分享

CHAPTER 3

last update publish date: 2026-06-09 14:52:38

KIARA VALENCIA POV

Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos apat na oras lang ang tulog ko. Imbis na mapagod, pakiramdam ko ay punong-puno ng energy ang katawan ko. Safe kong masasabi na iba talaga ang nagagawa kapag may pitong bilyong piso ka sa bank account at hindi mo na kailangang isipin kung paano babayaran ang susunod na mga bayarin.

Habang umiinom ako ng gatas sa kitchen island, tumunog ang bago kong phone. Ang number na ito ay para sa mga legal at business matters ko na lang, kaya alam kong si Atty. Raymond ang tumatawag.

“Good morning, Miss Kiara. I hope nakapagpahinga kayo nang maayos,” bati niya mula sa kabilang linya.

“Opo, Atty. Raymond. Masarap ang tulog ko, salamat. May update na ba?”

“Yes, Ma'am. Na-process ko na ang mga hiling ninyo kahapon. Una, tungkol sa pamilya na umampon sa inyo. Na-cut ko na ang buwanang allowance na ipinapadala ng foundation ng tatay ninyo sa kanila. Pangalawa, tungkol sa Montenegro Group. Nagpadala na ako ng pormal na sulat sa board of directors nila para sa agarang pull-out ng fifty percent ng shares na hawak ng Valencia Holdings sa kumpanya nila.”

Napangiti ako nang tipid. Fifty percent. Maliit tingnan kung sa numero lang, pero sa isang malaking korporasyon na umaasa sa mga investor para mapanatiling stable ang stock market value nila, malaking sampal ’yon.

“Paano si Nathan, Atty? May reaksyon na ba ang opisina niya?” tanong ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ng abogado. “Kanina pang alas-siyete ng umaga tumatawag ang secretary niya sa opisina ko, Miss Kiara. Nagpapanic sila dahil ang bilyong pisong investment na kukunin natin ay gagamitin sana nila para pondohan ang bago nilang eco-luxury resort project sa Palawan ngayong buwan. Kung mawawala ang pera ng mga Valencia, mapipilitan silang itigil ang construction.”

“Hayaan mo silang mag-panic,” malamig kong sabi. “Huwag mong sasabihin sa kanila na ako ang bagong chairman ng Valencia Holdings hangga’t hindi dumarating ang emergency board meeting nila sa susunod na linggo.”

“Masusunod po, Chairman Kiara.”

Pagkababa ng tawag, nakaramdam ako ng kaunting gigil. Hindi ko akalain na ang pamilyang inakala kong sa akin—ang pamilya Valencia na umampon sa akin (at nagkataong kapareho pa ng apelyido ng totoong tatay ko)—ay ganito kadaling mabili ng pera ni Nathan.

Para masubukan kung gaano kabilis kumalat ang balita, kinuha ko ang luma kong phone na ginagamit ko noong nakatira pa ako sa mansyon. Inalis ko ito sa airplane mode. Sa loob lang ng tatlong segundo, sunod-sunod na pumasok ang notifications. May 90 missed calls mula kay Nathan, 30 mula kay Rebecca, at lampas 100 text messages mula sa nanay-nanayan ko na si Helen.

Eksakto namang habang tinitingnan ko ang screen, biglang bumungad ang pangalan ni Helen. Sinagot ko ito at inilagay sa speakerphone habang nagtitimpla ako ng oatmeal.

“Kiara! Sa wakas sinagot mo rin ang peste mong cellphone” bungad ng boses ni Helen. Rinig ko ang galit at takot sa tono niya. “Ano bang kalokohan ang pinaggagawa mo? Tumawag sa akin si Nathan kagabi! Bakit ka umalis sa mansyon? At bakit mo sinabing alam mo nang peke ang kasal ninyo?”

“Dahil alam ko naman talaga ang totoo, Ma,” kalmado kong sagot habang hinahalo ang pagkain ko. “Peke ang kasal, peke ang pag-ibig ni Nathan, at peke rin ang pagmamahal ninyo sa akin bilang pamilya.”

Natahimik siya nang ilang sandali, marahil nagulat dahil hindi ako umiiyak o nagmamakaawa gaya ng dati. Noong una, kapag nagagalit siya, agad akong humihingi ng tawad kahit wala akong kasalanan.

“Kiara, makinig ka sa akin,” pagpapatuloy ni Helen, pilit na pinapakalma ang boses niya ngayon. “Huwag kang mapagmataas. Kaya lang naman namin ginawa ’yon ay para sa kabutihan mo rin. Kung hindi dahil sa amin, hindi ka naman makakatira sa marangyang mansyon ng mga Montenegro, ’di ba? Ngayon, naputol ang allowance na natatanggap namin mula sa isang charity fund. May kinalaman ka ba roon? Magmakaawa ka kay Nathan, Kiara! Humingi ka ng tawad sa kanya at bumalik ka na roon bago pa siya tuluyang makahanap ng ibang babae!”

“Hindi ako babalik, Ma. At tungkol sa allowance ninyo? Maghanap kayo ng trabaho. Tapos na ang panahong binabayaran kayo ni Nathan gamit ako bilang produkto ninyo,” sabi ko bago ko tuluyang pinatay ang tawag.

Nakakatawa na hanggang sa huling sandali, ang perang mawawala sa kanila ang iniisip nila, hindi man lang kung ano ang nararamdaman ko matapos maloko ng dalawang taon.

Para tuluyang mawala ang bad trip ko, nagpasya akong lumabas ng condo. Naka-oversized black hoodie lang ako, leggings, at rubber shoes. Gusto kong maglakad-lakad muna sa BGC para makalanghap ng sariwang hangin at makapag-isip-isip ng mga susunod kong plano. Habang naglalakad ako malapit sa isang sikat na commercial building, may napansin akong pamilyar na kotse na pumarada sa tapat ng isang mamahaling restaurant.

Isang makintab na kulay abong sports car. Plate number na pamilyar. Kay Nathan ’yon.

Tumigil ako sa paglalakad at sumandal sa gilid ng isang poste ng kuryente, medyo malayo para hindi ako mapansin. Bumukas ang pinto ng driver's seat at lumabas si Nathan. Mukha siyang stressed—magulo ang buhok niya at bahagyang nakabukas ang butones ng polo niya, malayo sa palaging perpekto niyang itsura kapag nakikita ko siya sa bahay.

Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang babaeng lumabas mula sa passenger seat.

Maganda siya, nakasuot ng isang eleganteng beige na dress, at may hawak na mamahaling handbag. Si Clara. Ang university propesor na sinasabi ni Rebecca na totoong mahal ni Nathan. Ang babaeng dahilan kung bakit ako ginawang panakip-butas sa loob ng dalawang taon.

Hinawakan ni Clara ang braso ni Nathan habang naglalakad sila papasok sa restaurant. Narinig ko pa ang bahagyang pag-uusap ng mga tao sa paligid na nakakakilala sa kanya.

“Uy, si Nathan Montenegro ’yon, ’di ba? Ang balita ko, nagkaproblema raw ang kumpanya nila kanina lang dahil sa isang malaking investor,” bulong ng isang babaeng may hawak na shopping bag sa kasama niya.

“Oo, narinig ko rin. Pero sino ’yong kasama niya? Hindi ba asawa niya si Kiara Valencia? Bakit iba ang kasama niya ngayon?” sagot naman ng isa.

Nakatitig lang ako sa kanila habang papasok sila sa glass door ng restaurant. Kung nangyari ito noong nakaraang linggo, baka naiyak at nasaktan na naman ako nang husto. Baka umiyak na naman ako sa banyo habang nagtatanong kung ano ba ang kulang sa akin. Pero ngayon, habang pinagmamasdan ko silang magkasama, wala na akong naramdamang kahit anong sakit. Tanging matinding pandidiri na lang ang nararamdaman ko para sa lalaking sinayangan ko ng dalawang taon ng buhay ko.

Magpakasaya muna kayo ngayon, Nathan, sa loob-loob ko habang kinukuha ko ang phone ko sa bulsa. Dahil sa oras na magkita tayo sa board meeting sa susunod na linggo, sisiguraduhin kong ang perang ipinagpalit mo sa akin ang siyang huling bagay na wawasak sa buong buhay mo.

Naglakad na ako palayo, pabalik sa condo para ihanda ang susuotin ko para sa darating na paghaharap namin sa corporate office ng Montenegro Group.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife   CHAPTER 12

    “Maam, ano ang ginagawa niyo dito mag-isa?” Lumapit sa akin si Ace mula sa likuran.“Pwede bang Miss Kiara na lang itawag mo? Masyado naman kasing pormal ang maam, e.”Nagkibit-balikat siya at naupo sa buhangin katabi ng bato na inuupuan ko. “Oh, bakit diyan ka naupo?” tanong ko.Napalingon siya dahil sa pagtataka. “Bakit, Miss Kiara? Wala naman ako ibang uupuan, e. Alangan tumabi ako sa inyo.” pagdadahilan niya.May point naman siya.“Bakit nga ba nandito kayo mag-isa?” tanong ulit niya.“May iniisip lang,” sagot ko bago bumuntong-hininga.“Mukhang…malalim yata ang iniisp niyo para mapag-isa kayo dito.”“Siguro nga.”Matamlay ang boses ko at siguro ay napansin din ito ni Ace. Hindi ko nga alam kung bakit ba wala akong gana magsalita ngayon. Siguro sobrang bigat lang talaga ng nararamdaman ko.Biglang tumayo si Ace at pinagpagan ang mga buhangin na dumikit sa kanyang short. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko na siya rin namang ikinabigla ko. Bago ko tanggapin ay tumingin muna ak

  • The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife   CHAPTER 11

    Inilibot ako ni Ace pero hindi naman kami masyadong lumayo. “Pwede bang dito muna tayo kahit sandali? Gusto ko sanang hintayin ang pagsikat ng araw,” mahina kong sambit habang patuloy pa rin ang paghanga sa unti-unting pagsikat nito at ang kulay nito ay nagre-reflect sa tubig.“Sige po, maam.” Ibinaba ni Ace ang sagwan at tumanaw din sa pagsikat nito habang nakaupo siya sa kabilang banda ng bangka.“Ang ganda, diba?”Tumingin ako sa kanya pero nagtagpo ang mga mata namin dahil nakatingin pala siya sa akin.Umiwas siya agad ng tingin at nagkunwaring nakatingin na siya sa dagat. “A-Ah, opo. Grabe! Ang ganda naman noon, maam!”Napataas naman ang kilay ko at napangisi. Hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa. Ang pangit naman niya magsinungaling, sobrang exaggerated ng acting skills.“Alam mo, mabuti pa magsagwan ka na lang. Nararamdaman ko na rin na medyo nagugutom na ako,” natatawa kong sabi.“Yes, maam!” Nagkunwari pa siyang sumaludo sa akin at muntikan mahulog. Mabuti na lang ay nabala

  • The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife   CHAPTER 10

    Paggising ko, nag-unat ako ng bahagya bago imulat ang mga mata. Ang sakit ng katawan ko. HIndi naman ako napagod kahapon o kagabi. Hindi nga ako uminom.“Ah! Aray…” angal ko nang biglang sumakit ang likod ko.Alam ko na. Siguro dahil masyado ako malikot matulog kagabi. KAsi naman. Hindi ko alam paano ako pupwesto at anong pwesto gagawin ko dahil hindi ako makatulod. Gusto ko na nga magpasuntok kagabi para lang makatulog. Alang-alang sa beauty rest ko.Napukaw ng pansin ko ang ready-made breakfast sa beside table. Mayroon itong sliced banana, glass of milk, and sandwich with few slices of strawberries. Napangiti agad ako nang makita ito. Ang cute kasi ng pagkaka-arrange ng stawberries sa plate. Nakahugis puso ang mga ito.“Good morning, maam,” bati ni Manang Ester. “Sa tingin ko ay nagustuhan niyo ang breakfast na inihanda ko.” Malawak ang kanyang ngiti. Lumapit siya sa akin at kinuha ang ready-made breakfast na iyon para ilagay sa harapan ko.“Kanina pa po ba kayo diyan, manang?” tano

  • The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife   CHAPTER 9

    Gabi na at napagpasyahan ko na magkasiyahan muna kami kahit papaano kasama ng mga tauhan ng villa.Tahimik ko silang pinanood habang nagkakasiyahan. Hanggang sa nilaptan ako si Ace.“Maam, hindi magandang nagsasaya kami habang kayo nandito sa sulok,” aniya bago ako abutan ng barbeque na bagong ihaw lang. “Iniisip niyo pa rin ba ang asawa niyo?”Nabigla ako sa tanong niya kaya naman hindi ako agad nakasagot. Siguro ay napansin niya rin ang pagkabigla ko. Pero agad ko rin nabawi ang sarili mula sa pagkagulat. “Hindi ko siya asawa.”Tumango na lamang si Ace at yumuko na parang nagpipigil pa ng tawa. At napansin ko iyon. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ng masama. “At anong nakakatawa sa sinabi ko?”Umiling lang siya. “Wala po, maam. Sorry po. Di ko lang talaga mapigilang mapatawa sa kumpiyansa niyo po. Balita ko kasi mahal na mahal niyo yung asawa niyo na yon e—I mean si Nathan pala.”Hindi ko alam kung trip lang ba ako nitong lalaki na ito o talagang nakakatawa ang sinabi ko. Kung

  • The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife   CHAPTER 8

    “Manang, paki handa na ang pananghalian. Sasaglit lang ako sa labas para magpahangin,” baling ko sa katiwala ng villa na si Manang Ester. Abala ito sa pagpupunas ng mga cabinet na pinaglalagyan ng mga pigurin kaya bahagya ko siyang kinalabit.“Ay—Opo, Maam Kiara,” madaling sagot nito. Agad niyang binitawan ang ginagawa at nagtungo na sa kusina.Paglabas ko pa lang ng bahay, sinalubong na ako ng mainit na sikat ng araw. Pero kahit na masakit ito sa balat, hindi ko ito masyadong ininda dahil malamig naman ang simoy ng hangin dahil sa malakas na hampas ng mga alon.Sumilong ako sa ilalim ng puno ng niyog malapit sa tabing-dagat at maingat na naupo sa malaking bato sa ilalim nito. Sumayad sa pinong buhangin ang kulay dilaw kong bestida. Bahagya akong sumandal sa mismong puno habang nakatanaw sa matingkad na kulay asul na dagat. Kumikinang pa ito dahil sa katanghalian.Napapapikit na ako nang bigla akong makaamoy ng pabango. Agad ako nagmulat ng mata at pagbukas ko ng aking mga talukap, nak

  • The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife   CHAPTER 7

    Nag-ayos na ako ng sarili habang hinihintay si attorney. Naupo ako sa harapan ng salamin habang pinapatuyo ang buhok ko. Hinila ko ang left side ng drawer at kinuha ang punit na piraso ng papel. Ang marriage certificate namin ni Nathan—ay mali, pekeng marriage certificate pala.Pinunit ko ito ng ilang beses pa hanhggang sa maliit na piraso na lamang bago ito kuyumusin at inihagis sa basurahan.Kinuha ko ang telepono mula sa ibabaw ng table. Ilang ring lang ay may sumagot na mula sa kabilang linya. Si attorney.“Maam Kiara,” bungad nito.“Anong balita, attorney? May update ka na ba tungkol sa mga Montenegro na ‘yan?”“I’m on my way. Magkita na lang tayo diyan. Sigurado akong matutuwa ka kapahg narinig mo ang lahat ng nangyari.”Masaya ako. Totoo ‘yon. Dahil alam kong hindi lang basta good news ang maririnig ko mula kay attorney. It will bring me satisfaction.“Sige, attorney. Aasahan kong ikakatuwa ko ang mga ‘yan.”“I’m sure of that, Maam Kiara.”Nang mamatay na ang tawag, may tinawag

  • The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife   CHAPTER 6

    Nakatayo ako sa harapan ng salamin at pinapanood ng mabuti kaaya-ayang kong repleksiyon. Hindi ko maiwasan na hangaan ang sariling ganda habang suot ang matinkad ng pulang bestidang hapit sa kurbada kong katawan at hubad sa likuran. Kita ang makinis kong balikat at hita dahil sa slit sa kaliwang ba

  • The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife   CHAPTER 4

    KIARA VALENCIA POV Lumipas ang isang linggo na puro paghahanda ang inatupag ko kasama si Atty. Raymond. Hindi muna ako nagpakita sa publiko, pero halos araw-araw kong sinusubaybayan ang balita sa corporate world. Sabi nga sa mga news article, bagsak ang stock value ng Montenegro Group simula nang

  • The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife   CHAPTER 2

    KIARA VALENCIA POV “Sige po, Atty. Raymond. Ipapadala ko sa inyo ang address ng isang cafe malapit dito. Magkita tayo roon pagkatapos ng dalawang oras,” sabi ko habang pilit na pinapatatag ang boses ko. “Mabuti po, Miss Kiara. Ihanda niyo na rin po ang mga valid ID ninyo para mabilis nating map

  • The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife   CHAPTER 1

    KIARA VALENCIA POV Pinupunasan ko ang gilid ng counter habang hinihintay na mag-alas siyete ng gabi. Nakahain na sa mesa ang paboritong beef stroganoff ni Nathan. Simple lang naman ang gabing ’to—second anniversary namin bilang mag-asawa. Walang malaking handaan, walang bisita. Sanay na ako na ka

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status