
A Contract Marriage With Abe Dela Torre
Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal.
Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa.
Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap.
Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla?
Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Read
Chapter: Chapter 184Tinipon ang media sa isang conference room at doon nagbigay ng pahayag si Abe. Naka-live sa major news channels ang press conference pero gaya nga ng ipinayo ni General Laxa, wala nang ibinigay na dagdag na detalye sa media ang aking asawa. Nang ideklarang tapos na ang press conference, i-off ko na sana ang television sa loob ng tinutuluyan naming silid nang i-segue ang balita sa live na kuha sa Camp Crame kung saan inimbitahan for questioning si Mr. Ricky Razon. Isang buntong-hinga ang napakawalan ko. Maganda ang pakikitungo sa akin ng matandang lalaki at hindi pa man siguradong may kinalaman siya sa ginawa ng kanyang asawa at apo, bumibigat na ang dibdib ko. Naniniwala akong mabait siya kaya siguro kahit ilang beses na nalagay sa panganib ang buhay ko, parang ayaw ko pa rin paniwalaan na sangkot siya. Kumunot ang noo ko at mas bumigat ang pakiramdam nang ibalita ng news anchor ang pagdating nina Mr. Refuerzo at Maddie sa kampo ng PNP. Tinutulkan ng camera ang pagbaba sa van ng dat
Last Updated: 2025-11-24
Chapter: Chapter 183Agad napababa ng sasakyan si Abe at nagtawag ng stretcher. Nang maisakay sa stretcher ang ina ni Abe ay sumunod siya agad sa loob ng ospital. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ni Nathan at itinuro ako. Hindi nagtagal ay inalalayan ako ni Nathan pababa ng sasakyan at ipinakilala sa dalawang lalaki na kanyang kausap. “I want you to meet General Laxa and Colonel Tamayo,” pakilala ni Nathan.“Good evening po. Maraming salamat sa tulong,” nahihiya kong bati sa dalawa.“Walang anuman, Hija! Anything for Nathan!” nakangiting sagot ni General Laxa. “Dalhin mo ang misis mo sa loob para ma-check baka mamaya may naging epekto sa ipinagbubuntis niya ang pandurukot sa kanya.”Tumunog ang radyo ni Colonel Tamayo at lumayo muna sa amin.Napakamot ng kanyang ulo si Nathan. “How I really wish she’s mine, Uncle, pero siguro talagang sila ni Dela Torre ang tinadhana.”Umangat ang dalawang kilay ng heneral. “Dela Torre? You mean the only heir of Dela Torre Mines?”Isang payak na ngiti ang pinawal
Last Updated: 2025-11-23
Chapter: Chapter 182Agad lumebel si Abe sa akin at niyakap ako nang napakahigpit. “God, I thought I was going to lose the three of you!” halos pabulong niyang sabi.Bumitaw siya nang pagkakayakap sa akin at akmang bubuhatin ako pero mabilis ko siyang pinigilan.“Abe, itayo mo na lang ako. Mommy mo ang buhatin mo dahil nabugbog ang katawan niya nang iharang niya ang sarili niya sa mga tadyak ni Cassandra na dapat sana ay para sa akin,” kuwento ko sa aking asawa.Inalalayan niya akong tumayo at saka niya nilingon ang kanyang ina. “Thank you, mommy.”Inismiran siya ni Jacqueline. “Siyempre, apo ko pa rin ang ipinagbubuntis niya.”“Mga apo, mommy. Kambal ang panganay namin,” nakangiting sabi ni Abe.Nanlaki ang mga mata ni Jacqueline bago nilingon si Nathan na tahimik na nakatingin sa amin.“Ikaw, sino ka?” masungit niyang tanong.Nilingon namin si Nathan na umangat ang dalawang kilay at akmang magsasalita.“He’s Nathan Quinn, boss ni Isla,” pakilala ni Abe.“Itayo mo ako rito at alalayan palabas. Akala mo b
Last Updated: 2025-11-22
Chapter: Chapter 181“Stupid!” halos pabulong na sabi ni Jacqueline pero narinig ko pa rin. Sinabayan pa niya nang pag-irap sa akin.Hindi ko pinatulan ang tantrums niya. Kakayanin ko siyang i-tolerate kaysa nag-iisa ako rito. Napahawak ako sa aking tiyan bago napalingon sa paligid.“Tinatanong ko po kanina kung saan kayo isinakay baka kasi nakita ninyo kung nasaang lugar tayo dinala,” mahinahon kong tanong, umaasang sasagot siya nang maayos.“Paglabas ko ng Grace Global kagabi ay may nagtakip ng tela sa ilong ko, nang magising ako kaninang umaga ay narito na ako sa loob nito,” mahinahon din niyang sagot.Napalingon ako sa kanya. Galing siyang Grace Global? Nagtataka man ako ay mas napansin ko ang maayos niyang sagot sa akin. Kaya naman pala niyang makipag-usap nang mahinahon sa akin. “Paano kaya tayo makakatakas dito?” halos pabulong kong tanong.“Huwag kang maingay, baka marinig nila na may plano kang tumakas,” bulong niya habang tinitingnan ang dalawang lalaki na nag-babantay sa pinto.Napalingon ako s
Last Updated: 2025-11-22
Chapter: Chapter 180Napapitlag ako nang may marinig akong sumisigaw.“Ano bang kasalanan namin sa pamilya ninyo?” Pasigaw na tanong ng pamilyar na boses ng isang babae.Hilo man ay pinilit kong buksan ang mabibigat na talukap ng aking mga mata. Nanlalabo ang tingin ko sa aking paligid kaya muli akong pumikit habang iniisip kung anong nangyari at ngayon ay nasa malamig at maalikabok na semento ako ng isang hindi pamilyar na lugar. Nakatali rin ang mga kamay ko sa aking likod na bahagya nang humahapdi ang balat ko.“Inagaw ninyo ang mga Dela Torre sa anak at apo ko!” sigaw ng isa pang boses ng mas matandang babae.Naalala ko na may lalaking humila at nagsakay sa akin sa isang helicopter. May kinalaman kaya ang mga babaeng ito kung bakit ako narito? Pinilit kong idilat muli ang aking mga mata.“Anong inagaw? Ang sabi sa akin ni Abraham ay ako lang ang naging karelasyon niya! Kaya anong sinasabi mo na inagaw ko ang dati kong asawa kay Caroline?” Napatitig ako sa babaeng nakatayo at nakatalikod sa akin. Pina
Last Updated: 2025-11-19
Chapter: Chapter 179“Anak, mas safe ka rito sa condo unit natin,” nag-aalalang paggiit ni Inay habang kausap ko siya sa phone.Tatlong araw na niya akong pinapauwi sa condo pero ayaw ko dahil hindi naman siya nangangako na hindi na kakausapin si Aidan. Hinala ko nga ang lalaki ang kasama niya nitong mga nakaraang araw na lumalabas- labas siya dahil ang kuwento sa akin ni Abe, ang alam niya ay mag-iisang buwan na sa Pilipinas ang dati niyang propesor dahil kinontak daw siya nito nang dumating at sinabi nga na nasa Claveria ito pero hindi naman nabanggit sa kanya kung ano ang sadya sa aming probinsiya. Nagulat si Abe nang ikuwento ko sa kanya ang sinabi ni Inay na ang lalaking iyon ang kanyang sperm donor kaya ako nabuo. Pabiro pa akong sinita ni Abe sa bansag ko sa lalaki at pasimple akong sinabihan na dapat daw ay tanggapin ko na ang lalaking iyon sa buhay ko.Pero paano ko gagawin iyon kung masama pa rin ang loob ko sa lalaking iyon? Hindi ko magawang paniwalaan ang sinabi niya na wala siyang girlfriend
Last Updated: 2025-11-18

The Billionaire's Rewritten Vow
Pakiramdam ni Kara Baker ay isinumpa ang kanyang buhay matapos masira ang kanyang modelling career at iwan ng lalaking minahal niya. Ngayon, hinihiling ng kanyang amang may sakit na magpakasal siya sa isang lalaking hindi niya pa nakikilala upang iligtas ang kanilang publishing company mula sa tuluyang pagkalugi.
Dahil sa sama ng loob, pumunta siya sa isang bar at uminom ng labis. Nagising siyang hubo’t hubad katabi ang isang napakagwapong lalaki sa loob ng isang five-star hotel room sa umaga ng araw na dapat niyang makilala ang kanyang fiancé. Sa dinner ng dalawang pamilya, nagulat siya nang malaman na ang lalaking kanyang naka-one night stand ay siya ring kanyang fiancé.
Si Marco De Guzman, ang CEO ng isang kumpanya ng publishing, advertising, at marketing sa US at Pilipinas, ay napilitang sumang-ayon sa hiling ng kanyang mga magulang na siya ay magpakasal sa anak ng kanilang kaibigan. Bagamat inamin niya sa kanyang sarili na nagandahan siya sa babae ng unang makita sa bar at hindi maikakaila ang kanilang pagiging compatible sa kama, hindi pa rin ito ang babaeng mahal niya.
Gaano katagal kayang manatili ni Kara sa isang pagsasama na walang pag-ibig, lalo na't ang puso ng kanyang asawa ay pag-aari ng ibang babae?
Read
Chapter: Chapter 177“Our final dish for tonight is called stick-it-up! We are giving the contestants the freedom to cook a main dish that they think best describes the theme,” paliwanag ng host. “They need to finish within one hour and thirty minutes.”Mabilis na kumilos si Amari nang marinig niya ang hudyat na maaari nang magsimula. Kinuha niya ang beef sirloin at hiniwa iyon ng manipis. Pagkuwan ay pinukpok-pukpok niya ang karne para masigurong malambot ito bago ibinabad sa toyo, suka, at bawang. Itinabi niya muna iyon para naman simulan ang pagdurog sa crackers na gagamitin niyang breadcrumbs bago naghiwa ng bawang, sibuyas at parsley. Hindi nagtagal ay nag-roast siya ng pine nuts at saka iyon dinurog. Naggisa siya ng bawang at sibuyas sa kawali, nilagyan niya ng toyo, suka at constarch, hinalo hanggang sa lumapot, Nilagyan din niya ng kaunting asukal at nang kumulo ay itinabi niya.Inilatag niya ang na marinade na niyang sirloin, at saka niya maingat na inilatag ang breadcrumbs, kasunod ang cheese, t
Last Updated: 2025-10-27
Chapter: Chapter 176Pinagsalikop ni Amari ang kanyang dalawang kamay at ikiniskis iyon ng ilang ulit habang nasa back stage. Ngayon ang championship ng Palo Alto Junior Cooks at pinalad na naman siyang makapasok sa final list ng mga nakapasang mga batang nais maging chef. Dalawang round ang paglalabanan nila at grading system ang mangyayari kaya lubhang kinakabahan ang dalagita kahit pa ilang linggo siyang nagsanay para sa kanyang mga lulutuin ngayon.Isa-isa nang tinawag sa stage ang mga contestant. Bawat tinatawag ay ini-interview rin muna bago tatawagin ang susunod na contestant. Anim silang nakapasok ngayon at lahat sila ay nagmula sa pamilyang may mga pag-aaring restaurant sa buong Palo Alto. Ang isa ay ang panganay na apo ng may-ari ng Palo Alto Hotel and Casino na isang seven-star hotel at ito ang laging nangunguna sa kanilang qualifying rounds na pinagdaanan. Habang silang lima ay anak o apo ng mga may-ari ng sikat na resort, restaurants at diners. “Now, our last contestant and the youngest among
Last Updated: 2025-10-27
Chapter: Chapter 175“I only see her as my younger sister.” Paulit-ulit na naririnig ni Amari iyon sa kanyang isipan pati na ang paraan nang pagyakap ni Noah sa baywang ng kaklaseng babae kahit ilang buwan na iyong nakaraan.Napatitig sa malawak na soccer field si Amari, naroon ang buong team ni Noah na nagpa-practice. Kahapon ay kasama ng lalaki na nagpunta ang ama nito at Kuya Marco niya sa bahay nila at kinausap siya ni Noah. Hiniling ng lalaki na panoorin niya ang kanilang practice ngayon, hindi siya nangako pero natagpuan na lamang niya ang sarili na dumidiretso sa field pagkatapos ng kanyang klase.Naupo siya sa bench kung saan malapit na nakatambak ang mga gamit ng mga players. Tahimik siyang nanood ng cooking show sa kanyang phone habang nililingon-lingon si Noah na mula nang makita siya ay maya’t maya na ang pagkaway sa kanya.Kung hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki ilang buwan na ang nakalilipas, siguro ay kinikilig na siya ngayon. Hindi alam ni Noah na para siyang kinagat nang napakaraming
Last Updated: 2025-09-28
Chapter: Chapter 174Buhat ni Amari sa kanyang likod ang backpack na naglalaman ng kanyang school tablet, at supplies na kailangan sa art project habang ang kaliwang kamay naman ay bitbit ang kanyang lunch box. Pababa na siya ng school bus at huling hakbang na lang nang may kung anong pumatid sa kanya at bumagsak siya sa sementadong sahig ng drop-off point nila sa school.Nagtawanan ang lahat ng kanyang kasama sa bus maging ang ilang estudyanteng nakakita sa kanya. Namumula na ang kanyang mata at sinubukan niyang tumayo pero masakit talaga ang pagkakabagsak niya. Natahimik ang lahat nang may lumapit sa kanya at halos buhatin na siya para maiangat. Nang tingalain niya ito ay walang iba kung hindi si Noah.“Where does it hurt?” kunot ang noong tanong ni Noah kay Amari.Nakagat ni Amari ang gilid ng kanyang pisngi para pigilan ang kanyang pag-iyak. Tiningnan ni Noah ang kanyang mukha at nang may makitang sugat sa panga ng batang babae ay bigla na lamang kinwelyuhan ang isang kaklaseng lalaki ni Amari na ka
Last Updated: 2025-09-28
Chapter: Chapter 173Nagtatakbo si Amari sa likod ng bahay at hindi niya alam na sinusundan siya ni Noah, na siyang nakakita sa simpleng pananabunot sa batang babae ng madrasta nito. Bumigat ang dibdib niya sa nararanasang pang-aabuso ng batang babae sa kamay ng ina ng kanyang Kuya Marco.Alam niya ang pakiramdam ng hindi tanggap ng isang pamilya. Alam niya ang pakiramdam na makitang masaya ang kanyang ama sa binubuo nitong pamilya habang siya ay nanatiling anino ng pagkakamali ng kanyang mga magulang. Pagkakamaling nabuo noong kaedad niya lamang ang mga ito.Tahimik siyang nakatanaw sa tumatakbong bata habang binabaybay ang makitid na sementadong daan patungo sa mas madilim na likod na bahagi ng mansyon. Nilagpasan na nila ang swimming pool at garden, ngayon ay pumasok sila sa daan na may mga punongkahoy sa magkabilang gilid. Napahinto si Noah nang makitang pumasok sa isang pinto na parang malaking kubol si Amari. Pagkuwan ay bumukas ang ilaw sa loob. Ito kaya ang tirahan nilang mag-ina sa likod ng mans
Last Updated: 2025-09-28
Chapter: Chapter 172“At bakit ka naririto, Selina?” nakataas ang dalawang kilay na tanong ni Mitch nang makitang nasa kusina ang kinamumuhiang yaya ng kanyang anak na si Marco.“Pinapunta kami ni Marco,” kalmadong sagot ng babae habang tinitingnan ang pagkakaayos ng plating ng mga prutas na tinalupan at hiniwa ng chef ng mansyon.Tumawa ng hilaw si Mitch. “Pinapunta o ipinagsisiksikan mo na naman ang sarili mo?”Napabuntong-hininga si Selina. Wala siyang planong patulan ang dating amo. “Hindi rin kami magtatagal ni Amari, babati lang kami kay Marco.”Magsasalita pa sana si Mitch nang pumasok si Roger sa kusina. “Nandito lang pala kayo. Hinahanap na kayo ni Marco.”Inis na umismid si Mitch at saka lumabas ng kusina.“Pagpasensiyahan mo na lang si Mitch, Selina,” mahina ang boses na sabi ni Roger pagkuwan ay iniikot ng lalaki ang paningin sa paligid na para bang may hinahanap. “Nasaan si Amari?”“Baka nasa kuwarto niya,” maiksing sagot ni Selina na hindi man lamang nilingon ang dating asawa.“Puntahan ko si
Last Updated: 2025-09-28