LOGINKIARA VALENCIA POV
“Sige po, Atty. Raymond. Ipapadala ko sa inyo ang address ng isang cafe malapit dito. Magkita tayo roon pagkatapos ng dalawang oras,” sabi ko habang pilit na pinapatatag ang boses ko. “Mabuti po, Miss Kiara. Ihanda niyo na rin po ang mga valid ID ninyo para mabilis nating maproseso ang paglilipat ng mga accounts,” sagot ng abogado bago niya ibaba ang tawag. Ibinaba ko ang phone ko sa ibabaw ng kama. Nakatitig lang ako sa dingding habang unti-unting kumakalma ang mga kamay ko. Nawala na ang takot na naramdaman ko kanina, at napalitan na lang ito ng matinding galit. So, kailangan pala ni Nathan na manatili ako sa tabi niya nang dalawang taon para makuha ang mana niya? Ngayon, eksaktong dalawang taon na ang nakalipas. Ibig sabihin, kahit hindi ko pa nalaman ang totoo ngayon, plano niya pa rin akong itapon sa mga susunod na araw dahil nakuha na niya ang shares na gusto niya. Ang dumi. Ang dumi-dumi ng laro nila. Tumayo ako at kumuha ng isang malaking eco-bag mula sa cabinet. Noong lumipat ako sa mansyong ito, isang bag lang ng mga lumang damit ang dala ko. Sa loob ng dalawang taon, binilhan ako ni Nathan ng mga mamahaling designer bags, sapatos, at mga alahas, pero lahat ng ’yon ay nakalagay sa ilalim ng pangalang Mrs. Montenegro. Wala akong kukunin kahit isa sa mga ’yon. Hindi ko dudumiwan ang mga kamay ko sa mga bagay na binili gamit ang pera ng mga Montenegro. Kinuha ko lang ang iilang piraso ng damit na binili ko gamit ang sarili kong ipon mula sa pagiging online English tutor noon, ang mga lumang notebook ko, at ang mga valid ID ko gamit ang pangalang Kiara Valencia. Ni isang piraso ng alahas na galing sa kanya, walang natira sa dresser. Iniwan ko rin ang silver wedding ring ko sa ibabaw ng side table, katabi ng nakasusi kong closet. Pagbaba ko sa sala, nakasalubong ko si Rebecca na may dalang tasa ng tsaa. Tiningnan niya ang eco-bag na dala ko, tapos ay tinaasan ako ng kilay. “Saan ka pupunta, Kiara? At ano ’yang basurang dala mo? Huwag mong sabihin na magdadala ka na naman ng mga mumurahing gamit dito sa bahay?” maarte niyang sabi bago humigop ng tsaa. Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata. Dati, tuwing magsasalita siya nang ganyan, yumuyuko lang ako at humihingi ng paumanhin. Pero ngayon, nakita ko kung paano dumaan ang gulat sa mukha niya nang hindi ako umiwas ng tingin. “Aalis na ako, Tita Rebecca,” pormal kong sabi. Nabilaukan siya nang bahagya sa tsaa niya. “Anong Tita? At anong aalis ka? Nababaliw ka na ba? May party kayong aattendan ni Nathan sa makalawa sa harap ng mga board members!” “Wala na akong pakialam sa party niyo. At huwag kayong mag-alala, hindi na ako babalik,” sagot ko bago tuluyang tumalikod at naglakad palabas ng pinto. Narinig ko pa siyang sumisigaw sa likod ko, tinatawag ang mga katulong para pigilan ako, pero dire-diretso lang ang lakad ko palabas ng gate ng subdivision. Hindi ako lumingon. Sa bawat hakbang ko palayo sa mansyong ’yon, pakiramdam ko ay nababawasan ang bigat sa dibdib ko. Pagdating ko sa sikat na high-end cafe sa Makati, medyo nahiya pa ako dahil naka-simpleng t-shirt at maong lang ako habang ang mga tao sa paligid ay naka-business attire. Pero nawala ang hiya ko nang may lumapit sa aking isang matandang lalaki na may bitbit na leather briefcase. May dalawa siyang kasamang lalaki na naka-suit na mukhang mga bodyguard. “Miss Kiara Valencia?” tanong niya nang may paggalang. “Opo, Atty. Raymond?” Ngumiti siya at agad akong pinagbuksan ng upuan sa isang private booth ng cafe. Inilapag niya ang mga makakapal na dokumento sa lamesa. Sa susunod na isang oras, ipinaliwanag niya sa akin ang lahat. Si Don Severino ay ang nag-iisang tycoon na nagmamay-ari ng Valencia Holdings, ang pinakamalaking shipping at real estate conglomerate sa bansa. Bata pa lang ako nang maaksidente ang sinasakyan naming kotse ng biological mother ko, at doon ako nawala at napunta sa mga umampon sa akin. “Lahat ng ari-arian, ang mansyon sa Forbes Park, ang mga shares sa kumpanya, at ang pitong bilyong pisong cash sa bank trust account ay nakapangalan na sa inyo ngayon, Miss Kiara. Kailangan na lang po ang pirma ninyo,” paliwanag ng abogado. Tiningnan ko ang mga papeles. Sa isang pirma lang, mas mayaman na ako kaysa sa buong pamilya Montenegro. Mas mataas na ang posisyon ko kaysa sa lalaking nag-kulong sa akin sa kasinungalingan. Inabot ko ang ballpen at mabilis na pumirma. “Atty. Raymond, may hihilingin sana akong pabor,” sabi ko habang ibinabalik sa kanya ang ballpen. “Gusto kong i-freeze ang lahat ng tulong financial na ibinibigay ng Valencia Holdings sa pamilya ng mga umampon sa akin. At gusto ko ring simulan ang pag-pull out ng mga investments natin sa Montenegro Group.” Nagulat nang bahagya si Atty. Raymond, pero mabilis ding tumango bilang isang propesyonal. “Masusunod po, Miss Kiara. I’m sure magugulat ang Montenegro Group kapag nalaman nilang ang pangunahing investor nila ay ang bagong chairman ng Valencia Holdings.” Gabi na nang makarating ako sa isang private condo unit na pansamantalang inayos para sa akin ni Atty. Raymond. Habang nagpapakulo ako ng tubig para sa kape, walang tigil sa pag-vibrate ang phone ko sa lamesa. Nathan Calling... Hinayaan ko lang itong mag-ring nang limang beses bago ko sinagot. Pagka-swipe ko pa lang ng screen, sumabog agad ang galit na boses ni Nathan sa kabilang linya. “Kiara! Saan ka ba nagpupunta?! Sabi ni Mom umalis ka raw ng bahay na may dalang bag? At bakit iniwan mo ang wedding ring mo sa kwarto? Are you making a scene again just because it’s our anniversary? Pwede ba, huwag kang isip-bata! May meeting ako sa mga board members bukas at kailangan kitang kasama sa dinner!” Mapait akong natawa. Sobrang natural sa kanya ang magalit at baligtarin ang sitwasyon para magmukha akong masama. Ganito ba talaga ako katanga noon para hindi mapansin na ginagamit lang niya ako? “Hindi ako gagawa ng eksena, Nathan. At lalong hindi ako babalik sa mansyon mo,” banayad kong sagot. Natahimik siya sa kabilang linya, tila nagulat sa kalmado kong tono. Pagkatapos ng ilang segundo, sumigaw siya ulit. “Anong hindi babalik? Kiara, saan mo balak tumira? Wala kang pera, wala kang pamilyang matatakbuhan kung hindi ako! Huwag mo akong subukan, Kiara. Kung hindi ka uuwi ngayon, hinding-hindi na kita tatanggapin ulit.” “Nathan, huwag ka nang mag-alala sa kung saan ako titira. At tungkol naman sa pagtanggap mo sa akin…” Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin ng condo. Wala na ang takot sa mga mata ko. “Hindi mo na kailangang mag-alala sa dalawang taong kasunduan niyo ng pamilya mo para sa mana mo. Dahil alam ko nang peke ang marriage certificate natin.” Narinig ko ang mabilis na paghinga ni Nathan sa kabilang linya. Nabitawan niya yata ang kung anong bagay dahil may narinig akong kalabog. “K-Kiara… ano bang pinagsasabi mo?” “Sabi ko, tapos na ang mga laro mo. Magkita na lang tayo sa susunod na mga araw, Mr. Montenegro. Ihanda mo na ang kumpanya mo,” sabi ko, sabay patay ng tawag bago pa siya makasagot. I-binlock ko ang number niya. Inilapag ko ang phone ko sa counter at dinala ang mainit na tasa ng kape sa balkonahe ng condo, habang pinagmamasdan ang naglalakihang ilaw ng mga building.“Maam, ano ang ginagawa niyo dito mag-isa?” Lumapit sa akin si Ace mula sa likuran.“Pwede bang Miss Kiara na lang itawag mo? Masyado naman kasing pormal ang maam, e.”Nagkibit-balikat siya at naupo sa buhangin katabi ng bato na inuupuan ko. “Oh, bakit diyan ka naupo?” tanong ko.Napalingon siya dahil sa pagtataka. “Bakit, Miss Kiara? Wala naman ako ibang uupuan, e. Alangan tumabi ako sa inyo.” pagdadahilan niya.May point naman siya.“Bakit nga ba nandito kayo mag-isa?” tanong ulit niya.“May iniisip lang,” sagot ko bago bumuntong-hininga.“Mukhang…malalim yata ang iniisp niyo para mapag-isa kayo dito.”“Siguro nga.”Matamlay ang boses ko at siguro ay napansin din ito ni Ace. Hindi ko nga alam kung bakit ba wala akong gana magsalita ngayon. Siguro sobrang bigat lang talaga ng nararamdaman ko.Biglang tumayo si Ace at pinagpagan ang mga buhangin na dumikit sa kanyang short. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko na siya rin namang ikinabigla ko. Bago ko tanggapin ay tumingin muna ak
Inilibot ako ni Ace pero hindi naman kami masyadong lumayo. “Pwede bang dito muna tayo kahit sandali? Gusto ko sanang hintayin ang pagsikat ng araw,” mahina kong sambit habang patuloy pa rin ang paghanga sa unti-unting pagsikat nito at ang kulay nito ay nagre-reflect sa tubig.“Sige po, maam.” Ibinaba ni Ace ang sagwan at tumanaw din sa pagsikat nito habang nakaupo siya sa kabilang banda ng bangka.“Ang ganda, diba?”Tumingin ako sa kanya pero nagtagpo ang mga mata namin dahil nakatingin pala siya sa akin.Umiwas siya agad ng tingin at nagkunwaring nakatingin na siya sa dagat. “A-Ah, opo. Grabe! Ang ganda naman noon, maam!”Napataas naman ang kilay ko at napangisi. Hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa. Ang pangit naman niya magsinungaling, sobrang exaggerated ng acting skills.“Alam mo, mabuti pa magsagwan ka na lang. Nararamdaman ko na rin na medyo nagugutom na ako,” natatawa kong sabi.“Yes, maam!” Nagkunwari pa siyang sumaludo sa akin at muntikan mahulog. Mabuti na lang ay nabala
Paggising ko, nag-unat ako ng bahagya bago imulat ang mga mata. Ang sakit ng katawan ko. HIndi naman ako napagod kahapon o kagabi. Hindi nga ako uminom.“Ah! Aray…” angal ko nang biglang sumakit ang likod ko.Alam ko na. Siguro dahil masyado ako malikot matulog kagabi. KAsi naman. Hindi ko alam paano ako pupwesto at anong pwesto gagawin ko dahil hindi ako makatulod. Gusto ko na nga magpasuntok kagabi para lang makatulog. Alang-alang sa beauty rest ko.Napukaw ng pansin ko ang ready-made breakfast sa beside table. Mayroon itong sliced banana, glass of milk, and sandwich with few slices of strawberries. Napangiti agad ako nang makita ito. Ang cute kasi ng pagkaka-arrange ng stawberries sa plate. Nakahugis puso ang mga ito.“Good morning, maam,” bati ni Manang Ester. “Sa tingin ko ay nagustuhan niyo ang breakfast na inihanda ko.” Malawak ang kanyang ngiti. Lumapit siya sa akin at kinuha ang ready-made breakfast na iyon para ilagay sa harapan ko.“Kanina pa po ba kayo diyan, manang?” tano
Gabi na at napagpasyahan ko na magkasiyahan muna kami kahit papaano kasama ng mga tauhan ng villa.Tahimik ko silang pinanood habang nagkakasiyahan. Hanggang sa nilaptan ako si Ace.“Maam, hindi magandang nagsasaya kami habang kayo nandito sa sulok,” aniya bago ako abutan ng barbeque na bagong ihaw lang. “Iniisip niyo pa rin ba ang asawa niyo?”Nabigla ako sa tanong niya kaya naman hindi ako agad nakasagot. Siguro ay napansin niya rin ang pagkabigla ko. Pero agad ko rin nabawi ang sarili mula sa pagkagulat. “Hindi ko siya asawa.”Tumango na lamang si Ace at yumuko na parang nagpipigil pa ng tawa. At napansin ko iyon. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ng masama. “At anong nakakatawa sa sinabi ko?”Umiling lang siya. “Wala po, maam. Sorry po. Di ko lang talaga mapigilang mapatawa sa kumpiyansa niyo po. Balita ko kasi mahal na mahal niyo yung asawa niyo na yon e—I mean si Nathan pala.”Hindi ko alam kung trip lang ba ako nitong lalaki na ito o talagang nakakatawa ang sinabi ko. Kung
“Manang, paki handa na ang pananghalian. Sasaglit lang ako sa labas para magpahangin,” baling ko sa katiwala ng villa na si Manang Ester. Abala ito sa pagpupunas ng mga cabinet na pinaglalagyan ng mga pigurin kaya bahagya ko siyang kinalabit.“Ay—Opo, Maam Kiara,” madaling sagot nito. Agad niyang binitawan ang ginagawa at nagtungo na sa kusina.Paglabas ko pa lang ng bahay, sinalubong na ako ng mainit na sikat ng araw. Pero kahit na masakit ito sa balat, hindi ko ito masyadong ininda dahil malamig naman ang simoy ng hangin dahil sa malakas na hampas ng mga alon.Sumilong ako sa ilalim ng puno ng niyog malapit sa tabing-dagat at maingat na naupo sa malaking bato sa ilalim nito. Sumayad sa pinong buhangin ang kulay dilaw kong bestida. Bahagya akong sumandal sa mismong puno habang nakatanaw sa matingkad na kulay asul na dagat. Kumikinang pa ito dahil sa katanghalian.Napapapikit na ako nang bigla akong makaamoy ng pabango. Agad ako nagmulat ng mata at pagbukas ko ng aking mga talukap, nak
Nag-ayos na ako ng sarili habang hinihintay si attorney. Naupo ako sa harapan ng salamin habang pinapatuyo ang buhok ko. Hinila ko ang left side ng drawer at kinuha ang punit na piraso ng papel. Ang marriage certificate namin ni Nathan—ay mali, pekeng marriage certificate pala.Pinunit ko ito ng ilang beses pa hanhggang sa maliit na piraso na lamang bago ito kuyumusin at inihagis sa basurahan.Kinuha ko ang telepono mula sa ibabaw ng table. Ilang ring lang ay may sumagot na mula sa kabilang linya. Si attorney.“Maam Kiara,” bungad nito.“Anong balita, attorney? May update ka na ba tungkol sa mga Montenegro na ‘yan?”“I’m on my way. Magkita na lang tayo diyan. Sigurado akong matutuwa ka kapahg narinig mo ang lahat ng nangyari.”Masaya ako. Totoo ‘yon. Dahil alam kong hindi lang basta good news ang maririnig ko mula kay attorney. It will bring me satisfaction.“Sige, attorney. Aasahan kong ikakatuwa ko ang mga ‘yan.”“I’m sure of that, Maam Kiara.”Nang mamatay na ang tawag, may tinawag
KIARA VALENCIA POV Lumipas ang isang linggo na puro paghahanda ang inatupag ko kasama si Atty. Raymond. Hindi muna ako nagpakita sa publiko, pero halos araw-araw kong sinusubaybayan ang balita sa corporate world. Sabi nga sa mga news article, bagsak ang stock value ng Montenegro Group simula nang
KIARA VALENCIA POV Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos apat na oras lang ang tulog ko. Imbis na mapagod, pakiramdam ko ay punong-puno ng energy ang katawan ko. Safe kong masasabi na iba talaga ang nagagawa kapag may pitong bilyong piso ka sa bank account at hindi mo na kailangang isipin
KIARA VALENCIA POV Pinupunasan ko ang gilid ng counter habang hinihintay na mag-alas siyete ng gabi. Nakahain na sa mesa ang paboritong beef stroganoff ni Nathan. Simple lang naman ang gabing ’to—second anniversary namin bilang mag-asawa. Walang malaking handaan, walang bisita. Sanay na ako na ka
Nakatayo ako sa harapan ng salamin at pinapanood ng mabuti kaaya-ayang kong repleksiyon. Hindi ko maiwasan na hangaan ang sariling ganda habang suot ang matinkad ng pulang bestidang hapit sa kurbada kong katawan at hubad sa likuran. Kita ang makinis kong balikat at hita dahil sa slit sa kaliwang ba







