Share

Chapter 140

Penulis: Lilian Alexxis
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-09 23:35:43

Nahihiyang napatingin si Marco sa asawa na sandaling natulala sa inasal ng kanyang mga magulang.

“Sorry about that. My parents’ love story is unusual.” Pinagtikom ni Marco ang kanyang mga labi.

Ngumiti nang matamis si Kara. Sa isang iglap kasi ay nasagot halos lahat ng katanungan niya kung paano naging magkapatid sina Marco at Amari.

Habang napatda naman si Marco dahil mula nang mahanap niya ang kanyang misis ay ngayon lamang ito ngumiti nang ganito ang babae pero alam niyang hindi para sa kanya ang ngiting iyon.

“Sabi mo sa akin noong ipinakilala mo sa akin si Nana Selina, may boyfriend siyang iniwan sa Pilipinas at mas pinili kang makasama rito sa US. Totoo ba iyon o talagang may relasyon na sila ni Papa Roger?” pagkuwan ay naalala ni Kara.

“Ang alam ko may boyfriend dati si Nana. Sinusundo kasi siya noon tuwing dayoff niya at ilang beses ko na rin na-meet dahil minsan sumusulpot na lang iyon kapag nasa mall kami dahil may kailangan akong bilhin,” kwento ni Marco. “I don’t know abo
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Aileen Capadosa
hahahah ipagpatuloy pa mam lilian. sabik na c marco. kailangan na din ng kapatid ni kyros para gumaling na sya..
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
hahaha cge paglawayin at taka min mo pa si Marco Kara para NMN kahit Jan lang makaganti ka sa kaniya .basta wag ka muna bibigay wag marupok ..aba masyado NMN sinuswerte yang damuhong Marco na yan kung hindi ka niya paghirapan suyuin..psbi sbi pa mahal niya si Nickle di doon siya hahaha charot
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 175

    “I only see her as my younger sister.” Paulit-ulit na naririnig ni Amari iyon sa kanyang isipan pati na ang paraan nang pagyakap ni Noah sa baywang ng kaklaseng babae kahit ilang buwan na iyong nakaraan.Napatitig sa malawak na soccer field si Amari, naroon ang buong team ni Noah na nagpa-practice. Kahapon ay kasama ng lalaki na nagpunta ang ama nito at Kuya Marco niya sa bahay nila at kinausap siya ni Noah. Hiniling ng lalaki na panoorin niya ang kanilang practice ngayon, hindi siya nangako pero natagpuan na lamang niya ang sarili na dumidiretso sa field pagkatapos ng kanyang klase.Naupo siya sa bench kung saan malapit na nakatambak ang mga gamit ng mga players. Tahimik siyang nanood ng cooking show sa kanyang phone habang nililingon-lingon si Noah na mula nang makita siya ay maya’t maya na ang pagkaway sa kanya.Kung hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki ilang buwan na ang nakalilipas, siguro ay kinikilig na siya ngayon. Hindi alam ni Noah na para siyang kinagat nang napakaraming

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 174

    Buhat ni Amari sa kanyang likod ang backpack na naglalaman ng kanyang school tablet, at supplies na kailangan sa art project habang ang kaliwang kamay naman ay bitbit ang kanyang lunch box. Pababa na siya ng school bus at huling hakbang na lang nang may kung anong pumatid sa kanya at bumagsak siya sa sementadong sahig ng drop-off point nila sa school.Nagtawanan ang lahat ng kanyang kasama sa bus maging ang ilang estudyanteng nakakita sa kanya. Namumula na ang kanyang mata at sinubukan niyang tumayo pero masakit talaga ang pagkakabagsak niya. Natahimik ang lahat nang may lumapit sa kanya at halos buhatin na siya para maiangat. Nang tingalain niya ito ay walang iba kung hindi si Noah.“Where does it hurt?” kunot ang noong tanong ni Noah kay Amari.Nakagat ni Amari ang gilid ng kanyang pisngi para pigilan ang kanyang pag-iyak. Tiningnan ni Noah ang kanyang mukha at nang may makitang sugat sa panga ng batang babae ay bigla na lamang kinwelyuhan ang isang kaklaseng lalaki ni Amari na ka

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 173

    Nagtatakbo si Amari sa likod ng bahay at hindi niya alam na sinusundan siya ni Noah, na siyang nakakita sa simpleng pananabunot sa batang babae ng madrasta nito. Bumigat ang dibdib niya sa nararanasang pang-aabuso ng batang babae sa kamay ng ina ng kanyang Kuya Marco.Alam niya ang pakiramdam ng hindi tanggap ng isang pamilya. Alam niya ang pakiramdam na makitang masaya ang kanyang ama sa binubuo nitong pamilya habang siya ay nanatiling anino ng pagkakamali ng kanyang mga magulang. Pagkakamaling nabuo noong kaedad niya lamang ang mga ito.Tahimik siyang nakatanaw sa tumatakbong bata habang binabaybay ang makitid na sementadong daan patungo sa mas madilim na likod na bahagi ng mansyon. Nilagpasan na nila ang swimming pool at garden, ngayon ay pumasok sila sa daan na may mga punongkahoy sa magkabilang gilid. Napahinto si Noah nang makitang pumasok sa isang pinto na parang malaking kubol si Amari. Pagkuwan ay bumukas ang ilaw sa loob. Ito kaya ang tirahan nilang mag-ina sa likod ng mans

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 172

    “At bakit ka naririto, Selina?” nakataas ang dalawang kilay na tanong ni Mitch nang makitang nasa kusina ang kinamumuhiang yaya ng kanyang anak na si Marco.“Pinapunta kami ni Marco,” kalmadong sagot ng babae habang tinitingnan ang pagkakaayos ng plating ng mga prutas na tinalupan at hiniwa ng chef ng mansyon.Tumawa ng hilaw si Mitch. “Pinapunta o ipinagsisiksikan mo na naman ang sarili mo?”Napabuntong-hininga si Selina. Wala siyang planong patulan ang dating amo. “Hindi rin kami magtatagal ni Amari, babati lang kami kay Marco.”Magsasalita pa sana si Mitch nang pumasok si Roger sa kusina. “Nandito lang pala kayo. Hinahanap na kayo ni Marco.”Inis na umismid si Mitch at saka lumabas ng kusina.“Pagpasensiyahan mo na lang si Mitch, Selina,” mahina ang boses na sabi ni Roger pagkuwan ay iniikot ng lalaki ang paningin sa paligid na para bang may hinahanap. “Nasaan si Amari?”“Baka nasa kuwarto niya,” maiksing sagot ni Selina na hindi man lamang nilingon ang dating asawa.“Puntahan ko si

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 171

    “Amari! Matagal ka pa ba diyan? Hapon na!” Umaalingawngaw ang boses ni Selina sa buong bahay. Nakailang katok na siya sa hagdanan pero hindi pa rin lumalabas sa kanyang silid ang sampung taong gulang na anak. Inis siyang umakyat sa hagdan at saka kinatok ang pinto ng silid ni Amari.“Anak, ikaw magpaliwanag sa kuya mo kung bakit wala pa tayo roon ha?” pananakot niya baka sakali bumilis na magbihis ang bata.Bumukas ang pinto pero bumalik sa kanyang higaan si Amari. Nakabihis na ang bata ng maong na pantalon at light pink na blusa na pinatungan ng grey na light jacket. “Mama, I know Kuya would understand if we skipped his party tonight,” tamad na sabi ni Amari habang nakatiitig sa kisame. "I'm his favorite sister, remember?"“Sa tingin mo ba hindi magtatampo ang kuya mo sa iyo? Graduation niya tapos hindi niya tayo kasama mag-celebrate?” nakahalukipkip na sabi ni Selina para konsensiyahin ang anak. "And you're his only sister. Wala naman siyang choice kung hindi maging favorite ka."

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Author's Note

    The Billionaire’s Rewritten Vow contains dialogues and scenes that are not suitable for readers below 18 years old. Every part of the story aims to impart knowledge, awareness, morals and values to every reader. Enjoy reading! -//- © 2025 All Rights Reserved This is a work of fiction. Everything written here is the product of the writer's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental. While names of actual persons, businesses, events and incidents are used in a fictitious manner. This story or parts thereof may not be reproduced in any form without prior written permission from the writer and Goodnovel.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status