Share

Kabanata 6 "Something I Deserve"

Isa lang naman ang pangarap ko noon; ang makasama si Zion ng mas matagal at ang mahalin niyang pabalik. Kaya kahit anong pang-aalipin ang ginagawa sa akin ng pamilya niya, tiniis ko ang mga ito habang umaasa na balang araw, matatanggap din naman nila ako. Ngunit tuluyang naglaho ang natitira kong pag-asa ng araw na arestuhin ako ng pulis sa salang pagpatay sa lolo ni Zion.

I can still remember that very day when Zion left me:

“Hindi! Hindi totoo ‘yan! Maniwala kayo sa akin! Hindi ako ang pumatay kay lolo Sorren!”

Kinakaladkad na ako ng pulis papalabas ng mansyon ng Fabroa. I was crying so hard as I tried to pull myself from their tight clutches. Nang lumingon akong pabalik at nakita si Zion na nakatitig sa akin, parang nagkaroon ako ng karagdagang lakas, anupat naitulak ko pareho ang dalawang pulis na nasa aking mga tabi.

Pagkatapos itulak ang mga ito, dali-dali akong tumakbo papunta kay Zion.

Ang una kong ginawa?

I knelt down.

Lumuhod ako sa harapan ni Zion at nagmakaawa.

“Pakiusap, Zion! Maniwala ka! Alam mo kung gaano ko minahal si lolo Sorren, hindi ba? Kaya paano ko siya mapapatay!”

Sa pamilya niya, tanging si Zion lamang ang may amor sa akin. Kaya umaasa ako na sa kabila ng mga pekeng ebidensya at testigo, maniniwala siyang inosente ako. Gayundin, batid niyang mahal ko siya.

‘Zion will believe me. Zion will,’ ang paulit-ulit kong sambit sa sarili. Ngunit ng itaas ko ang paningin, nalaman kong nagkamali ako.

Zion was looking at me as if I am a monster which he wanted to kill.

“Tinrato ka namin ni lolo Sorren na parang pamilya,” naiiyak niyang sambit habang nakatitig ng masama. “Paano mo nagawang patayin si lolo dahil lang sa pera?”

“Z-Zion.”

“Hinding-hindi kita mapapatawad, Harriet. I hope you’ll be punished until death.”

Si Zion ang mundo ko. At ng itakwil niya ako, pakiramdam ko’y nawalan ako ng lugar na titirhan.

Punong-puno ng mga luha sa mga mata, hinatak na akong pulis papalabas ng mansyon.

Hindi ako makapaniwala na iiwanan niya ako at paniniwalaan ang mga maling paratang. Kahit pa sinentesyahan ng kamatayan, ni hindi man lang dumalaw si Zion sa kulungan.

I felt betrayed by the only man I love.

Kaya nga ba ngayong bumalik ako sa nakaraan, hindi ko man lang magawang tignan sa mga mata ni Zion.

Oo nga’t buhay si lolo Sorren, at kapatid parin ang tingin ni Zion sa akin. But that is just for now.

Paano ko muling pagkakatiwalaan ang lalaking umiwan sa akin?

Sapat ba ang pagmamahal ko sa kaniya para mapatawad ko siya at magkunwaring walang nangyari?

I don’t think I can do that.

Noong nakaupo ako sa upuan kung saan ako namatay, pinangako ko sa sarili na hinding-hindi na magmamahal ng tulad niya. Kaya ng mapagtantong binigyan ako ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan, ang una kong naisip ay ang gumanti at kuhanin ang posisyon na para sa akin.

‘But to work as Zion’s secretary?! Kailangan kong mag-trabaho bilang sekretarya niya?!’

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa malayo.

Ilang minuto palang ang nakakaraan mula ng kumain ako ng umagahan kasama ng pamilyang Fabroa at nang marinig ang anunsyon ng chairman na simula bukas, ako ng ang sekretarya ng kaniyang apo.

‘That will be a problem.’

Natatandaan ko na inutusan ni lolo Sorren na magtrabaho si Zion sa kompanya. Ngunit hindi niya ako itinalaga bilang sekretarya ni Zion.

Imposible namang bumalik din si lolo Sorren sa nakaraan katulad ko. Dahil kung bumalik siya, tiyak na una niyang paparusahan ang tao na pumatay sa kaniya noon.

Then, is it because I changed the past too much?

Habang nag-iisip ng malalim, nakarinig ako ng matinis na boses na tumawag sa aking pangalan.

“Harriet! Harriet!”

Lumingon ako sa kaliwa at nakita ang tinik sa aking mga mata.

It is Reese who’s running towards my side.

Nang marating sa harapan ko, bumungad sa akin ang problemado niyang ekspresyon.

“Anong ginawa mo kanina?” tanong nito. “Hindi ba nangako ka na hinding-hindi mo sasabihin kay sir Sorren ang tungkol sa nangyari sa kamay mo?”

Bigla niyang hinablot ang kanay kong kamay na may peklat at muling tumingin sa akin.

“Tiyak na gagantihan ka ni ma’am Madell.”

With a nonchalant face, I looked at this girl who’s pretending that she’s really worried. Hindi ko akalain kung gaano ako nagpakat*nga noon para ituring si Reese na kaibigan.

“Kaya sa tingin mo, mas mabuti kung pagtakpan ko nalang ang ginawa nila at magsinungaling katulad ng gusto ni madam Sherly?” tanong ni kay Reese.

Huminga ng malalim si Reese bago sumagot, “Sa bahay na ito, sila ang batas. Nag-aalala lang ako para sayo.”

Sinungaling.

Tiyak na nag-aalala si Reese dahil muntikan na siyang madamay kanina. Kung talagang nag-aalala siya sa akin bilang kaibigan, hindi niya sana hinayaang saktan ako ni Madell ng paulit-ulit at ilihim ito sa matagal na panahon.

Siguro nga’t nabulag ako sa pag-aakalang kailangan ko ng kaibigan sa bahay na ito para makapagtiis. I didn’t realize that I befriended a devil.

Dahan-dahan kong ibinitaw ang kamay ni Reese papaalis sa akin. Pagkatapos, tinanong ko siya.

“Nag-aalala ka ba talaga sa akin? Or nag-aalala kang baka ikaw ang pagbuntungan ng galit ni Madell?”

Namilog ang mga mata ni Reese. Siguro’y nagulat siya dahil nabasa ko ang tunay na pakay ng kaniyang paglapit.

“H-Harriet naman,” utal niyang sambit. “Nag-aalala lang naman talaga ako bilang kaibigan mo. Isa pa, alam ko naman na hindi mo ko magagawang iwan sa kamay ni ma’am Madell. I am your friend, right?”

Napakuyom ako ng kamay dahil sa mga sinabi niya. Naalala ko kasi ang mga parehong katagang kaniyang binitawan noong nasa presinto kami at nagmamakaawa akong tulungan niya.

[“Alam kong hindi ikaw ang pumatay kay sir Sorren. Pero kailangan mong mawala, Harriet. Para sa kaligayahan ko, kailangang mamatay ng tunay na tagapagmana. Gagawin mo naman iyon bilang kaibigan ko, hindi ba? Nadia Wyatt.”]

She’s using our friendship as her way to think that I will do anything for her, even die.

Hindi ko napigilan ang sarili na tignan siya ng masama habang kinakagat ng mariin ang pang-ibaba kong labi. Nanginginig ako sa galit. I could feel the heat on my eyes and the pulse on my veins.

“H-Harriet. Ano bang problema?” pagpapatuloy niya. “Kanina, nagulat ako dahil ibang-iba ang gayak mo kaysa sa dati. Sinagot mo rin sa unang pagkakataon si madam Sherly at miss Madell. Tapos, nakatitig ka sa akin ng ganyan. Galit ka ba? May nagawa ba kong mali?”

Kung natatandaan mo lang sana kung ano ang ginawa mo sa akin sa hinaharap, magpapasalamat ka na tinitigan lang kita ngayon ng masama.

After taking a deep breath, I closed my eyes.

‘Maghihiganti ako sa ginawa ni Reese. Pero may tamang panahon para rito.’

Nang ibukas kong muli ito, binigyan ko siya ng isang ngiti na palagi kong ibinibigay sa kaniya noon.

“Sorry, Reese. Siguro, nagulat lang talaga ako sa anunsyo ni lolo Sorren kanina,” I said.

“G-Ganoon ba?”

“Hmmm,” I murmured. “At huwag kang mag-alala. Under probation si Madell kaya hindi siya makakaganti sa atin.”

Tumango ng ulo si Reese.

‘Tama. Hindi sapat na gantihan ka ni Madell para lang pagdusahan mo ang mga ginawa mo noon.’

Nang itaas ni Reese muli ang paningin, bigla siyang napapalakpak kasabay ng singhap, “Oo nga pala! Kung ikaw na ang magiging bagong sekretarya ni Zion, ibig sabihin, makakasama mo na siya araw-araw! Congratulations, Harriet. Alam kong ang saya saya mo ngayon.”

Kung hindi ko lang nalaman ang tunay na ugali ni Reese, iisipin kong masaya talaga siya para sa akin.

Siya ng bukod tanging nakakaalam kung gaano ko kamahal si Zion. Kaya naman, bakit siya pumayag na maging fiancee ni Zion kung batid niya ang nararamdaman ko?

I can’t ask her right now because that only happened in the original future.

Anuman ang sagot, si Reese ay isang ahas na maaaring manuklaw sa lahat ng pagkakataon.

“I heard my name just now.”

Sabay kami ni Reese na tumingin sa lalaking nagsalita. Nang makita ni Reese kung sino ito, dali-dali siyang tumungo sa gilid at yumuko bilang respeto sa apo ng Chairman.

“Are you guys talking about me?” tanong ni Zion.

Iniangat ko ang mga mata sa mga mata niya.

Then, our gazes met.

Ito ang unang pagkakataong magkatitigan kami mula ng bumalik ako sa nakaraan.

Pinagmasdan ko ang magaganda niyang mga mata na waring nakangiti para sa akin.

‘Ito ang mga matang tumingin sa akin ng may poot at galit.’

“Hoy Harriet, ginulat mo talaga ako kanina ha,” sabi niya. “Hindi ko akalain na masasagot mo pabalik si mama at ang bruha kong kapatid. This is a compliment, though.”

I couldn’t answer.

Parang may nakabarang bato sa lalamunan ko habang pinagpapatuloy ko siyang pakinggan.

“Oo nga pala, nasaan na ang peklat mo?” Tumingin siya papaba at akmang hahawakan ang kanan kong kamay. “Bakit hindi mo sinabi sa akin noon na si…”

Involuntarily, I pulled my hand away from him.

Sa gulat dahil itinaboy ko siya, nanlaki ang mga mata ni Zion sa akin.

Panandaliang katahimikan ang nanalaytay sa pagitan namin. Sa gitna ng katahimikan, doon ko lang napagtanto kung ano ang ginawa ko kanina.

‘My body reacted on its own.’

Itinungo ko ang mga mata sa ibaba at ginawa ang buong makakaya para magpaliwanag.

“O-Okay lang ako.”

“But I am not okay,” dugtong niya. “Hindi ako okay sa ginagawa ni Madell sayo. Kung una palang sinabi mo ‘yan, sana naparusahan siya ng mas maaga.”

Muntik na akong matawa sa sinabi niya.

When I looked at him again, I asked him this.

“So naniniwala kang si Madell nga ang dahilan kung bakit ako napaso? At na nagsisinungaling lang si madam Sherly?”

Agad na tumango si Zion. “Yes. Kilala ko sila. At alam ko kung paano ka nila tratuhin. Kaya nga ba matagal ko ng sinasabi sa iyo na humanap ka nalang ng ibang lugar.”

Muli akong napatahimik.

Naramdaman ko ang pagkirot ng aking dibdib dahil sa isinagot niya sa akin.

‘Naniwala ka na hindi ako nagsisinungaling. Pero bakit noong sinabi kong hindi ko pinatay si lolo Sorren, hindi ka naniwala?! Bakit?! Bakit!’

Nagbabadya na ang mga luha sa aking mga mata kaya ilang beses akong huminga ng malalim para pigilan ang pagpatak nito.

‘I can’t cry here. Kapag umiyak ako, ipinapakita ko lang ang pagiging mahina sa harap ni Zion.’

“Ayaw ko sanang pumayag sa alok ni lolo na magtrabaho sa kompanya,” dagdag ni Zion. “Pero kung ikaw ang magiging sekretarya ko, I think that would be fun. Excited na akong magtrabaho kasama ka, Harriet.”

Well, I’m not.

Pinangarap ko na makasama siya noon. But that only applies to the old Harriet Avellino.

“You look so pretty today, Harriet. Bagay na bagay sayo ang damit na ito.”

“Oo nga po!” biglang singit ni Reese sa usapan.

I tilted my head and looked at the girl who’s blushing beside me. Kung kiligin siya, parang siya pa ang nasabihan ng maganda.

“Kaya nga po ang lagi kong sabi kay Harriet,” pagpapatuloy ni Reese, “na dapat, mag-ayos siya para mapansin niyo po siya.”

“Huh?” Zion uttered. “Bakit naman gusto ni Harriet na mapansin ko siya?”

“Ano pa ba, sir? Kasi po, si Harriet ay may… ah!” Hindi itinuloy ni Reese ang sasabihin, bagkus ay tinakpan nito ang mga bibig na para bang huli na niyang naintindihan na may mali sa mga sinabi niya.

Then, she looked worriedly at me and mouthed, [“I’m sorry!”]

After putting me on the awkward position, Reese avoided my gaze and bit her lower lip.

‘Sinasadya niya ang nangyari. Siguradong sinadya ni Reese na ipamukha kay Zion ang sikreto ko!’

Why?

Why did she do that?

Para mapahiya ako?

“What does it mean?” tanong ni Zion sa akin taglay ang ngisi sa kaniyang mga labi. He looked at me as if he wanted to tease me more. “Bakit gusto mo na mapansin kita, Harriet?”

Naningkit ang mga mata ko habang tinititigan ko ang reaksyon niya.

“S-Sir, hindi po ganoon ang ibig kong sabihin,” sagot ni Reese, kahit hindi naman siya ang tinatanong. “Hindi po kasi kayo madalas dumadalaw sa mansyon kaya palagi pong naghihintay si Harriet. Gusto lang po niya kayong makita. So sana, palagi po kayong dumalaw.” She tucked her hair behind her ears as she spoke.

Naiintindihan ko na.

Dahil mas bukas na ang mga mata ko sa katotohanan, mas naiintindihan ko ng ang mga bagay na napaglagpas kong makita noon.

Matagal ng alam ni Zion na may gusto ako sa kaniya. And he’s only pretending he didn’t know.

Kung tungkol naman kay Reese, matagal na rin siyang may gusto kay Zion. Kaya ng magkaroon ng pagkakataon, ginawa niya ang sarili na kasintahan nito.

‘These bastards.’

Tumawa ako ng mahina na siyang ikinatigil nilang dalawa. Then I detached my lips.

“Totoong masaya ako kapag dumadalaw ka,” sagot ko kay Zion. “Pero hindi totoo na nag-ayos ako ng ganito para mapansin mo. I wanted to be pretty not because of someone, but because I deserve it.”

Hindi nakatugon si Zion, at napansin ko ang pagbuka ng bibig ni Reese sa gulat.

“Sekretarya ako ng Chairman ng Fantell. I just think I should level up.”

“Harriet.”

Nagkunwarian akong hindi narinig ang pagtawag ni Zion at sinulyapan ang relo sa pulso.

“Kailangan ko ng puntahan ang Chairman. Marami kaming dapat asikasuhin para ihanda ang pagreretiro niya. So if I may excuse myself.”

Yumuko ako sa tulalang lalaki at nilagpasan siya ng lakad. Bago pa tuluyang makalayo, huminto ako at muling lumingon.

“Oo nga pala. Salamat sa damit na niregalo mo noong birthday ko. Pero simula ngayon, hindi mo na kailangang magbigay ng regalo. You don’t need to do that anymore, sir Zion.”

I turned around and walked away with new heart. Even if it is hard, I will abandon the people who tossed me out before.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status