Share

Chapter 35 "Debut buzz"

Author: BleedingInk29
last update Last Updated: 2025-12-11 12:47:49

Ellison Mansion – Harrison’s Room

Pagkapasok pa lang ni Harrison sa sarili niyang kwarto, malakas niyang isinara ang pinto—isang bagsak na umalingawngaw sa buong hallway. Hindi niya mapigilang magngalit ang bagang, halos mabali ang panga sa sobrang inis.

Damn it.

Kanina pa kumukulo ang dugo niya.

Hindi niya matanggap ang nakita niya sa restaurant.

At ang pinakamasama?

Hinayaan ni Azalea na ihatid siya ni Brent pauwi.

Hinubad niya ang suit jacket at malakas na ibinato sa kama. His breath was uneven, hands trembling in rage. Lumapit siya sa malaking bintana, hawak-hawak ang frame na para bang dun niya ibubuhos lahat ng frustration.

Hindi niya gusto ang nararamdaman niya—pero hindi rin niya ito mapigilan.

“Brent Madrigal…” bulong niya, puno ng poot. “How dare you touch her like that?”

Naalala niya yung paraan ng pagngiti ni Psyche kay Brent, yung malumanay na tawa nito habang nag-uusap sila, at yung paraan ng paghawak ni Brent sa braso ni Psyche para i-guide ito palabas.

Tila sinabuyan n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 46 "Hearts bound for Monaco"

    ELLISON MANSION – PSYCHE’S ROOM...Mag-u-umaga na nang tuluyang makatulog si Psyche. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang lambing—at gulat—ng paghalik sa kanya ni Harrison. Masyadong malinaw sa alaala niya ang pakiramdam ng labi nito sa kanya, ang init ng hininga nito, at ang bigat ng mga hindi nasabing salita.Dahil doon, tanghali na halos, pero mahimbing pa rin ang tulog ni Psyche.Sa labas ng kanyang pinto, impatient na naglalakad nang pabalik-balik si Harrison. Halata sa mukha nito ang pag-aalala kahit pilit niyang tinatago.Dumaan si Melai bitbit ang fresh sheets.“Why is she not awake yet?” malamig ngunit may halong kaba ang tanong ni Harrison, napatingin sa wall clock.Namutla si Melai, biglang kinabahan.“H-hindi ko rin po alam, Señorito. Usually before 7 gising na po si Miss Psyche…”“What if something happened?” seryosong tugon ni Harrison, kumunot ang noo. “Give me the key.”Nag-alangan sandali si Melai ngunit tumakbo patungo kay Manang Elena. Ilang sandali pa, bu

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 45 "First Kiss"

    ELLISON MANSION — STUDY ROOM (LATE EVENING)Tahimik ang buong mansyon. Tanging mahinang tik-tak ng mahogany clock ang maririnig sa malawak na study room. Ang ilaw ng desk lamp ang nag-iisang liwanag na bumabalot sa silid.Nakatayo si Harrison sa harap ng mesa, may hawak na tablet at naka-earpiece habang nakatingin sa glass window kung saan tanaw ang madilim na hardin.“Everything should be ready by tomorrow. I want the yacht cleaned, stocked, and fully staffed. No mistakes,” malamig ngunit matalas niyang utos.“Yes, sir. Already taken care of.”“And the chopper?”“On standby in Monaco, Mr. Ellison.”“Good.”Isinara niya ang call at ibinaba ang tablet sa mesa. Napahawak siya sa sentido, mariing ipinikit ang mata. Halatang may bumabagabag sa kaniya.Hindi niya namalayang may pumasok na sa loob. Marahang katok.“Come in.”Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip si Psyche. Suot niya ang simpleng pajama set, bahagyang basa pa ang buhok, may patak ng tubig na dumudulas sa leeg niya.“Harr

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 44 "The future Queen"

    Habang nasa daan...Tahimik ang loob ng sasakyan, tanging ugong lang ng makina ang maririnig. Nakatingin lang sa bintana si Psyche, pero ramdam niya ang bigat ng presensya ni Harrison sa tabi niya. Mahigpit ang hawak nito sa manibela, bakas ang inis sa panga nito."Bakit ang init ng dugo mo kay Brent?" bigla niyang tanong, hindi na napigilan ang sarili. "May ginawa ba siya sa'yo?"Kumunot ang noo ni Harrison. "I just don't like him. Period." Hindi lumihis ang tingin sa daan, pero mas humigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel."Hindi mo siya kilala ng lubusan..." bulong ni Psyche. "Mabait siya sa'kin...""Exactly my point," malamig niyang sagot. "Guys like him, they're only good until they get what they want."Napailing si Psyche, napalingon sa kanya. "You sound like a jealous 'I don't know'."Saglit na katahimikan.Then..."Yes. I'm jealous."Parang huminto ang mundo ni Psyche sa dalawang salitang iyon. Dahan-dahan siyang humarap sa kanya. "Ha?" namumula niyang sabi. "Jealous..

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 43 "If evil had levels..He's the Final Boss"

    INTERNATIONAL SCHOOL MANILA (ISM)Pagdating ni Psyche sa campus ay sinalubong kaagad siya nina Calista, Claire, Lance, at Kenshin sa waiting area malapit sa courtyard. Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala.“Psy!” halos sabay nilang tawag.“Kumusta? Are you okay?” si Calista, agad hinawakan ang balikat niya.“Napagalitan ka ba ni Kuya Harrison?” sunod na tanong ni Claire, puno ng kaba.Umiling si Psyche. “Hindi ako… pero…” bigla siyang natigilan.Napakunot ang noo ni Lance. “Pero?”“The guards… and the staff… pinarusahan sila,” mahinang sagot niya. “Because I escaped.”Nanlaki agad ang mga mata ni Calista. “What?! That’s insane, Psy…”“OMG… that’s cruel,” bulalas ni Claire, halatang nainis at nabigla.Napabuntong-hininga si Kenshin, halatang seryoso.“You know how Harrison’s mind works. Hindi ka niya kayang saktan, Psy. So kapag may ginawa ka na hindi niya gusto… yung nasa paligid mo ang nagiging halimbawa. Alam niyang soft ka, lalo pagdating sa mga taong naninilbihan sa inyo.”Napa

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 42 "Your world is my world"

    ELLISON MANSION – GAZEBO (POOL AREA)Tahimik ang paligid ng gazebo. Tanging huni ng mga ibon at marahang pag-alon ng tubig sa pool ang maririnig. Ang bahagyang simoy ng hangin ay dumadampi sa buhok ni Psyche habang nakaupo siya sa couch, yakap ang sarili, malalim ang iniisip.Hindi niya namalayang may dumating na sa likuran niya.“What’s troubling my Princess?” mahinang tanong ni Don Ramon, puno ng lambing ang boses.Bahagyang napalingon si Psyche, agad tumayo at lumapit sa lolo. Maingat niyang hinawakan ang kamay nito at inalalayan paupo sa tabi niya. Hinalikan pa niya sa pisngi ang matanda, gaya ng madalas niyang gawin.“Lolo…” mahina niyang sambit, “nagtataka lang po ako kay Kuya Harrison. Parang… masyado na siyang mahigpit lately. Minsan, hindi ko na ma-gets kung galit ba siya sa akin, o nag-aalala.”Isang banayad na ngiti ang sumilay sa labi ni Don Ramon.“He only wants you safe, hija. Palagi kang nasa isip niya. Simula pa lang noon…” saglit siyang tumingin sa pool, tila may naaa

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 41 "You are the reason everything here exists"

    ELLISON MANSION — The Morning AfterKinabukasan, dahan-dahang nagmulat ng mata si Psyche. Mabigat pa rin ang ulo niya, parang may pumipintig sa sentido dulot ng hangover. Umupo muna siya sa kama, inilapat ang kamay sa noo, at ipinikit sandali ang mga mata.Bakit ako nasa mansion…?Bumalik sa alaala niya ang nagdaang gabi — ang bar, ang paghila sa kanya, ang boses ni Harrison… ang biyahe pauwi.Napabuntong-hininga siya at tumayo. Naligo siya, pinilit pawiin ang hilo at pagod. Matapos magbihis, naglakad siya papunta sa balcony upang magpahangin.Pero sa pagbukas pa lang ng pinto……namilog ang kanyang mga mata.Sa malawak na courtyard ng mansion, nakaluhod ang ilang tauhan — mga guwardiya, ilang staff, tahimik at nakayuko. Sa harap nila ay si Harrison — matuwid ang postura, malamig ang mga mata, at may hawak na latigo sa kamay.Parang bumagal ang mundo ni Psyche.Napahawak siya sa dibdib, nanginig ang kanyang mga daliri. Sa eksenang iyon, hindi niya nakita ang “Kuya” na kilala niya — kun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status