Share

Kabanata 9 "Bring Him Back"

Harriet’s POV

Matapos ang mahabang gabi, nagising ako at napatotohanang hindi panaginip o kathang isip ang mga nangyari nang nagdaang oras.

‘This is the second day after going back to past.’

Mahirap paniwalaan ang nangyari; paano at bakit ako bumalik, at kung hanggang kailan magtatagal ang milagrong ito. Gayunpaman, nabiyayaan ako ng pangalawang pagkakataong mabuhay at maikli ang panahon para ubusin sa pag-aagam agam.

Bumangon ako sa pagkakahiga, naligo at at inihanda ang susuotin.

As I opened my cabinet, I saw a few of beautiful dresses. Naisuot ko na ang dalawa sa magagandang damit na nakatabi. Kakaunti na lamang ang pagpipilian.

‘Mukhang kailangan kong mamili ng damit ah.’

Napaisip ako kung magkano kaya ang laman ng pera ko sa bangko. Kahit may pambili ng mga gamit, tinitipid ko noon ang sarili, sa takot na baka kailanganin ko ang pera sa oras na mapalayas ako sa mansyon ng Fabroa.

Kaya bukod sa iniiwasan kong mag-ayos at manamit ng maganda dahil kay Madell, napupunta ang lahat ng pera ko sa ipon.

Ngayon, wala ng dahilan para mamroblema sa salapi.

Pinili ko ang puting baro. The chairman bought this for me when we went to Chille for business trip. Excited sana akong suotin ito noon, pero naisip ko na baka magmultok na naman ang inggiterang si Madell. So I kept it hidden.

Isinuot ko ang puting dress at tumungo sa harap ng salamin. I put a light make-up to match my dress, and when I am ready, I went out of my room.

Plano kong magpunta kay Chairman at magpaalam bago pumasok sa trabaho.

Ito ang unang pagkakataon na papasok ako bilang sekretarya ng apo niyang si Zion.

Ayon sa boarding meeting kahapon, nagsabi na si Chairman Sorren ng tungkol sa kaniyang pagbibitiw sa puwesto. Kaya naman hindi na siya pupunta sa kompanya magmula ngayong araw.

‘This is really different from the past.’

Sa daan papunta kay Chairman, nakasalubong ko sa paglalakad ang isa sa mga miyembro ng pamilyang Fabroa. It is the chairman’s son, and Zion’s father, Finn Fabroa.

Nang magkita kami, pareho kaming huminto sa paglalakad.

Bilang pagpapakita ng paggalang, napilitan akong iyuko ng kaunti ang ulo habang nakatayo sa harap niya.

As I looked at the ground, I remembered the sin of this man.

[“Siya lang ang bukod tangi kong nakita na lumabas pasok sa kwarto ni papa. Harriet killed my dad! She killed him!”]

Si sir Finn ang isa sa mga tumestigo noon sa kaso kong pagpatay kay lolo Sorren sa orihinal na hinaharap. Nagbigay siya ng mga maling testigo, anupat dahil dito, nadiin ako sa kaso at nasistensiyahan ng kamatayan.

Dahil sa kasinungalingan niya, natitiyak ako na may kinalaman si sir sa pagkamatay ng chairman noon.

‘Bakit? Dahil ba ayaw ibigay ni Chairman ang kompanya sa sariling anak?’

Naglakad si sir Finn papaabante. Akala ko magiging payapa ang pagkikita namin ngayong araw, ngunit…

“Bukod sa pagiging paborito ni Chairman,” aniya pagkatapos tumigil sa paglalakad. “Ngayon naman ay magtatrabaho ka bilang sekretarya ng anak ko.”

Iginilid ko ang ulo upang tignan siya. Sir Finn was talking without looking back at me, as if staring at my face will disgust him.

“Napakataas ng pangarap mo, Harriet. Kahit kailan, hindi ka magiging asawa ng tagapag-mana ng Fantell Firm. Kaya kung iniisip mo na makukuha mo si Zion, don’t ever dream.”

Dahan-dahan siyang lumingon at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Ikakasal ang anak ko sa babaeng nararapat sa kaniya. And she won’t be someone like you.”

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong makasagot pa dahil naglakad na ito palayo.

‘Hindi ako ang babaeng nararapat kay Zion?’

 I chuckled sarcastically.

Sa oras na malaman nilang ako ang anak ng bilyunaryong si Astell Wyatt, ipapalamon ko mismo kay sir Finn ang mga salitang binitawan niya.

‘Just wait and see.’

Sinubukan kong huwag pansinin ang damdaming nagpapabigat sa aking puso, at muling lumakad. But as I remembered what happened last night, my feet stopped again.

[“I don’t love you anymore.”]

Ikinuyom ko ang mga kamay habang inaalala ang bawat kasinungalingang binitawan kagabi.

I hate Zion.

I hate him for abandoning me and for believing that I killed his grandfather.

Pero kahit gustong gusto kong sabihin sa sarili na ito na ang panahon para iwanan siya, may parte parin sa puso ko na nasasaktan.

‘Hindi pa ba sapat na mamatay ka para matauhan?’ ang tanong ko sa sarili.

Gayunpaman, buo ang desisyon ko na kalimutan ang mapusok na pagmamahal kay Zion. And lying that I don’t love him anymore is the first step.

‘I can do it. Kaya kong tuluyang ialis ang damdamin para sa kaniya.’

Matapos paalalahanan ang sarili, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa opisina ni lolo Sorren.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, umakma akong babatiin ang chairman. Subalit nakita ko siyang may kausap sa telepono. Kaya’t nanatili akong nakatayo sa gilid at naghihintay na matapos siya.

“Alright. I will send someone to check it,” ang sabi ni chairman para sa kabilang linya.

Habang tinititigan ko siya, hindi ko maiwasang mapangiti. ‘My lolo Sorren is really alive,’ another thought that made me slight teary.

Kung hindi lang dahil sa kaniya, hindi na ko magdadalawang isip na lumayas sa pamamahay na ito magmula ng bumalik ako sa nakaraan.

“Okay, okay. I’ll count you for that,” panapos na pagbati ng chairman bago ibiniba ang telepono at saka tumingin sa akin.

“Harriet!” bati niya, sabay tayo.

“Magandang umaga po, chairman.”

“Mas maganda ka pa sa umaga,” papuri nito matapos ako pasadahan ng tingin mula paa hanggang ulo. “Secretay Harriet is also beautiful today.”

“Salamat po,” I said. “Pumunta nga po pala ako para magpaalam sa inyo bago pumasok sa tr…”

“I’m sorry Harriet,” sabi nito na pumutol sa aking pahayag.

“Po?”

“Tumawag kasi ang branch from New York. We need to do some quality check for the Heydiko project. Sinabi ko na magpapadala ako ng siyang mismong titingin sa kwalidad ng mga gamit.”

Heydiko project.

Sa pagkakatanda ko, isa itong malaking proyekto na nalugi noon dahil sa kapalpakan ni sir Finn.

‘So it is this time.’

“I would like for Harriet to go there and check it.”

“Po?!” napasinghap ako dahil sa gulat.

Hindi ba’t si sir Finn ang pumunta noon para tignan ang proyekto? Bakit ako ang biglang naisipan ni Chairman na atasan?

‘I can’t be away for too long. Kailangan kong bantayan ang galaw ni Reese para mapigilan ang pagkikita nila ng tunay kong ama.’

“P-Pero, hindi po ba ngayon ang unang araw ko bilang sekretarya ni Zion?” pagdadahilan ko.

Habang nakaupo, nagpakawala ng matamis na ngiti si lolo Sorren.

“Nakalimutan mo na ba ang hiling mo sa akin kahapon?”

The condition I asked?

Of course not.

“Bilang kapalit ng pagtatrabaho kay Zion, hiniling mo na pabalikin ko ng bansa ang apo kong si Cassius.”

“...”

“Pero nang tanungin kita kung bakit, wala kang maisagot.”

Yumuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi.

Ang tunay na dahilan kung bakit nais kong bumalik si Cassius ay upang makahanap ng kakampi. Kailangan ko ng mapagkakatiwalaan na tutulong upang mapigilan ang kamatayan ni Chairman sa hinaharap.

I cannot say that reason to lolo Sorren.

“Ang totoo niyan, batid ko na imposibleng bumalik ang apo kong si Cassius,” dagdag ni chairman na nag-paangat ng aking ulo.

He shook his head while wearing a sad smile.

“Imposibleng bumalik ang bata na iyon.”

Ramdam ko sa boses nito ang pangungulila sa apong matagal ng hindi nakita. Ano nga ba ang totoong dahilan ng pananatili ni Cassius sa ibang bansa?

“So if you really want him to come back,” the chairman said, looking back at me. “Go to New York.”

Ang bilog kong mga mata ay mas lalong namilog at nanlaki pa nga.

“Puntahan mo ang apo ko. And try to convince him to come back.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status