Compartilhar

Chapter 2

Autor: Tsukimi
last update Data de publicação: 2026-10-11 22:25:33

Celeste's POV

Ipinaandar ko na ang kotse papunta sa bahay nila Ian. Doon muna ako matutulog habang may ibang tao pa sa bahay, asa naman siyang magpapakita ako sa kaniya.

The thought of us living under the same roof makes me gag. Paano na lang kaya kung masamang tao 'yung lalaking 'yon? Sinubukan ko pa nga siyang hanapin sa internet, pero wala akong mahanap! Paano na lang kung mas matanda pa siya sa akin nang ilang dekada? My parents didn't even think about that! Ni hindi man lang nila naisip kung sino ba talaga ang lalaking gusto nilang ipakasal sa akin.

What if he's some kind of creep? O mas malala pa roon? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sarili kong pamilya. They were willing to gamble with my future just to secure a business connection.

Napabuntong-hininga ako habang nakatuon ang mga mata sa kalsada. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Kanina lang, ang iniisip ko ay kung saan kami kakain ni Ian sa susunod naming date, pero ngayon, kailangan ko nang harapin ang katotohanang gusto akong ipakasal ng mga magulang ko sa isang estranghero. What a wonderful life, right?

Ian and I have been together for almost two years na. We met when we are still in high school. And I can't wait na sabay na kaming mag tatrabaho sa kompanya nila this monday. Hindi naman ako nagtatrabaho sa kompanya ng pamilya ko sa ngayon, kasi sabi ng mga magulang ko, kailangan ko munang magkaroon ng karanasan sa ibang kompanya bago ko manahin ang negosyo namin. Wala naman akong kaso roon. In fact, I actually liked the idea. Gusto ko rin namang matuto at patunayan sa sarili kong kaya kong magtagumpay nang hindi umaasa sa apelyido ng pamilya ko.

Pero kung alam ko lang na darating ang araw na gagamitin din nila ang buhay ko para sa negosyo, baka pinag-isipan ko pa nang mabuti ang lahat.

Sinubukan kong tawagan ang best friend kong si Bianca. I needed someone na mapagsasabihan ko ng lahat ng nangyayari. Hindi ko na alam kung kanino ako lalapit, at kahit gusto kong sabihin agad kay Ian ang tungkol sa kasal, hindi ko pa rin magawa.

Ayokong pag-usapan ang isang bagay na ganito kabigat sa pamamagitan lang ng tawag sa telepono.

Besides, Ian always knew how to calm me down. Maybe hearing his voice and seeing his face would make me feel a little better.

"Hey, Bianca, bakit hindi kita matawagan? Please call me back. I need to tell you something," sabi ko nang mapunta sa voicemail ang tawag ko.

Napakunot-noo ako habang ibinababa ang cellphone ko. Ang weird naman. Usually, mabilis sumagot si Bianca sa mga tawag ko, lalo na kapag alam niyang may importante akong sasabihin. I tried calling her again, pero ganoon pa rin ang nangyari.

"Busy siguro" bulong ko sa sarili ko bago muling itinuon ang pansin sa pagmamaneho.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko tuluyang marating ang bahay ng boyfriend ko. Pamilyar na pamilyar na sa akin ang lugar na to. Ilang beses na rin akong nakapunta dito, kaya hindi na ako nahirapang hanapin ang paradahan.

Pero pagpasok ko pa lang sa driveway, agad akong napahinto.

May dalawang kotseng nakaparada sa harap ng bahay.

Ang isa ay kay Ian.

At ang isa...

Kay Bianca.

Napakunot-noo ako at napatingin sa kotse ng best friend ko. Sandali.... ano'ng ginagawa niya rito?

Akala ko ba may business meeting si Ian? Bakit nandito ang best friend ko? May kailangan ba silang pag-usapan? At bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Bianca na pupunta siya rito?

Bigla akong napangiti nang may sumagi sa isip ko.

"O baka naman may pinaplano ang dalawang 'to para sa birthday ko?" bulong ko, bahagyang natutuwa sa naisip.

Malapit na rin naman ang birthday ko, kaya hindi imposibleng may sorpresa silang inihahanda. Baka naman nagkataon lang na natapos ang meeting ni Ian nang mas maaga, tapos dumaan si Bianca para tulungan siyang magplano.

Napailing ako habang nakangiting kinukuha ang bag ko sa passenger seat.

"Grabe, kung sorpresa nga 'to, sana naman hindi sila nag paplano ng kung anong nakakahiya" natatawa kong sabi sa sarili ko.

Lumabas ako ng kotse at naglakad papunta sa p***o, hawak ang ekstrang susi na ibinigay sa akin ni Ian. Hindi ko na kailangang kumatok dahil madalas naman akong pumunta rito.

Pero bago ko pa maipasok ang susi sa kandado, may kung anong kakaibang pakiramdam ang biglang bumalot sa akin.

I couldn't explain it.

Siguro dahil sa lahat ng nangyari ngayong araw, masyado lang akong nag-iisip.

Kaya huminga ako nang malalim, pilit na iwinaksi ang kung anumang kaba na nararamdaman ko, at dahan-dahang binuksan ang p***o.

"Surprise?" mahina kong bulong habang pumapasok.

Hindi ko pa alam kung anong naghihintay sa akin sa loob.

Ang alam ko lang, ilang segundo mula ngayon, maaaring magbago ang lahat.

--------

"Hello??" ulit ko, pero wala pa ring sumagot. Nakakapagtaka naman. Bakit walang tao rito? Pati sila Manang na mga kasambahay ni Ian ay wala rin. Pumunta pa ako sa kusina, baka nandoon lang sila, pero wala talaga akong nadatnan.

Napapitlag naman ako nang may biglang kumalabog sa itaas.

"Takte! Sa itaas ba nila gagawin ang sorpresa para sa akin?" bulong ko bago natawa sa sarili kong naiisip.

Excited akong umakyat papunta sa second floor ng bahay, kahit hindi pa rin mawala-wala ang kakaibang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit, pero habang papalapit ako sa itaas, parang may kung anong bumubulong sa akin na huwag nang magpatuloy.

Iwinaksi ko na lang iyon sa isip ko. Ano ba naman 'to? Baka naman masyado lang akong praning dahil sa mga nangyari sa bahay namin kanina.

Nang marating ko ang second floor, agad kong napansin ang bukas na kuwarto ni Ian. May naririnig akong mahinang mga boses mula sa loob, kasunod ng isang pamilyar na tawa.

Napahinto ako.

Parang kilala ko ang boses na iyon.

Bago pa ako tuluyang makalapit sa p***o, may napansin akong isang pares ng pambabaeng heels na nakakalat sa sahig.

Napakunot-noo ako.

Pamilyar ito sakin. At tama nga ang hinala ko, ito yun sapatos na iniregalo ko sa bestfriend ko noon' birthday niya.

Pero bakiy naman pakalat-kalat to dito?

Hindi kaya--

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang marinig ko ang mahinang ungol mula sa loob.

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa p***o. Bawat hakbang ay parang mas nagpapabigat sa mga paa ko. Gusto kong kumatok at tawagin si Ian, pero may kung anong pumipigil sa akin.

Kaya sumilip na lang ako sa maliit na puwang ng nakabukas na p***o.

At sa isang iglap, parang gumuho ang buong mundo ko.

Si Bianca.

Ang best friend ko.

Nasa ibabaw siya ng boyfriend ko, at pareho silang walang saplot.

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Para bang tumigil ang lahat sa paligid ko, at ang tanging kaya kong gawin ay titigan ang dalawang taong hindi ko kailanman inakalang makikita ko sa ganoong sitwasyon.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 9

    Celeste's POV"You must attend business events as my wife. You must not hide any secrets from me. And you must not interfere in my affairs. What I do is none of your business..."Napakunot ang noo ko habang binabasa ang bawat linya.Okay, napaka-demanding naman ng lalaking 'to!"Must sleep in the same bedroom...?!"Napatuwid ako ng upo at muling tinitigan ang nakasulat, umaasang baka mali lang ang pagkakabasa ko.What the hell?!Nababaliw na ba siya?!Hirap na hirap na nga akong pakisamahan siya, tapos ngayon, gusto pa niyang magsama kami sa iisang kuwarto?!Hindi ba puwedeng hanggang kasal lang ang pakialam niya sa akin? Kailangan ba pati pagtulog ko, kontrolado niya?Napairap ako at nagpatuloy sa pagbabasa."You are not allowed to entertain any men...""Tch! Ano'ng gusto niya? Sa kaniya lang ako dapat tumingin? As if!"Napailing ako. Sino ba siya para pagbawalan akong makipag-usap sa ibang lalaki? Hindi pa nga kami kasal, kung umasta naman, parang pag-aari na niya ako!Pero nang mab

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 8

    Celeste's POV “Good morning,” bati ni Vance nang makapasok ako sa kusina. “Walang maganda sa morning ko. Ikaw pa lang, bad mood na agad ako,” pabalang kong sagot. Totoo naman kasi! Ang aga-aga, pagmumukha niya agad ang bumungad sa akin. Wala man lang bang ibang puwedeng makita ang mga mata ko pagkagising? Pero imbes na patulan ako, ipinagpatuloy lang niya ang pagkalikot sa cellphone niya na para bang wala siyang narinig. Wow. The audacity. Kahapon pa dapat nakaalis ang buwisit na 'to. Ang kaso, gusto ng parents ko na narito pa rin si Vance pag-uwi nila para mapag-usapan ang kasal na 'yon. Kasal. Napangiwi ako sa salitang iyon. Hindi pa rin naman ako pumapayag na magpakasal sa kaniya, no! As if naman na ganoon kadaling kumbinsihin ang isang katulad ko. Hindi ako basta-bastang pumapayag sa mga bagay na hindi ko gusto, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang buong buhay ko. And marrying a man I barely know? That's definitely not on my list. Ilang araw na rin ang lumip

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 7

    Celeste's POV Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Pero bago pa ako makalayo, gumalaw ang kamay niyang nasa bewang ko at marahang inilapit ako sa kaniya. S-shit! did he just kissed me back??! Akala ko, haharap lang ako sa kaniya at ididikit ang mga labi ko sa kaniya nang ilang segundo para mapaniwala si Ian. Isang simpleng halik na magsisilbing sampal sa kapal ng mukha ng dati kong nobyo. Pero hindi ganoon ang nangyari. Hindi niya agad ako binitawan. Sa halip, gumanti siya sa halik. Marahan, pero ramdam mong parang inaangkin ka nito. Hindi niya ako hinila nang marahas o pinilit na manatili, sapat lang ang pagkakahawak niya sa bewang ko para hindi ako basta mapaatras sa gulat. At ang pinakanakakainis? Hindi ko maipaliwanag kung bakit, sa halip na itulak siya agad palayo, ay hindi ko nagawa. Marahil dahil sa pagkabigla. Marahil dahil sa galit, inis na nararamdaman ko kay Ian. O marahil ay dahil hindi ko inasahang tutugonan niya ang halik ko. Ano ba kasing nangyayari sakin a

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 6

    Celeste's POV "Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong ko nang maabutan ko si Ian sa sala. Napahinto ako sa may pintuan, sandaling hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nakaupo siya sa sofa na para bang walang nangyari. Para bang hindi niya winasak ang tiwala ko. Para bang may karapatan pa rin siyang pumunta rito at umasta na parang normal lang ang lahat. Sino bang nagpapasok sa isang 'to rito? "Celeste, please. Let me explain," pagmamakaawa niya habang tumatayo at lumalapit sa akin. Agad akong napaatras nang tangkain niya akong hawakan sa braso. "Huwag mo akong hawakan!" mariin kong saway, dahilan para mapahinto siya. "Please, Cee. Kahit limang minuto lang. Pakinggan mo muna ako." Napatawa ako nang mapakla. Limang minuto? Talaga bang iniisip niyang sapat na ang limang minuto para ayusin ang lahat ng ginawa niya? "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita sa akin matapos mo akong gaguhin!" singhal ko, hindi na napigilan ang galit na kanina ko pa kinikimkim. "Alam

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 5

    Celeste's POVPagkagising ko kinaumagahan, agad kong naramdaman ang matinding gutom. Napahawak pa ako sa tiyan ko nang kumalam ito, saka ko lang naalala—hindi nga pala ako kumain kagabi!Kaya pala kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko. Sa dami ba naman ng nangyari kahapon, nakalimutan ko nang pakainin ang sarili ko.Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang lahat ng nangyari. From Ian and Bianca's betrayal hanggang sa biglaang pagsulpot ni Vance sa buhay ko.Seriously, what a day!Parang isang malaking bangungot ang lahat. Kahapon lang, akala ko maayos ang takbo ng buhay ko. Akala ko kilala ko na ang lalaking minahal ko, only to find out na, kaya niya pala akong lokohin kasama pa ang sarili kong best friend.At ngayon, heto ako, nakatira sa iisang bubong kasama ang lalaking halos hindi ko naman kilala.Napapikit ako at minasahe ang sentido ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Hindi ko na ma-digest ang lahat ng nangyayari. Pakiramdam ko, kapag may isa pang problemang dumating,

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 4

    Celeste's POV"Cee..."Gulat na sambit ni Ian nang mapansin niya akong nakatayo sa may pintuan, tulala habang nakatingin sa kanilang dalawa.Agad silang naghiwalay at nagmamadaling kumuha ng damit na susuotin. Pero hindi ko na halos napansin ang mga sumunod nilang ginawa. Nakatitig lang ako sa kanila, pilit na inuunawa ang bagay na ayaw tanggapin ng isip ko."Cee! Why are you here? It's not what you think!" nagmamadaling sambit ni Bianca habang inaayos ang damit niya.Napatingin ako sa kaniya. Ang babaeng ilang taon kong itinuring na kapatid, ang babaeng pinagkatiwalaan ko nang buong-buo, ay siya palang taong kayang sumaksak sa likod ko habang nakangiti sa harap ko.Hindi ako makapaniwala.Sa lahat ng taong puwede niyang piliin, bakit ang sarili kong matalik na kaibigan pa?"Cee, baby, let me explain," ani Ian habang papalapit sa akin.Agad akong napaatras.Huwag.Huwag niya akong tawaging ganoon. Nakakadiri. Punong-puno nang pandidiri, sakit at galit ang mga mata ko habang nakatingin

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status