Share

Chapter 57

last update Last Updated: 2025-05-11 17:37:12

Napalingon si Marco sa kanyang tabi at saka napangiti nang makitang naka-idlip na ang asawa. Naisip kasi niyang isama na lang sa San Francisco ang misis para makapasyal habang nasa conference siya. Kahit inaantok ay sinunod naman siya ni Kara at mabilis na naligo at nagbihis.

“Mr. De Guzman…”

Pinanlakihan ni Marco ng mata si Enrique na nakaupo sa tabi ng driver at sinenyasan para tumahimik. Agad naitikom ni Enrique ang bibig. Sinenyasan ni Marco ang assistant na i-text sa kanya ang sasabihin.

Hindi makaangal si Enrique dahil nakita niyang tulog ang asawa ng kanyang boss at siguradong sasabunin siya ng lalaki sakaling magising ang asawa nito. Napakamot na lamang siya ng kanyang ulo dahil mahaba sana ang kanyang sasabihin kaya siguradong matatagalan siya sa pagtitipa sa kanyang cellphone.

Napatingin si Marco sa kanyang relo, inaasahan niyang makakarating sila sa San Francisco bago mag alas-siyete ng umaga para may oras pa silang sabay na mag-almusal bago niya ihahatid ang babae sa hot
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 57

    Napalingon si Marco sa kanyang tabi at saka napangiti nang makitang naka-idlip na ang asawa. Naisip kasi niyang isama na lang sa San Francisco ang misis para makapasyal habang nasa conference siya. Kahit inaantok ay sinunod naman siya ni Kara at mabilis na naligo at nagbihis. “Mr. De Guzman…”Pinanlakihan ni Marco ng mata si Enrique na nakaupo sa tabi ng driver at sinenyasan para tumahimik. Agad naitikom ni Enrique ang bibig. Sinenyasan ni Marco ang assistant na i-text sa kanya ang sasabihin.Hindi makaangal si Enrique dahil nakita niyang tulog ang asawa ng kanyang boss at siguradong sasabunin siya ng lalaki sakaling magising ang asawa nito. Napakamot na lamang siya ng kanyang ulo dahil mahaba sana ang kanyang sasabihin kaya siguradong matatagalan siya sa pagtitipa sa kanyang cellphone.Napatingin si Marco sa kanyang relo, inaasahan niyang makakarating sila sa San Francisco bago mag alas-siyete ng umaga para may oras pa silang sabay na mag-almusal bago niya ihahatid ang babae sa hot

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 56

    Pasado alas dose ng madaling-araw nang magising si Marco sa tawag ni Axel. Halos katutulog lamang niya dahil may mga binasa pa siyang kontrata.“Bro, tinakbo si Tita Angie sa ospital,” malungkot ang boses na panimula ni Axel.Napadilat ang mga mata ni Marco sa narinig at saka maingat na nilingon ang misis na natutulog. Dahan-dahan siyang tumayo sa pagkakahiga at lumabas ng kanilang silid. “Anong nangyari?” kunot-noong sagot ni Marco.“Anak niya yung nakakulong, Marco. Malamang aatakihin sa puso yung matanda!” naiinis na sagot ni Axel sa pinsan dahil parang hindi ang lalaki ang may gawa noon.“Nagtatanong lang ako ng detalye, Axel. Bakit ka sa akin nagagalit? N’ung kelan lang galit na galit ka rin kay Allona, ngayon ako na ang kaaway mo?” diretsahang sagot ni Marco.Hinampas ni Axel ang manibela ng kanyang sasakyan sa nararamdamang disappointment. Gusto niyang puntahan kanina si Allona pero ayaw ng babae makipag-usap sa kanya. Nanatili siya sa loob ng kanyang SUV at nakita pa niyang p

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 55

    Nang makatulog si Kara doon pa lamang dinampot ni Marco ang kanyang cellphone na kanina pa walang hinto sa pag-ilaw. Inilagay niya iyon sa silent mode kanina nang hindi na siya tinitigilan nina Axel, Tim at maging ng kanyang ina sa pagtawag. Abogado lamang niya ang nasa presinto para siguruhing makukulong si Allona dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng kanyang asawa.Sobra-sobra na ang naranasan nito kay Allona at hindi siya makapapayag na hindi makakasuhan at magtatanda ang kanyang stepcousin.Lumabas si Marco ng kanilang silid at sinagot ang tawag ni Mitch.“Anak, ano ba iyong iniiyak ng Tita Angie mo? Ipinakulong mo raw si Allona?” nag-aalalang tanong ni Mitch sa anak.“Ma, si Allona ang babaeng nasa video scandal ni Kara. In-edit ang mukha at ginawang si Kara. Palalagpasin ko na sana tutal napabura ko na naman na sa internet at iyon ang dahilan kaya hiniwalayan siya ng Deschanel na iyon at napangasawa ko. Pero sumusobra na si Allona at ayaw tigilan si Kara

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 54

    Napatitig si Kara sa mga mata ni Marco at may kung anong nagpataba sa kanyang puso. Inilapit pa ng lalaki ang kanyang mukha sa asawa at marahang inangkin ang pang itaas na labi ng kanyang misis. Kusa namang gumanti nang halik ang babae.Hindi iyon nagtagal at mismong si Marco rin ang bumitaw. Inayos niya ang tumakas na ilang hibla ng buhok na humarang sa maamong mukha ni Kara. “Marco,” panimula ni Kara. Lumunok pa ang babae bago nagpatuloy. “Does that mean I can actually work and have a career?”Tumango si Marco. “I am reconsidering our conversation last time.”Nagningning ang mga mata ng babae. Gusto kasi niyang mapag-aralan kung paano patakbuhin ang publishing company nila dahil kahit saan tingnan ay darating ang panahon na kailangan niyang pamahalaan ang kanilang negosyo.“Thank you, hubby,” nakangiting sabi ni Kara at saka siya nag-tiptoe para dampian nang halik ang labi ng lalaki na ngayon ay mababanaag ang kasiyahan sa mga mata sa narinig na pagtawag sa kanya ng asawa.Hinawaka

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 53

    “Gutom ka na ba?” malambing na tanong ni Marco kay Kara.“Medyo,” pabulong na sagot ng babae.Ipinikit ni Kara ang mga mata at isiniksik ang mukha sa leeg ni Marco habang kalong-kalong siya ng asawa. Nasa sala sila ng kanilang unit at naghihintay sa ipinalutong pagkain mula sa restaurant. Nagdesisyon si Marco na iuwi na si Kara para mas mapanatag ang loob ng asawa.“Ang sabi kanina ay paalis na ang magde-deliver. Konting tiis na lang,” ani Marco na sinabayan pa nang pagmamarakulyo ng tiyan na narinig ni Kara dahilan para maupo siya nang maayos.“Sarili mo pala ang kinukumbinsi mo. Akala ko ako,” pakantiyaw na sabi Kara.Isang malawak na ngiti ang puminta sa mukha ni Marco at sumilay ang mga biloy sa magkabilang pisngi ng lalaki. Hindi kasi siya tumikim nang kahit na anong pagkain sa meeting niya kanina.Napatitig si Kara sa mukha ng kanyang asawa. Mula kasi nang makilala niya ang lalaki ay ilang ulit pa lamang niya nakita ang mga biloy na iyon. Para bang lumilitaw lamang ang mga iyon

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 52

    Mahigit isang oras na ngunit nakatayo pa rin si Victor sa loob ng restaurant. Nakaharap lamang siya sa glass wall na para bang patuloy na pinapanood ang ilang ulit na pagbabago ng kulay ng kalangitan dahil sa papalubog na araw. Napabuntong hininga ang lalaki nang maisip kung bakit siya napadpad sa lugar na iyon. Paborito ni Kara ang mga ganoong tanawin kaya nang mapabalita na may bagong bukas na seven star hotel sa Palo Alto at isa sa ipinagmamalaki nito ay ang magandang view ng sunset mula sa kanilang restaurant ay agad na lumipad si Victor mula sa Paris patungong Palo Alto.Kararating lamang niya kanina at sa mismong hotel na siya nag-check in. Excited niyang pinuntahan ang restaurant para tingnan ang sinasabing magandang spot bago yayayain sana si Kara doon para maghapunan. Ngunit hindi niya inaasahang madaratnat doon si Kara. Noong una ay inakala pa niya na namamalkmata lamang siya o ‘di kaya naman ay dala na iyon ng sobrang pangungulila sa dating kasintahan na pinagsisisihan ni

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 51

    Napasinghap ang mga tao sa restaurant at pinagtinginan ang dibdib ni Allona. Maging si Victor na hindi tinatapunan ng tingin ang katawan ng babae ay napilitan na ring tingnan iyon. Napakunot ang noo niya nang maalala na ganoon na ganoon nga ang hitsura at puwesto ng nunal sa dibdib ng babaeng nasa video na kamukha ni Kara. Nakuyom niya ang kanyang kamao sa galit. Iniisip na niyang umalis sa restaurant na iyon dahil unti-unti siyang nakararamdam ng kahihiyan para sa kanyang katangahan. Nilingon niya si Kara na tahimik at walang emosyong nagmamasid sa kanilang lahat. Tumawa nang napakalakas si Allona dahilan para lumipat ang atensiyon ng mga tao sa kanyang mukha.“You’re bluffing!” sagot ng babae kay Marco.Walang emosyong hinarap ni Marco si Allona. Lalo naman kumunot ang noo ni Victor. “Are you saying that he’s lying?”“What else? He knows you cannot debunk his claim because you were never intimate with Kara when you were together. He can easily divert the attention to me because

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 50

    Isinuot ni Kara ang isang simpleng set diamond earrings and necklace na ipinares niya sa off shoulder dark blue dress. Binili nila iyon ni Marco last week sa mall para sa pupuntahan nilang dinner sa bagong bukas na seven-star hotel sa Palo Alto. Gustong subukan ng lalaki ang mga pagkain doon dahil ayon sa review ay magaling daw ang chef ng restaurant.Paglabas ni Kara sa kanilang unit ay naghihintay na si Samuel. Manggagaling pa kasi si Marco sa San Francisco dahil nag-attend ito ng pagpupulong ng mga businessman sa buong California. Pagdating nila sa main lobby ng Rosewood Resorts and Casino, dumiretso sila sa elevator.“What time is their ETA?” tanong ni Kara kay Samuel habang paakyat ang elevator sa floor kung nasaan ang restaurant.“They are expected to arrive in ten minutes,” magalang na sagot ni Samuel.Tumango lamang si Kara. Pagdating sa tamang floor ay sinamahan siya ni Samuel hanggang sa makaupo sa pina-reserve na spot ni Marco bago nagpaalam na magpupunta sa restroom.Napa

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 49

    “Bakit gumising ka na? Go back to sleep,” malambing na utos ni Marco kay Kara nang makitang nagliligpit na ng kanilang kama.“Naiinip na ako dito sa bahay, puwede ba ako tumulong kay Dad sa publishing house?” Isang alanganing ngiti ang pinawalan ni Kara. Nag-aalala siyang hindi payagan ng asawa.Bahagyang kumunot ang noo ni Marco, tila nag-iisip kung pagbibigyan ba ang asawa. Nilapitan siya ni Kara.“Please? Naisip ko lang na sayang naman ang napag-aralan ko kung hindi ko magagamit,” pakiusap ng babae at saka nito niyakap sa baywang ang lalaki. Sinubukan pa niyang magpa-cute.“Hindi mo naman kailangang magtrabaho. Puwede mong bilhin lahat ng gusto mo, ubusin mo yung laman ng binigay ko sa iyong debit card, ikaskas mo pa ang black card,” mahabang litanya ni Marco para kontrahin ang hinihiling ng asawa.Bumitaw sa pagkakayakap ang babae at humaba na ang nguso. “Hindi naman pera at shopping ang gusto ko kaya ako magtatrabaho.”Masama ang loob na iniwan niya ang asawa at pumasok sa loob n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status