---TEN YEARS LATER...PSYCHE’S POVHumahangos na sinalubong ako ni Melai sa hagdan at agad kinuha ang mga dala kong gamit.“Nasa dining table na si Don Ramon, señorita. Sabay daw kayong mag-breakfast,” hingal na sabi niya.“Sige, susunod na ako,” sagot ko habang inaayos ang buhok ko.Pagbaba ko sa dining hall, bumungad sa akin si Lolo Ramon, kalmado at elegante habang nagbabasa ng diyaryo.“Good morning, Lo,” bati ko sabay halik sa pisngi niya.“Good morning, hija. Come, let’s eat,” malambing niyang tugon.Umupo ako sa kaliwang bahagi ng mesa at nagsimulang kumuha ng fried rice. Pero napahinto ako nang biglang bumukas ang pinto—at pumasok si Harrison, diretso sa upuan sa tapat ko.“Good morning, Lo,” bati niya.“Himala, sumabay ka sa amin mag-breakfast,” biro ni Lolo habang sinisimsim ang kape.“Bigla akong nagutom,” tugon ni Harrison, saka ngumiti ng tipid. “Namiss ko rin ang lutong bahay.”Tahimik lang akong nakikinig habang kumakain. Kahit after all these years, nakakapanibago pa
最終更新日 : 2025-11-21 続きを読む