KIARA VALENCIA POV Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos apat na oras lang ang tulog ko. Imbis na mapagod, pakiramdam ko ay punong-puno ng energy ang katawan ko. Safe kong masasabi na iba talaga ang nagagawa kapag may pitong bilyong piso ka sa bank account at hindi mo na kailangang isipin kung paano babayaran ang susunod na mga bayarin. Habang umiinom ako ng gatas sa kitchen island, tumunog ang bago kong phone. Ang number na ito ay para sa mga legal at business matters ko na lang, kaya alam kong si Atty. Raymond ang tumatawag. “Good morning, Miss Kiara. I hope nakapagpahinga kayo nang maayos,” bati niya mula sa kabilang linya. “Opo, Atty. Raymond. Masarap ang tulog ko, salamat. May update na ba?” “Yes, Ma'am. Na-process ko na ang mga hiling ninyo kahapon. Una, tungkol sa pamilya na umampon sa inyo. Na-cut ko na ang buwanang allowance na ipinapadala ng foundation ng tatay ninyo sa kanila. Pangalawa, tungkol sa Montenegro Group. Nagpadala na ako ng pormal na sulat sa bo
Last Updated : 2026-06-09 Read more