共有

The Billionaire's Precious Diamond
The Billionaire's Precious Diamond
作者: BleedingInk29

Prologue "The Orphanage"

作者: BleedingInk29
last update 最終更新日: 2025-11-21 22:31:29

---

ST. JOHN ORPHANAGE

Huminto ang isang Cadillac Escalade sa tapat ng St. John Orphanage. Bumaba mula sa front seat ang isang lalaking nakaputing polo at itim na slacks—malinis, disente, at halatang hindi karaniwang bisita. Sinalubong siya ng isang babaeng may maamong mukha—si Miss Mary, ang tagapangasiwa ng orphanage.

“Good morning, sir,” bati ni Miss Mary na may magalang na ngiti.

Tipid na tumango ang lalaki bago binuksan ang passenger seat.

Mula roon ay dahan-dahang bumaba ang isang may edad na lalaki—suot ang itim na suit, may tungkod sa kaliwang kamay, at aura ng kapangyarihan sa bawat hakbang. Si Don Ramon Ellison, kilalang negosyante at philantropist. Isang sulyap pa lang, halata nang mayaman at may mataas na pinanggalingan.

“Good morning, Don Ramon. Welcome to St. John Orphanage. Isang karangalan po ang inyong pagbisita,” ani Miss Mary, halos nangingiti sa kaba.

“Let’s get down to business. I don’t want to waste time,” malamig na tugon ng Don.

Pinangunahan ni Miss Mary ang Don papunta sa kanyang opisina. Umupo ito nang dahan-dahan, tinulungan ng kanyang assistant, si Roel.

“Did you receive the documents my assistant sent?” tanong ng Don.

“Yes, Don Ramon,” sagot ni Miss Mary.

“Our lawyer will send the hard copy soon. I want everything to be legal—and confidential.”

“Makakaasa po kayo, Don Ramon. Tutuparin namin ang nakasaad sa kasunduan.”

“How is she? Does she know?”

“Wala pa po siyang alam… pero handa na ang lahat,” sagot ni Miss Mary, sabay abot ng isang folder.

“All her information is there. If you have further questions, you may call me.”

Tahimik ang Don habang pinagmamasdan ang dokumento.

“Can I see her?”

Miss Mary opened the blinds. Sa labas, sa hardin, makikita ang mga batang abala—may nagwawalis, may nagdidilig ng halaman.

Ipinaturo ni Miss Mary ang batang may mahabang buhok na nakapulupot sa tirintas, suot ang pulang bestida. Maputi, mahinahon, may malungkot na tingin sa mga mata.

“That’s Psyche Azalea. Tahimik, mabait, pero madalas gustong mapag-isa,” sabi ni Miss Mary.

Tahimik lang na tumango ang Don.

“Roel, handa na ba ang lahat sa bahay?” tanong ni Don Ramon.

“Opo, Don Ramon. Lahat ay nakahanda—maliban kay young master,” tugon ng assistant.

“I’ll be the one to tell him,” matipid na sabi ng Don.

---

SA HARDIN

Matapos magdilig, naupo si Psyche sa lumang bench. Tumabi si Michelle, isa sa mga matagal nang bata sa orphanage.

> “Nakita mo ba ‘yung magarang sasakyan sa harap?” tanong ni Michelle, halos pabulong.

“Hindi,” tipid na sagot ni Psyche, nakatingin sa mga bulaklak.

“Narinig ko sina Miss Letty at Miss Mary—mayaman daw ‘yung bisita. Mag-aampon daw ng isa sa atin!”

“Ganun ba?” malamig na tugon ni Psyche.

“Hindi ka ba excited? Baka ikaw ang mapili!”

“Ayokong umasa. Madaling masaktan kapag umaasa,” sagot ni Psyche.

“Eh ako, umaasa pa rin,” tugon ni Michelle, ngumiti ng mapait. “Matagal na akong nandito, Psy. Gusto ko nang magkaroon ng totoong pamilya.”

Tumakbo ang isang batang lalaki papunta sa kanila, hingal na hingal.

> “Psy! Pinatatawag ka ni Miss Mary—bilisan mo raw!”

“Ako?” turo ni Psyche sa sarili.

“Oo! Bilis!”

Kumaway si Psyche kay Michelle bago sumunod sa batang lalaki, kaba ang nararamdaman. Pagdating sa opisina, pinagbuksan siya ni Miss Mary.

---

PSYCHE’S POV

Pagpasok ko pa lang, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nandoon si Miss Mary—seryoso ang mukha, at sa tapat niya, isang matandang lalaki na nakaupo sa sofa, may tungkod, at kasamang lalaki sa likod. Iba ang presensya niya—nakakapanliit.

“Don Ramon, this is Psyche,” pakilala ni Miss Mary.

Sumenyas ang Don, at inalalayan ako ng kanyang assistant papalapit. Nang makalapit ako, marahan niyang hinaplos ang ilang hibla ng buhok ko.

“Don’t be afraid, hija,” mahinahong sabi ng Don. “From this day on, I’ll be your guardian. I’ll take care of you as if you were my own granddaughter.”

“P-po?” halos hindi ako makapaniwala.

“Roel, ihanda ang gamit ng apo ko. Uuwi na tayo.”

“Opo, Don Ramon.”

Wala akong nagawa kundi sumunod. Ilang sandali pa, nasa loob na ako ng magarang sasakyan, katabi ang Don. Tahimik lang ang biyahe—ang tanging naririnig ko ay ugong ng makina at mahina niyang pag-ubo. Hindi ko namalayang nakatulog ako.

---

ELLISON MANSION

Pagmulat ko, nasa isang malawak at marangyang silid na ako. Makinis ang kumot, malambot ang kama, at mabango ang paligid. Sa gilid, may dalawang babaeng naka-uniporme.

“Magandang gabi, señorita,” bati ng isa. “Ako si Manang Elena, ang mayordoma. Ito naman si Melai, personal maid mo.”

“Gabi na?” tanong ko, bahagyang nagulat.

“Opo. Nakatulog daw kayo sa biyahe. Bilin ng Don—hayaan daw kayong magpahinga. Kapag gising na, bumaba raw kayo sa dining room.”

---

SA HAPUNAN

Pagdating ko sa dining area, nakita ko agad si Don Ramon sa dulo ng mahabang lamesa. Tumayo ang mga katulong nang pumasok ako.

“Magandang gabi po. Pasensya na po kung natagalan ako,” mahina kong sabi.

“Walang problema, hija,” ngiti ng Don. “Masasanay ka rin sa lugar na ‘to.”

Umupo ako sa kaliwa niya, at naglagay si Melai ng pagkain sa plato ko. Bigla na lang bumukas ang pinto—isang binatang naka-school uniform ang pumasok, seryoso ang tingin.

“Nag-ampon ka raw ng bata, Lolo?” tanong niya, malamig at diretso.

“Maupo ka muna, hijo,” sabi ng Don, kalmado pa rin.

“Magandang gabi, Señorito Harrison,” bati ng mga katulong.

Tumaas lang ang kilay ng binata, pero umupo rin.

“Mag-uusap tayo mamaya, Harrison Cale,” sabi ng Don, habang kumukuha ng gulay.

“We must, Lolo,” tugon ng binata, malamig ngunit magalang.

---

GARDEN OF ELLISON MANSION

Pagkatapos ng hapunan, nasa hardin ako—tahimik, malamig, at puno ng bituin ang langit. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot. Baka bigla nila akong ibalik sa orphanage.

Nakatulog ako sa lounge chair—hanggang sa maramdaman kong may nakatingin. Pagmulat ko, nandoon siya—ang apo ng Don. Matangos ang ilong, matalim ang mga mata, pero maganda ang tindig.

“Sorry po!” mabilis akong tumayo.

“Cut the ‘po,’” sabi niya, malamig pero hindi bastos. “I’m only sixteen. Ilang taon ka na?”

“Eight,” sagot ko, mahina ang boses.

“In front of Lolo, call me kuya. Pero kapag tayong dalawa lang, Harrison lang. Understood?”

“O-okay… Harrison.”

“Good. Starting today, you’ll be Psyche Azalea Walton Ellison. My only sibling.”

“Thank you, Harrison.”

“Pumasok ka na. Malamig na, baka sipunin ka pa,” sabi niya, sabay ngiti.

Tahimik akong tumalikod papasok sa mansion. Napangiti si Harrison habang pinagmamasdan akong lumalakad—ang batang tila biglang nagdala ng kakaibang liwanag sa malamig na tahanan ng mga Ellison.

---

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 15 "Imminent Danger"

    BLVCK CAFÉ, MALL OF ASIA, PASAY CITYSa isang sulok ng BLVCK Café sa SM Mall of Asia, masayang nagkakape ang grupo. Pagkalapag ng orders sa mesa, agad na kinuha ni Calista ang cupcake at ngumiti.“Buti naman at pumayag si Kuya Harrison na gumala ka with us,” sabi ni Calista habang humigop ng kape.“Strict man siya,” sagot ni Claire, halos kinikilig. “Pero kung si Harrison ang magseset ng rules, okay lang. Kahit ikulong pa niya ako habang-buhay.”Lance rolled his eyes. “Tumigil ka nga sa pangarap mong imposibleng mangyari.”“Excuse me?” kontra ni Claire, taas-kilay. “Hindi imposible, baka biglang maging totoo!”Napailing si Kenshin habang tumatawa. “Ayan na naman kayo. Parang mga grade schoolers na walang humpay sa asaran.”Tahimik lang si Psyche, nakangiti habang pinagmamasdan ang kakulitan ng barkada. Ang tawa nila’y umaalingawngaw sa paligid, halong saya at kabataan.Pero habang masaya ang grupo, hindi nila alam—may isang pares ng matang matalim na nakatutok sa kanila. O mas tumpak—

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 14 "Sweetest Comfort"

    INTERNATIONAL SCHOOL MANILA (ISM)Break time na, at abala ang mga estudyante sa kanya-kanyang grupo. Sa ilalim ng malaking punong mangga, tahimik na nakayuko si Psyche sa mesa, mahimbing ang tulog. Halatang kulang sa pahinga—at hindi lang basta pagod, kundi may iniisip.Sa isip niya, paulit-ulit pa ring bumabalik ang eksenang naganap kagabi sa balcony... ang mga salita, ang titig ni Harrison, at ang init ng gabing hindi niya maintindihan.Lumapit sina Calista at Claire, parehong nagtatakang parang detective na nag-iimbestiga."Uy, look o—si Psyche," bulong ni Claire, sabay kindat kay Calista."Parang zombie. Baka naman hindi natulog kagabi," hirit ni Calista, sabay alog ng balikat ni Psyche.Napailing silang dalawa."Feeling ko binge-watch na naman ng K-drama ‘to," sabi ni Claire, tawa ng tawa."O baka nag-review sa exam. Hindi na nga nagrereply sa GC kagabi eh," dagdag ni Calista.Hindi pa rin gumagalaw si Psyche. Kaya naglagay si Claire ng kamay sa baba at nagkunwaring detective."P

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 13 "Under the moonlight"

    ELLISON MANSIONHatinggabi na nang makauwi si Harrison mula Cebu. Tahimik ang buong mansion; tanging tik-tak ng lumang grandfather’s clock sa hallway ang maririnig. Ang bawat yapak niya sa marmol ay mabigat, tila sinasabayan ng bigat ng mga iniisip niya. Hawak pa niya ang coat na isinampay sa braso, may bahid ng pagod sa mukha pero buhay ang apoy sa mga mata.Pagdaan niya sa tapat ng silid ni Azalea, bigla siyang natigilan. Para bang may invisible na puwersang pumigil sa kanya.Ilang segundo siyang nakatayo roon, walang imik. Tahimik ang paligid, pero sa katahimikan na iyon—ramdam niya ang presensiya ni Psyche sa loob.Marahan niyang inilapit ang kamay sa doorknob. Sandaling tumigil. Sa halip na buksan, idinikit niya ang palad sa malamig na kahoy ng pinto."Azalea..." mahina niyang bulong, halos wala sa sarili.Ilang sandali siyang nanatiling gano’n—tila sinasamba ang pintuang iyon na parang altar. Hanggang sa bumuntong-hininga siya, malalim at mabigat. Pagkatapos, dahan-dahan siyang

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 12 "He cares"

    ELLISON MANSION — TERRACENasa terrace si Don Ramon nang datnan siya ni Harrison. Ang hangin ay malamig, may kasamang halimuyak ng gabi at kape.Tahimik na umupo si Harrison sa tapat ng matanda. Sa pagitan nila, isang porselanang tasa ng kape ang bahagyang umaaso, tila sumasabay sa usok ng kanilang mga iniisip.“Kumusta ang trabaho mo, apo?” tanong ni Don Ramon, may ngiting puno ng pagmamalasakit.“Okay lang naman, Lolo,” sagot ni Harrison habang marahang iniikot ang tasa sa kamay, parang may pinagninilayan.Tumango si Don Ramon, bahagyang nakangiti. “Kumusta naman ang paghahanda para sa debut ng aking prinsesa?”Napatingin si Harrison sa kanyang Lolo, diretso at tapat ang mga mata.“Ipinapangako ko, Lolo,” mababa pero matatag ang tinig niya. “Ang debut ni Azalea will be the most spectacular of them all. Hindi lang magarbo—pero espesyal. Para maramdaman niyang mahal siya ng lahat.”Kita sa mukha ni Don Ramon ang saya at pride. “Mabuti. Gusto kong sa gabing iyon, wala siyang ibang mara

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 11 "Between two friends"

    LOS ANGELES, CALIFORNIA, U.S.A.NATALIE’S OFFICESumilip si Raffie sa pinto ng opisina ni Natalie.“You have a visitor,” sabi niya.“I’m busy,” malamig na tugon ni Natalie, hindi man lang tumingin.“Don’t you even want to face me?”Lander’s voice cut through the air as he stepped inside.Napatingin si Natalie — and just like that, her face softened. Tumayo siya agad at niyakap ito.“Lander!” she breathed out, relief and surprise blending in her tone.“How have you been?” tanong ni Lander, genuine concern written on his face.“I’m doing my best,” sagot ni Natalie, may bahid ng pagod sa ngiti. “I’ve moved on, somehow. What brings you here? When did you get in?”“Just a few hours ago,” sagot niya, may ngiting pamilyar.“And you came straight here?” Natalie chuckled.“Of course. You’re still on top of my ‘must visit’ list,” biro ni Lander, sabay kindat.“Don’t flatter me too much, Lander,” natawang sabi ni Natalie.“I’m just being polite,” sagot nito sabay abot ng kape. “Peace offering.”

  • The Billionaire's Precious Diamond   Chapter 10 "Devil in tailored suit"

    INTERNATIONAL SCHOOL MANILA (ISM)Pagkapasok pa lang ni Miranda Hidalgo sa classroom, biglang tumahimik ang buong klase—para bang may dumating na bagyong walang hangin pero puno ng tensyon.Ramdam niya ang mga matang sumusundan sa bawat hakbang niya. May ilang curious, may ilan na nagbubulungan… at mayroon ding mga pilit kinukubli ang ngisi, as if they were secretly enjoying her downfall.Napatingin si Miranda sa grupo nina Psyche Azalea Ellison.She held Psyche’s gaze for a split second—sharp, defensive—but quickly looked away, pretending she didn’t care.“Hi, girl.”Lumapit si Cheri, agad siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.“How are you?” tanong nito, may halong takot at pag-aalala.Miranda forced a thin smile. “I’m fine… but my family isn’t.”Napataas ang kilay ni Cheri. “So, totoo nga? Ginigipit kayo ni Harrison Cale Ellison?”A bitter laugh escaped Miranda. “Yeah. My family’s in deep crisis… and only Harrison has the power to save us.”“Grabe,” bulong ni Cheri. “My mom always

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status