LOGIN
Celeste's POV
If there's one thing I never imagined happening in my life, it would be being forced to marry a man I barely even know. At ang pinakamasakit sa lahat? Ang sarili ko pang mga magulang ang nagtutulak sa akin sa kasalang ito, na para bang ang kaligayahan ko ay isa lamang kasunduan sa negosyo. "Mom! Dad! Please don't let me marry him! I don't even know him! Paano kung anong gawin niya sa akin?? Hindi ba kayo nag-aalala??" sigaw ko sa parents ko, halos hindi makapaniwala sa naririnig ko. Paano ba naman kasi, gusto nila akong ikasal sa isang taong hindi ko naman gusto at hindi ko man lang kilala! Baliw na lang siguro ang papayag sa ganoon. And besides, may boyfriend na ako! Hindi ba sapat na dahilan 'yon para itigil nila ang kalokohang ito? "Celeste, please, anak. Kailangan natin ang koneksiyon ng pamilya ng Silvestre. Para rin ito sa future mo, anak," pakikiusap ni Mama, trying to sound as gentle as possible, as if that would somehow make everything she was asking of me any less ridiculous. "Future ko o future ng company niyo?? Bakit ba kasi kailangan pa nating makipag-ugnayan sa kanila?? Successful naman na ang company niyo, ah! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyo pang idamay ang buhay ko sa business niyo!" sagot ko, my voice rising with every word. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakainis—ang desisyon nilang ipakasal ako sa isang estranghero o ang katotohanang parang wala silang pakialam sa gusto ko. "Anak, just give him a chance. Six months lang. Kapag ayaw mo sa kanya, puwede naman kayong maghiwalay agad," sabi ni Dad, as if he had just offered me the most reasonable solution in the world. Six months? Napatawa ako nang mapait. They were talking about marriage as if it were some kind of temporary arrangement that I could simply walk away from, whenever I wanted. But of course even if pumayag ako, alam ko naman na isang patibong lang 'yang six months na 'yan, tanga nalang ang maniniwala, kilala ko si Dad, hindi siya basta basta lang puputulin ang kasunduan nila ng pamilya ng Silvestre na 'yan, once na pumayag ako? well that's a game over for me. "But I already have a boyfriend! At sa ayaw at sa gusto niyo, hindi ako papayag sa kasalang 'yan!" sigaw ko bago tuluyang tumalikod at nagmamadaling bumalik sa kuwarto ko. I couldn't believe them. Ni hindi man lang nila ako tinanong kung ano ang gusto ko. They had already made a decision about my future, and apparently, all I had to do was follow their orders. But if they thought I would let them decide who I was going to spend the rest of my life with, then, they clearly didn't know their own daughter. -------------- "Ian, can you come and get me, please? Gusto ko munang umalis sa bahay na 'to," sabi ko sa boyfriend ko, umaasang kahit papaano ay matutulungan niya akong makalimot sa kaguluhang nangyayari sa bahay namin. That's Ian Roswell, 27 years old, ang lalaking minamahal ko at pinili kong makasama. Kung tutuusin, puwede naman sanang makipagkasundo ang pamilya ko sa pamilya ni Ian, eh! Total, magiging CEO rin naman siya ng kompanya nila balang araw. Kilala rin ang pamilya nila bilang isa sa pinakamayayamang pamilya sa lungsod na ito. Kaya kung koneksiyon sa negosyo ang habol ng mga magulang ko, bakit hindi na lang sila sa pamilya ni Ian makipag-ugnayan? Nasa harapan na nila ang solusyon sa problema nila, pero bakit parang mas gusto pa nilang pahirapan ang buhay ko? "Baby, you know I can't, right? I still have a meeting in the next 30 minutes. Pupuntahan na lang kita mamaya, okay?" mahinahong sabi niya sa kabilang linya. Hindi ko naman mapigilang ngumiti nang maisip na magkikita rin kami mamaya. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Sa dami ng problemang kailangan kong harapin ngayon, si Ian na lang talaga ang gusto kong makasama. "Fine! Call me when you're done, okay? I love you!" malambing kong saad. "I will. I love you, too," sagot niya bago tuluyang ibaba ang tawag. Napangiti ako habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. At least, may isang bagay pa rin akong puwedeng asahan sa araw na ito. Fine! Susurpresahin ko na lang siya sa bahay niya! Tutal, binigyan niya naman ako ng spare key anong silbi nito kung hindi ko gagamitin diba? napatawa nalang ako sa naiisip ko. Hindi naman kasi kami puwedeng magkita rito sa bahay, baka mahuli na naman kami ng mga magulang ko at pagalitan na naman ako. I can't believe them! I'm almost 25, pero kung tratuhin pa rin nila ako, parang wala akong sariling isip at hindi kayang magdesisyon para sa sarili ko. Hindi nila ako pinapayagang magkaroon nang boyfriend, pero ngayong gusto na nila akong ipakasal sa isang lalaking hindi ko naman kilala, go na go sila?! Hays! Takte, buhay 'to, oh! Alam ko naman na para sa'akin rin ang ginagawa nila, but this time?? sobra na talaga, kaya ko naman na ang sarili ko. This is my life, may karapatan naman siguro akong mag desisyon ng sarili ko lang diba? Kung tutuusin, hindi naman ako humihingi ng malaking bagay. Gusto ko lang naman na malaya akong pumili kung sino ang mamahalin ko at kung sino ang makakasama ko sa buhay. Pero bakit parang napakahirap para sa kanila na ibigay sa akin ang simpleng bagay na iyon? They even already scheduled a date for the wedding without even telling me! at sa araw pa talaga ng birthday ko next next week! parang ayaw ko nalang mag birthday sa lagay na 'yan eh. Natigil ang pag iisip ko ng tumunog ang phone ko, agad ko naman itong tinignan sa pagaakala na galing 'yon sa boyfriend ko. "Celeste anak, may business trip kami ng mama mo, next week pa bago kami makauwi, while we are away, naisipan namin na d'yan na muna mag sstay si Vance ng may makasama ka, and also that will be the chance na makilala niyo pa ang isa't-isa, don't worry andiyan naman si manang Elsa makakasama niyo sa bahay. Please anak, do this for us. We love you" - Dad. Vance Silvestre, huh? Yeah right! as if naman dito ako matutulog n'yan, guess who's gonna be away for a while then. Umiling ako at agad na tumayo mula sa kama. Ayoko nang mag-isip tungkol sa bagay na 'yan. Sa ngayon, ang gusto ko lang ay makita si Ian. At kung kailangan kong umalis ng bahay para lang makahinga nang maluwag, gagawin ko. Hindi ko pa alam kung gaano kalaki ang magiging gulo dahil sa desisyon kong ito, pero sa ngayon, wala akong pakialam. Ang mahalaga, makikita ko ang boyfriend ko mamaya.Celeste's POVHindi ko na alam kung anong oras na ako nakauwi galing sa bar. Mabuti na lang at kahit paano, gumana pa ang utak kong tawagan ang driver namin para sunduin ako.Kung naghintay pa akong may maghatid sa akin, baka inabutan na ako ng umaga roon!Halos hindi na ako makalakad nang maayos pagpasok sa bahay. Tahimik na ang buong paligid, at halos lahat ng ilaw ay patay na. Mukhang tulog na ang mga tao rito.Good. At least, walang makakakita sa akin sa ganitong kalagayan.Napahawak ako sa dingding habang naglalakad papunta sa kuwarto ko. Pakiramdam ko, gumagalaw ang sahig sa ilalim ng mga paa ko. Minsan naman, parang biglang lumulutang ang katawan ko, kaya kailangan kong huminto paminsan-minsan para makabawi ng balanse."Diyos ko, Celeste!" bulong ko sa sarili ko. "Ano ba'ng ginawa mo sa sarili mo?"Hindi ko na talaga matandaan kung ilang baso ng alak ang nainom ko. Tatlo? Anim? Basta ang alam ko, kanina ay maayos pa akong nakakaupo sa bar counter, tapos ngayon, pati paglalakad
Celeste's POV"You must attend business events as my wife. You must not hide any secrets from me. And you must not interfere in my affairs. What I do is none of your business..."Napakunot ang noo ko habang binabasa ang bawat linya.Okay, napaka-demanding naman ng lalaking 'to!"Must sleep in the same bedroom...?!"Napatuwid ako ng upo at muling tinitigan ang nakasulat, umaasang baka mali lang ang pagkakabasa ko.What the hell?!Nababaliw na ba siya?!Hirap na hirap na nga akong pakisamahan siya, tapos ngayon, gusto pa niyang magsama kami sa iisang kuwarto?!Hindi ba puwedeng hanggang kasal lang ang pakialam niya sa akin? Kailangan ba pati pagtulog ko, kontrolado niya?Napairap ako at nagpatuloy sa pagbabasa."You are not allowed to entertain any men...""Tch! Ano'ng gusto niya? Sa kaniya lang ako dapat tumingin? As if!"Napailing ako. Sino ba siya para pagbawalan akong makipag-usap sa ibang lalaki? Hindi pa nga kami kasal, kung umasta naman, parang pag-aari na niya ako!Pero nang mab
Celeste's POV “Good morning,” bati ni Vance nang makapasok ako sa kusina. “Walang maganda sa morning ko. Ikaw pa lang, bad mood na agad ako,” pabalang kong sagot. Totoo naman kasi! Ang aga-aga, pagmumukha niya agad ang bumungad sa akin. Wala man lang bang ibang puwedeng makita ang mga mata ko pagkagising? Pero imbes na patulan ako, ipinagpatuloy lang niya ang pagkalikot sa cellphone niya na para bang wala siyang narinig. Wow. The audacity. Kahapon pa dapat nakaalis ang buwisit na 'to. Ang kaso, gusto ng parents ko na narito pa rin si Vance pag-uwi nila para mapag-usapan ang kasal na 'yon. Kasal. Napangiwi ako sa salitang iyon. Hindi pa rin naman ako pumapayag na magpakasal sa kaniya, no! As if naman na ganoon kadaling kumbinsihin ang isang katulad ko. Hindi ako basta-bastang pumapayag sa mga bagay na hindi ko gusto, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang buong buhay ko. And marrying a man I barely know? That's definitely not on my list. Ilang araw na rin ang lumip
Celeste's POV Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Pero bago pa ako makalayo, gumalaw ang kamay niyang nasa bewang ko at marahang inilapit ako sa kaniya. S-shit! did he just kissed me back??! Akala ko, haharap lang ako sa kaniya at ididikit ang mga labi ko sa kaniya nang ilang segundo para mapaniwala si Ian. Isang simpleng halik na magsisilbing sampal sa kapal ng mukha ng dati kong nobyo. Pero hindi ganoon ang nangyari. Hindi niya agad ako binitawan. Sa halip, gumanti siya sa halik. Marahan, pero ramdam mong parang inaangkin ka nito. Hindi niya ako hinila nang marahas o pinilit na manatili, sapat lang ang pagkakahawak niya sa bewang ko para hindi ako basta mapaatras sa gulat. At ang pinakanakakainis? Hindi ko maipaliwanag kung bakit, sa halip na itulak siya agad palayo, ay hindi ko nagawa. Marahil dahil sa pagkabigla. Marahil dahil sa galit, inis na nararamdaman ko kay Ian. O marahil ay dahil hindi ko inasahang tutugonan niya ang halik ko. Ano ba kasing nangyayari sakin a
Celeste's POV "Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong ko nang maabutan ko si Ian sa sala. Napahinto ako sa may pintuan, sandaling hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nakaupo siya sa sofa na para bang walang nangyari. Para bang hindi niya winasak ang tiwala ko. Para bang may karapatan pa rin siyang pumunta rito at umasta na parang normal lang ang lahat. Sino bang nagpapasok sa isang 'to rito? "Celeste, please. Let me explain," pagmamakaawa niya habang tumatayo at lumalapit sa akin. Agad akong napaatras nang tangkain niya akong hawakan sa braso. "Huwag mo akong hawakan!" mariin kong saway, dahilan para mapahinto siya. "Please, Cee. Kahit limang minuto lang. Pakinggan mo muna ako." Napatawa ako nang mapakla. Limang minuto? Talaga bang iniisip niyang sapat na ang limang minuto para ayusin ang lahat ng ginawa niya? "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita sa akin matapos mo akong gaguhin!" singhal ko, hindi na napigilan ang galit na kanina ko pa kinikimkim. "Alam
Celeste's POVPagkagising ko kinaumagahan, agad kong naramdaman ang matinding gutom. Napahawak pa ako sa tiyan ko nang kumalam ito, saka ko lang naalala—hindi nga pala ako kumain kagabi!Kaya pala kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko. Sa dami ba naman ng nangyari kahapon, nakalimutan ko nang pakainin ang sarili ko.Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang lahat ng nangyari. From Ian and Bianca's betrayal hanggang sa biglaang pagsulpot ni Vance sa buhay ko.Seriously, what a day!Parang isang malaking bangungot ang lahat. Kahapon lang, akala ko maayos ang takbo ng buhay ko. Akala ko kilala ko na ang lalaking minahal ko, only to find out na, kaya niya pala akong lokohin kasama pa ang sarili kong best friend.At ngayon, heto ako, nakatira sa iisang bubong kasama ang lalaking halos hindi ko naman kilala.Napapikit ako at minasahe ang sentido ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Hindi ko na ma-digest ang lahat ng nangyayari. Pakiramdam ko, kapag may isa pang problemang dumating,







