Share

Kabanata 8 "Not Anymore"

Harriet’s POV

Nang makatapos sa trabaho ngayong araw, nanatili ako sa loob ng kwarto upang makapag-isip isip.

Hangga’t hindi sumisikat ang panibagong umaga, nangangamba ako na baka panaginip lamang ang araw kung kailan bumalik ako sa nakaraan.

‘Even though the day felt so really long.’

Nais ko mang makatulog at magpahinga ay hindi ako dinadapuan ng antok. Kaya naman tumungo ako sa harap ng study table, kumuha ng papel at ballpen, at saka isinulat ang mga bagay na dapat kong gawin kung paggising ko, nandito parin ako sa nakaraan.

‘Mga dapat gawin:’ I wrote in the paper.

Una, upang magkaroon ng sapat na kapangyarihan, kailangan kong makuha ang posisyon bilang ang nawawalang anak ni Mr. Astell Wyatt. Hindi ko hahayaang manakaw ni Reese ang katauhan ko bilang Nadia, ang tunay na tagapagmana.

Kung ganoon, dapat kong alam kung paano nagkita sina Reese at Mr. Astell, at kung paano nalaman ni Reese na ako si Nadia.

Pangalawa, alamin kung sino ang pumatay kay lolo Sorren.

Isang taon pa ang lilipas bago mangyari ang insidente. Sana sapat ang panahon na iyon para alamin ang salarin.

One thing is for sure, it wasn’t me who killed the chairman. Kaya naman, kailangan kong mag-ingat sa paligid. Wala ako dapat pagkatiwalaan, bukod kay…

“Cassius Fabroa,” I murmured.

Sa orihinal na hinaharap, bukod tangi ang tao na iyon ang hindi lumitaw sa paligid ni lolo Sorren.

Si Cassius Fabroa ay isa sa mga apo ng chairman, na may karapatan din sana upang mamana ang kompanya. Bagama’t hindi ko pa siya nakikita, narinig ko mula sa matagal ng katulong ng mansyon na mahal na mahal ni Cassius ang lolo, at gayundin din ang lolo niya sa kaniya.

Kaya bakit hindi nagawang bumalik ni Cassius sa loob ng maraming taon?

“Siya lang ang pwede kong hingan ng tulong.”

Tama. I need him to save the chairman.

Nanaliksik na ako tungkol kay Cassius pero kakaunting impormasyon lamang ang nakuha ko. He graduated from Harvard and now staying in New York. Relationship status and hobbies, there’s nothing to see.

Kailangan ko lang umasa na pumayag si Chairman na pabalikin si Cassius bilang kapalit ng pagtatrabaho ko bilang sekretarya ni Zion.

Knock knock…

Napatingin ako pinto kung saan nakarinig ng katok.

There are three persons whom I thought while looking at the entrance. Sino man sa tatlo na naiisip ko, hindi ako natutuwa.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinilit ang mga paa na tumungo sa likuran ng pintuan. Pagkatapos, dahan-dahan ko itong binuksan.

‘I’m right. It’s one of the three.’

“Harriet Avellino,” mataray na pagtawag sa akin ni Madam Sherly. “Mag-usap tayo.”

Hindi pa man din ako pumapayag, pumasok na siya sa loob ng kwarto at isinara pa ang pinto. Nang lingunin niya ako pabalik, tinaasan niya ako ng kilay. Then she crossed her arms.

Maganda si Madam Sherly kahit pa nasa early 40’s na siya. Saan pa ba magmamana si Zion? Pero anumang kagandahan mayroon siya, bakas sa paraan niya ng pagtingin at pagngisi ang ugali na mas masahol pa sa malansang isda.

‘I never thought I tolerated this evil woman in the past.’

“Bakit mo ginawa iyon?” panimula niya.

“Ang alin po?” tanong kong pabalik.

“Huh!” she scoffed. “Hindi mo alam kung anong ginawa mo? Pinahiya mo ko!”

Itinikom ko ang bibig at pinagmasdan siya.

“You turned me into a liar.”

Sinungaling naman talaga siya ah.

“At kung tungkol sa sugat mo,” pagpapatuloy niya sabay sulyap sa peklat na nasa kanan kong kamay. “Sabihin na nating kasalanan nga ni Madell kung bakit ka napaso. But that happened a long time ago. Hindi pa ba sapat na sinumbong mo siyang naninigarilyo? Do you really had to say that to the Chairman para lang maparusahan si Madell?”

Huminga ako ng malalim, nakatitig sa kaniya na mukhang marami pang gustong sabihin.

“What an audacity!” she gasped. “Mukhang nakakalimutan mo kung ano ang posisyon mo sa pamamahay na ito.”

Itinaas niya ang hintuturo at tinulak tulak ang noo ko habang nagsasalita.

“Sampid ka lang dito. Alipin, ampon, aso. Kung sinabi naming tumahol ka, tatahol ka. Kapag sinabi naming tumahik ka, tahimik. Kapag sinabi naming gumulong ka sa putik, gugulong ka at didilaan pa ang mga paa namin. Iyan ang posisyon mo, Harriet.”

Sa likod ng mapang-abusong salita at pananakit, isa lang naman ang naging dahilan kung bakit hindi ako lumaban noon.

It is because I love Zion.

Dahil kapamilya sila ni Zion, nangako ako sa sarili na gagawin ang lahat para matanggap ni Madam Sherly, sir Finn at ni Madell.

Lumuhod ako noon kung kailangan, nanahimik at sa diwa, halos dilaan ko ang mga paa nila para lang magpasakop.

But I am not that Harriet anymore.

“Naiintindihan mo ha? Naiintindihan mo na kung anong pos…”

Hindi naipagpatuloy ni madam Sherly ang sasabihin dahil bigla kong pinigilan ang kamay niya na siyang pinanunulak sa noo ko. Then I raised my sharply gaze to her.

Nakita ko ang pamimilog ng mga mata niya, siguro dahil sa gulat sa pangalawa kong panlalaban.

‘Bakit? Sa tingin mo naging matapang lang ako kaninang umaga dahil kaharap natin ang chairman? You’re wrong. I am someone who came out from death.’

“H-How d-dare you l-look at me like that?! Bitawan mo ko!” utos nito.

Pero mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kaniyang pulso. Then I opened my lips.

“Ano po bang posisyon niyo sa bahay na ‘to?” I asked.

“A-Ano?”

“Kayo si Madam Sherly. Ang manugang ni Chairman Sorren, at ang asawa na nagsisilbi kay Sir Finn. Hindi ba’t halos pareho lang tayo ng posisyon?”

Napaawang ang kaniyang bagang kasabay ng pagsinghap niya ng hangin. Kulang nalang lumuwa ang mga mata niya dahil sa gulat.

“S-Sinasabi mo bang… itinutulad mo ko sa posisyon mo?!” tugon niya.

Binitawan ko ang mga kamay niya bago nagpakawala ng mahinang tawa.

“Y-You…” she stuttered, pointing at me in disbelief.

“Madam Sherly,” I called her. “Sa tingin niyo siguro na yumuyuko at nagpapasakop ako sa inyo dahil kailangan ko kayong pagsilbihan. But I know my position well. Si Chairman Sorren ang kumupkop sa akin, nagpakain at nagbigay ng damit. He is the one I am serving. Kaya bakit ko kailangang lumuhod sa harap niyo?”

“HARRIET AVELLINO! That is enough. One more words and I will definitely kick you out!”

“Si Chairman Sorren lamang ang may kakayahang magpalayas sa akin. You know that.”

“Ikaw…!” Sa sobrang galit, itinaas niya ang kamay at umakmang sasampal.

But I caught her hand before she could slap me.

“Oh?” she gasped in surprised.

Tinitigan ko siyang muli. I leaned closer and whispered something to her.

“Ang mabait na aso, sumusunod at kumakawag ang buntot sa lahat. Pero ang mabangis na hayop, sa amo lang mabait. ‘Yung iba, kinakagat nila.”

Nang tignan ko siyang muli, nakita ko ang pamumutla nito. She looks like prey who pretend to be brave in front of the beast. And the beast? That’s right. It’s me. I am a beast full of vengance.

Binawi niya ang mga kamay mula sa akin habang humihinga ng malalim.

“I won’t forget this, Harriet,” sabi nito. “You’ll regret fighting against me,” ang huli niyang babala bago lumabas ng pinto at ibalibag ito papasara.

Tumingala ako sa kisame at bumuntong hininga.

“That feels good~” I said to myself.

Dati, natatakot ako sa magiging resulta kapag lumaban ako. But I didn’t expect it to be this good. Babalik na sana ako sa kama upang humiga ngunit biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng kama.

The smile on my lips vanished.

Kaninang umaga, ipinaayos ko ang cellphone upang malaman ang nakalimutang password. Doon ko nalaman na ang ginawa ko palang password ay walang iba kung hindi ang birthdate ni Zion.

‘I really did love him so much.’

Pumunta ako sa harap ng mesa at dinampot ang cellphone. Looking at the screen, I saw Zion’s name.

Bakit kaya niya naisipang tumawag ngayong gabi?

This didn’t happen in the past.

Nagtataka, sinagot ko ang tawag at itinapat ang cellphone sa tainga.

“Zion. Why did you call?”

[“Hi Harriet. Nagulat ka ba dahil bigla akong tumawag?”]

His voice sounds weird. Uminom ba siya?

[“I need your… help right now.”]

“Lasing ka ba?”

[“Hmmmm. I am so… drunk. So can you get me here? Come and see me, now.”]

Nagmadali kong binuksan ang cabinet upang humanap ng angkop na damit panlabas. Before I grab one, I stopped as I realized how stupid I am.

‘Akala ko ba iaabanduna ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya? Bakit para akong t*nga na  handang tumakbo basta’t sabihin lang niya?’

I closed my eyes as my grip around my phone tightened.

Hindi ko kailangang madaliin ang lahat.

Aaminin ko na may parte parin sa puso ko na pagmamay-ari ni Zion. So I need to get rid of it. Ang solusyon ay hindi pag-iwas, kung hindi ang pagharap sa katotohanan.

Idinilat ko ang mga mata, saka sumagot. “Nasaan ka?”

-----------

Third Person’s POV

Nagising si Zion nang maramdaman ang pag-alog ng kaniyang kinauupuan. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mabibigat na mga mata.

Nasa loob siya ng sariling kotse. He’s sitting on the back seat while someone drives for him.

Inilipat niya ang mga mata mula sa bintana sa gilid, patungo sa babaeng nagmamaneho. Zion saw Harriet’s back. At nang makita niya siya, isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi.

‘Pumunta si Harriet,’ ipagdiriwang nito sa isipan.

Isa itong patunay kay Zion na hindi na siya dapat mag-alala sa kakaibang ikinilos ni Harriet kaninang umaga. Akala kasi niya, ayaw na sa kaniya ni Harriet. And that feeling made him feel so miserable.

Ibig bang sabihin ay may nararamdaman din si Zion na espesyal na pagtingin sa dalaga?

Well, for him, there’s two things that will be his even if he doesn’t put an effort to get them.

Nangunguna sa listahan ang Fantell Architecture firm. Kahit anuman ang mangyari, sa kaniya parin naman mapupunta ito.

At ang pangalawa, ang pagmamahal ni Harriet. Simula’t sapul, nasanay si Zion na siya ang bukod tanging sinusundan at binibigyan ng pansin ni Harriet. And no matter what happened, she will continue to be by her side.

For him, these are his properties.

Kanina, labis siyang nangamba na mawala si Harriet sa kaniyang tabi. Kaya naman ngayo’t pinuntahan siya ng dalaga, napanatag na siya mula sa pag-aalala.

Ipinikit muli ni Zion ang mga mata at natulog.

A little later, when he regained consciousness, Harriet was already waking him up. Kalahating gising at inaantok, inalalayan ni Harriet si Zion na makarating sa Condo unit nito.

Ilang beses ng dumalaw si Harriet kay Zion sa condo unit. Nagdadala siya minsan ng pagkain, naghahatid ng mensahe mula sa lolo o kaya naman ay naghahatid ng gamit na nakalimutan ni Zion sa mansyon. But during those countless visits, Harriet never entered inside his house.

Sa tuwing dadalaw si Harriet noon, kitang-kita ni Zion ang kilig at pagkasabik nito.

Kung ganoon, ganito rin ba ang nararamdaman ni Harriet ngayon habang ipinapasok si Zion sa loob ng condo?

Iniisip ba ng dalaga na isang malaking pribilehiyo na pinapasok siya ni Zion?

Zion decided to give her this much. He just thought she can cross the line for a moment.

“Ahhhh,” ungol ni Zion ng makaupo sa higaan.

Medyo nahihilo pa ito dahil sa alak.

Hinilot niya ang sintido sa ulo bago tumingin patingala sa babaeng naghatid sa kaniya sa loob ng kaniyang kwarto.

‘She must be happy, right?’ he thought.

Subalit pag-angat niya ng tingin, nakita niya si Harriet na nakatitig sa kaniya taglay ang walang ekspresyong mukha. As if she isn’t delighted even a single bit.

Gayunpaman, kahit nagtataka, umagaw ng pansin ni Zion ang magandang damit ni Harriet pati na ang make-up nito.

She is wearing a red dress and her hair was tied up.

‘She’s pretty,’ ang naisip nito.

Katulad noong umaga, nakaayos muli si Harriet na para bang pinaghahandaan niya ang pagkikita nila ni Zion.

‘Why did I just notice right now that she’s damn pretty?’ pagtataka ni Zion.

Matagal na silang magkasama ni Harriet. Pero ni isang beses, hindi niya ito nakitang babae. She is like that little sister who has a crush on him. Kaya labis siyang nagtataka kung bakit ang ganda ganda ni Harriet sa paningin niya ngayon.

Dahil ba sa nakainom siya?

Dahil iniisip niya na siya ang dahilan kung bakit nagpaganda si Harriet?

Or because of those eyes of hers which looked plainly at him?

Zion felt the challenge. Hindi niya nakita si Harriet noon na nagpa-hard-to get. Ito siguro ang dahilan kung bakit nakikita na niya ito ngayon bilang babae.

Kinagat ni Zion ang pang-ilalim na labi habang nakatitig kay Harriet. With his sexy eyes, he looked at her, and waited for her to get allure at his handsome face.

Subalit tinalikuran lang siya ni Harriet.

“Aalis na ko,” sabi pa nito. Humakbang si Harriet paabante.

Mabilis na hinuli ni Zion ang kamay nito at hinatak pabalik.

“Ahh!” she gasped.

Sa paghatak ni Zion, napaupo siya sa kama, doon sa tabi niya.

“Harriet,” he called her in husky way.

Taglay ang malalakas na kabog ng dibdib, itinaas ni Harriet ang mga mata sa lalaking minahal niya noon ng higit sa sarili.

“You’re so pretty tonight,” pagpuri ni Zion. Itinaas niya ang kamay at hinaplos ang pisngi ng dalaga. “I think I am still drunk.”

Nanlaki ang mga mata ni Harriet at namula ang kaniyang mga pisngi. Sa ganitong reaksyon, sigurado si Zion na hindi siya nagkakamali.

‘Harriet loves me. And she will accept everything that will come from me.’

Upang mas mapagaan ang loob sa pag-iisip na kailanman ay hindi siya iiwan ni Harriet, naisip ni Zion na may isang paraan para gawin ito.

Holding her cheek, Zion looked at her lips.

He felt hot.

Gagawin lang naman niya ito para sigurauhing may gusto si Harriet sa kaniya. But looking at her lips, and her neck, he thinks something might happened.

Lasing naman siya. At naisip niyang baka pwedeng gawin itong dahilan kinabukasan.

‘Ahhh. I don’t know anymore…’ reklamo niya sa isipan.

Tinanggal niya ang lahat ng pag-aalinlangan at nagsimulang lumapit.

Holding both of her cheeks, Zion leaned closer. Sa paglapit niya, humalimuyak ang matamis na amoy ng alak kay Harriet. Ang matangos na ilong ni Zion ay bumunggo sa ilong niya. And his breath brushes on the seam of her lips.

Kusang bumuka ang bibig ni Harriet, waring tatanggapin ang halik. But then…

She remembered what she experienced before going back to past.

Iniwan siya ni Zion noon at itinakwil. And she died in the cold cell.

Ito ang nagtulak kay Harriet na tanggihan ang halik, anupat agad siyang lumayo kay Zion.

“...!”

Natulala si Zion matapos siyang itulat ni Harriet palayo.

How?

How is it possible for her to push him away?

“Lasing na lasing ka, Zion,” naiiyak na sambit ni Harriet. Tumayo itong muli at ilang beses na huminga ng malalim. “Aalis na ko.”

Zion looked at her back. Hindi siya makapaniwala. Totoong hindi siya makapaniwala sa nangyari. Did she just… reject him?

“Harriet,” muli niyang pagtawag na nagpatigil kay Harriet.

“...”

“Why did you do that?”

“...”

“Gusto mo ko, hindi ba?”

Gasping, Harriet looked back. Nagtama ang kanilang mga mata.

“Why are you suddenly pushing me away? You love me.”

Pinigilan ni Harriet ang pagpatak ng luha bago ibinukas ang bibig.

“Zion.”

“...”

She looked at him and dropped, “I don’t love you anymore.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status