Share

Chapter 11 "He Is Rude"

Matinding sakit ng ulo ang sumalubong sa umaga ni Zion.

“Ahhh,” ungol nito pagkabangon na pagkabangon mula sa higaan.

Bihira siya malasing, pero mukhang naparami siya ng inom noong gabi. Matapos haplusin ang noo, tumingin ito sa kawalan, waring inaalala ang mga nangyari; kung paano siya nakauwi sa condo unit at kung sino ang tumulong sa kaniya.

Pumikit ito at hinilamusan ang mukha gamit ang tuyong mga palad.

“Damn it,” singhap nito, naiinis sa sarili at nahihiya.

Malinaw niyang naalala ang bawat pangyayari at pagkakamaling nagawa kagabi. Bukod sa tinawagan niya si Harriet upang ihatid siya nito papauwi, muntik-muntikan din niya itong halikan. Not only that, he even told her:

[“Gusto mo ko, hindi ba? Why are you suddenly pushing me away? You love me.”]

Mas lalong idiniin ni Zion ang mukha sa palad, waring makakatulong ito upang maibsan ang hiya.

Kahit matagal na niyang alam na may gusto si Harriet sa kaniya, wala siyang balak na ipamukha rito na may kabatiran siya sa damdamin ng babaen
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status