LOGIN<3
Nang mga sumunod na araw, labis na ipinagtataka ni Noah ang kapansin-pansing pag-iwas sa kanya ni Amari. Gustong-gusto niyang tanungin ang dalagita kung may nagawa ba siyang mali para iwasan ngunit hindi na niyang magawang puntahan pa ang dalagita tuwing recess dahil sadyang busy na ang batch nila dahil sa sunud-sunod na projects at exam. Idagdag mo pa ang practice nila sa nalalapit na finals ng Inter-school Soccer match at ang pagtulong niya sa kanyang lolo sa pagawaan nila ng mga armas. Nagsimula na kasi siyang i-expose ng kanyang lolo sa kanilang negosyo.Nagkakasya na lamang siya sa paminsan-minsang pagsulyap sa dalagita at sa mga ipinararating na balita sa kanya ng ilang kakilala at inutusang magbantay kay Amari. Nag-aalala kasi siya na mapagtripan na naman ang kanyang prinsesa, kaya mabuti nang mayroong siguradong proteksiyon ang dalagita. Isang Sabado bago siya dumiretso sa kanilang kumpanya, dumaan ang binata sa bahay nina Amari. Pinatuloy siya ni Selina kahit natutulog pa si
Excited si Noah sa inihanda niyang surpresa para kay Amari. Ilang araw niya itong pinag-isipan at sana ay mapasaya niya ang dalagita. Titig na titig naman si Amari sa masayang mukha ni Noah na nakaakbay sa kanya at iginigiya siya patungo sa labas ng kanilang eskuwelahan. Pagkuwan ay nilingon siya ng binata at nagtama ang kanilang paningin. Kapwa lumakas ang pintig ng mga puso nila at hindi na nila magawang tanggalin ang titig sa bawat isa.“Noah!”Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Thiago ang bestfriend ni Noah. Nagsenyasan lang ang dalawang lalaki at walang naintindihan si Amari sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan.“Sorry about that. Let’s go!” masayang pagyaya ni Noah.Tumango lamang si Amari dahil pakiramdam niya ay nakaapak ang kanyang mga paa sa alapaap.Pinuntahan muna nila ang school bus ni Amari, kinausap ni Noah ang driver bago sila nagtungo sa lobby ng eskwelahan kung saan naghihintay na ang driver at dalawang bodyguard. Naka-park rin ang dalawang
Parating pa lang ang sinasakyang school bus ni Amari sa drop off area ay napukaw na ang atensyon ng lahat sa kumpulan ng mga estudyante sa isang gilid. Kaya pagbaba ng mga sakay ng school bus ay doon lahat nagtakbuhan ang mga estudyante para makiusyoso.Napatingin sa kanyang orasan si Amari, maaga pa naman kaya nakisilip na rin ang dalagita sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Noah na masayang nakikipag-usap sa isang babae na nang humarap sa gawi niya ay agad niyang nakilala. Siya ang nanalong champion sa Palo Alto Junior Cooks.Parang may tumusok sa kanyang dibdib na nakikitang nag-uusap ang babae at si Noah kaya tumalikod na siya at naglakad palayo sa lugar na iyon. Nagtataka lang siya kung anong ginagawa ng babae sa ekwelahan niya dahil hindi naman sila schoolmates.Pagdating ng recess, tulad noon ay mag-isa siyang kumakain sa canteen at hindi na siya nagulat nang tabihan siya ni Noah. Inilapag ng lalaki ang isang canned juice sa kanya
“Our final dish for tonight is called stick-it-up! We are giving the contestants the freedom to cook a main dish that they think best describes the theme,” paliwanag ng host. “They need to finish within one hour and thirty minutes.”Mabilis na kumilos si Amari nang marinig niya ang hudyat na maaari nang magsimula. Kinuha niya ang beef sirloin at hiniwa iyon ng manipis. Pagkuwan ay pinukpok-pukpok niya ang karne para masigurong malambot ito bago ibinabad sa toyo, suka, at bawang. Itinabi niya muna iyon para naman simulan ang pagdurog sa crackers na gagamitin niyang breadcrumbs bago naghiwa ng bawang, sibuyas at parsley. Hindi nagtagal ay nag-roast siya ng pine nuts at saka iyon dinurog. Naggisa siya ng bawang at sibuyas sa kawali, nilagyan niya ng toyo, suka at constarch, hinalo hanggang sa lumapot, Nilagyan din niya ng kaunting asukal at nang kumulo ay itinabi niya.Inilatag niya ang na marinade na niyang sirloin, at saka niya maingat na inilatag ang breadcrumbs, kasunod ang cheese, t
Pinagsalikop ni Amari ang kanyang dalawang kamay at ikiniskis iyon ng ilang ulit habang nasa back stage. Ngayon ang championship ng Palo Alto Junior Cooks at pinalad na naman siyang makapasok sa final list ng mga nakapasang mga batang nais maging chef. Dalawang round ang paglalabanan nila at grading system ang mangyayari kaya lubhang kinakabahan ang dalagita kahit pa ilang linggo siyang nagsanay para sa kanyang mga lulutuin ngayon.Isa-isa nang tinawag sa stage ang mga contestant. Bawat tinatawag ay ini-interview rin muna bago tatawagin ang susunod na contestant. Anim silang nakapasok ngayon at lahat sila ay nagmula sa pamilyang may mga pag-aaring restaurant sa buong Palo Alto. Ang isa ay ang panganay na apo ng may-ari ng Palo Alto Hotel and Casino na isang seven-star hotel at ito ang laging nangunguna sa kanilang qualifying rounds na pinagdaanan. Habang silang lima ay anak o apo ng mga may-ari ng sikat na resort, restaurants at diners. “Now, our last contestant and the youngest among
“I only see her as my younger sister.” Paulit-ulit na naririnig ni Amari iyon sa kanyang isipan pati na ang paraan nang pagyakap ni Noah sa baywang ng kaklaseng babae kahit ilang buwan na iyong nakaraan.Napatitig sa malawak na soccer field si Amari, naroon ang buong team ni Noah na nagpa-practice. Kahapon ay kasama ng lalaki na nagpunta ang ama nito at Kuya Marco niya sa bahay nila at kinausap siya ni Noah. Hiniling ng lalaki na panoorin niya ang kanilang practice ngayon, hindi siya nangako pero natagpuan na lamang niya ang sarili na dumidiretso sa field pagkatapos ng kanyang klase.Naupo siya sa bench kung saan malapit na nakatambak ang mga gamit ng mga players. Tahimik siyang nanood ng cooking show sa kanyang phone habang nililingon-lingon si Noah na mula nang makita siya ay maya’t maya na ang pagkaway sa kanya.Kung hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki ilang buwan na ang nakalilipas, siguro ay kinikilig na siya ngayon. Hindi alam ni Noah na para siyang kinagat nang napakaraming







