Share

Kabanata 5 "Big Changes"

Harriet’s POV

“Palibhasa binigyan ka lang ng damit ni kuya, akala mo espesyal ka na para sa kaniya?”

Hinabol ko si Madell na dala-dala ang dilaw na damit na iniregalo sa akin ng kuya niyang si Zion. Nang malaman kasi nito na niregaluhan ako ng damit, nakursunadahan niya ang baro at humiling na ibigay ko nalang ito sa kaniya. Siyempre pa, hindi ako pumayag.

Bilang resulta, nagalit si Madell. Hinablot niya ang damit mula sa mga kamay ko. Hinabot ko siya hanggang sa makarating kami sa sala ng mansyon.

Nang mga panahong iyon, tanging ako, si Madell at ang katulong na si Reese ang naroroon.

“Please Madell! Give it back to me!” pagmamakaawa ko.

Humarap si Madell sa akin ng mga ngisi sa mga labi. Bata pa lang kami, sanay na ko sa kamaldit*han ng kapatid ni Zion. Pero dahil sa dugong nananalaytay sa kaniya at sa pagnanais na mapanatiling payapa ang lahat, hinahayaan ko lang siya na gawin ang gusto. But this time… she’s going overboard.

“Give it back to you?” sagot nito sa sarkastikong tono. “Why? If I give it back to you, will you wear it? Don’t dream high b*tch. Hindi bagay sayo ang mga ganitong damit. At tsaka diba sinabihan na kita na never ever wear a dress. Anong tingin mo sayo? Prinsensa? Wala pa akong nakitang ampon na kasing kapal ng mukha mo.”

Itinapat niya ang damit malapit sa fireplace na nakasindi ng mga panahon na iyon.

My eyes went wide.

Kahit ano pang inis niya, wala siyang karapatan na sunugin ang regalo na natanggap ko mula kay Zion!

Parang naging mabagal ang lahat ng pangyayari nang sinimulang bitawan ni Madell. Kaya gamit ang buong makakaya, hinablot ko ang damit bago pa man ito lumaglag sa apoy.

“Ahhh!”

Hindi nga nasunod ang dilaw na baro. Subalit nadaplisan ng aking kamay ang mainit na baga anupat napaso ang kanan kong kamay.

“Ahhh!” I winced in pain. Napaupo nalang ako sa sahig, yakap yakap ang damit at pinipisil ang palad na sobrang hapdi.

“Harriet!” sigaw ni Reese. Lumapit siya sa akin upang pagmasdan ang namumula kong kamay at ang unti-unting lumolobong balat gawa ng paso.

When I lifted my eyes upward, I met Madell’s shaking pupils. Kahit pa sanay siya na saktan ako sa pisikal na paraan, sinisigurado niyang hindi mag-iiwan ng marka na makikita ni lolo Sorren. Gayunpaman, hindi kakikitaan ng pagkabagabag ng damdamin ang paraan ng pagtingin ni Madell.

Para sa kaniya, wala siyang kasalanan at tama lang ang nangyari.

“K-Kasalanan mo ‘yan!” sigaw pa nito. “T*tanga-t*nga ka kasi,” dagdag niya.

Mariin kong piniga ang nanginginig na kamay dahil sa sobrang sakit. Habang pinipiga, narinig ko si Reese na nagsalita.

“Ma’am Madell, sobra na po kayo!”

Gulat kong tinignan ang katulong na naglakas ng loob na ipagtanggol ako, anupat hindi ko mapigilang mapaiyak na lamang sa magkakasamang inis, lungkot at galak.

“What the h*ll,” Madell scoffed. Lumuhod siya kapantay namin. Tinitigan niya si Reese bago marahas na piniga ang pisngi nito.

“Hmf!” Reese moaned in pain.

“M-Madell!” sigaw ko at saka sinubukang ilayo ang kaibigan kay Madell. Pero masakit pa ang kamay ko kaya hindi ko ito nagawa.

“Ang tapang mo para sigawan ako at kampahin ang hampas lupa na ‘yan,” babala ni Madell kay Reese.

“Hmmmf!” Reese moaned, crying. Nasa tabi ko siya kaya naramdaman ko ang nanginginig niyang katawan sa kamay ni Madell.

“Bakit? Isusumbong mo ko kay lolo Sorren?” tanong ni Madell. “Go ahead. Tell everything to him. At kapag nangyari ‘yon, hindi lang si Harriet ang makakatikim ng kamay ko. It will be your turn.”

“Hmmmf,” Reese cried hard.

“Tutal magkaibigan naman kayo, do you want to save her? Gusto mo sayo ko ibunton ang galit kay Harriet? Can you do it?”

“Madell, stop it,” I said.

At my words, binitawan ni Madell si Reese. Tumayo siya at tinitigan ako ng masama.

“So shut your mouth,” Madell warned. “Kung gusto mong iligtas ang kaibigan mong alipin, manahimik ka. Maliwanag?”

Sobbing while hugging the yellow dress, I nodded my head. “Y-Yes. I will.”

Kaya naman dahil doon, itinago ko ang pangyayari mula sa lahat. Nang makita ni Zion at lolo Sorren ang sugat sa mga kamay ko, nagsinungaling ako at sinabing nangyari ito dahil sa aksidente.

A year after that incident, May 6, 2022 came.

Binalitaan ako ni Reese na nais ni lolo Sorren na kumain ng umagahan kasama ko. Bago iyon, sinabihan ako ni  lolo Sorren may mahalaga siyang sasabihin.

Because I was so excited, I came to the dining table a bit earlier than others. Tinulungan ko pa ang mga katulong sa pag-aayos ng mga plato at mga pagkain sa mahabang hapag kainan.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Iyon kasi ang unang pagkakataon na makakakain ako ng umagahan kasama ang buong pamilya.

Bagama’t ampon lang ako ni lolo Sorren at minsang nakakatanggap ng pagmamaltrato kay Madell at sa ina nitong si Sherly, pamilya parin ang turing ko sa kanila. Umaasa ako na darating din ang araw na magiging ayos ang relasyon namin. Lalo pa’t hindi ko gustong maging kaaway ang pamilya ni Zion, ang lalaking palihim kong minamahal.

The Family Fabroa, including lolo Sorren, went to the dining table.

Ang huling dumating ay walang iba kung hindi ang lalaking palagi kong kinapapanabikang makita.

Zion Fabroa.

He is my childhood friend and my knight in shining armor.

Bata pa lamang kami, may lihim na akong pagtingin sa batang lalaking nagliligtas sa akin mula sa kaniyang mapanghusgang ina at mapanakit na kapatid.

For me, he is always be my savior.

“Pasensiya na, na-late ako. Traffic eh,” paumanhin ni Zion. Umupo siya sa bandang tapat ko at ng magtama ang mga mata namin, binigyan niya ko ng matamis na ngiti.

The heat rose in my cheeks.

Simula ng humiwalay ng tirahan si Zion, bihira ko na siyang makita. Kaya palagi kong hinihintay ang raw kung kailan siya dadalaw.

[“How are you?”] Zion mouthed at me.

Hindi matago ang ngiti, sumagot ako ng, [“I’m fine.”]

Kagisa-gisa, nakarinig kami ng tawa mula kay Madell. “Pffft…!”

Lahat kami ay napatingin kay Madell na tawa ng tawa.

“You can’t really hide your smile, can you?” tanong ni Madell sa akin. “Kitang-kita sa mukha mo na kilig na kilig ka habang nakatitig kay kuya. Hanggang ngayon ba, may gusto ka parin sa kaniya? Pathetic b*tch.”

“Ahem,” Lolo Sorren cleared his throat to stop her.

Abot tainga naman ang pagkapula ko dahil sa hiya.

“Madell, can you just shut up?” naiinis na sabi ni Zion sa kapatid.

Dahil matagal na ako tinutukso ni Madell, naging natural na sa lahat kapag naririnig na may gusto raw ako kay Zion. Pero sa halip na umamin, nagsinungaling ako at sinabing hindi totoo ang mga iyon. And so, Zion thought that Madell is just teasing me.

“Totoo naman ang sinasabi ko a,” pagmamatigas ni Madell. “She is that ambitious woman who thought she can have my brother. Ang taas talaga ng pangarap ng mga ampon.”

“Madell,” this time, it is her mother, Sherly who stopped her. “Stop it. Hindi nakakatuwa na ipag-partner mo ang kuya Zion mo sa tulad ni Harriet. Zion deserves better. Do you understand?”

Ikinuyom ko ang mga kamay sa ilalim ng lamesa.

Sanay na akong minamaliit ni Madell at Sherly. Pero hindi ko parin maiwasang masaktan sa tuwing ipinapaalala nila ang posisyon ko sa bahay na ito.

“Why?” Zion suddenly spoke.

I lifted my teary eyes and looked at him.

“Sekretarya ng chairman ng Fantell firm si Harriet. Kung tutuusin, hindi hamak na mas mataas ang sahod at posisyon niya kaysa sa mga pangkaraniwang empleyado sa kompanya. She’s a smart woman and got suma-cumlaude in the prestigous university. Higit sa lahat…”

Tumingin muna sa akin si Zion bago magpatuloy.

“She’s pretty.”

Lahat ng sama ng loob at lungkot ay tuluyang napawi. He appeared in front of me as if he’s the only one I can see.

Mas naintindihan ko kung gaano ko kamahal si Zion ng mga panahon na iyon. Because aside from the chairman, he is the only one who can see my worth.

Itinass ko ang kanang kamay at inilagay ang nakalaglag na buhok sa ilalim ng tainga. Then, Madell spoke again.

“You are the worst, brother,” komento ni Madell. “Iyan ang problema sayo e. Palagi kang nag-papaasa. Tumataas tuloy ang pangarap niya. For example, giving her a dress for a gift. Sa sobrang pagkahibang ni Harriet, noong tinapon ko sa apoy ang damit, hinagis niya ang sarili. Iyan tuloy, napaso ang bobita.”

Dumako kaagad ang mga mata ni lolo Sorren at Zion sa peklat sa aking kanang kamay.

“Ahhh!” singhap ni Madell sabay takip sa bibig.

Siya mismo ang nagsabi na huwag na huwag sasabihin ang totoong dahilan ng peklat ko, pero siya itong naglabas ng katotohanan. Dahil dito, hindi na nagawa ni lolo Sorren na manahimik pa.

“Madell!” sigaw ni lolo Sorren. “Papalagpasin ko sana ang narinig na impormasyon na nahuli ka raw na naninigarilyo sa school. Pero kung totoong ikaw ang dahilan kung bakit napaso ang kamay ni Harriet, I won’t tolerate it!”

“Hey. Is that true?” Sinundan pa ito ng matalim na tanong ni Zion sa kapatid. “Did you really do that?!”

Ibinukas ko ang bibig, badyang magpapaliwanag. Pero bago pa man ito mangyari, sumingit na sa usapan si Madam Sherly, ang nanay nila Zion at Madell.

 “Nandoon po ako noong nangyari ang insidente,” ang pagsisinungaling nito. “Actually, the kids had a simple fight. Gusto po kasing hiramin ni Madell ang damit, dahil gagamitin niya sa event sa school. Pero ayaw siyang pahiramin ni Harriet. Kasi nga naman, regalo ito ni Zion. Kaya hindi siguro nakapagpigil si Harriet at naitulak niya si Madell. Ito namang si Madell, nagalit rin dahil nasaktan siya. Kinuha niya ang damit at noong nag-aagawan, napaso ang kamay ni Harriet doon sa fireplace.”

Malayong malayo ito sa tunay na pangyayari.

Pero noong humarap siya sa akin at nagtanong ng, “Hindi ba, Harriet?”

I knew that time that I have no choice but to yield again.

“O-Opo. Ganoon nga po ang nangyari. I was… immature that time. Sorry po,” paghingi ko ng tawag sa Chairman.

Narinig kong bumuntong hininga si lolo Sorren at Zion. Kahit pa hindi nila gusto ang nangyari, dahil inamin ko na may kasalanan din ako, wala na silang ibang magagawa.

I thought that time that I just did what right. Ganito naman palagi; ako dapat ang agrabyado para sa ikapapayapa ng lahat.

“Forget the childish fight,” ang sabi ni Finn, ang tatay ni Zion na nasa tabi ko. Tumingin siya kay Chairman at nagsabing. “Pa, bakit kailangan naming kumain ng umagahan kasama ng sekretarya mo?”

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan.

I was thinking that same thing. ‘May kinalaman ba ito sa sinabi ni lolo na may mahalagang siyang sasabihin sa akin?’ I asked myself.

“Ahh!” singhap ni Zion. “Is this about Harriet’s upcoming birthday?” tanong niya sabay tingin sa akin. “Harriet. Anong gusto mong regalo this year?”

“Ahh she’s getting so much attention. So annoying,” bulong ni Madell sa gilid.

Bigla-bigla, tumayo si lolo Sorren ng nakakunot ang noo.

“Lo,” Zion called.

“Papa,” tawag naman ni sir Finn.

“Nawalan na ako ng ganang kumain.” Tumingin ang chairman sa akin at sinabing, “Secretary Harriet, mauna na tayo sa kompanya. Mas gugustuhin ko pang kumain kasama mo ng umagahan kaysa manatili rito.”

Dahil doon, hindi naituloy ni lolo Sorren ang nais sabihin. Mas lalo ring uminit ang dugo sa akin ni Madell, madam Sherly at Sir Finn.

That’s why, that breakfast scene is so memorable for me.

Ngayong bumalik ako sa nakaraan, sa mismong araw kung kailan kami magsasalo-salo, marami akong nabagong pangyayari.

Una, sinuot ko ang regalong damit ni Zion. That made Madell so mad.

Pangalawa, inilabas ko mismo ang katotohanan sa pagmamaltrato sa akin ni Madell.

At pangatlo…

“Wala po akong matandaan na nandoon kayo,” sagot ko kay Madam Sherly na nagsinungaling tungkol sa nangyari noong nakaraan.

Nagkaroon ng ugong sa paligid, karamihan ng tunog ay galing sa mga katulong na nakasaksi ng pangyayari.

Why not? This is the first time I talked back with this old w*tch! Kulang pa nga ang ginawa ko.

“Sa pagkakatanda ko, kami lang po ni Madell ang magkasama ng gabi na iyon,” I added.

“W-What are you s…”

“Ahhh. Mayroon pa po pala kaming nakasama na nakakita sa amin ni miss Madell.”

As I said that, I tended my eyes to my so-called best friend, Reese.

For me, she is the real villain among everyone.

“Reese,” pagtawag ko.

Namutla si Reese na tumingin sa akin pabalik. “Y-Yes?”

“You were there, right?”

Tumingin ang lahat sa namumutlang katulong na nasa gilid.

That’s right. I put her in the difficult situation.

Kapag sumang-ayon siya sa sinabi ko, ibig sabihin, handa siyang maparusahan ni madam Sherly at Madell. Pero kapag nag-sinungaling siya, then it is my chance to remove that f*cking angel mask of her.

‘So hanggang kailan mo kayang itago ang baho mo, Reese? I wonder about that.’

“Ang… Ang totoo po niyan… Ano po kasi…” nauutal niyang salita.

“Why are we wasting time for this childish fight?” ang sabi ni sir Finn.

Katulad ng nakaraan, siya ang tumapos ng usapan tungkol sa insidente.

‘Ibig sabihin, kahit ginagawa ko ang lahat para mabago ang nakaraan, may mga pangyayari parin na dapat maganap,’  I realized.

“Pa, sinabi mo kanina na may mahalaga kang sasabihin. I will punish Madell for her wrongdoings,” sabi ni sir Finn.

“Dad!/ Honey,” Madell and Sherly complained in unison.

Hindi sila pinasin ni sir Finn at nagpatuloy siya sa pagtatanong kay lolo Sorren.

“Can you tell it right now? Pa?”

Namutla ng todo si Madam Sherly at tumitig sa akin na waring gigil na gigil. Pagkatapos, nakita ko namang nakahinga ng malalim si Reese. Then our gaze met. Dahan-dahang umangat ang sulok ng aking mga labi para bigyan siya ng matamis na ngiti, na siyang ikinalaki niya ng mga mata.

‘That’s refreshing.’

Mula sa kaniya, dumakong muli ang tingin ko kay lolo Sorren.

Nagawa ko ng bwisitin ang mga dapat inisin sa umagahang ito. Ngayon, ang kailangan ko namang gawin ay ang malaman ang gustong sabihin ni lolo na hindi natuloy sa orihinal na nakaraan.

The chairman opened and closed his lips.

‘Ganitong ganito ang ekpresyon niya dati!’

Did I go overboard and ruin his mood?

“Nawalan na ako ng…”

‘No way. I must stop it!’

“Chairman!” I suddenly shouted that stopped him.

Muling tumingin ang lahat sa akin.

“Bigla kong naalala na malapit na pala ang birthday ko!” I said.

‘Think. Think Harriet. How can I make him stay?’

“At ang kapal ng muk…!” sigaw sana ni Madell, pero hindi niya ito naituloy dahil tinitigan siya ng masama ni sir Finn.

I stared at the chairman with the brightest eyes I can show.

“Ito ang unang pagkakataon na kumain ako kasama ng pamilyang Fabroa. This makes me so happy. Pakiramdam ko tuloy, advance ko ng natanggap ang regalo.”

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Chairman.

Ang totoo niyan, ang kumaing magmuli kasama ng lahat ay labis na nagpapakulo ng dugo ko. I really wanted to puke right now. Pero ito lang ang tanging paraan para maparamdam kay lolo na okay lang ako.

Naisip ko kasi na kaya baka umalis si lolo Sorren noon ay dahil hindi ako komportable. With this lie, he can continue where he was left, right?

“Then, hearing that is enough for me,” natatawang tanong ni Chairman.

‘Success.’

Nang itungo niya ang mga mata sa pamilya, ang sabi niya, “Makinig kayong lahat.”

The atmosphere  turned serious all of a sudden.

“Malapit na akong magbitiw sa puwesto bilang chairman ng Fintell Architecture Firm.”

Labis na nagulat ang mga nakarinig.

But I did not.

Narinig ko na ang tungkol dito sa orihinal na pangyayari. Kung may kaibahan man, napaaga ang anunsyo ni chairman kaysa noon.

“Gusto kong ipasa ang posisyon sa karapat-dapat. And I want it to be fair.”

“What do you mean pair, dad?” tanong ni Finn.

Kusang dumako ang mga mata ko kay Zion na nakatitig sa lolo. Kung tama ang hula ko, ang sasabihin ni chairman ay…

“Magtatrabaho sa kompanya si Zion.”

“My brother!” Madell screamed.

“S-Si Zion?” nauutal na tanong ng mag-asawa.

Tama. Nangyari din ito noon.

‘Then that’s it? Kung ito lang iyon, bakit kinailangan ko pang sumama sa miting na ‘to?’

“Mag-aaral si Zion kung paano pamahalaan ang kompanya,” dagdag ni Chairman.

“Lolo,” ang di makapaniwalang tugon ni Zion.

“And to do that…”

Biglang tumingin ang chairman sa akin.

“Si Harriet ang magiging bagong sekretarya ni Zion.”

Muntik-muntikan ko ng masagi sa gulat ang plato na nasa aking harapan.

I slowly looked back at Zion and our widened eyes met.

‘Mukhang… malaki ang nagawa kong pagbabago sa nakaraan.’

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status