sa mga mata."Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa?"Am I really heartbroken now? Bakit ko nararamdaman ito? Hindi ko naman siya mahal. Hindi naman talaga.𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑎!"Bakit may mahal ka nang iba?"Ang pait naman ng alak. Ang sakit sa lalamunan.Binaba ko ang mic at mas itinoon ang attention sa pag-inom ng alak. I hate this feelings. Hindi nakakaganda."Cry Nicole, no one judges you here."Napatingin ako kay Mike. I almost forget I'm with him.Ngumiti ak
Last Updated: 2026-04-18
Chapter: Chapter 011She saw me. Samantha saw me. At imbis na matakot ay mas nilakasan pa niya ang ungol habang nakangiting nakatingin sa akin.Bigla akong nanghina.Hinawakan niya ang ulo ni Gale at mas nginodngod pa sa ari niya."Ohhh Gale, ang galing mo talaga." Dahan-dahan sabi niya. "Come on babe, paligayahin mo ako.”Tanging si Samantha lang ang walang saplot. Si Gale ay buo pa ang kasuotan, maliban na lang sa nakabukas ang lahat ng botones ng suot niyang polo."Bago mo ipagpatuloy." Tinulak niya ang mukha ni Gale palayo sa kanya.Nagtataka namang umangat ng tingin si Gale sa kanya. Sinubukan niya ulit ilapit ang mukha sa ari ng babae ngunit muli lang siyang tinulak nito."Bakit baby, what's wrong?" Malambing na tanong ng lalaki.Nang hindi siya hinayaan ng babae na kainin siya ay ang leeg naman nito ang pinag diskitahan at hinalikan. Tumingala si Samantha upang bigyan ng espasyo ang lalaki para masakop ang gusto niyang halikan."S-Sinong mas mahal mo sa amin ng asawa mo?" Tumatawa ito, mukhang nak
Last Updated: 2026-04-18