LOGINBago pa ako makapagsalita, lumapit na ang mama ni Ysha na may mabait na ngiti sa mukha. "Did you sleep well, Caleb?" tanong niya, malambing ang boses.
Bahagya akong nahiya, pero nag-smile na lang ako. "Opo, Tita. Salamat po." Napatango siya, tila kuntento sa sagot ko. "Mabuti naman. Mabuti at hindi ka naistorbo sa guest room." Napatingin ako kay Ysha, na nagpipigil ng tawa habang nag-aayos ng mga baso sa mesa. Alam kong iniisip niya yung 'escape mission' niya kagabi. Napailing na lang ako. "Tara na, kain na," alok ni Tita. "Join us for breakfast." Wala na akong nagawa kundi ngumiti at umupo. Mukhang magsisimula ang umaga ko nang mas wild pa sa inaasahan. Habang sabay-sabay kaming kumakain, tahimik lang ako sa umpisa, pero hindi ko maiwasang mapansin na wala ang ama ni Ysha sa mesa. Sa dami ng kwento at tawanan nilang mag-ina, parang may kulang. Hindi ko rin napigilang magtanong. "Ah, Tita," sa"Tsa nga pala," panimula niya, "nakwento ni Tita na masama raw pakiramdam mo kanina. Tapos ngayon bigla kang blooming? Hmmm..." sabay taas ng kilay niya na parang may tinutuklas. Napasimangot ako at nagkibit-balikat. "Wala 'yun. Siguro stress lang, kaya nag-decide ako na lumabas para ma-relieve." "Stress? Or Caleb-stress relief?" natatawa niyang hirit, halatang hindi pa rin tapos sa pangungulit. "Reese, seryoso ka ba? Hindi lahat ng bagay tungkol kay Caleb," sagot ko, kahit alam kong halatang-halata sa mukha ko ang pagtanggi. "Hindi raw, eh kanina pa ganyang ngiti mo, parang kinilig ng bonggang-bongga." Tumawa siya nang malakas. "Hay nako, Elara. Kung masama nga pakiramdam mo kanina, effective pala talaga 'yung date remedy ni Caleb." "Ang kulit mo," sabi ko, sabay hampas ng unan sa kaniya. "Uy, pero seryoso," biglang naging mas malumanay
Caleb POV Nakangiti ako habang hinahatid si Elara pauwi sa bahay nila. Ang tahimik ng biyahe pero hindi nakakailang—yung tipong masaya ka lang kahit walang nagsasalita. Paminsan-minsan ay sinisilip ko siya mula sa gilid ng mata ko, at napapansin kong nakangiti rin siya habang nakatingin sa bintana. "Sabi ko na nga ba, nag-eenjoy ka," biro ko, sinira ang katahimikan. Napalingon siya sa akin, nagtataas ng kilay. "Feelingero ka talaga." "Eh kasi naman, ganda ng mood mo ngayon," sagot ko, sabay ngiti. "Walang reklamo, walang sermon. Miracle ata 'to." Tumawa siya, pero pinipilit magpaka-seryoso. "Baka lang pagod lang ako kakasigaw kanina." "Or baka lang gusto mo talagang kasama ako," sabi ko na may kasamang kindat. "Kapag lumaki ulo mo kakaganito, problema ko ba 'yun?" balik niya, pero alam kong kinikilig din kahit paano. Ilang minuto pa, nasa harap na kami ng bahay nila. Huminto ako s
Huminga ako nang malalim, bahagyang nagpipigil pa rin ng tawa. Pero imbes na magpatalo, ginaya ko siya. "MGA WALANG HIYA!!!" sigaw ko nang mas malakas kaysa dati. "Nice one!" sabi niya, halos mapatalon sa tuwa. "Isa pa! Mas malakas pa!" "MGA WALANG HIYA!!!" sabay naming sigaw, sabay tawa matapos ang bawat pagbitaw ng mga salita. Halos sumabog na ang mga boses namin sa hangin. "Grabe, parang therapy 'to!" tawa ko habang hinahabol ang hininga. "Sabi ko na eh!" ani Caleb. "Eto pa, bago 'to: MGA INUTIL KAYO!!!" sigaw niya nang malakas. Napatawa ako nang husto pero hindi nagpatalo. "MGA INUTIL KAYO!!!" sigaw ko rin, halos pumipiyok na sa lakas. Napahawak kami pareho sa tiyan sa sobrang tawa, halos mapaupo sa damuhan. "Caleb, sobra na 'to, baka may makarinig sa atin," sabi ko habang humihingal. "Wala, wala! Kahit marinig pa nila, okay lang. At least happy tayo!" sagot niya na parang wala nang bukas.
Elara POV Naramdaman ko ang bahagyang init sa pisngi ko, kaya mabilis akong umiwas ng tingin. "Huwag kang assuming, ha?" biro ko, kunwaring seryoso. "Eh paano kung tama naman 'yung assumption ko?" tanong niya pilyo, sabay kindat. "Bahala ka," sagot ko na lang, pero hindi ko na napigilan ang pagngiti. Sa gabing iyon, hindi ko alam kung anong mas maganda—ang tanawin ng lungsod o ang pakiramdam ng pagiging malaya sa bigat ng mundo habang kasama si Caleb. "Alam mo, dito ako pumupunta kapag pagod na ako sa mundo," sabi ni Caleb, nakatanaw sa malawak na tanawin habang bahagyang nakangiti. "At sumisigaw ako." Napatingin ako sa kaniya, bahagyang nagugulat. "Sumisigaw?" tanong ko, kunwaring hindi makapaniwala. "Oo, gaya nito." Bigla siyang tumayo nang diretso, huminga nang malalim, at sumigaw sa malakas na boses, "Mga baliw kayo!!!" Napatulala ako sandali, hindi alam kung tatawa o mapapah
Nung palabas na ako ng kwarto narinig ko yung staffs na nag uusap sila tungkol sa akin. Na malandi daw ako HAHAHHAH well totoo naman," simula ko. "Tapos sinabihan ko sila na diskarte ko to, wala silang pakialam." Nanlaki ang mata ni Mama. "HAHAHHAHAHHA tama ka naman, inggit lang ata iyon kasi maganda ka, mana ka sa akin. Hayaan mo na, mas okay na yan kaysa mahuli ng totoong asawa" "Tama ka ma, ang sakit kasi mahuli ng asawa. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nakikita ko reaction ng asawa nila para rin akong nasasaktan," paliwanag ko habang umiiling. "I mean, hindi naman ako unang lumapit, mga lalaki naman, and para magkapera pinapatulan ko HAHAHHAH" Napaupo si Mama sa harap ko, halatang nag-aalala pero may halong inis. "Wala ka namang masamang ginawa. Ginawa mo lang naman yan para maka survive sa mundo at para mapakain ang sugarol mong ina? HAHAHA" Napangisi ako nang bahagya, kahit pa ramdam ko pa rin ang tensyon. "Well, you
Elara POV "Hindi nakakapagtaka na taga-serve lang kayo sa restaurant na ito," sabi ko nang diretsahan, may ngiting puno ng pang-uuyam. "Kasi kulang kayo sa diskarte." Halos mabingi ako sa biglang pagbagsak ng katahimikan. Pero hindi nagtagal, lumaban yung babaeng staff na unang nagsalita. "At least hindi kami kabit," sagot niya nang mariin, nakataas ang kilay habang naglalakas-loob na tumingin nang diretso sa akin. Napangiti ako, pero halata sa ekspresyon ko na wala akong balak umatras. "Kabit?" ulit ko, dahan-dahang naglakad pabalik sa harap nila. "Kabit agad? Aba, ang bilis niyo namang maghusga. Eh kung kayo kaya, ilang taon na dito, wala pa ring napapala?" Tumingin ako nang madiin sa kanya. "Baka naman kaya mas madali kayong manira ng iba kasi wala kayong sarili niyong ambisyon?" Nag-init ang mukha niya pero hindi nagpatinag. "Baka ikaw ang walang ambisyon, kaya kailangang dumiskarte ng malandi para makuha ang gusto mo."







